WorksheetsPagsusulit 1: Pagdalumat
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Ito ay tumutukoy sa pagteteorya at pagbubuo ng mga konsepto o kaisipan na mailalapat sa pagsusuri ng mga bagay-bagay sa lipunan.
Dalumat
Pagdadalumat
Dalumat-salita
Pagwiwika
Alin sa mga sumusunod na salita ang angkop na tumutugon sa katangian ng isang dalumat-salita?
kamalayan
bayan
tinubuang-lupa
kinalakihan
Kung ang ponema ay tumutukoy sa maliit na yunit ng tunog na may kabuluhan, ano naman ang morpema?
makaagham na pag-aaral ng salita
kalipunan ng mga pagkakayari ng mga salita
etimolohikal na pagpapakahulugan sa mga salita
maliit na yunit ng salita na may taglay na kahulugan
Ang salitang ito ay nangangahulugang napagkasunduan?
wika
arbitraryo
pragmatiks
sintaks
Batay sa kanya, ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa isang lipunan.
Noam Chomsky
Henry Gleason
Ferdinand de Saussure
Rhoderick Nuncio
Ito ang naging katawagan sa wikang pambansa ng Pilipinas simula taong 1959 sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ni Jose E. Romero.
Tagalog
Pilipino
Filipino
Cebuano
Alin sa mga sumusunod na wika ang HINDI nabibilang sa pangkat?
Chavacano
Hiligaynon
Waray
Tiruray
Ito ang hinirang na Salita ng Taon noong 2004.
canvass
miskol
tokhang
huweteng
Alin sa mga sumusunod na salita ang HINDI kabilang sa pangkat?
pandemya
selfie
legit
fotobam
Ito ang tawag sa kasalukuyang Wikang Pambansa ng Pilipinas.
Pilipino
Tagalog
Filipino
Pilifilipino
