Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

pagbibigay pamagat at wakas

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

MAGBIGAY NG PAMAGAT:

Ang pating ay isang uri ng karniborong isda. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit na limandaang uri ng pating. Karamihan ng uri ng pating ay nananatili sa tubig-dagat ngunit may iilang nabubuhay sa tubig tabang. Ang pinakamaliit na pating ay may habang anim na pulgada. Ang pinakamahaba naman ay ang butanding.Ito ay umaabot sa haba na labindalawang metro.

Ano ang maaari nating ibigay na pamagat dito?

a)

Ang Nakakatakot na Isda

b)

Ang Iba't Ibang Uri ng Pating

c)

Ang Pating

2.

MAGBIGAY NG PAMAGAT:

Sabik na sabik si Julia na pumasok sa paaralan ngayong araw na ito. Kagabi pa lamang ay inihanda na niya ang kanyang uniporme. Naka-ayos na rin ang kanyang bag at baunan. Pagtunog ng kanyang relo, mabilis na bumangon si Julia upang maligo na. Dali-dali siyang nagbihis at pumunta sa silid-kainan. "Julia, mukhang handa ka na para sa unang araw ng pasukan," ang bati ng kanyang nanay. "Opo! Sabik na po akong pumasok!" ang sagot ng bata.

a)

Ang Unang Araw ng Pasukan

b)

Sabik nang Pumasok si Julia

c)

Ang Paaralan ni Julia

3.

MAGBIGAY NG PAMAGAT:

Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing pasalubong ng panauhin.

a)

.Ang Pagiging Magiliw sa Panauhin

b)

Ang mga Panauhing Darating

c)

.Ang Pagpapadala ng mga Pasalubong

4.

MAGBIGAY NG PAMAGAT:

Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng pag-awit, pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produkto nating gawang kamay na tulad ng binurdahan at nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang larangan.

a)

Ang Kahusayan sa Pag-awit

b)

Ang Pagiging Malikhain ng mga Pilipino

c)

Ang Magagandang Produkto ng mga Pinoy

5.

MAGBIGAY NG PAMAGAT:

Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.

a)

.Tradisyon ng mga Pilipino

b)

Kapistahan ng mga Pilipino

c)

Ang Bayanihan

6.

MAGBIGAY NG WAKAS:

Si Aiza ay may halamanan sa harap ng bahay. Alagang-alaga niya ito. Araw-araw ay dinidiligan niya ang mga halaman. Inaalis niya ang tuyong dahon at mga kulisap na naninirahan sa mga halaman. Minsan naman, binubungkal niya ang paligid ng mga halaman.

Nilalagyan din niya ng pataba ang lupa kayâ ______________________.

a)

A. namatay ang mga halaman

b)

B. lumago at namulaklak ang mga halaman

c)

C. napigil ang paglaki ng mga halaman

d)

D. natuyo ang mga halaman

7.

MAGBIGAY NG WAKAS:

Maagang pumapasok sa paaralan si Kian. Pagdating niya sa paaralan ay naglilinis agad siya. Nakita ito ng kaniyang guro. Pinagsabihan si Kian ng guro ng ______________.

a)

A. ang bait mo

b)

B. tamad ka

c)

C. ang sipag mo

d)

D. mag-aral ka pa

8.

MAGBIGAY NG WAKAS:

Dumalo sa kaarawan ng kaniyang kaibigan si Nicole. May dalá siyang regalo. Binuksan ng kaniyang kaibigan ang dalang regalo ni Nicole. Natuwa siya dahil ito ay isang manika. Ang manika ay inilagay niya sa __________.

a)

A. baul

b)

B. kusina

c)

C. bubong

d)

D. lagayan ng laruan

9.

MAGBIGAY NG WAKAS:

May tatlong magkaibigan, sina Erwin, Ben at Raffy. Sila ay laging magkakasama. Isang araw, sila ay pumunta sa opisina ng punung -gurong walang paalam at sinira nila ang mga papeles ng Punung-guro.

a)

A. Nahuli at pinagsabihansila ng punung-guro at pinatawag ang kanilang magulang

b)

B. Hindi na sila pinagalitan

c)

C. Sila ay hindi nahuli ng punung-guro

d)

D. tumakas sila

10.

MAGBIGAY NG WAKAS:

Tuwing umaga, magkasabay na pumapasok si Annie at Greg sa paaralan. "Tara" , maglakad na tayo para hindi tayo mahuli sa klase, ani Greg. "Sige" sagot ni Annie. " Meron nga pala tayong pagsusulit ngayon sa Filipino. nag-aral ka ba? sabi ni Greg. "Oo naman, pinaghandaan ko ang araw na ito."

a)

A. Kaya hindi sila pumasok sa klase

b)

B. Kaya hindi sila nakasagot sa pagsusulit.

c)

C. Kaya naman sila ay masayang sumagot sa kanilang pagsusulit. Nakakuha sila ng mataas na grado.

d)

D. Kaya mababa ang marka nila.