NEW
Font size
WorksheetsGrade 7 FILIPINO MIDYEAR EXAM
Total questions: 50
Worksheet time: 3hrs 30mins
1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mensahe ng bulong?
A. kantahin tungkol sa damdamin ng tao, paglalarawan at pakikitungo sa kapaligiran, pananalig, pag-asa, pag-ibig at paglalahad ng iba-ibang kaugalian
B. isang panalangin na binuhay sa pagnanais na makamtan ang pagbabago sa hinaharap na pangyayari sa kapalaran
C. isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay ng isang maikling salaysay na napapalooban ng mahahalagang pangyayari
D. nagtataglay ng maraming katangian, maliwanag at maayos ang pagkakasulat ng mga tagpo at kaisipan upang maging maganda at epektibo sa mga mambabasa
1. Anong ipinahihiwatig ng may akda sa katangian ng mga Pilipino sa pahayag sa baba?
Sapagkat walang matirhan ang sinalanta ng bagyo, ang mga natirang buhay na naninirahan sa Baysay ay nagpasyang muling kumilos upang humanap ng lugar na may mga burol na magsisilbing pananggalang sa malakas na hangin.
A. Nagkakaisa at nagtutulungan sa oras ng kagipitan.
B. Handang humanap at gumawa ng solusyon sa problema.
C. Nakababangon muli pagkatapos ng isang malakas na unos.
D. Handa nilang harapin ang anomang pagsubok at hamon sa buhay.
3. Pinangunahan ng mga lespu ang pagsasagawa ng checkpoint. Ang antas ng wika ng salitang lespu ay ____________.
A. balbal
B. kolokyal
c. lalawiganin
d.pormal
4. Araw-araw makikita ang pitong dalaga habang nagsasagawa ng kanya-kanyang gawaing bahay. Mahihinuha mula rito na sila ay ______________.
A. malilinis
B.mapagmahal
c. masayahin
d.masisipag
5. Alin sa mga sumusunod na salita ang nasa tamang ANTAS ng pang-uri batay sa kahulugan ayon sa pagkasunod-sunod?
A. A. inis, asar, galit, poot
B. pagmamahal, paghanga, pagliyag, pagsinta
c. pighati, lumbay, hapis, lungkot
d. tinangkilik, inalagaan, kinupkop, kinalinga
6. Ang pangalang Guibaysayi ay ____________ ng kagandahan ni Bungangsakit. Ano ang angkop na salitang paghahambing upang mabuo ang pahayag?
A. higit
B. lalong
C. mas
d. tulad
7..Sa pahayag na “____________ maging positibo ang mga magulang sa pagkakataong ito dahil ang droga ay mahigpit na kalaban ngayon ng lipunan”. Anong angkop na salita ang dapat ilagay sa puwang upang mabuo ang editoryal na panghihikayat?
A. Pwedeng
B. Kailangang
C. Siguradong
d. Madaling
8. Ang mga mumunting isla ay tinawag na Isla de los Siete Pecados o Mga Isla ng mga makasalanan, ito’y bilang pag-alala sa pagsuway ng mga anak na dalaga sa kanilang ama. Ano ang taglay na ugali ng mga anak ang mahihinuha sa alamat?
A. sila’y mabubuting anak
B. sarili lamang ang iniisip
C. may mga sariling pagpapasya
d.hindi marunong makinig sa payo
9. Kung ako ang tatanungin, ang pagsusuot ng face mask alinman sa sulok ng Pilipinas ay mabisang paraan pa rin upang makaiwas sa Covid-19. Anong bahagi ng pahayag ang nagpapakita ng pagmamatuwid?
A. kung ako ang tatanungin
B. mabisang paraan pa rin
C. A. pagsusuot ng face mask
d. upang makaiwas sa Covid-19
10.Anong antas ng wika ang mahihinuha sa linyang ‘Ing sukal ning lub ku, susukdul king banua’, ng awiting Atin Ku Pung Singsing?
