wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Regional Mid-Year Assessment

Total questions: 50

Worksheet time: 27mins

Name
Class
Date
1.

1.    Nagkaayaan ang magkaibigang Nick at Jay na pumunta sa bukid upang manguha ng gagamba. May pasok sila sa araw na iyon at mahigpit silang pinagbawalan ng kanilang mga magulang na pumunta sa bukid. Ano ang nararapat nilang gawin?

a)

A.    Pupunta sila upang makarami nang huli.

b)

B.    Susuwayin ang mga magulang at ipagpapatuloy ang balak.

c)

C.    Susundin ang pagbabawal ng mga magulang at papasok sa klase.

d)

D.   Magsisinungaling sa mga magulang at sasabihing may gagawing proyekto sa bahay ng kaklase.

2.

2. Aling pasya ng nakararami ang dapat mong sang-ayunan?

a)

A.  pasya ng matatalino 

b)

B.   pasya ng matatanda 

c)

C. pasya ng mayayaman

d)

D. pasyang makabubuti sa lahat

3.

3. Nawalan ng trabaho ang mga magulang ni Gina dahil sa pandemya. Kailangan niyang huminto sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng pera. Ano ang kaniyang dapat gawin?

 

a)

A.    Magtatampo siya sa kaniyang magulang dahil pinahihinto siya sa pag-aaral.

b)

B.    Ikatutuwa niya ito dahil pagod na rin siyang mag-aral at nais niyang maglaro naman.

c)

C.    Hihinto na lamang at sasama sa kaniyang mga barkadang magliliwaliw.

d)

D.   Hahanap siya ng mabuti at angkop na mga paraan upang maipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.

4.

4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na ang teknolohiya ay nakatutulong sa pagbibigay ng wastong impormasyon?

a)

A.    Naglalaro si Lino ng online games.

b)

B.    Nanonood si Lino ng mga pelikula online.

c)

C.    Nagsasaliksik si Lino ng kaniyang mga aralin gamit ang internet.

d)

D.   Nagtatanong si Lino sa kaniyang kapitbahay gamit ang chat tungkol sa mga sagot ng kaniyang takdang-aralin.

5.

5.  Ano ang nararapat gawin ni Lino kung nahaharap siya sa suliranin ng pagkakaroon ng sirang cellphone gayong malapit na ang pasukan at kailangan niya ito sa paggawa ng performance task?

a)

A.    Pilitin niya ang magulang na bilhan siya ng bagong cellphone lalo na at huling taon na niya sa elementarya.

b)

B.   Kausapin  ang       kaniyang  mga guro at ikuwento niya ang pinagdaraanang suliranin ukol sa kawalan ng gadget.

c)

C.    Suriin niyang mabuti ang kaniyang sitwasyon at hahanap ng ibang alternatibo upang makabahagi pa rin sa pag-aaral online.

d)

D.    Humanap ng mapapasukang trabaho upang makapag-ipon ng sapat na perang pambibili ng bagong cellphone.

6.

6.  Bilang isang mahalagang kasapi ng pamilya, ang pakikinig, pagsusuri, at pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ay isang kaaya-ayang katangian. Paano mo ito maipakikita?

a)

A.    Ipipilit ang sariling pananaw at hindi susunod sa pasya ng iba.

b)

B.    Hahayaan silang magdesisyon dahil wala ka ring maitutulong.

c)

C. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasya na.

d)

D.   Tutulong upang maisakatuparan ang desisyon ng nakararami.

7.

7. Bakit mahalaga na ang batang tulad mo ay nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari?

a)

A.   Nakatutulong ito na makilala mo nang higit ang iyong tunay na pagpapahalaga.

b)

B.     Nabibigyan mo nang linaw ang mga bagay at pangyayari nang may tamang katuwiran.

c)

C.     Naiiwasan mong makaranas ng anomang uri ng mabibigat na isyu o suliranin araw-araw.

d)

D.    Nakatutulog ka nang mahimbing sa gabi ng walang inaalalang anomang problema

8.

8. Paano maiiwasan ni Josie ang pagkuha ng maling impormasyon?

a)

A.    Kukuha lamang siya ng mga impormasyon sa kaniyang mga kaibigan at kapitbahay.

b)

B.    Aalamin niya kung mapagkakatiwalaan ang pinagkunan ng impormasyon.

c)

C.    Ibabahagi niya sa iba ang kaniyang nabasa kahit ito ay hindi pa beripikado.

d)

D.    Maniniwala siya kaagad sa kaniyang mga nabasa sa social media.

9.

