Font size
WorksheetsAP Quiz 2: 4th Quarter
Total questions: 65
Worksheet time: 1hrs 5mins
TAMA o MALI: Ang ekonomiya ay may kinalaman sa kalagayan ng kapaligiran, likas na yaman, uri ng hanapbuhay, at mga gawain ng tao sa komunidad.
Tama
Mali
Ilan ang mga lungsod sa rehiyon ng CALABARZON
10
11
12
13
Alin sa mga sumusunod ang may pinakamalaking sukat ng lupain ngunit may pinakakaunting populasyon?
Batangas
Laguna
Quezon
Cavite
TAMA o MALI: Dahil sa lumalagong ekonomiya ng CALABARZON, mas nagiging mabagal ang pag-unlad ng pangangalakal dito.
Tama
Mali
Ano ang ibig sabihin ng EPZs?
Exit Property Zones
Economy Place Zones
Essential Product Zones
Export Processing Zones
Ano ang pangunahing hanapbuhay sa Cavite?
pagsasaka
pangingisda
pagmimina
pagtatahi
Saan matatagpuan ang pangunahing sentro ng pananaliksik sa palay sa Timog-Silangang Asya?
Lipa, Batangas
Los Baños, Laguna
Lucena, Quezon
Dasmariñas, Cavite
Alin sa mga sumusunod ang MALI tungkol sa Laguna?
May malawak na taniman ng palay dito.
Tubo at lansones ang mga ani dito.
Mayroong sibol ng mainit na tubig dito.
Nandito ang Bundok Banahaw na may geothermal energy.
Saan matatagpuan ang pinakamaliit na bulkan sa daigdig?
Rizal
Cavite
Batangas
Laguna
Ano ang tawag sa taniman ng kape, paminta, at iba't ibang bungangkahoy sa Cavite?
Cavite Economic Zone
Cavite Farm Area
Cavite Field Zone
Cavite Crop Place
Saan matatagpuan ang pangalawang pinakamalaking daungang pandaigdig ng Pilipinas?
Laguna
Quezon
Rizal
Batangas
TAMA o MALI: Sa Rizal ay may mga matatagpuang di-metal na mineral tulad ng apog, limestone, marble, buhangin, semento, at pintura.
Tama
Mali
Punan ang patlang:
_____________: troso at niyog
Laguna: tubo at lansones
Batangas
Rizal
Quezon
Cavite
Anong lalawigan ang nasa gilid ng Bulubundukin ng Sierra Madre?
Batangas
Quezon
Rizal
Laguna
Punan ang patlang.
Cavite: asin
______________: softdrinks
Rizal
Laguna
Batangas
Quezon
Punan ang patlang.
Papier-mâché: __________
kapeng barako: Batangas
Cavite
Rizal
Quezon
Laguna
TAMA o MALI: Kakaunti ang likas na yaman sa rehiyon ng CALABARZON.
Tama
Mali
Alin sa mga sumusunod na anyong tubig ang HINDI makikita sa rehiyon ng CALABARZON?
ilog
lawa
talon
dagat
Ano ang ibig sabihin ng SLEX?
South Luzon Expressway
South Lake Expressway
South Line Expressway
South Long Expressway
TAMA o MALI: Ang rehiyon ng CALABARZON ay may malalawak na mga daan, tulay, at highway.
Tama
Mali
Ano ang pangunahing daan na nagdudugtong sa Metro Manila at sa mga lalawigan sa CALABARZON, maging sa Katimugang Luzon?
NLEX
ACTEX
SLEX
PTIX
Ano ang pangunahing daan patungo sa mga silangang lalawigan ng Luzon- ang Rizal, Quezon, at Laguna?
NCR West Road
South East Road
CALABARZON Road
Manila East Road
TAMA o MALI: Ang Marikina-Infanta Highway ay tinatawag din na MARILAQUE.