A. balbal
B. kolokyal
C. lalawiganin
porm
d. porm
11. Kung ikaw ang nasa katayuan ng pitong dalaga sa kuwentong “Alamat ng Pitong Makasalanan”, gagawin mo rin ba ang pag-iwan sa kanilang ama?
A. Hindi, ngunit wala na akong ibang matutuluyan.
B. Hindi, dahil mas iiral ang pagmamahal ko sa ama.
C. Oo, sapagkat makakikilala pa ako ng higit sa aking kasintahan.rm
d. Oo, dapapwat napamahal na ako sa lugar na aking nakagisnan.
12. Ano ang damdaming nangingibabaw sa pahayag na “Nagtago ang mga kababaihan nang malamang gagawin silang alay”, ayon sa tindi ng kahulugang ipinahihiwatig nito? 1. bigla 2. pangamba 3. kaba 4. takot
A. 1, 2, 3,4
4,3,2,1
3,4,1,2
1,4,3,2
13.“_____ malakas ang puwersa ng mga tulisang-dagat kaysa mga misyonerong Heswita”. Aling angkop na salitang paghahambing ang gagamitin upang mabuo ang pahayag?
A. Higit na
B. Hari ng
C. Mas
D. Ubod ng
Basahin at unawain ang sumusunod na talata. Mula sa mga salitang pagpipilian makabubuo ka ng isang editoryal na nanghihikayat.
Sa aking pagninilay-nilay, ___________ ngang napakaswerte pa natin kung hanggang ngayon ay buhay pa rin tayo, malusog, malakas at kasama ang ating pamilya. Ang buhay na kaloob ng Diyos sa atin ang __________ na pinakamagandang biyaya sa araw-araw.
_____________ ganito din ang iyong naiisip, tama ba? __________ napagtanto mo din na isa ka sa biniyayaan ng Panginoon ng buhay kaya nararapat lamang na ito ay pahalagahan, pagyamanin at huwag kalimutan na maging mabuti.
hango sa brainly.ph
14. Ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga salita sa ibaba, alin ang dapat isulat sa mga patlang upang mabuo ang editoryal na nanghihikayat?
A, . siguradong, pero, Walang duda, sadyang
B. totoo, tunay, Naniniwala akong, siguradong
C. tama, ngayon na, Tumpak, kitang-kita
D.ito na, subalit, Kailangan, nararapat
15. Ano ang iyong sariling hatol sa sitwasyong pinagtatawanan ng kabataan ang mga naririnig na mga awiting-bayan?
A. Kailangan silang pangaralan ng kanilang mga magulang.
B. Nararapat na ituon ang sarili sa pag-aaral ng panitikan.
C. Dapat magkatuwang ang guro at magulang sa pagtuturo nito.
D. Maaaring lumahok sa mga paligsahan na may kaugnayan sa panitikan.
16. Naniniwala akong gaano man kasama ang isang tao, _________________.
Ano ang mabubuo mong ideya o pagmamatuwid mula sa pahayag?
A. Mabubuhay pa rin siya.
B. Mayroon ng poot na nakatanim sa puso.
C. Wala ng natitirang kabutihan sa kanya.
D. May kabutihan pa rin sa kanyang puso.
17.Mahal na mahal ko ang aking kabiyak. Ang katumbas ng salitang nakasalungguhit sa antas ng pampanitikan ay _________________.
A. bahagi ng puso
B. bunga ng pag-ibig
C. katuwang sa buhay
D. sigaw ng damdamin
18.Naging mabilis ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at pitong estranghero. Sa puntong ito ang mga dalaga’y?
A. mabilis matukso
B. madaling kausap
C. madaling umibig
D. mahirap ligawa
19. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pinakamasidhing damdamin?
A. Labis siyang nagdalamhati sa pagkawala ng kanyang magulang.
B. Masayang nagtatampisaw sa dalampasigan ang magkakaibigan.
C. Nagandahan ang mga dalaga sa ibinigay na regalo sa kanila.
D. Walang magawa ang ama kundi umiyak nang maiwang mag-isa
20. Ayon sa mga mamimili, ___________ na mababa ang bilihin ngayon kaysa kahapon.
Aling salita ang angkop upang mabuo ang pahayag?