9. May bagong kaibigan si Eman na nakilalala niya sa kanilang paaralan. Nais malaman ni May ang pagkakakilanlan nito. Alin sa sumusunod ang hindi niya dapat sabihin kay May?

a)

A.  edad niya 

b)

B.   pangalan niya   

c)

C. paaralan niya

d)

D. pin ng atm card niya.

10.

10.   Nagkaroon ng pagpupulong ang klase nina Beth sa ikaanim na baitang upang pag-usapan ang pagdiriwang ng Filipino Values Month na gaganapin sa susunod na linggo. Binigyan ang bawat isa ng pagkakataong ipahayag ang kanilang saloobin at opinyon tungkol sa mga napagkasunduang detalye. Ano ang dapat at tama nilang sasabihin?

a)

A.    “Wala na ba kayong maisip na ibang paraan?”

b)

B.    “Bakit hindi ninyo naisipang ibahin ang plano?”

c)

C.    “Kaisa ninyo ako sa bahaging iyan, lubos akong nananalig.”

d)

D.   “Sana sa susunod, hindi lang kayo ang laging masusunod.”

11.

11.   Ang tamang impormasyon ay mahalaga upang magkaroon tayo nang tamang pagpapasya. Alin sa sumusunod ang HINDI nagbibigay patnubay upang malaman natin kung wasto o gawa-gawa lamang ang mga impormasyon?

a)

A.    Alamin kung ang impormasyon ay may sapat na basehan.

b)

B.    Siyasatin kung ang taong nagbibigay nito ay kapani-paniwala.

c)

C.    Alamin kung ang impormasyon ay ayon sa mga eksperto.

d)

D.   Paniwalaan kaagad ang impormasyon na sinabi ng iyong kaibigan.

12.

12.   Natalo ang grupo nina Madel sa paligsahan sa pagsasayaw. Ano ang dapat niyang maging pasya bilang lider ng grupo?

a)

A.   Nagpasya siyana     hindi na sumali sa susunod na gaganaping paligsahan sa sayaw.

b)

B.  Nagpasya 

siyang pagalitan 

ang mga 

miyembrong 

nagkamali sa kanilang galaw.

c)

C.    Nagpasya siyang sisihin ang mga miyembrong di-gaanong marunong sumayaw.

d)

D.   Nagpasya siyang kausapin ang miyembro na bumawi at pagbutihin ang pagsasayaw sa susunod.

13.

13. Bumili si Carmela ng kendi sa tindahan. Sobra ang isinukli ng tindera sa kaniya. Ano ang nararapat niyang gawin?

a)

A.    Isasauli niya kaagad sa tindera ang sobrang sukli.

b)

B.    Ibibili niya uli ng kendi sa tindahan ang sobrang sukli.

c)

C.    Uuwi siya sa bahay at hihingin kay nanay ang sobrang sukli.

d)

D.   Tatanungin niya si nanay kung ano ang gagawin sa sobrang sukli.

14.

14.  Bakit mahalaga ang tulong ng ibang tao sa paggawa natin ng pasya?

a)

A.    Upang magkaroon tayo ng taong sisisihin kapag nagkamali tayo sa ating pasya.

b)

B.    Upang magabayan tayo sa mga posibleng bunga ng mga pasyang ating gagawin.

c)

C.    Upang malaman natin ang kaniyang sekreto at problema sa buhay.

d)

D.   Upang may ibang taong kakampi at sasang-ayon sa hindi mabuting pasyang magagawa natin.

15.

15. May dumating, nagpapakilalang kolektor ng appliances. Wala sa bahay ang nanay at tatay mo. Hinihingi niya ang cellphone number ng mga magulang mo.

Ano ang dapat na gagawin mo?

a)

A.    Hindi papasukin ang nagpapakilalang kolektor at tatawagan ang iyong ina sa cellphone.

b)

B.    Patutuluyin ang nagpapakilalang kolektor sa bahay at papaghintayin sa tawag ng iyong ina.

c)

C.    Tatawagan ang kapitbahay at hihingi ng kanilang opinyon kung papasukin ba ang nagpapakilalang kolektor.

d)

D.   Isasara na kaagad ang pinto at hahayaang maghintay ang nagpapakilalang kolektor sa labas.

16.

