WorksheetsPart 2 Quarter 3 Filipino Reviewer
Total questions: 20
Worksheet time: 8mins
Nasa ibaba ang mahahalagang pangyayari sa tekstong napakinggan. Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga ito upang mabuo ang wastong lagom o buod.
I. Nakalimutan niya ang utos upang huminto sa pagtakbo ang kabayo sa labis na takot.
II. Naging maayos ang resulta ng tinurong utos ng pari sa kaniyang kabayo hanggang sa bumisita ang kaniyang kaibigang pari galing.
III. May isang pari ang tinuruan ang kaniyang alagang kabayong sumunod na lamang sa naisip niyang utos upang mapabilis ang kaniyang pagkilos.
IV. Sinubukan ng kaniyang kaibigang pari kung epektibo nga ang itinuro sa kabayo at labis nga ito nasiyahan sa kaniyang pagsakay hanggang nakarating sila malapit sa bangin.
V. Hindi nagtagal ay naalala niya ang tamang utos upang mapahinto ang kabayo ngunit dahil sa hindi sinasadyang utos, nahulog sila sa bangin.
III-V-I-IV-II
III-II-I-IV-V
III-IV-II-I-V
III-II-IV-I-V
Ang mga sumusunod na argumento ay nagpapakita ng mga kadahilan o patunay ng unti-unti pagkasira ng kalikasan ayon sa tekstong binasa maliban sa isa. Piliin ang HINDI kabilang.
Pagkakaroon ng mga bagong tuklas na uri ng hayop.
Nakakalbo ang kagubatan na dahilan ng pagkawala ng tahanan ng mga hayop.
Kakaunti mga puno na dapat sana ay magsisipsip ng tubig ulan at maruming hangin.
Pagtatapon ng basura kung saan-saan na unti-unti din pumapatay sa mga anyong tubig.
Pamagat: Ang Mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae
I. Mga Tauhan
A. matandang babae
B. mga mangingisda
C. mag-asawa
II. Tagpuan
A. tabi ng lawa
III. Dahilan kung bakit naging Kulisap ang Mag-Asawa
A. ______________________
B. ______________________
C. ______________________
Kumpletuhin ang nakalarawang balangkas na nasa itaas. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa mga dahilan kung bakit naging kulisap ang mag-asawa?
Dahil sila ay naging palabiro sa matandang babae.
Dahil sila ay naging lapastangan sa matandang babae.
Dahil sila ay hindi nagpaalam na mamimitas ng bulaklak.
Dahil sila ay naging bastos sa matandang babae at pinagtawanan ang anyo nito.
Anong kondisyunal na tulong ang ibinibigay ng pamahalaan para sa pinakamahirap na Pilipino?
kondisyunal na tulong pinansyal
kondisyunal na mabiyan ng bahay
kondisyunal na mabigyan ng trabaho
kondisyunal na tulong pang-ekonomiya
Batay sa ulat na nabasa, alin ang maaaring HINDI kabilang sa mga pamantayan upang maging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program?
Pamilyang binubuo ng limang (5) miyembro o higit pa.
Pamilyang nangangakong tutuparin ang mga kondisyong inilalatag ng programa.
Pamilyang inuuri bilang mahirap o higit pa ayon sa pamantayang pangkahirapan sa mga probinsiya.
Residente ng pinakamahihirap na munisipalidad, batay sa 2003 Small Area Estimates (SAE) ng National Statistical Coordination Board (NSCB).
Ito ay tumutukoy sa uri ng balangkas na kung saan binubuo ng mga salita o parirala lamang mula sa pangunahing ideya o paksang pangungusap.
Pangungusap na Balangkas
Papaksang Balangkas
Pasalitang Balangkas
Patalatang Balangkas
Ito ay uri ng pang-angkop na nagdudugtong sa mga salitang nagtatapos sa patinig.
g
na
nang
ng
Ito ay uri ng pangatnig na ginagamit sa pag-uugnay sa dalawang salita o kaisipang pinagpipilian.
at
dahil
ni
o
Alin sa mga sumusunod na pangatnig ang HINDI ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang kaisipang magkakontra o magkasalungat.
ngunit
pero
sapagkat
subalit
“Si Ana ay matalino____ bata. Siya ay masigasig sa kaniyang pag-aaral para sa kaniyang kinabukasan.” Tukuyin ang wastong pang-angkop ang dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
g
na
ng
nang
“May mga taong kapos sa karunungan _________ nagpapakita ng mabuting-asal.” Tukuyin ang wastong pangatnig ang dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
dahil
sapagkat
subalit
upang
“Hindi ko palalampasin ang matatamis na prutas sa Davao.” Ano ang dalawang salita na pinag-uugnay ng pang-angkop na nasa pangungusap?
matatamis at Davao
matatamis at prutas
palalampasin at prutas
prutas at Davao
Anong uri ng panlapi ang nasa salitang umpisahan?
gitlapi
unlapi
hulapi
kabilaan
Anong uri ng panlapi ang nasa salitang tumanggap?
Gitlapi
Hulapi
Kabilaan
Unlapi
Anong uri ng panlapi ang nasa salitang pasayahin?
gitlapi
unlapi
kabilaan
hulapi
“(akyat)____ si Lou sa bundok ng Makiling kahapon kasama ng kanyang mga kamag-aaral.” Ano ang wastong panlapi na bubuo sa diwa ng pangungusap?
-an
-in
in- , -an
um-
Dali-daling (kuha)____ ni Trisha ang kanyang bag upang makahabol sa susunod na biyahe ng eroplano patungong Surigao.
-in
-in-
nag-
-um-
Gamit ang salitang-ugat at uri ng panlapi na nasa ibaba, piliin ang HINDI kabilang sa mga mabubuong bagong salita.
Salitang-Ugat - alis
Uri ng Panlapi - unlapi
alisin
inalis
paalis
umalis
Ito ay tumutukoy sa mga pahayag na ayon sa paniniwala o ideya ng isa o iilang tao lamang batay sa kanilang karanasan o napapansin sa mga bagay at mga pangyayari sa paligid na hindi pa lubusang napatunayan at walang mabigat na pruweba o ebidensiya.
bunga
katotohanan
opinyon
sanhi
Alin ang HINDI ginagamit na kataga o parirala sa pagpapahayag ng opinyon?
batay sa/kay…
sa aking pananaw…
lubos ako naniniwala…
kung ako ang tatanungin…