A. di-gaanong
B. di-gasinong
C. C. di-hamak
D.di-lubhang.
21. Suriin ang sumusunod na pahayag mula sa Pilipino Star Ngayon.
1. Dapat kamay na asero ang gamitin para wala nang magtapon ng basura na nagdudulot ng pagbaha. Kung hindi maghihigpit, walang katapusan ang problema
2. Basura ang pangunahing dahilan kaya nagbabaha sa Metro Manila. Matagal nang problema ito. Ilang dekada na ang nakalilipas subalit baha pa rin ang problema.
3. Ngayon ay malinis na ang estero pero maaaring bukas o sa mga susunod na araw, tambak na naman ang basura roon. Balik na naman sa dati sapagkat walang disiplina ang mga nakatira.
4. Noong nakaraang linggo, nagsagawa ng paglilinis sa Estero de Magdalena ang Metro Manila Development Authority (MMDA). Nagtulung-tulong para alisin ang napakaraming basurang plastic.
Mula sa sumusunod na pahayag sa itaas, alin ang wastong pagkakasunod-sunod upang makabubuo ng isang editoryal na nanghihikayat?
A. 1 4 3 2
B. 2 3 1
C. 2 4 3 1
D. D. 3 1 2 4
22.. Si Pilemon, Si Pilemon
Nangisda sa karagatan
Nakahuli, nakahuli
Ng isdang tambasakan
Ang diwa o kaisipang isinasaad ng linyang ito ay _____________.
A. Ang isa sa sikat na gawain ng mga taga-Bisaya ay pangingisda.
B. Ang libangan ng mga tao sa Bisayas ay ang pangingisda
C. Ang pangingisda ay ang pangunahing kabuhayan sa Bisayas.
D. Ang pangingisda ay napakahirap na gawain sa Bisayas
23. Sa halip na magtrabaho sa ibang bansa, mananatili na lamang ako sa Pilipinas upang tulungan ang aking mga kababayan. Ang pahayag ay isang ____________.
A. kasabihann
B. kongklusyon
C. paghahatol
D. pagmamatuwid
24. Paano mo magagamit ang aral na taglay ng mga alamat sa pang-araw-araw mong pamumuhay?
A. ipakilala sa bansa
B. ipalaganap sa kakilala
C. isabuhay at sundin
D. magsulat ng alamat
25. Noong nakaraang gabi’y nilagyan niya ng talukbong ang boteng puno ng kendi, ngunit hindi pa rin napigilan ang mga langgam na pasukin ito. Mula sa nabasang pahayag, anong mga salita ang nasa antas pambansa?
A. noon, niya, puno, kendi
B. ang mga, nakaraan, ito, hindi
C. nilagyan, ngunit, pasukin, napigilan
d. gabi, talukbong, bote, langgam
26.Mula sa bidyo na ipinalabas sa telebisyon, naipakita ang mga pangyayari sa pagragasa ng bagyong Odette. Aling salitang patunay ang nagamit sa pagpapahayag ng isang dokumentaryo?
A. bidyo
B. Pangyayari
c. bagyong Odette
d. palabas sa telebisyon
27. Punan ng angkop na sagot ang patlang sa pahayag na:
Ayon sa balitang pangtelebisyon, “Ang Department of Agriculture ay naglaan ng ___________________ badyet para makamit ng bansa ang pagkakaroon ng sapat na bigas o pagkain sa loob ng dalawang taon”.
A. sapat na salapi
A. sapat na salapi
B. malaking halaga
B. malaking halaga
c. 30 bilyong piso
d. kulang 20 bilyong piso
28. Lahat ng mga pagpipilian maliban sa isa ay ginagamit sa pagsasagawa ng isang proyektong panturismo.
A. pakikipag-usap
.