16.  Isang pirasong pritong isda na lang ang natitira sa ulam nina Tomas. Gutom na siya at napansin niyang gayundin ang dalawa pa niyang kapatid. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

A.    Kakainin niya itong mag-isa dahil siya naman ang mas nakatatanda.

b)

B.    Itatago niya ang ulam upang pare-pareho na silang hindi makakain.

c)

C. Hahatiin niya 

ang isda sa pirasong magka

kasya sa kanilang magkakapatid.

d)

D.   Ililihim niya na may ulam pang natira upang maiwasan ang pagkakainggitan.

17.

17.   Nakita mo sa post sa social media na kinansila ang pasok dahil sa malakas na hangin at pabugso-bugsong ulan. Ano ang iyong dapat gawin?

a)

A.  Maniniwala kaagad at magpapasya na hindi na lamang papasok.

b)

B.   Sasabihin sa nanay na walang pasok dahil sinabi ng iyong kaklase.

c)

C.    Itanong sa guro kung totoo ang impormasyong iyong nabasa online.

d)

D.   Alamin sa mga malalapit na kaibigan kung totoo na walang pasok.

18.

18. Pasahan na ng proyekto ninyo kinabukasan pagkatapos nang mahabang bakasyon. Ngunit wala ka pang nauumpisahang gawin sa mga ito dahil inuuna mo ang paglalaro ng mga online games. Ano ang tamang pasya mo tungkol dito?

a)

A.    Sasabihin ko sa guro ko na nawala ang mga ginawa kong proyekto ko.

b)

B.    Pakikiusapan ko ang nanay na siya ang gumawa sa iba kong proyekto.

c)

C.    Gagawin ko nang maayos ang aking proyekto kahit magagahol ako sa oras.

d)

D.   Magsisinugaling ako sa aking guro at sasabihing nabasa ng tubig lahat ng aking mga proyekto.

19.

19.  Madalas na may nawawalang gamit sa loob ng inyong silid-aralan. Nagtapat sa iyo ang iyong kaibigan na siya ang kumuha sa mga ito ngunit nahihiya siyang umamin sa guro. Bilang isang kaibigan, ano ang dapat mong gawin?

a)

A.    Ikahihiya ko ang aking kaibigan at hindi ko na siya papansinin.

b)

B.    Ipamamalita ko sa iba ang aking nalaman tungkol sa aking kaibigan.

c)

C.    Tatahimik na lamang ako sapagkat nahihiya rin ako sa ginawa ng kaibigan ko.

d)

D.   Tutulungan ko ang aking kaibigan na magtapat sa aming guro upang siya ay matulungan na maiayos ang lahat.

20.

20.  Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita na ang impormasyon ay nakatutulong?

a)

A. Si Rose na nanonood ng online video maghapon.

b)

B. Si Carlo na sumusunod sa mga sinasabi ng mga kinauukulan.

c)

C. Si Anna na nakikinig sa kuwentuhan ng mga kapitbahay niya.

d)

D.   Si Lino na nagbabahagi ng memes mula sa hindi kapani-paniwalang

news page.

21.

21. Ang pagiging mapanuri sa isang sitwasyon ay mahalagang katangian bago gumawa ng pasya o desisyon ang isang tao. Paano ito higit na nakatutulong sa paggawa ng isang desisyon?

a)

A.  sa pamamagitan ng pagtitimbang ng sitwasyon at pagiging bukas ang isipan para sa opinyon ng iba

b)

B.  sa pamamagitan ng pakikinig lamang ng iisang opinyon mula sa mga malalapit na kaibigan

c)

C. sa pamamagitan ng pagbibigay ng biglaang desisyon sa bawat sitwasyon

d)

D. sa pamamagitan ng pagtatangging makita ang kahinaan at kalakasan ng iba

22.

22.   Bakit kailangan nating pahalagahan ang pasyang nakabubuti para sa nakararami?

a)

A.    upang matawag na matalino ang bawat isa sa pagpapasya

b)

B.    upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan ng bawat isa

c)

C.    upang mayroong mga taong masisisi sa bandang huli

d)

D.   upang mabigyan ang bawat isa ng pagkakataong sumikat para sa sariling interes

23.

