NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO 4 REVIEWER
Total questions: 35
Worksheet time: 18mins
Paano mo malalaman kung ang pangungusap na binabasa mo ay pangngalang pantangi?
Kapag ito ay tumutukoy sa di-tiyak na ngalan.
Kapag ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan. At nagsisimula sa malaking titik
Kapag ito ay tumutukoy sa walang tiyak na ngalan.
Kapag ito ay tumutukoy sa ngalan lamang.
Anong uri ng pangngalan ang ginagamitan ng mga pangkaraniwang pangngalan lamang?
Pantangi
Pambalana
Palansak
Tahas
Paano mo malalaman kung ang salitang gagamitin sa pangungusap ay lansak?
Kapag ito ay gagamitan ng pagsasaad ng grupo o pangkat.
Kapag ito ay gagamitan ng mga materyal na bagay na nakikita, nahahawakan at nadarama gamit ang limang pandama.
Kapag ito ay ngalang nagsasaad ng kaisipan, pangyayari; di-nakikita at di-nahahawakan
Paano mo malalaman kung ang mga salitang ginagamit sa pangungusap ay basal?
Kapag ito ay nagsasaad ng kaisipan, pangyayari; di-nakikita at di-nahahawakan, hindi materyal na bagay.
Kapag ito ay ngalan ng mga materyal na bagay na nakikita, nahahawakan at nadarama gamit ang limang pandama.
Kapag ito ay ngalang nagsasaad ng grupo o pangkat
Ang magkapatid na Ana ta Ella ay nasa kuwarto na upang magpahinga. Anong kahulugan ng salitang may salungguhit?
silid-aklatan
silid-kainan
silid-tulugan
Piliin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap.
Pagsama-samahin ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok.
tipunin
itapon
ikalat
Saan ginagamit ang tsart?
Ang tsart ay ginagamit upang hindi makapagtala ng mga impormasyon.
Ang tsart ay ginagamit upang magulong maitala ang mga impormasyon.
Ang tsart ay ginagamit upang hindi maayos na maitala ang mga impormasyon.
Ang tsart ay ginagamit upang maayos na maitala ang mga impormasyon.
Ano ang pangngalan ang naiiba ang kasarian sa pangkat?
Lolo (Grandfather)
Nanay (Mother)
Ama (Father)
Kuya (Brother)
Tukuyin ang kasarian ng pangngalan na may salungguhit.
Ang alkansya na gawa sa kawayan ay puno na ng barya.
pambabae
panlalaki
di-tiyak
walang kasarian
Anong uri ng kasarian ng pangngalan na may salungguhit. Malugod na nagpakilala ang bagong kapitbahay.
pambabae
panlalaki
di-tiyak
walang kasarian
Saan kasarian ng pangngalan kabilang ang mga salitang ito?
( guro, kabataan, pinsan, kapatid, at bunso )
walang kasarian
di-tiyak
pambabae
panlalaki
Paano malalaman kung ang bahagi ng aklat ay Bibliograpi?
Kapag ito ay hindi nakapaalpabetong talaan ng mga aklat at iba pang sanggunian.
Kapag ito ay paalpabetong talaan ng mga aklat at iba pang sanggunian.
Kapag ito ay naaayon sa kabuuan ng lahat ng paksang tinatalakay.
Kapag ito ay may maikling paliwanag sa pagbuo ng aklat.
Paano mo malalaman kung ang pangyayaring naganap ay Sanhi?
Kapag ito ay nagsasaad ng epekto o resulta ng pangyayari.
Kapag ito ay nagsasaad ng dahilan ng pangyayari.
Kapag ito ay nagsasaad ng dahilan at epekto ng pangyayari.
Ito ay pahinang kakikitaan ng mga pangalan ng nais pasalamatan ng may akda. Anong bahagi ito ng Aklat?
Bibliograpi
Panimula
Dedikasyon
Tala
Masasabing ito ay teksto o katawan ng aklat kapag ito ay ______?
kabuuan ng lahat ng paksang tinatalakay.
talaan ng mga kapaki-pakinabang na paksang makatutulong sa mambabasa.
maikling paliwanag sa pagbuo ng aklat.
paalpabetong talaan ng mga aklat at iba pang sanggunian.
Alin sa mga sumusunod na Kailanan ng pangngalan ang may panandang pantukoy na ang, si, ni, kay, sa, ng?
maramihan
dalawahan
isahan
Basahing mabuti ang pangungusap at piliin ang tamang kahulugan ng nakasalungguhit.
Mababakas sa mukha ng mag-asawa ang kaligayahan pagkakita sa kanilang anak.
maitatago
masasabi
maiiiyak
makikita
Nagbabakasakali pa rin siyang makita ang kanyang nawawalang pitaka.
Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
nasasabik
sumusubok
umaasa
nagtatago
Sa paanong paraan mo maipapaliwanag ang Kaganapang Pansimuno?
Sa pamamagitan ng pangngalang pinaglalaanan ng kilos o galaw.
Sa pamamagitan ng pagtanggap ng kilos at ito'y sumasagot sa tanong na ano.
Sa pamamagitan ng pangngalang pinaguusapan sa pangungusap.
Sa pamamagitan ng pangngalang tumutukoy sa simuno at laging sumusunod sa panandang ay.
Ang kuya Joaquin ko ay isang magaling at mahusay gumawa ng mga arkitektura.
Sa anong uri ng gamit ng pangngalan ito kabilang?
Simuno o Paksa
Kaganapang Pansimuno
Tuwirang Layon
Layon ng Pang-ukol
Alin sa sumusunod na gamit ng pangngalan ang tumatanggap ng kilos at ito'y sumasagot sa tanong na ano.
Layon ng Pang-ukol
Tuwirang Layon
Kaganapang Pansimuno
Simuno o Paksa
Basahin at suriin kung anong anyo ng pangngalan ay may salungguhit.
Ang punong-kahoy ay unti-unti ng nauubos sa kagubatan.
Payak
Maylapi
Tambalan
Inuulit
Basahin at suriin kung anong anyo ng pangngalan ay may salungguhit.
Ang mga bata ay nagbigay ng kanilang kuro-kuro ukol sa mga pangyayari.
Inuulit
Tambalan
Maylapi
Payak
Ano ang kayarian ng pangngalan na nakasalungguhit sa pangungusap?
Iniharap na sa hukuman ang saksi na magpapatunay na walang sala si Nicanor.
Payak
Maylapi
Tambalan
Inuulit
Ano ang kayarian ng pangngalan na nakasalungguhit sa pangungusap?
Ialay natin ang kapurihan at kapasalamatan sa Diyos na Siyang nagbibigay lakas at sigla sa ating lahat.
Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
Paano mo malalaman kung ang gagamitin mong pangngalan ay tao?
Sa pamamagitan ng mga salitang bingo, whity, blacky
Sa pamamagitan ng mga salitang Ana, Nanay, lolo at lola
Sa pamamagitan ng mga salitang pasko, kaarawan at fiesta.
Sa pamamagitan ng mga salitang ilokos, pampanga, Sunrise Dr.
Anong uri ng panauhan ang ginagamit kapag ang itinuturong pangngalan ay malayo sa nagsasalita at kausap?
Unang Panauhan
Ikalawang Panauhan
Ikatlong Panauhan
Anong uri ng panauhan ang ginagamit kapag ang itinuturong pangngalan ay malapit sa taong nagsasalita?
Unang Panauhan
Ikalawang Panauhan
Ikatlong Panauhan
Anong uri ng panauhan ang ginagamit kapag ang itinuturong pangngalan ay malayo sa nagsasalita at kausap?
Unang Panauhan
Ikalawang Panauhan
Ikatlong Panauhan
Anong uri ng panauhan ang ginagamit kapag ang itinuturong pangngalan ay malapit sa taong nagsasalita?
Unang Panauhan
Ikalawang Panauhan
Ikatlong Panauhan
Ano ang kahalagahan ng Pag-aanunsyo?
Ang kahalagahan nito ay ang mabisang pagpapalaganap ng impormasyon.
Ang kahalagahan nito ay ang walang buhay na pagpapalaganap ng impormasyon.
Ang kahalagahan nito ay para walang makarating na impormasyon sa mga tao.
Alin sa mga sumusunod na panghalip ang humahalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop at lugar sa paraang patanong?
Panghalip Panao
Panghalip Pamatlig
Panghalip Panaklaw
Panghalip Pananong
Paano mo masasabi na ang kailanan ng panghalip pananong ay maramihan lamang?
Ito ay ginagamitan ng ako, mo, ko, akin, kanya, siya, niya, at iyo.
Ito ay ginagamitan ng nila, atin, at tayo.
Ito ay ginagamitan ng sino-sino, ano-ano, kani-kanino, alin-alin, at nino-nino.
Ito ay ginagamitan ng kami, namin at kata.
Paano mo masasabi na ang kailanan ng panghalip pananong ay isahan lamang?
Ito ay ginagamitan ng nila, atin, at tayo.
Ito ay ginagamitan ng ako, mo, ko, akin, kanya, siya, niya, at iyo.
Ito ay ginagamitan ng kami, namin at kata.
Ito ay ginagamitan ng sino, ano, kanino, alin, at ano.
Alin sa mga sumusunod na panghalip ang sumasaklaw sa kalahatan, dami, o kaisahan ng mga tao, bagay, at iba pa?
Panghalip Pamatlig
Panghalip Panaklaw
Panghalip Pananong
Panghalip Panao