A. sapat na salapi
B. malaking halaga
B. pagba-blog
C. travel brochure
d. poster
29. Gamit ang travel brochure sa proyektong panturismo, paano higit na makikilala ang isang lugar?
A. Gawing payak at malinaw ang nilalaman.
B. Hindi nakapupukaw ng pansin ang mga larawan
C. Di-tiyak ang target audience.
d. Malayo o walang mapagkakainan.
30. Kung magsasagawa ka ng isang pananaliksik kinakailangang sundin ang mga wastong hakbang bago simulan. Alin ang wastong pagkakasunod- sunod na Hakbang sa Pananaliksik ang iyong susundin?
1. Hanapin ang saligang datos.
2. Gumamit ng aklat,magasin,pahayagan at iba pang media sa pananaliksik.
3. Tiyakin ang paksa.
4. Makipanayam at kumuha ng larawan.
A. 2,1,3,4
B. 3,1,2,4
C. 1,2,3,4
d. 4,1,2,3
31. Sa paghahanap ng saligang impormasyon bilang mahalagang hakbang sa pananaliksik, lahat maliban sa isa ang dapat isaalang-alang.
A. Gumamit ng index card,makipanayam at mga larawan.
B. Sumangguni sa mga aklat,magasin,pahayagan at iba pang media sa pananaliksik.
C. Tiyakin ang resources,magtala at alamin ang impormasyon.
d. Maging kampante sa mga sasabihin ng mga makakausap.
32.Kailangang isaalang-alang ang wastong paraan sa pagpili ng makabuluhang paksa sa pananaliksik. Alin sa mga sumusunod ang wastong hakbang na susundin mo?
A. Limitahan ang paksa, at alamin ang datos.
B. Pumili ng kawli-wili, may sanggunian at paghahanguan ng kongklusyon.
C.Maglimita ng paksa, may datos, sanggunian, at may kabuluhan
d. May magagawang suhestiyon, may datos, at sanggunian
33.Dahil sa ginagawa ni Lokus a Mama sa kanyang asawang si Lokus a Babae, nagpasiya itong iwanan na ang asawa. Ano ang mahihinuha sa pangyayaring ito?
A. May paninindigan siya sa buhay.
B. Hindi na niya mahal ang kanyang asawa.
C. Pantay ang karapatan ng lahat sa lipunan.
d.Ang pagtitiis ng babae ay may hangganan
34. Bukod sa kanilang sultan na kumakatawang pinuno ng kanilang pamayanan, mahigpit pa rin ang pakikinig o pagsunod ng mga taga-Mindanao sa mga matatanda ng kanilang pamayanan kaya mahihinuha natin na sila ay _______________
A. makapangyarihan sa pamayanan.
B. paggalang sa mga matatanda.
C.may malawak na kaalaman
d. sinusunod ang lahat ng kanilang salita.
35. Pabalik-balik si Langgam sa paghahakot ng pagkain bilang paghahanda sa tag-ulan habang sina Paroparo at Tipaklong ay walang pakialam sa kinabukasan. Ano ang mahihinuha mo sa maaaring mangyari sa kanila sa pagdating ng tag-ulan?
A. Lilipat ng ibang tirahan
B. Magkakasakit at mamamatay sa gutom. .
C.Mawawalan ng lugar na tutuluyan
d. Mamamalimos dahil walang makain
36. Pabalik-balik si Langgam sa paghahakot ng pagkain bilang paghahanda sa tag-ulan habang sina Paroparo at Tipaklong ay walang pakialam sa kinabukasan. Ano ang mahihinuha mo sa maaaring mangyari sa kanila sa pagdating ng tag-ulan?
A. Lilipat ng ibang tirahan
B. Magkakasakit at mamamatay sa gutom. .
C.Mawawalan ng lugar na tutuluyan
d. Mamamalimos dahil walang makain
37. Sinarili ni Uwak ang nakuha niyang karne. Natuwa siya sa Asong Gubat sa sinabi nitong maganda ang kanyang kulay kung kaya nabitawan niya ang tangay niyang karne. Mabilis itong naagaw at natangay ng Asong Gubat. Ang mahihinuha natin sa susunod na gagawin ni Uwak ay
A.matututo dahil sa pangyayari
B. maghahanap ng ibang pagkain.
C.magsisisi at manghihinayang
d. magbabahagi ng pagkain sa iba.