23.      Sa isang pagsasaliksik, nalaman mo na ang palagiang paglalaro ng virtual game ay nakasasama sa kalusugan. Alam mong paborito itong laruin ng iyong nakatatandang kapatid. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

A.    Tatakutin ko ang aking nakatatandang kapatid sa posibleng mangyari sa kaniya.

b)

B.    Hahayaan ko ang aking nakatatandang kapatid dahil hindi naman siya makikinig sa akin.

c)

C.    Sasabihin ko sa aming magulang ang aking natuklasan upang mapagalitan siya.

d)

D.    Papaalalahanan siyang iwasan ang palagiang paglaro ng virtual game

dahil may masamang epekto ito sa kalusugan.

24.

24.    Nakita mong naninigarilyo ang sampung-taong gulang na anak na iyong kapitbahay. Ano kaya ang tamang gawin para matulungan mo siya?

a)

A.  Ipagsawalang-kibo na lamang ito.

b)

B.    Isumbong sa pulis upang mapagsabihan.

c)

C.    Ipagbigay-alam ang nakita sa kaniyang magulang.

d)

D.   Ipamalita sa mga kabarangay ang nakita upang mapahiya.

25.

25.  Ang mga kaklase mong sina Theo at Shalom ay magdiriwang ng kanilang kaarawan. Tama bang bigyan mo sila pareho ng regalo kahit mas malapit ka kay Theo?

a)

A.    Hindi, dahil hindi ko naman kaibigan si Shalom.

b)

B.    Hindi, dahil alam kong hindi namimigay si Shalom ng regalo sa akin.

c)

C.    Oo, para bigyan din ako ni Shalom ng regalo kapag ako ang may kaarawan.

d)

D.   Oo, dahil alam kong marunong silang magpahalaga ng mga bagay gaano man kaliit ang halaga nito.

26.

26. Aling pahayag ang tumutukoy sa kahulugan ng responsibilidad?

a)

A.    Tungkuling tinutupad ng indibidwal sa sarili, pamilya, kapuwa, at komunidad.

b)

B.    Takdang-gawain ng bawat indibidwal sa tahanan, paaralan, at pamilihan.

c)

C.    Trabaho na kailangang gawin ng indibidwal para lamang sa pamilya at minamahal.

d)

D.   Tanging obligasyong dapat gampanan ng indibidwal para sa kaniyang sarili lamang.

27.

27. Bakit nga ba mahalaga ang pagtupad sa responsibilidad ng isang tao?

a)

A.    Nagpapahiwatig ito ng paggalang, pagpapakumbaba, at pagkamasiyahin.

b)

B.  Nagpapanatili ito ng mabuting ugnayan sa kapuwa, kaibigan at kapamilya.

c)

C.    Nagpapakita ito ng pagkakaroon ng bukas na isipan tungo sa pagkakaisa.

d)

D.  Nagpapatunay ng pagiging mapanagutan sa bawat post sa social media.

28.

28. Sa mga pagkakataon na tayo ay nakalilimot na magpakita ng kahalagahan ng pagiging responsable sa kapuwa, ano ang dapat nating gawin?

a)

A.    Hayaan na lang na ito ay makalimutan ng ating kapuwa at huwag nang pag-usapan pa.

b)

B.    Huwag pansinin ang ating kapuwa upang makaiwas sa pagtatalo o paninisi na hindi kinakailangan.

c)

C.    Hintayin na lumapit ang ating kapuwa upang malaman kung masama ba ang loob niya sa atin o hindi.

d)

D.   Humingi ng paumanhin at ipaliwanag ang dahilan kung bakit naisasawalang-bahala natin ito minsan.

29.

29.   Alin     sa     sumusunod       na     sitwasyon     ang   nagpapakita  ng     pagiging responsable sa kapuwa?

a)

A.    Si Arnel na pinasasagutan ang mga gawain sa kaniyang takdang aralin sa magulang.

b)

B.    Si Don na isinasauli ang mga gamit na kaniyang hiniram sa itinakdang oras.

c)

C.    Si Marlo na nagbibigay ng mga sagot upang hindi na mahirapan ang kaklase.

d)

D.   Si Eli na nililibre ang mga pinsan gamit ang perang ibinibigay ng magulang.

30.

