WorksheetsPersonal Development
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Hinahangaan ng kaniyang mga kaibigan si Amy dahil sa nakaiipon siya ng malaking halaga. Kaya niyang labanan ang urge sa palagiang pagbili ng pagkain tulad ng milktea, frappe, pizza, at iba pa. Para sa kaniya, sapat na ang isang beses sa isang buwan na matikman ang mga ito.
Kognitibo
Sikolohikal
Kapansin-pansin ang palaging pag-aayos ni Bernadette. Sa tuwing matatapos ang bawat subject ay lagi niyang hawak ang suklay at salamin upang ayusin ang kaniyang buhok. Gumagamit na rin siya ng polbo at liptint upang bigyang-buhay at kulay ang kaniyang mukha. Naglalagay na rin siya ng pabango sa kaniyang katawan. Nais ni Bernadette na maging kaaya-aya sa paningin ng iba sapagkat pinahahalagahan niya ang nakikita at maaaring sabihin sa kaniya ng ibang tao.
Pisyolohikal
Sikolohikal
Si Liezel ay palaging naaatasang manguna sa panalangin sa kanilang pangkat dahil sa pagiging taimtim ng kaniyang mga panalangin. Kahit pa biglaan siyang naatasan, marami ang namamangha at nadadala dahil sa komposisyon ng kaniyang dasal. Mababanaag sa kaniyang mga panalangin na matibay ang kaugnayan niya sa Poong Lumikha.
Espiritwal
Sikolohikal
Karamihan sa mga kaibigan ni Angelo ay hindi magandang impluwensya sa kaniya. Lahat ng bisyo ay kanilang ginagawa ngunit hindi siya nagpapadala sa pressure ng kaniyang mga kabarkada. Alam niya kung kailan dapat pamarisan at hindi ang kaniyang mga kaibigan.
Sikolohikal
Panlipunan
Ikinagulat ng lahat ang mabilis na pagdevelop ng muscles sa katawan ni Jay. Sa dalawang buwang pagpunta sa gym at mahigpit na pagsunod sa diet na sinabi ng kaniyang coach ay naabot niya ang kaniyang mithiin.
Panlipunan
Pisyolohikal
Isa sa mga hinahangaang katangian ni Ian ay ang pagkakaroon ng paninindigan sa lahat ng kaniyang pagpapasya. Pinananagutan niya ang lahat ng kaniyang mga sinasabi at ginagawa. Pinag-iisipan niya ang lahat ng kaniyang gagawin at sasabihin bago niya ito isagawa kaya karamihan sa kaniyang mga pagpapasya ay tama at angkop sa lahat ng pagkakataon.
Panlipunan
Sikolohikal
Kinagigiliwan ng mga guro si Erica dahil sa angking galing sa pakikipagdebate. Madali siyang nakaiisip ng sagot sa ideya at konseptong ibinabato ng kaniyang katunggali. Nakapagbibigay din siya ng mga kongkretong sagot at patunay dahil sa mahilig siyang magbasa at manood ng mga balita upang maging maalam siya sa mga kasalukuyang pangyayari.
Sikolohikal
Kognitibo
Isa sa kalakasan ng katauhan ni Erwin ay ang pagiging palakaibigan. Madali siyang nakabubuo ng ugnayan sa mga taong kakikilala pa lamang niya dahil sa pagiging totoo sa sarili. Magaling siyang makisama at makisalamuha sa iba, kaedad man niya o hindi. Alam ni Erwin kung paano pakikitunguhan ang mga tao sa paligid niya dahil magaling siyang makaramdam. Dahil dito, karamihan sa mga ugnayan na mayroon siya ay nananatili sa matagal na panahon.
Panlipunan
Sikolohikal
Isa sa mga matatangkad na mag-aaral sa kanilang pangkat si Louie. Hindi inaasahan ng iba ang agaran niyang paglaki sapagkat isa siya sa pinakamaliit na mag-aaral noong sila ay nasa ikapitong baitang pa lamang.
Pisyolohikal
Kognitibo
Isa sa mga pambato ng school sa asignaturang Mathematics si Noel. Sa murang gulang ay naturuan siya ng kaniyang ama na isang Engineer at mahilig din sa Math kaya naman madali na lang para sa binata na sagutin kahit ang mga komplikadong problems. Isa siya sa panlaban ng kanilang paaralan sa asignaturang iyon.
Sikolohikal
Kognitibo
