wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Short Reviewer in ARPAN 5

Total questions: 15

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang naging impluwensiya ng Kalakalang Galyon sa ating mga kaugalian at tradisyon?

a)

Ang pagpunta sa mga magagandang lugar sa iba’t ibang bansa.

b)

Ang makulay at magarbong pagdiriwang ng mga pista.

c)

Ang pagbili ng mga bagay na hindi kailangan.

d)

Ang pagkahilig sa mga materyal na bagay.

e)

Ang pagtatrabaho sa polo y servicios.

2.

Paano nakaapekto sa kalakalan ang pagbubukas ng daungan ng Maynila?

a)

Nadagdagan ang kita ng pamahalaan na ipinantustos sa pagpapanatili ng Kristiyanismo.

b)

Lumaki ang kita ng mga Pilipino na naging dahilan ng kanilang pagyaman.

c)

Marami ang nawalan ng kabuhayan dahil sa pagbubukas ng daungan.

d)

Humina ang ekonomiya ng bansa dahil sa kalakalan.

e)

Nagkaroon ng mas malalim na pagmamahal sa sariling bansa.

3.

Ano ang positibong epekto ng kalakalang galyon sa mga Pilipino?

a)

Nagkaroon ng sariling galyon ang bawat Pilipino upang magamit sa pakikipag kalakalan.

b)

Nakilala ang mga Pilipino sa pagiging malikhain at mahusay sa paggawa ng galyon.

c)

Lalong pinahirapan ang mga Pilipinong nasa ilalim ng Polo y Servicios.

d)

Yumaman ang mga Pilipino at naghirap ang mga Espanyol.

e)

Nakilala ang Pilipinas sa kalakalang pandaigdig.

4.

Ano ang negatibong naidulot ng pagtatatag ng monopolyo ng tabako sa bansa?

a)

Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain at natutong manigarilyo ang mga Pilipino.

b)

Nakilala ang bansa sa buong mundo sa larangan ng pagtatanim ng tabako.

c)

Nabigyan ng malaking kita ang bansa.

d)

Naging tamad ang mga magsasaka.

e)

Nagdulot ng kagutuman sa maraming Pilipino

5.

Bakit hindi maaaring lumahok sa kalakalang galyon ang mga alipin o indio?

a)

Sapagkat wala silang kakayahang magbayad ng tiket para sa pakikipagkalakalan.

b)

Sapagkat mayroon na silang mataas na katungkulan.

c)

Sapagkat hindi talaga nila nais lumahok.

d)

Sapagkat hindi sila Katoliko.

e)

Sapagkat dagdag gastos lamang ito.

6.

Ano ang iba pang tawag sa kalakalang Maynila at Mexico?

a)

Espanya- Acapulco Trade

b)

Mexico- Acapulco Trade

c)

Manila-Acapulco Trade

d)

Tsina-Acapulco Trade

e)

Philippines-Mexico Trade

7.

Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng monopolyo ng tabako sa ating bansa?

a)

Naniniwala si Gobernador-Heneral Basco na mas tatatag ang ekonomiya dahil mataas ang demand ng tabako sa kalakalan.

b)

Makikilala ang produktong tabako sa buong bansa.

c)

Mahilig magtanim ng tabako ang mga Ilocano.

d)

Mahilig manigarilyo ang mga Espanyol.

8.

Ano ang kabutihang dulot ng monopolyo ng tabako?

a)

Ang mga magsasakang nasiraan ng pananim ay binawian din ng mga lupain.

b)

Napunta lamang sa bulsa ng mga opisyal ang mga kinitang salapi.

c)

Inabuso ng mga pinunong namahala rito ang kanilang tungkulin.

d)

Nagkaroon ng trabaho ang libu-libong mamamayan.

9.

Anu-ano ang mga lalawigang sakop ng monopolyo ng tabako?

a)

Cagayan, Ilocos at Nueva Ecija

b)

Basilan, Maguindanao, at Jolo

c)

Imus, Bacoor, at General Trias

d)

Tarlac, Albay, at Sorsogon

e)

Cebu, Bohol, at Bacolod

10.

Alin ang HINDI kabilang sa masamang bunga ng polo y servicio o sapilitang paggawa?

a)

pagkakaroon ng malaking kita ng mga polista

b)

pagkakasakit at pagkamatay ng ilang polista

c)

pagpapabaya sa sariling kabuhayan

d)

pagkawalay sa pamilya

11.

Alin sa mga pahayag ang tungkol sa pamahalaang sentral?

a)

Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nagmumula sa pamahalaang pambansa.

b)

Ang ayuntamiento na pinamumunuan ng alkalde-mayor ay bahagi ng pamahalaang ito.

c)

Ang sistema ng pamahalaang ito ay unang ibinatay sa sistemang encomienda.

d)

Ang pueblo, bayan at barangay ay kabilang sa pamahalaang ito.

12.

Ano ang pangunahing epekto ng sistemang encomienda sa pamumuhay ng mga Pilipino?

a)

Ang pagkakaroon ng malalim na kaalaman at kasanayan sa pagsasaka ng mga Pilipino.

b)

Ang pagsapi ng mamamayang Pilipino sa samahan ng mga encomendero.

c)

Ang pagkakaroon ng trabaho ng maraming katutubong Pilipino.

d)

Ang pagpapatupad ng paniningil ng buwis sa mga Pilipino.

13.

Ano ang magiging sanhi kung ipinatupad ng gobernador-heneral ang kapangyarihan niyang tinatawag na cumplase?

a)

Ito ay magpapakita ng pang-aabuso dahil ang kanyang ipinapatupad ay naaayon sa kanyang pansariling interes.

b)

Ito ay makatutulong sa paghahanap ng maling gawain ng ibang opisyales sa pamahalaan.

c)

Ito ay malawakang pagpili ng mga kasapi sa isang magandang pamayanan.

d)

Ito ay magkakaroon ng mas malawakang pag-asenso ng mga Pilipino.

14.

Saan nagmumula ang kapangyarihan ng pamahalaang sentralisado na itinatag ng mga Espanyol sa ating bansa?

a)

pamahalaang panlalawigan

b)

pamahalaang pambansa

c)

sistemang encomienda

d)

pamahalaang lokal

e)

sistemang reduccion

15.

Ibigay ang naging bunga ng mga pangyayaring nakatala.

Maganda ang lokasyon ng Maynila para sa kalakalan________________.

a)

naging sentro ito ng kalakalan sa Asya

b)

nagkaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkaing agrikultura.

c)

nabaon sa utang ang magsasaka at nawala ang kanilang mga lupain

d)

naging kaugalian ang pagkakaroon ng makulay at magarbong pagdiriwang.

e)

nalimitahan sa pagbebenta at pagdaragdag ng presyo ng tabako ang mga magsasaka.