30.   Magkakaroon ng pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Sinabi  ni Paul sa kaibigan niya na tutulungan niya ito sa pag-aaral ng mga leksiyon. Isang araw bago ang pagsusulit ay biglang nagbago ang isip ni Paul at hindi na niya tinupad ang kaniyang sinabi na tutulungan ang kaniyang kaibigan. Naging responsable ba siya sa kaniyang kaibigan?

a)

A.    Oo, dahil sa kaniyang ginawa ay natutuhan na niyang mag-aral nang mag-isa.

b)

B.    Oo, dahil pinasalamatan pa nga si Paul sa bandang huli sa kaniyang ginawa

c)

C.    Hindi, dahil inunang isipin ni Paul na mas magiging mataas ang iskor nito kaysa sa kaniya.

d)

D.   Hindi, dahil binalewala ni Paul ang kaniyang pangako na pagtulong sa kaniyang kaibigan.

31.

31.   Ito ay tumutukoy sa pahayag na sinumpaan o pinanatang gawin na maaaring may kasiguraduhan sa pagtupad o hindi.

a)

A.    Pagkilos 

b)

B.    Pangako

c)

C. Pagsunod

d)

D. Pakikisama

32.

32.   Isang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin isinasauli ng kaibigan mong si Simon ang iyong paboritong libro. Ipinangako niya sa iyo na ibabalik niya rin ito kinabukasan. Ano ang dapat na gagawin mo?

a)

A.    Isusumbong ko siya sa kaniyang magulang upang siya ay mapagalitan.

b)

B.    Ipararamdam kong masama ang aking loob sa hindi niya pagsauli ng libro.

c)

C.    Iisipin ko na lamang na ito ay nakalimutan niya at hindi niya ito sinasadya.

d)

D.   Ipapaalala ko sa aking kaibigan ang pagsasauli ng hiniram na gamit sa tamang oras.

33.

33.     Tayong mga Pilipino ay may kasabihan tungkol sa pangako, Huwag mong yakapin ang puno kung alam mong hindi mag-aabot ang iyong mga kamay.” Ano ang ibig sabihin nito?

a)

A.    Ang iyong pangako ay walang mga kaakibat na pananagutan.

b)

B.    Ang iyong binitiwang pangako sa iba ay dapat madaling tuparin.

c)

C.    Huwag kang magbibitiw ng pangakong hindi mo kayang tuparin.

d)

D.   Huwag kang mangangako para makaiwas ka na makasakit ng iba.

34.

34.  Ipinangako ng tatay ni Lala sa kaniya na pagdating nito mula sa trabaho ay tutulungan at gagabayan siya nito sa paggawa ng learning activity sheets. Ngunit dahil sa pagod ng kaniyang tatay ay nakatulog na ito pagdating sa kanilang tahanan. Ano sa palagay mo ang dapat maging tugon ni Lala ukol sa pangyayaring ito?

a)

A.Ipagsasawalang kibo na lamang ni Lala ang nangyari.

b)

B. Ilalahad sa tatay ang saloobin hinggil sa nangyari.

c)

C.    Iiyak na lamang at kalilimutan na ang pangyayari.

d)

D. Iisiping hindi na hihingi ng tulong sa tatay kailanman.

35.

35.  Bakit mahalaga ang tumupad sa pangako o kasunduan?

a)

A.    Indikasyon ito ng pagiging totoo mo sa binitiwang salita.

b)

B.    Iniiwas ka nito na mapahiya sa taong iyong pinangakuan.

c)

C.    Inilalapit ka nito sa pagtanggap ng maraming pagpapala.

d)

D.   Itinutuwid nito ang mga pagkakamaling nagagawa sa iba.

36.

36.  Ano ang kabutihang naidudulot ng pakikipagkaibigan?

a)

A.    Natututuhan nating makinig sa opinyon at umunawa sa damdamin ng iba.

b)

B.    Nagagawa nating pagtakpan ang kasalanang nagagawa ng kaibigan para siya ay mailigtas.

c)

C.    Naiimpluwesyahan tayong gumawa ng mga bagay para sa ating sarili lamang.

d)

D.   Nahihikayat tayong baguhin ang ating kilos at ugali para ituring na kaibigan din.

37.

