WorksheetsPangwakas na Pagsusulit ( Masistemang Pangangalaga ng Pananim)
Total questions: 30
Worksheet time: 30mins
Broadcasting Method
Side Dressing Method
Basal Application Method
Ring Method
Gata ng niyog
tawas at apo
Makabuhay at tanglad
sili
Ito ang mga kulisap na sumisipsip ng mga nektar ng mga bulaklak at ginagawang matamis na pulot. Tumutulong din ito sa polinasyon ng mga bulaklak.
Laywan
Langaw
Langgam
Leafrollers
Ano ang dapat gawin sa mga tanim na gulay?
Lagyan ng maraming kemikal na abono.
Hayaang lumaki ang mga gulay ng hindi binibisita.
Bigyan ng wastong pagdidilig at pagbubungkal sa lupa.
Patubuin ang maraming damo sa paligid ng mga tanim na gulay.
Ito ay dapat gawin upang makahinga ang mga ugat ng mga tanim na gulay.
diligin ng malinis na tubig
pausukan ng mga tuyong dahon
lagyan ng maraming pataba ang lupa
bungkalin ang mga lupang nakapaligid
Anong halaman ang kailangan ang mababaw na pagbubungkal ng lupa?
Sa mga halamang makapal ang ugat
Sa mga halamang manipis ang tangkay
Sa mga halamang pino ang ugat at malalago ang dahon
Sa mga halamang pino ang ugat at manipis na tangkay
Ito ang katangian ng halaman na nagpapatibay sa mga halaman laban sa malakas na hampas ng hangin.
maiikling ugat
mahahabang ugat
maninipis na ugat
makakapal na ugat
Bakit dapat gawing regular ang pagtanggal ng mga damong ligaw sa paligid ng halaman?
Dahil hindi maaarawan ang mga halamang gulay
Dahil makikisalo at makikihati sa sustansya ng lupa at tubig
Dahil dumadami ang mga kulisap na sisira sa mga halaman.
Dahil hindi nito maagaw ang pataba at tubig na ibinibigay para sa halaman.
Bakit kailangang ingatan ang pagdidilig ng mga halaman?
Para hindi umalsa ang lupa
Para madaling gumapang ang mga halamang dinidiligan.
Para hindi masira o mapinsala ang halamang dinidiligan
Para ang mga ugat ay malunod ng husto at kumapit sa mga damong nakapaligid.
Bakit kailangang maglagay ng bakod sa paligid ng mga halaman?
Ang mga bakod ay harang sa mga damo
Ang mga bakod ay maaaring lagyan ng sampayan.
Ang mga bakod ay magagapangan ng mga halaman.
Ang mga bakod ay harang sa mga alagang hayop sa paligid.
Bakit mahalaga ang pagbubungkal ng lupa sa mga tanim na halaman na gulay?
Dahil liliit ang mga ugat ng mga halaman.
Dahil darami ang mga ugat ng tanim na halaman.
Dahil iiksi ang mga ugat ng mga tanim na halaman.
Dahil lalaki ang mga dahon ng mga tanim na halaman.
Bakit kailangang maglagay ng pataba habang bata pa ang tanim na halaman
Dahil sa pataba mabubuhay ang mga tanim na halaman.
Dahil sa panahong ito, kailangan ng tanim ang sustansiya mula sa lupa.
Dahil sa pataba maraming kemikal na makukuha ang mga tanim na halaman.
Dahil ang pataba ang lalapitan ng mga kulisap at tutulungang lumaki agad ang mga tanim na halaman.
Isa itong gabay para sa isang taong gustong mag-alaga o magparami ng mga pananim.
Abonong Organiko
Kalendaryo ng Pagtatanim
Talaaan ng Pagsasapamilihan
Basket composting
Kailan maaaring maglagay ng abono sa pananim?
bago magtanim
habang nagtatanim
pagkatapos magtanim
lahat ng nabanggit
Bakit mahalaga ang “intercropping”?
Makatitipid sa pagbili ng komersiyal na pamatay peste
Upang hindi lapitan ng mga peste ang mga pananim
Nadaragdagan nito ang sustansiya ng lupa.
Tama ang lahat ng nabanggit
Paano nakatutulong ang “intercropping” sa pamumuhay ng mag-anak?
Maraming aanihin na pananim at madaragdagan ang kita ng pamilya
Higit na lalaki ang gastos sa pagbili ng pamatay peste
Nagpapadami ito ng peste sa pananim
Walang naitutulong ito sa pamumuhay ng mag-anak
Paano nakatutulong ang “intercropping” sa ating kapaligiran?
Higit na magiging marumi ang kapaligiranHigit na magiging marumi ang kapaligiran
Maiiwasan ang polusyon sa hangin.
Nakadadagdag tensiyon at suliranin.
Hindi ito nakatutulong sa kapaligiran.
Upang masugpo ang pamiminsala ng mga kulisap at insekto sa mga pananim, maaari itong _______?
tanggalin sa pamamagitan ng kamay
budburan ang mga dahon ng pulbos ng tabako
bombahin ng organikong pamatay peste
lahat nang nabanggit
Sa pagdidilig ng halaman, dapat gumamit ng ________ na butas upang maiwasang mapinsala ang mga bulaklak o bunga ng pananim
maliliit
malalalim
malalaki
malalapad
Ilang beses sa isang lingo dapat bungkalin ang lupa sa paligid ng halaman?
isa
tatlo
dalawa
apat
Paano mo matutulungan ang iyong kaibigan na makatipid sa gastusin sa pataba sa kanyang pananim?
Bigyan siya ng komersiyal na abono.
Turuan siyang gumawa ng abonong organiko.
Sabihan siya na bumili ng komersiyal na pataba.
Hayaan na lamang siya
Kailan ang tamang oras ng pagdidilig ng pananim?
hapon
umaga at hapon
umaga
tanghaling tapat
Sa paghahalaman, binibigyang pansin ang pangngalaga ng tanim upang maging mabilis at malusog ang pagtubo ng mga ito. Alin sa mga sumusunod ang inilalagay sa lupa upang maisakatuparan ito?
mga bulok na binhi
abonong organiko
mga kahoy
mga sirang pagkain
