WorksheetsFilipino 9-Pagsusulit Modyul 3
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
1. Ang salitang kumusta ay nagmula sa salitang como esta. Anong wika ang
pinagmulan nito?
Bisaya
Chavacano
Espanyol
Ingles
2. Alin sa sumusunod na salitang Ingles ang maaring pinagmulan ng salitang nakasalungguhit?
Naks, isputing tayo ah! Saan lakad natin, p’re?
sport
sporting
spotting
Shooting
3. Anong salita ang nabuo mula sa salitang flauta ng wikang Espanyol?
plato
pluto
plawta
plowta
4. Ang sakit na COVID-19 ay _______ isang bagong virus na na kumakalat sa buong mundo.
una
bukod
dulot ng
kung
Ayon sa mga eksperto, maaring maiwasan ito ______ mapapanatili ang anim na talampakang (2 metro) layo mula sa ibang tao kapag nasa labas ng bahay.
una
kung
bukod
dulot ng
6. _______ sa pisikal na layo, pinapayuhan ding magsuot ng face mask sa tuwing lalabas ng bahay.
at
Kung
Bukod
Dulot ng
7. Bilang ordinaryong mamamayan ay may maitutulong tayo sa ating mga frontliners sa paglaban sa COVID-19 sa ________ pamamalagi sa ating tahanan.
at
kung
bukod
pamamagitan ng
Anong uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa sitwasyon na nasa loob ng kahon?
Nagkaroon ng mainit pagtatalo sa pagitan ng magkakapatid kung sino ang dapat na mag-alaga sa kanilang ubanin. May ilang bagay na hindi napagkasunduan kaya tuluyan nang nagkalamat ang kanilang relasyon at magpahanggang ngayon ay hindi na nila kinikibo ang isa’t isa.
Tao laban sa sarili
Tao laban sa Tao
Tao laban sa kalikasan
Tao laban sa lipunan
9. Mabigat sa loob niya ang nabuong desisyon. Ang desisyong iwan ang kaniyang pamilya, subalit pinipilit pa rin niyang paniwalain ang sarili na iyon ang tamang gawin.
Tao laban sa tao
Tao laban sa sarili
Tao laban sa lipunan
Tao laban sa kalikasan
10. “Kaysama ng taong iyan. Nagawa niyang abandonahin ang kaniyang magulang. Walang utang na loob!” Ito ang mga masasakit na salitang natatanggap ni Boy mula sa mga kakilala. Idagdag pa rito ang mga tinging mapang-usig mula sa mga kapitbahay. Pakiramdam niya, inayawan na siya ng lahat.
Tao laban sa tao
Tao laban sa sarili
Tao laban sa lipunan
Tao laban sa kalikasan
11. Naibabalita sa telebisyon na maging mga artista ay hindi nakaliligtas sa mga mapanakit na puna ng mga netizen. Anong tunggalian ang ipinapakita rito?
Tao laban sa tao
Tao laban sa sarili
Tao laban sa lipunan
Tao laban sa kalikasan
12. Hindi lumilipas ang isang taon nang hindi dumaraan ang isang mapaminsalang bagyo sa bansa na nagdudulot ng pagkawasak ng ari-arian ng ilang kababayan. Ang ganitong mga pangyayari ay nagpapakita ng tunggalian sa pagitan ng ______________.
Tao laban sa tao
Tao laban sa sarili
Tao laban sa lipunan
Tao laban sa Kalikasan
13. Ayon sa balita, marami sa kababayan natin ang nahuli dahil sa paglabag sa health protocol. Waring nahihirapang sumunod sa patakaran dahil hindi madisiplina ang sarili. Anong tunggalian ang lumulutang sa sitwasyong ito?
Tao laban sa tao
Tao laban sa sarili
Tao laban sa lipunan
Tao laban sa kalikasan
14. Sa kwentong "Anim na Sabado ng Beyblade", ano ang pangalan ng batang may sakit?
Robo
Raba
Rebo
Ribo
15. Ano ang paboritong laruan ni Rebo?
Helicopter
Beyblade
Pogs
bahay-bahayan
16. Mula sa wikang latin na discursus na nangangahuluang running to and from. Ano ang tawag dito na naiuugnay sa pasalita at pasulat na komunikasyon?
Diskurso
Etimolohiya
Tunggalian
Pang-ugnay
17. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pag-aaral kung paano nag-iba ang anyo at ang pinagmulan ng salita?
Diskurso
Etimolohiya
Tunggalian
Pang-ugnay
18. "Abogado"
Latin, bokasyon na naitatag sa espesyalisadong pagsasanay
Latin, advocatus ibig sabihin ay manananggol
Kastila, operacion o proseso ng pag-oopera sa katawan ng pasyente
Espanyol, abogacia o propesyon ng batas
19. "propesyon"
Latin, bokasyon na naitatag sa espesyalisadong pagsasanay
Latin, advocatus ibig sabihin ay manananggol
Kastila, operacion o proseso ng pag-oopera sa katawan ng pasyente
Espanyol, abogacia o propesyon ng batas
20. "operasyon"
Latin, bokasyon na naitatag sa espesyalisadong pagsasanay
Latin, advocatus ibig sabihin ay manananggol
Kastila, operacion o proseso ng pag-oopera sa katawan ng pasyente
Espanyol, abogacia o propesyon ng batas