Tama
Mali
Ano ang isa sa pangunahing kalsada na nagdurugtong sa Metro Manila, at Infanta, Quezon?
Manila-Marikina Highway
Marikina-Infanta Highway
Manila-Infanta Highway
Marikina-Quezon Highway
Ano ang ibig sabihin ng CAVITEX?
Calamba Expressway
CALABARZON Expressway
Cavite Expressway
Walang tamang sagot
Alin sa mga sumusunod ang dumadaan sa mga baybaying bayan papuntang Tagaytay sa harap ng Lawa ng Taal?
Aguinaldo Highway
Quezon Highway
Rizal Highway
Bonifacio Highway
Ano ang ibig sabihin ng STAR?
South Toll Arterial Road
Southern Tagalog Arterial Road
Sand Toll Asian Road
South Tower Aerial Road
Anong daan ang matatagpuan sa Rizal?
Aguinaldo Highway
Quezon Highway
Marcos Highway
Rizal Highway
Alin sa mga sumusunod ang HINDI daan sa Rizal?
Marcos Highway
Cabrera Road
Sumulong Highway
Manila East Road
Anong daan sa Cavite ang nagdurugtong patungong Nasugbu, Batangas?
Dark Tunnel
Kaybiang Tunnel
Cavite Tunnel
CALABARZON Tunnel
TAMA o MALI: Ang Silangan Railway Express ay dumadaan sa Santa Maria, Laguna.
Tama
Mali
Ano ang dumadaan sa Siniloan, Laguna at Real, Quezon?
Siniloan-Infanta Road
Real-Infanta Road
Laguna-Quezon Road
Siniloan-Real Road
Ano ang ibig sabihin ng PNR?
Pacific North Railway
Philippine North Road
Philippine National Railway
Pacific National Road
TAMA o MALI: Hindi nalulutas ng Philippine National Railway o PNR ang trapiko at polusyon sa CALABARZON.
Tama
Mali
Saan matatagpuan ang Major Danilo Atienza Air Base?
Cavite
Laguna
Batangas
Quezon
TAMA o MALI: Ang dating pangalan ng Major Danilo Atienza Air Base ay "Sangley Point Naval Air Station."
Tama
Mali
Punan ang patlang.
____________: Camp Mateo Capinpin Airfield
Cavite: Danilo Atienza Air Base
Lemery, Batangas
Tanay, Rizal
Lucban, Quezon
Bacoor, Cavite
Punan ang patlang.
Kindley Landing Field: ___________
Camp Mateo Capinpin Airfield: Rizal
Santa Rosa
Antipolo
Corregidor
Tagaytay
Alin sa mga sumusunod ang HINDI makikita sa Batangas?
Batangas International Seaport
Calauag Pier
Anilao Pier
Talaga Pier
Alin sa mga sumusunod na pantalan ang HINDI makikita sa Cavite?
Pantalan ng Brgy. Masipag Macalelon
Pantalan ng Isla ng Corregidor
Pantalan ng Lungsod ng Cavite
Naval Base Heracleo Alano
Alin sa mga sumusunod na pantalan ang HINDI matatagpuan sa Quezon?
Talao-talao Pier sa Lucena
Talaga Pier
Calauag Pier
Pantalan ng Alabat
Ano ang tawag sa daungan ng mga barko at maliliit na sasakyang pandagat?
pier o pantalan
airport o paliparan
school o eskwelahan
hospital o ospital
TAMA o MALI: Mahalaga ang enerhiya sa pagpapatakbo ng mga pabrika at pagawaan ng iba't ibang produkto.
Tama
Mali
Saan matatagpuan ang pinakamalaking Special Economic Zone tulad ng Gateway Industrial Estates?
Rizal
Laguna
Batangas
Cavite
TAMA o MALI: Pangunahing sentro na manufacturing at kalakalan ang mga industrial estates sa CALABARZON.
Tama
Mali
TAMA o MALI: Mayroong 12 special economic zones ang Rizal.
