NEW
Font size
WorksheetsPAGBASA AT PAGSUSURI
Total questions: 7
Worksheet time: 70secs
Ito ay isang uri ng teksto na may tiyak na pagkakasunod-sunod ang mga hakbang na dapat sundin upang matagumpay na magawa ang anumang gawain.
A.Tekstong Naratibo
B.Tekstong Persuweysib
C. Tekstong Impormatibo
D. Tekstong Prosidyural
Ang mga pamagat ng teksto sa ibaba ay kinasasaklawan ng tekstong prosidyural maliban sa isa. Ano ito?
A.Sopas na Manok
B. Paano gumuhit ng Aerial View Perspective
C. Manwal sa pagbuo ng robotics
D. Nang Pumuntsa ako sa Maynila
Ito ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa.
A.Tekstong Naratibo
B.Tekstong Persuweysib
C. Tekstong Impormatibo
D. Tekstong Prosidyural
Ang tekstong prosidyural ay nagsasaad din ng impormasyon o mga direksyon upang ligtas, mabilis, matagumpay, at maayos na maisakatuparan ang mga gawain.
TAMA
MALI
Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa mga hakbang ng tekstong prosidyural maliban sa isa. Ano ito?
A. Nakalahad dito ang mga panuto kung paano gagawin ang buong proseso upang makamit ang layunin
B. May pagkasunod-sunod ang mga pangungusap batay sa hakbang
C. Maaaring gumamit ng numero, bullet, o mga pang-ugnay.
D. Nakapaloob dito ang kaligiran ng
mga tauhan, lunan o setting, at oras o
panahon kung kailan nangyari ang
kuwento.
Alin sa ibaba ang masasabi nating isang tekstong may kinalaman sa tekstong prosidyural?
A. Byahe patungong Batanes
B. Manwal sa pagbuo ng bluetooth printer
C. Ang aking paboritong sopas na manok
D. Ang hindi ko makalimutang karanasan
Sa tekstong impormatibo, anuman ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon.
TAMA
MALI
