WorksheetsAPan 5 3rd Quarter Exam (Prelims and Finals)
Total questions: 40
Worksheet time: 1hrs 20mins
Hindi naging madali ang pagpunta ng mga Español sa ating bansa dahil sa mga sumusunod na kadahilanan. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang dito?
Hindi sila gaanong sanay sa ating mainit na klima.
Ang pagkakaroon ng layo-layong tirahan ng mga Pilipino.
Pagkakaroon ng maliit na bilang ng Pilipino na tuturuan.
Wala sa nabanggit.
Bakit hinikayat ng mga pari na tipunin sa isang lugar ang mga Pilipino?
Upang madaling mapatay ang mga Pilipinong lumalaban sa kanilang pamamahala.
Upang madaling marating, maturuan, at pamahalaan ang mga Pilipino.
Upang mapalapit sa kanilang mga sinasakupan.
Wala sa nabanggit.
Ano ang tawag sa pinakamalayong lugar mula sa kabisera?
Visita
Ventanilla
Pueblo
Rancheria
Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo ukol sa mga bahay na bato?
Ang paggamit nito ng mga Pilipino ay dulot ng pamamalagi ng mga Español sa Pilipinas.
Gawa sa pawid ang bubong nito.
Mayroong maluluwang na bintana na minsa’y yari sa kapis.
Matibay at malalaking kahoy ang haligi nito.
Ano ang kinikilalang bahay ng mga karaniwang Pilipino?
Bahay-kubo
Bahay-pawid
Kubong-bahay
Hagdang-bahay
Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo ukol sa mga bahay-kubo?
Ito ay gawa sa kawayan o kahoy, at pawid o kugon naman para sa bubong.
Matibay sa mga lindol ang pagkakagawa nito.
Nakatayo ito malayo sa lugar na pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga karaniwang Pilipino.
Ang iba sa mga ito ay may maliit na bahagi kung tawagin ay balkonahe.
Ito ay matatagpuan sa harap ng bahay kung saan tinatanggap ang mga panauhin at dito nakikipagkuwentuhan.
Sala
Balkonahe
Letrina o Comun
Azotea
Dito hinihintay ang amo ng mga kasama o trabahador bago tumuloy sa oficina.
Entresuelo
Comedor
Oratorio
Baño
Dito naghihintay ang mga bisita, naglalaro ang mga kabataan, o nagmemeryenda sa kalagitnaan ng umaga o hapon.
Cuarto Principal
Zaguan
Caida o Antesala
Entresuelo
Dito natutulog ang mga katulong na lalaki, at nagsisilbi ring imbakan ng palay.
Letrina o Comun
Balkonahe
Oficina o Despacho
Zaguan
Ito ay malaking silid na ginagamit ng amo o may-ari ng bahay.
Sala
Cuarto Principal
Azotea
Baño
Dito makikita ang paminggalan na kung saan nakatago ang mga minatamis o mga tira-tirang pagkain.
Comedor
Cucina
Baño
Entresuelo
Lugar kung saan ang mga gawaing nangangailangan ng maraming tubig tulad ng paglalaba ng damit ay ginagawa.
Azotea
Oratorio
Cuarto Principal
Balkonahe
Dito tinatanggap ang mahahalagang bisita, at ang mga kasayahan at sayawan ay dito ginaganap.
Cuarto Principal
Zaguan
Sala
Comedor
Ito ang nagsisilbing tanggapan ng may-ari ng bahay para sa mga kasama o katulong sa pagpapatakbo ng kaniyang negosyo.
Azotea
Letrina o Comun
Baño
Oficina o Despacho
Silid na nagsisilbing tulugan ng may-ari tuwing tanghali, at nagsisilbi rin bilang silid ng mga kamag-anak.
Balkonahe
Cuarto Principal
Azotea
Cuartos
Ito ang tawag sa palikuran na may dalawang upuan na maaaring gamitin ng dalawang tao ng sabay.
Baño
Letrina o Comun
Balkonahe
Cuarto Principal
Ito ang lugar ng kainan ng bahay.
Comedor
Sala
Zaguan
Entresuelo
Ito ang tawag sa lugar ng paliguan na kung saan mayroong dalawang malaking bañera.
