wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

araling panlipunan 6

Total questions: 11

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging suliranin ng ating pamahalaan pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig?

a)

a. pag-aalsa ng ilang pangkat sa pamahalaan

 

b)

b. pagkakaroon ng mataas na antas ng pamumuhay na tulad ng Estados Unidos.

c)

c. wasak na mga gusali, imprastraktura at pagka paralisa ng mga transportasyon.

d)

d. mabuway na ekonomiya at bagsak na produksyon sanhi ng pagkasira ng mga palayan at sakahan.

2.

2. Anong hakbang ang ginawa ni Pangulong Manuel A. Roxas upang matugunan ang mga hamon at suliranin sa kanyang administrasyon?

a)

a. Nakipag ugnayan at nakipag kaibigan sa bansang Espanya.

b)

b. Umalis papuntang Estados Unidos kasama ang kanyang gabinete.

c)

c. Pumirma nang kasunduang Philippine Rehabilitation Act sa pagitan ng Pilipinas at Espanya.

d)

d. Pumirma nang kasunduang Philipine Rehabilitation Act sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

3.

3. Sa iyong palagay, ang pagpirma ni Pangulong Manuel A. Roxas ng kasunduan sa Estados Unidos ay nakatulong ba upang matugunan ang mga suliranin at hamon na kinaharap ng Pilipinas pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig? Bakit?

a)

a. Hindi, dahil umasa na lamang ang mga Pilipino sa tulong na ibinigay ng Estados Unidos.

b)

b. Oo, dahil malaki ang naitulong nang perang ibinigay ng Estados Unidos sa Pilipinas sa rehabilitasyon at pagpapagawa ng mga bagong gusali sa ating bansa.

c)

c. Hindi tiyak o sigurado kung natugunan ba o hindi ang mga suliranin at hamong kinaharap ng pamahalaan.

d)

d. Oo, dahil nagkaroon ang mga Pilipino ng sapat na kamalayan sa mga produkto at kulturang kanluranin na siyang naging paraan upang bumuti ang antas ng kanilang pamumuhay.

  

4.

4.  Ang mga sumusunod ay ang mga kasunduang kaagapay o kapalit ng Philippine Rehabilitation Act. Alin sa mga ito ang hindi?

a)

a. Batas Militar

b)

b. Bell Trade Act

c)

c. Parity Rights

d)

d. Military Bases Agreement

5.

5.  Bakit mahalaga sa ekonomiya ng ating bansa ang pagtangkilik ng mga produktong sariling atin?

a)

a. Ipinapakita nito na mahal natin ang ating bansa.

b)

b. Makatutulong ito upang umangat pa at mas makilala ang ating produkto sa ibang bansa.

c)

c. Makatutulong tayo upang kumita at umunlad ang kabuhayan ng ating mga kapwa Pilipino

d)

d. Lahat ng mga nabanggit.

6.

6.  Bakit  maraming  Pilipino  ang  nagalit  at  hindi  sumang-ayon  sa  pagpirma  ni Pangulong Roxas sa kasunduang inilahad ng Estados Unidos?

a)

a. Ang kasunduan ay pabor lamang sa mga Pilipino.

b)

b. Hindi naging pantay ang kasunduan sa mga Pilipino.

c)

c. Ang mayayaman lamang ang nakatanggap ng tulong at benepisyo.

d)

d. Marami ang nakatanggap ng benipisyo at tulong mula sa Estados Unidos.

7.

7.  Bakit  labag  sa  konstitusyon  at  saligang  batas  ng  Pilipinas  ang  patakarang Parity Rights?

 

a)

a.  Ito ay isang paraan ng pakikipagkaibigan sa ibang bansa.

b)

b.   Ito ay patakarang nag uutos na tumangkilik sa mga p rodukto ng  ibang bansa.

c)

c.  Ito ay isang paraan ng panghihimasok ng makapangyarihang mga bansa at mga bagong tatag na estado.

d)

d.  Ito ay kasunduang nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga  Pilipino at Amerikano na linangin ang mga likas na yaman ng bansa.

8.

8.  Naging  aktibo  ang  kilusang  Hukbalahap  (Hukbo  Laban  Sa  hapon)  sa administrasyong  Roxas.  Alin  kaya  sa  mga  sumusunod  ang  maaring  naging dahilan ng kanilang pag-aalsa?

a)

a. Pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produkto ng ibang bansa.

b)

b.  Hindi pagsang-ayon ng pamahalaan sa kasunduang Batas Militar.

c)

c.  Pagbabayad  ng  pamahalaang  Amerikano  ng  napakababang  halaga  sa Pilipinas bilang bayad pinsala sa digmaan.

d)

d.  Galit at kawalan ng tiwala sa pamahalaan dahil sa pagsang-ayon nito sa mga hindi pantay na kasunduan na inilahad ng Estados Unidos.

9.

9.  Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa mga reaksiyon ng mga Pilipino sa mga ilang hindi pantay na kasunduan. Alin sa mga ito ang hindi nabibilang sa kanilang mga reaksiyon?

 

a)

a.  Pag-aalsa laban sa pamahalaan.

b)

b.  Pagbatikos sa administrasyong Roxas

c)

c.  Pakikipagsaya kasama ang mga Amerikano

d)

d.   Galit dahil sa paglabag ng kanilang mga Karapatan

10.

10.  Sa  kanyang  panunumpa  bilang  Pangulo  ng  Pilipinas  ipinahayag  niya  na  ang “Pilipinas ay magiging dakila muli”. Sinong Pangulo ito?

                 

      

a)

A.  Carlos P. Garcia  

b)

B.  Ferdinand E. Marcos   

c)

C. Manuel A. Roxas

d)

   D. Ramon F. Magsaysay

11.

11.   Sinong  Pangulo  ang  nagpaunlad  sa mga  baryo  dahil  sa pananiniwala  na  “kung ano ang nakabubuti sa karaniwang tao ay nakabubuti rin sa buong bansa”?

             

           

 

a)

A.   Carlos P. Garcia    

b)

B.  Diosdado P. Macapagal   

c)

  C. Elpidio R. Quirino

d)

  D. Ramon F. Magsaysay