wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Balik-aral para sa Mahabang Pagsusulit

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Piliin kung Piksyon o Di Piksyon ang akda ayon sa pamagat.

Ang Alamat ng Makahiya

a)

Piksyon

b)

Di Piksyon

2.

Piliin kung Piksyon o Di Piksyon ang akda ayon sa pamagat.

Mga Naging Pangulo sa Pilipinas

a)

Piksyon

b)

Di Piksyon

3.

Piliin kung Piksyon o Di Piksyon ang akda ayon sa pamagat.

Ang Kontribusyon ni Manuel L. Quezon sa Wikang Filipino

a)

Piksyon

b)

Di Piksyon

4.

Basahin ang sipi at kilalanin ang uri ng babasahin.

 

Inilikas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang mga nakatira sa "Pulo" o Taal Volcano Island matapos magbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng posibleng phreatic explosion kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga naitatalang pagyanig sa isla.

a)

Piksyon

b)

Di Piksyon

5.

Basahin ang sipi at kilalanin ang uri ng babasahin.

 

     Ipinasok ni Ibong Candy ang kanyang ulo at ginamit niya ang kanyang tuka sa pagbunot ng tinik na nakabaon sa lalamunan ni Lou na isang lobo.  Hindi ibinigay ng lobo ang gantimpala kay Ibon matapos siyang tulungan nito.

a)

Piksyon

b)

Di Piksyon

6.

Tukuyin ang buong simuno sa pangungusap.

Malawakan ang pinsala sa naganap na lindol noong nakaraang linggo na hindi inaasahan ng lahat.

a)

malawakan na lindol

b)

ang pinsala

c)

noong nakaraang linggo

d)

hindi inaasahan ng lahat

7.

Tukuyin ang buong simuno sa pangungusap.

Sina Mang Lito at Aling Sally ay ilan lamang sa mga pamilyang nawalan ng tirahan.

a)

Sina Mang Lito at Aling Sally

b)

sa mga pamilya

c)

nawalan

d)

tirahan

8.

Tukuyin ang buong panaguri sa pangungusap.

Ang mga napinsala ng lindol ay bibigyan ng pabahay ng lokal na pamahalaan.

a)

Ang mga napinsala ng lindol

b)

bibigyan ng pabahay ng lokal na pamahalaan.

9.

Tukuyin ang buong panaguri sa pangungusap.

Ang kaligtasan ng lahat ay tunay na unang prayoridad.

a)

Ang kaligtasan ng lahat

b)

tunay na unang prayoridad

10.

Kilalanin ang ayos ng pangungusap.

Unang kinuha ng ama ang emergency go bag na siyang dadalhin sa lugar na paglilikasan ng pamilya.

a)

Karaniwang Ayos

b)

Di Karaniwang Ayos

11.

Kilalanin ang ayos ng pangungusap.

Ang kahandaan ng bawat pamilya ay isang mahalagang bagay na dapat taglayin upang makaligtas sa mga trahedya.

a)

Karaniwang Ayos

b)

Di Karaniwang Ayos

12.

Kilalanin ang sugnay na may salungguhit sa pangungusap.

Maaaring mawalan ng signal ang cellphone kung tayo ay makakaranas ng malawakang sakuna.

a)

Sugnay na makapag-iisa

b)

Sugnay na di-makapag-iisa

13.

Kilalanin ang sugnay na may salungguhit sa pangungusap.

Manatili lamang sa ilalim na matitibay na kasangkapan ang bawat isa upang mapanatiling ligtas ang lahat.

a)

Sugnay na makapag-iisa

b)

Sugnay na di-makapag-iisa

14.

Kilalanin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit.

Plitan mo na ang mga lumang biskwit na inilagay natin sa emergency bag at baka lagpas na ito sa expiration date.

a)

pasalaysay

b)

patanong

c)

pautos

d)

pakiusap

e)

padamdam

15.

Isalin ang pangungusap bilang patanong.

Tinatayang walong daang milyong piso ang kabuoang perwisyong naidulot ng lindol sa kanilang lugar.

a)

Grabe! Tinatayang walong daang milyong piso ang kabuoang perwisyong naidulot ng lindol sa kanilang lugar.

b)

Magkano ang tinatayang kabuoang perwisyong naidulot ng lindol sa kanilang lugar?

c)

Maaari mo bang saliksikin ang kabuoang perwisyong naidulot ng lindol sa kanilang lugar?

d)

Pwede mo bang tingnan ang kabuoang perwisyong naidulot ng lindol sa kanilang lugar?