37. Paano mapananatili ang mabuting pakikipagkaibigan?

a)

A.    Kailangan na ang gusto mo lamang ang dapat na masusunod.

b)

B.    Kailangan na maging tapat at totoo sa isa’t isa, positibo man o hindi.

c)

C.    Kailangan ang palagiang panlilibre, pagtatawanan, at pagtutuksuhan.

d)

D.    Kailangan ang pagbibigay ng kabuoang oras sa paglalaro ninyo online.

38.

38.  Sina Mabi at Mer ay matalik na magkaibigan simula noong bata pa sila. May pangako silang mananatiling magkaibigan hanggang paglaki. Ngunit dumating ang araw na nag-aral si Mer sa Maynila. Pagkalipas ng ilang taon ay bumalik si Mer at kapansin-pansin na malaki ang ipinagbago niya. Kinalimutan at ipinagpalit na niya ang dating kaibigang si Mabi sa mga bago pa lamang niyang nakakasama. Sa kanilang muling pagkikita, ano ang dapat gawin ni Mabi?

a)

A.    Ipagkalat sa social media na hindi mabuting kaibigan si Mer.

b)

B.    Magalit at magtanim ng sama ng loob sa itinuring na kaibigan.

c)

C.    Kausapin ang kaibigan upang maintindihan ang kaniyang dahilan.

d)

D.   Huwag nang pansinin pa ang matalik niyang kaibigan kahit kailan.

39.

39.   Sa pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan matatamo ang isang mapayapang komunidad. Ano ang ipinapahiwatig nito?

a)

A.    Mapapababa nito ang bilang ng naitatalang kaguluhan sa lugar.

b)

B.    Magiging magalang, masipag, at matulungin ang mga residente.

c)

C.    Maraming tao ang magiging masayahin at mawawalan ng suliranin.

d)

D.   Maiwawaksi ang kasamaan kung may kabutihan at pagmamahalan.

40.

40.  Ano ang dapat na gagawin mo sa iyong kaibigang nabigong tuparin ang pangako niya sayo?

a)

A.    Magagalit at magtatanim ako ng sama ng loob sa aking kaibigan dahil binigo niyang tuparin ang ipinangako.

b)

B.     Kausapin ko siya upang maintindihan ko ang dahilan kung bakit hindi niya tinupad ang kaniyang pangako sa akin.

c)

C.     Ipagkakalat ko sa lahat na masama siyang kaibigan sa kadahilanang hindi niya tinupad ang kaniyang pangako.

d)

D.    Gagawin ko rin sa aking kaibigan ang ginawa niya sa akin na hindi pagtupad sa pangakong binitiwan.

41.

41. Ano ang ibig sabihin ng “matapat sa salita at sa gawa?”

a)

A.    Sinasalita ang totoo at ginagawa ang mabuti upang sumikat at sabihing tapat.

b)

B.    Sinasabi at ginagawa niya ang totoo mayroon at wala mang taong nakakakita.

c)

C.    Sinasang-ayunan niya ang mabuti lalo na kung makikinabang nang higit ang sarili.

d)

D.   Sinisigurong tunay ang mga nababasa at napanonood bago totoong maniwala.

42.

42.  Bakit kailangang pag-aralan ng mga bata ang kahalagahan ng pagiging matapat?

a)

A.    Makatutulong ito upang umunlad ang kani-kanilang buhay pagdating ng araw.

b)

B.    Magsisilbi itong gabay upang magawa nilang mapagtakpan ang katotohanan.

c)

C.    Masasanay sila sa pagsasabi ng totoo at pagpili na sabihin ito gaano man kasakit.

d)

D.   Matututo sila na hindi na kailanman gumawa ng pagkakamali at makapamumuhay ng mapayapa.

43.

43. Sa anong sitwasyon maisasabuhay ang pagiging matapat?

a)

A.    Tamang halaga ang ibinabayad ko kapag sumasakay sa pampublikong sasakyan.

b)

B.    Tumatanggi akong sumali sa gawain sa barangay kapag sa tingin ko ay hindi iyon kapakipakinabang.

c)

C. Tama lang na angkinin  ang papuri  para sa isang proyektong pampaaralan na mahusay na ginawa ng iba.

d)

D.   Tinutulungan ko ang kapatid na tapusing sagutin ang learning activity sheet kapag malapit na itong ipasa sa guro.

44.