Entresuelo
Letrina o Comun
Baño
Zaguan
Dito nagsasama-sama ang lahat ng miyembro ng pamilya tuwing ika-anim ng gabi upang magdasal ng Angelus at magrosaryo.
Oficina o Despacho
Azotea
Sala
Oratorio
Ano ang tawag sa mga Pilipino na kinikilala na kabilang sa mga mahihirap?
Peninsulares
Mestiso
Principalia
Indio
Ang mga kababaihan na ikinukumpara kay Maria Clara ay tinataglay ang mga sumusunod na kaugalian maliban sa…
Matimpiin sa pagkilos
Matabil ang dila
Mahinhin
Mapagkumbaba
Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo ukol sa karapatan dati ng mga kababaihan?
Hindi maaaring mangasiwa ng mga lupain.
Pwedeng magtungo sa mga kasayahan kung mayroong kasama.
Pwedeng makisalamuha sa mga kalalakihan sa mga kasayahan.
Hindi maaaring maging testigo sa korte.
Ano ang tawag sa mga Español na may purong dugong Español ngunit ipinanganak sa mga bansang kolonya?
Insulares
Mestiso
Principalia
Indio
Ano ang tawag sa mga anak ng Pilipino na may dugo rin ng isang Español?
Peninsulares
Insulares
Mestiso
Principalia
Sino ang mga Pilipino na kinikilalang mapapakinabangan ng España dahil sa angkin nilang yaman?
Peninsulares
Insulares
Mestiso
Principal
Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng antas ng pamumuhay sa dating lipunan?
Insulares – Peninsulares – Mestiso – Principalia – Indio
Peninsulares – Insulares – Mestiso – Principalia – Indio
Peninsulares – Insulares – Principalia – Mestiso – Indio
Insulares – Peninsulares – Principalia – Mestiso – Indio
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga kinikilalang Pilipina na tumulong sa paglaban sa mga Español?
Gabriela Silang
Melchora Aquino
Gregoria de Jesus
Wala sa nabanggit
Ano ang tawag sa mga mayroong purong dugo ng isang Español at ipinanganak sa bansang España?
Peninsulares
Insulares
Principalia
Indio
Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang hindi totoo?
Mababa ang tingin sa mga kababaihan dati.
Nabigyan pa rin ng pagkakataon na makapag-aral ang mga kababaihan dati.
Dati pa man ay mayroon ng angking kalayaan ang mga kababaihan.
Dati’y nagkaroon ng tradisyunal na papel ang mga kababaihan.
Ang pamamahala’t pagpapatakbo ng mga paaralan ay karaniwang pinamumunuan ng mga kura paroko.
Tama
Mali
Mabilis na natuto ang mga katutubo dahil sa angking kagustuhan para matuto.
Tama
Mali
Ang mga kababaihan ang siyang inaasahang magtrabaho para sa kanyang sariling pamilya.
Tama
Mali
Pawang mga lalaki lamang ang nagpakita ng katapangan para magrebolusyon laban sa mga Español.
Tama
Mali
Gustuhin man ng mga Español na ituro ang kanilang wika, nangangamba sila na kung matututunan nila ito ay magagamit ito ng mga Pilipino para magkaisa’t labanan sila.
Tama
Mali
Tukuyin kung ang sumusunod na paksa ay itinuturo sa mga kalalakihan o kababaihan lamang.
Heograpiya
Kalalakihan
Kababaihan
Tukuyin kung ang sumusunod na paksa ay itinuturo sa mga kalalakihan o kababaihan lamang.
Pag-aayos ng bulaklak
Kalalakihan
Kababaihan
Tukuyin kung ang sumusunod na paksa ay itinuturo sa mga kalalakihan o kababaihan lamang.
Paggagantsilyo
Kalalakihan
Kababaihan
Tukuyin kung ang sumusunod na paksa ay itinuturo sa mga kalalakihan o kababaihan lamang.
Pagsasaka
Kalalakihan
Kababaihan
Tukuyin kung ang sumusunod na paksa ay itinuturo sa mga kalalakihan o kababaihan lamang.
Pagiging mabuting asawa
Kalalakihan
Kababaihan