38.Nagising si Haring Alimango sa ingay ng mga hayop na pinamumunuan niya. Kinausap niya ang lahat at inalam ang pinagmulan ng suliranin. Sa ginawang pag-alam ng hari sa problema mabubuo sa ating isipan na magbubunga ito ng _____
A. mabuting patakaran.
B. solusyon at pagkilos.
C.pag-unlad at pagkakaisa
d. unawaan at pagtutulungan
38.Nagising si Haring Alimango sa ingay ng mga hayop na pinamumunuan niya. Kinausap niya ang lahat at inalam ang pinagmulan ng suliranin. Sa ginawang pag-alam ng hari sa problema mabubuo sa ating isipan na magbubunga ito ng _____
A. mabuting patakaran
B. solusyon at pagkilos
C.pag-unlad at pagkakaisa
d. unawaan at pagtutulungan.
40.Lumakas ang ulan at tumaas ang tubig. Nakita ni Langgam na lumulutang at tinatangay ng tubig sina Paroparo.
Kung ikaw si Langgam paano mo ipauunawa sa iba ang maaaring maging bunga ng pagwawalang bahala?
A. Paghingi ng payo sa makapangyarihan.
B. Panghihikayat na huwag itong tularan.
C.Pagpapakita sa bunga ng kapabayaan
d.Pagtuturo ng dapat gawin sa ganitong sitwasyon
41. Umalis si Mang Kardo at ibinilin ang handa sa alaga niyang aso. Sa kanyang pagbabalik inubos ng ipis ang handang pagkain para sa kanyang apo. Nagalit si Mang Kardo sa alagang aso at pinalayas ito.
Kung ikaw si Mang Kardo ano ang higit na tamang gawin?
A. Alamin ang pangyayari.
B. Huwag sisihin ang alagang aso.
C. Itago sa tamang lugar ang pagkain.
d. Tumawag ng taong magbabantay rito.
42. Dahil sa ginawa ng amang pagpapabaya sa kanila, ayaw na itong makita pa ni Tony.
Kung ikaw ay makaranas din ng sitwasyong naranasan niya, paano mo mapatatawad ang iyong ama?
A. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa katotohanan.
B. Sa paglimot at pagsisimulang muli.
C.Sa aking paghingi ng payo sa iba.
d. Sa pagdarasal at pagtawag sa Diyos.
43.Nalaman mo mula sa kuwento ni Raf ang katapangan ng kanyang mga ninuno at nagkataong wala kang alam ni isa sa kasaysayan ng iyong bayan. Ano ang gagawin mo matapos ang pangyayaring ito?
A. Aaalamin ang kasaysayan ng bayan.
B. Ikukuwento ang nangyari sa iba.
C. Magbabasa at aaralin ang mga ito.
d. Ihahambing ang mga pangyayari sa iba.
44. Pumunta ang mga kaibigan ni Raf sa kanilang pamayanan at napansin nito na parang walang tao sa paligid ngunit may narinig silang naiibang awit mula sa pangkat ng mga naninirahan dito. Sa katulad na senaryo at napunta ka sa isang lugar na iba ang kultura sa nakasanayan mo, paano mo pakikitunguhan ang mga naninirahan dito?
A. Iisa-isahing tanungin ang mga tao sa paligid.
B. Magmamasid at makikinig sa kanilang kuwento.
C.Panonoorin at ihahambing ang nakasanayan sa buhay nila.
d. Makikisalamuha sa kanila upang matutuhan ang kanilang pamumuhay.
45.Paano nasabing ang halimbawa ng travel brochure sa ibaba ay nakapupukaw ang pabalat na isa sa dapat taglayin ng isang brochure?
