WorksheetsAP10_3rd Qtr_Reviewer_ST#4
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi maituturing na diskriminasyon?
Pagbabawal sa babae na makapasok sa paaralan.
Pantay na pagtingin sa katayuan ng babae at lalaki sa lipunan.
Pag-alis sa trabaho ng isang babae nang dahil sya ay single mom.
Si Narda ay madalas na sinasaktan at nakatatanggap ng masasakit na pananalita mula sa kaniyang asawa lalo na sa tuwing ito’y lasing at hindi naibibigay ang anumang hiling. Anong batas ang maaring magbigay ng proteksyon kay Narda sa ganitong sitwasyon?
RA 9262
RA 9610
RA 7610
RA 8720
Ano ang pamagat ng RA 9262?
Anti-Violence Against Women and their Children Act
Magna Carta for Women
Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act
Ano ang pamagat ng RA 7610?
Anti-Violence Against Women and their Children Act
Magna Carta for Women
Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act
Ano ang pamagat ng RA 9710?
Anti-Violence Against Women and their Children Act
Magna Carta for Women
Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act
Bilang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang ikampanya ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng kasarian?A. Bumuo ng batas na naglalayong bigyan ng karapatan ang LGBT.
Bumuo ng batas na naglalayong bigyan ng karapatan ang LGBT.
Huwag idiskrimina ang kamag-aral batay sa kanilang kasarian.
Makipagkaibigan sa kamag-aral na tiyak mong babae o lalaki.
Ang CEDAW ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduang binuo sa ilalim ng United Nations Treaty for the Rights of the Women. Inaasahang gampanan ang kanilang tungkulin na ipagtanggol at itaguyod ang mga karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa inaasahang gampanin nila?
Ipagpatuloy ang pagpapunlad ng mga batas upang wakasan ang anumang uri ng diskriminasyon.
Ipagsawalang-bahala ang mga batas at ipagpatuloy ang nakasanayang pagdidiskrimina sa kakabaihan.
Itaguyod ang mga batas na magbibigay proteksyon sa lahat ng kakabaihan laban sa diskriminasyon.
Si David ay nakararanas ng pang-aabuso sa kanyang asawa, ano ang nararapat nyang gawin?
Gumawa ng paraan upang magantihan ang taong nang- aabuso.
Magsumbong sa kinauukulan at ipaglaban ang karapatan.
Ilabas ang sama ng loob sa kaibigan at patawarin ang taong may sala.
Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pantay na
pagtrato sa kasarian?
Pagbibigay ng pantay na oportunidad sa mga manggagawang kasapi ng LBGT.
Pagpapaalis sa isang manggagawa nang dahil lamang sya
ay isang bakla.
Paggalang at pagtanggap sa talino at kakayahan ng mga
kababaihan.
Ang lahat ay kabilang sa binibigyang proteksiyon ng batas batay sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act sa ating bansa MALIBAN sa isa?
mga babaeng may edad 25 gulang pataas na may karelasyon o asawa
babaeng may edad 25 gulang pataas na walang karelasyon o asawa
babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon
Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima din nito. Ang sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng karahasan MALIBAN sa isa.
Sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyona nararapat lamang sa iyo ang ginagawa niya sa iyo.
Pagsasabi ng masasakit na salita at pananakit tulad ng pagsampal,pagsipa o pagsakal.
Paghingi ng tawad at pagtupad sa pangakong magbabago.
Ito ay ang anumang pag-uuri,eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng mga babae o lalaki ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
Pansasamantala
Diskriminasyon
Destruksyon
Bakit mahalaga na mawakasan ang diskriminasyon sa anumang kasarian?
Sapagkat tayo ay mahal ng Diyos at karapat-dapat na makatanggap ng kanyang pagpapatawad
Sapagkat walang sinuman ang nararapat na makatanggap ng diskriminasyon
Sapagkat tayong lahat ay pantay-pantay at pare-pareho may karapatang pantao na dapat pangalagaan,igalang at tanggapin
Sa paanong paraan maipapakita ang paggalang sa mga kasapi ng LGBT?
pagtawanan sa tuwing may makikitang nagsusuot ng kasuotang pambabae
huwag silang husgahan batay sa piniling oryentasyong seksuwal.
ipagtanggol lamang sila batay sa benepisyong makukuha
Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong kayo ay mga bata pa at para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong gagawin?
Igagalang ko ang oryentasyong seksuwal ng aking kaibigan.
Gamitin ito laban sa kanya at hingian sya ng pera bilang kapalit sa pagtatago ng kanyang lihim.
Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