Tama
Mali
Ano ang mangyayari sa mga produkto at serbisyo kung may mataas na pangangailangan ang mga tao?
Mataas na produksyon
Mababa na produksyon
Patas na produksyon
Mataas at mababa na produksyon
Bakit mabilis ang pag-unlad ng pangangalakal sa rehiyon ng CALABARZON?
Maraming tao ang nagtatrabaho sa pamamagitan ng pangingisda.
Madami ang populasyon ng tao sa bawat lalawigan.
Malapit ito sa Metro Manila, ang sentro ng pamilihan, industriya, at kalakalan.
Malawak ang kalupaan at karagatan ng rehiyon.
Alin sa mga sumusunod ang may pinakamaliit na sukat ng lupain ngunit may pinakamaraming tao?
Batangas
Cavite
Rizal
Laguna
Saan nakasalalay ang mabilis at maayos na pag-unlad ng CALABARZON
Mayaman ang mga pinuno rito.
Nagtatrabaho ang mga tao rito.
Maraming lungsod at bangko rito.
Iba't iba ang likas na yaman at mga produkto rito.
Anong pamantayan ang nagpapakita ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlalawigan?
pangnilalaman
pagsagip
pagganap
pagkakilanlan
Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa pamantayang pangnilalaman?
Pakikipasapalaran ng mga dayuhan
Bahaging ginagampan ng pamahalaan
Pagunawa sa hanapbuhay
Mga taong naglilingkod tungo sa pagkakaisa at kaayusan
Ano ang tawag sa pangkalahatang produktong domestiko ng CALABARZON?
Gross Regional Domestic Product
Annual Regional Domestic Product
Great Regional Domestic Product
Active Regional Domestic Product
Bakit maunlad ang pangangalakal sa CALABARZON?
Maraming negosyante at namimili dito.
Maraming naglalakihang tindahan dito.
Maraming bangko at lungsod dito.
May mga daungan ng barkong nagmumula sa iba't ibang lugar.
TAMA o MALI: Ginagamit ng Hukong Himpapawid ng Pilipinas ang mga paliparan. Ginagamit ito sa mga sitwasyon tulad ng pagdadala ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyo.
Tama
Mali
Pinagmumulan ng enerhiyang geothermal sa Laguna
Bundok Makiling
Bundok Maculot
Bundok Banahaw
Bundok Kasilungan
Tumutukoy sa kalagayan ng kapaligiran, likas na yaman at gawain ng tao sa komunidad.
(a)
Alin sa mga sumusunod na lalawigan ang may pinakamalawak na taniman ng kape at mais?
Batangas
Laguna
Cavite
Quezon
Saang lalawigan ang napagkukunan ng iba't ibang uri ng di-metal na mineral?
Quezon
Cavite
Batangas
Rizal
Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pinakamahabang expressway sa Pilipinas?
CAVITEX
SLEX
MARILAQUE
STAR Tollway
Bakit tumataas ang presyo ng isang produkto? Tumataas ang presyo sa tuwing ____________.
kakaunti ang bumibili ng produkto
dumarami ang nagbibigay ng serbisyo
dumarami ang gumagawa ng produkto
kakaunti ang gumagawa ng produkto
Alin ang itinuturing na base militar ng Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas?
Camp Mateo Capinpin
Danilo Atienza Air Base
Fernando Air Base
Kindley Landing Field
Anong daan ang nagdurugtong mula sa Maragondon, Cavite patungong Nasugbu, Batangas?
Kaybiang Tunnel
Manila-Cavite Expressway
Silangan Expressway
Siniloan-Infanta Road
Saan ang pinakasentro ng kalakalan sa ating bansa?
Batangas
Cebu
Metro Manila
Davao
Katatagpuan dito ang pangalawang pinakamalaking daungan sa daigdig.
Metro Manila
Cavite
Laguna
Batangas