A. Sa nilalaman nito
B. Makulay ang larawang ginamit
C.Detalyado ang daan papunta rito
d. Gumamit ng nakahihikayat na tagline
46.Kalimitan sa mga pumapasyal sa mga iba’t ibang lugar, isinaalang-alang ang mga sumusunod upang maging matagumpay ang pamamasyal at hindi masayang ang perang gagastusin. Narito ang mga datos na nakuha mula sa 100 taong kinapanayam. Tingnan kung alin sa mga ito ang higit nilang binigyang pansin. Mula sa datos na nakalap ano ang ipinahihiwatig ng pie chart?
A. Nangunguna pa rin sa mga tao ang kailangang may pagkain na mabibili sa lugar na papasyalan.
B. Hindi maikakaila na ang gastusin ang pinakapangunahing isinasaalang-alang kung may balak na pasyalan.
C. Ang maayos na daan ang siyang higit na kinakailangang isaalang-alang sa lugar na pupuntahan.
d. Sa anumang lugar na pupuntahan nangunguna kung ano ang iyong makikitang maganda sa iyong papasyalan.
47. Mula sa halimbawang brochure sa ibaba, alin ang maaring maging gabay ng mga turista sa ihahanda nilang gastusin sa pamamasyal?
A.
48.Sabi ng asawa ni Randy mas maganda raw ang pagtira nila sa tubig bilang tagapagbantay ng fish cage. Dati siyang Muro Ami at para sa kanya mas mainam daw ang tumira dito dahil kumakain sila ng tatlong beses sa isang araw. Ang hirap lang ay ang panganib na dala ng pagtira dito tulad ng pagkakaroon ng bagyo. Sa katunayan tatlong beses ng nalagay sa panganib ang buhay ng anak niyang si Dianne na tatlong beses na muntik nang malunod.
Mula sa teksto ano ang mabubuo o magagamit mo upang makabuo ng patunay na masaya na ang asawa ni Randy sa kasalukuyang tinitirhan?
A. Si Randy ay isang dating Muro Ami, may asawa at isang anak.
B. Mahirap daw ang manirahan sa tubig ayon sa asawa ni Randy.
C. Tatlong beses nang nalagay sa panganib ang anak na si Dianne.
D.Kumakain sila ng tatlong beses sa isang araw sa pagiging tagapagbantay sa fish cage
49. Labing-apat na taong nagturo sa private school si Titser Annie bago pumasok sa pampublikong paaralan ng mga Mangyan. Noong una nakaramdam siya ng takot at pandidiri sa mga ito, pero nang lumaon nakadama siya ng matinding responsibilidad sa paghahangad na mabago ang buhay ng mga tao rito.Anong patunay ang ginamit upang makita na naging mabuting guro si Titser Annie sa pampublikong paaralan?
A. Matagal ng guro si Titser Annie sa pribadong paaralan
B. Nakaramdam siya ng takot at pandidiri sa mga Mangyan
C. Naghahangad siya sa mabago ang buhay ng mga Mangyan
d. Natakot siya sa matinding responsibilidad sa pagiging guro sa publikong paaralan.
50. Araw ng Lingo noon, ang pamilya ni Mang Joseph umakyat sa bundok upang pumutol ng 60 piraso ng buho,pambayad sa inutang na pagkain sa tindahan. Ang mataas na bundok na kailangang akyatin, ang matarik na daan pababa habang pasan ang mahahabang buho, ito ay para sa pag-asa na mababago ang buhay nila. Ang pagtatapos sa pag-aaral,pangarap na tila kasing tayog ng mga buhong inaasahan nila sa buhay. Mula sa teksto ano ang mabubuo mong patunay na pinaniniwalaan ni Mang Joseph na edukasyon ang babago sa buhay nila?
A. Anuman ang mangyari, kailangan nilang umakyat sa bundok
B. Matarik man ang daan maabot din ni Mang Joseph ang bundok
C. Ang matarik na daan ay katumbas ng pag-asang inaasahan niya sa buhay ng pamilya.
d. Dapat nating pahalagahan ang mga bagay na mayroon tayo dahil hindi ito nararanasan ng iba
