NEW
Font size
WorksheetsAP6-FL CLASS: PANUNUNGKULAN NI PANGULONG MANIUEL A. ROXAS
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Anong pasilidad na direktang pagmamay-ari at pinamamahalaan para sa
hukbong sandatahan na naglalaman ng mga kagamitan at tauhang
militar at dito nagsasagawa ng mga pagsasanay at operasyon?
base militar
batas militar
kasunduang militar
pamahalaang militar
Anong kasunduan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas na nagsasaad ng .
karapatan ng Amerika na manatili sa Pilipinas ang Base Militar sa iba’t ibang
sulok ng bansa?
Military Assistance Agreement
Military Bases Agreement
US-RP Mutual Defense Treaty
Enhanced Defense Cooperation Agreement
Labag sa probisyon ng Saligang Batas ng 1935 ang nilalaman ng "Parity Rights" kaya kinailangang dumaan ito sa isang amyenda o pagrebisa. Bukod kay Jose P. Laurel, sino ang isa pang kilalang Pilipino ang HINDI sumang-ayon sa Parity Rights?
Manuel A. Roxas
Manuel L. Quezon
Claro M. Recto
Gregorio S. Araneta
Ano ang tawag sa pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produktong banyaga o imported at ang pagkakaroon ng mga bagay na ito na naging batayan ng katayuan nila sa lipunan?
crab mentality
colonialism
colonial mentality
neocolonialism
Alin ang HINDI kasali sa pagbabago sa lipunan dulot ng kaisapang kolonyal?
Ang ilan sa mga pagkain ay nagbago din.
Ang ilan sa mga pangalan ay napalitan.
Patuloy na pagmamano sa magulang o nakatatanda.
Nagbago ang pananamit ng mga Pilipino.
Sino ang pangulong lumagda ng Military Assistance Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos?
Sergio Osmena
Manuel Quezon
Manuel Roxas
Elpidio Quirino
Alin sa mga sumusunod ang HINDI mabuting epekto ng ugnayang Pilipino at Amerikano?
nagkaroon ang bansa ng katuwang sa pagsugpo ng terorismo
may kakamping isang matibay na bansa ang Pilipinas
nagkaroon ng tulong pinansyal ang bansa upang ipaayos ang mga nasira sa digmaan
nakatali ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga Amerikano
Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa pagsusumikap ng mga Pilipino na harapin ang mga suliranin at hamon ng bansa?
sa pamamagitan ng pagsuway sa mga batas na hindi makatuwiran sa iilan
sa pamamgitan ng pakikipaglaban sa ibang bansa na nais sumakop sa atin
sa pamamagitan ng pagsunod sa mga patakaran at mga programa ng bansa
sa pamamagitan ng pakikiisa sa malawakang protesta at kaguluhan sa bansa
Sa pakikipag-ugnayan sa Amerika, napagtibay ang kasunduan tungkol sa pagtulong ng mga Amerikano sa pamamalakad ng sandatahang Lakas ng bansa. Ano ang tinutukoy dito?
Military Bases Agreement
Laurel-Langley Agreement
Military Assistance Agreement
Quirino-Foster Agreement
Ano ang pagdiriwang tuwing ika-4 ng Hulyo na sumisimbolo sa magandang ugnayan ng Pilipinas at Amerika mula pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
American-Japanese Friendship Day
Philippine-Japanese Friendship Day
Spanish-Philippines Friendship Day
Philippine-American Friendship Day
