wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 7 - Review 3Q Summative Test

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay ang mga simpleng paalala sa mga pasahero na maaari nating matagpuan sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus at tricycle.

a)

Bugtong

b)

Palaisipan

c)

Tugmang De Gulong

d)

Tulang Panudyo

2.

Bata batuta! Isang perang muta! Ito’y isang halimbawa ng:

a)

Tugmang De Gulong

b)

Palaisipan

c)

Bugtong

d)

Tulang Panudyo

3.

Ito ay kadalasang nalilikha bilang uri ng libangan, ngunit maaari din namang magmula sa seryosong matematikal at lehistikal na suliranin na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.

a)

Palaisipan

b)

Tulang Panudyo

c)

Tugmang De Gulong

d)

Bugtong

4.

Huwag kang mag-dekwatro, ang dyip ko’y di mo kwarto. Halimbawa ito ng:

a)

Tugmang De Gulong

b)

Palaisipan

c)

Bugtong

d)

Tulang Panudyo

5.

Isang tugmaang binibigkas nang patula na binubuo ng 5 hanggang 12 pantig. Kadalasang nilalaro sa lamayan noong araw.

a)

Bugtong

b)

Palaisipan

c)

Tulang De Gulong

d)

Tulang Panudyo

6.

Ka/ba/lin/tu/na/han/ ang/ bu/hay/ sa/ mun/do,

Pa/ru/pa/ro’y/ ha/los na/ma/tay sa/ ba/ngo;

Tawag sa paghahati/pagpapantig ng salita sa pagsulat ng awitin.

a)

Tugma

b)

Sukat

c)

Saknong

d)

Taludtod

7.

Tumutukoy sa mga salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.

a)

Simbolismo

b)

Larawang-Diwa

c)

Tugma

d)

Sukat

8.

Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid

Ito’y kapalaran at tunay na langit

Ito ay tugmang nagtatapos ang mga taludtod sa magkakahawig na tunog ngunit nagkakaiba ang tuldik ng mga huling pantig.

a)

Tugmang Ganap

b)

Tugmang Di Karaniwan

c)

Tugmang Di-Ganap

d)

Tugmang Karaniwan

9.

Pag-amin na siya ang namitas ng bulaklak at hindi si Pia.

a)

Tama/ ako ang namitas ng bulaklak at hindi si Pia.

b)

Tama ako ang namitas ng bulaklak at hindi si Pia.

c)

Tama ako/ ang namitas ng bulaklak at hindi si Pia.

10.

Ipinakilala mo sa iyong ama ang iyong kaibigang doktor.

a)

Doktor Santos ang tatay ko./

b)

Doktor Santos/ ang tatay ko.

c)

Doktor/ Santos ang tatay ko.

11.

Ito ay saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa ating kausap.

a)

Haba at Diin   

b)

Tono o Intonasyon

c)

Antala/Hinto

12.

Ito ay ang taas-baba na iniuukol sa pantig ng isang salita o pangungusap upang higit na maging malinaw ang pakikipag-usap.

a)

Haba at Diin

b)

Tono o Intonasyon  

c)

Antala/Hinto

13.

Pagdaan ng ilang araw, unti-unting nagbago ang pananaw niya sa buhay matapos ang isang malagim na pangyayari.

a)

Simula

b)

GItna

c)

Wakas

14.

Sa simula, hindi naging madali ang kanilang pagsasama bilang magkasintahan.

a)

Simula

b)

Gitna

c)

Wakas

15.

Dito nagtatapos ang presentasyon ng aming pangkat hinggil sa alamat.

a)

Wakas

b)

Gitna

c)

Simula

16.

Naakit ang lahat sa halimuyak ng bango ng mga bulaklak ng puno. Simula noon ay lagi na lamang umiiyak si Edo habang nakabantay sa puno.

a)

Simula

b)

Gitna

c)

Wakas

17.

Pinarusahan ng diwata si Larina dahil sa ginawa nitong masama at isinama naman si Mangita sa kanyang tahanan upang doon na tumira.

Anong elemento ito ng alamat?

a)

Wakas

b)

Tauhan

c)

Tagpuan

d)

Suliranin

18.

Kapwa napakaganda ng dalawang anak bagama’t magkaibang-magkaiba ang kani-kanilang mga katangian. Si Mangita ay mabait at mapagbigay habang ang kanyang kapatid na si Larina ay ubod ng tamad at malupit.

Anong elemento ito ng Alamat?

a)

Tauhan

b)

Tagpuan

c)

Suliranin

d)

Kasukdulan

19.

Maraming taon na ang nakalilipas, sa pampang ng Laguna de Bai ay may naninirahang isang mahirap na mangingisda at ang kanyang pamilya.

Anong elemento ng alamat ito?

a)

Tagpuan

b)

Tauhan

c)

Suliranin

d)

Wakas

20.

Nagkasakit si Mangita at walang ginawa si Larina para gumaling ang kaniyang kapatid sa halip ay hinayaan niyang lumala ang kalagayan nito.

a)

Suliranin

b)

Wakas

c)

Kasukdulan

d)

Tauhan