44.     Sa “Honesty Store” ay iniiwanan ng may-ari ng tindahan ang kanilang mga paninda nang walang nagbabantay. Kusang nagbabayad ang mga tao ng tamang halaga kahit walang nakatingin. Karapat-dapat bang tularan ang katangian ng mga tao? Bakit?

a)

A. Oo, dahil 

nasisiguro nilang lahat ng mamamayan ay likas na matulungin.

b)

B. Oo, dahil naipamamalas nila ang pagiging matapat sa kanilang mga gawa.

c)

C.    Oo, dahil nagiging halimbawa sila ng wastong pagpapahayag ng pagtulong.

d)

D.   Oo, dahil naisasagawa nila ang turo na maging tapat sa tahanan at paaralan lamang.

45.

45.    Alam mong may ilang araw nang hindi pumapasok sa paaralan ang nakatatanda mong kapatid. Nais mong magtapat sa inyong mga magulang ngunit tinatakot ka ng iyong nakatatandang kapatid. Sasang-ayon ka ba sa kagustuhan niya?

a)

A.    Oo, dahil mas malilinang ang kaniyang kagalingang taglay sa labas ng paaralan.

b)

B.    Oo, dahil bilang mapagmahal na kapatid, dapat kong unawain at igalang ang kaniyang gusto.

c)

C.    Hindi, dapat malaman ito ng aking mga magulang upang siya ay matulungan at dahil ito ang tamang gawin.

d)

D.   Hindi, isusumbong ko siya para pagalitan ng aking mga magulang at tuluyang patigilin na sa kaniyang pag-aaral.

46.

46.   Ano ang tawag sa magandang pag-uugaling ipinapakita o ipinararamdam sa pamamagitan ng mataas na pagkilala o pagtingin?

a)

A.    Pagkampi    

b)

B.    Pagtatangi 

c)

C. Pagdamay

d)

D. Paggalang

47.

47. Bakit mahalaga ang ideya o suhestiyon?

a)

A.    Magbibigay ito ng walang hanggang kasiyahan at kaginhawaan sa ating kapuwa.

b)

B.    Makapagbibigay ito ng mahalagang imbensiyon sa mundo na bibigyan ng pagkilala.

c)

C.    Makakatulong na makabuo ng konkretong bagay na magiging kapaki- pakinabang.

d)

D.   Makatutulong ito sa ating kapuwa lalong-lalo na sa oras ng kanilang pangangailangan.

48.

48.   Naibahagi ni Seng sa kaniyang nakatatandang kapatid ang pagsali niya sa paligsahan ng islogan. Humingi siya ng suhestiyon at pinayuhang  umisip muli ng panibagong islogan na mas maganda ang pahayag at disenyo ng pagkakasulat. Kung ikaw si Seng, ano ang dapat mong gawin?

a)

A.    Maiinis sa kapatid dahil mahirap gumawa ulit ng panibagong slogan.

b)

B.    Magpapasalamat sa suhestiyon at subukang gawin ang iminungkahi niya.

c)

C.    Makikiusap na lamang sa kapatid na siya na lamang ang gumawa ng

slogan.

d)

D.   Magpupumilit na ilaban ang sariling gawa at huwag pansinin ang suhestiyon niya.

49.

49.  Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapuwa?

a)

A.    “Sabi niya ay hindi raw maganda ang boses ko. Ayoko na uling kumanta.”

b)

B.    “Sapat ang ibinahagi mong ideya para sa aking gagawing proyekto. Salamat.”

c)

C.    “Sang-ayon akong magaling ka talaga. Ngunit, hayaan mo ako sa aking diskarte.”

d)

D.   “Marami ka nang mga nabanggit na mga ideya. Kung maaari ay tumigil ka na.”

50.

50. Pinagalitan si Che ng kaniyang nanay sa kasalanang hindi niya ginawa. Kalaunan, umamin sa kaniya ang nakababatang kapatid na siya talaga ang may kasalanan at nangakong sasabihin ito sa kanilang nanay patawarin lamang siya. Kung ikaw si Che, ano ang nararapat mong gawin?

a)

A.    Ibigay ang kapatawaran sa nakababatang kapatid

b)

B.    Iwasan na ang kapatid upang hindi na muling mapahamak.

c)

C.    Isumbong ang kapatid sa nanay upang maturuan ng leksiyon.

d)

D.   Ipagsawalang bahala na lamang ito dahil tapos na itong mangyari.