NEW
Font size
WorksheetsQ4 Module 1
Total questions: 15
Worksheet time: 23mins
Ang bansang ito ay tinaguriang “lupain ng malalaya” dahil ito ang tanging bansa sa Timog Silangang Asya na hindi nasakop ng mga Kanluranin. Anong bansa ang tinutukoy nito?
Laos
Malaysia
Pilipinas
Thailand
Sa Malaysia ay may estrahitikong lokasyon sa kalakalan dahil katabi ito ng Strait of Malacca kung saan sumadaan ang mga barkong pangkalakalan mula sa Europe, Kanlurang Asya at India. Kaya naman dito itinatag ang 4 na daungan na tinawag na Strait Settlements. Ang mga sumusunod ay mga bansang sumakop sa Malaysia maliban sa isa, ano ito?
Netherlands
France
Portugal
Great Britain
Ang bansang _________________ ay sinakop ng mga Ingles dahil sa estrahitikong lokasyon nito na matatagpuan sa dulong bahagi ng Malay Peninsula. Anong bansa ito?
Pilipinas
Malaysia
Indonesia
Singapore
Ang Dutch East Indies ay kolonya ng Netherlands sa Timog Silangang Asya kung saan matatagpuan ang “Moluccas” na tinaguriang “Spice Island. Anong bansa ito?
Pilipnas
Malaysia
Indonesia
Singapore
Ang Culture System ay patakarang ipinatupad ng mga Dutch sa Indonesia kung saan kinakailangang ilaan ng bawat isang magsasaka ang sanglimang (1/5) saklaw ng kaniyang bukid o 66 na araw na pagtatanim para sa produksiyon ng mga tanim na iluluwas. Ang sumusunod ay epekto ng patakarang ito, alin sa sumusunod ang pinakamasamang epekto nito sa mga katutubo?
Pinamunuan ng mga lokal na pinuno ang lupaing sakahan kaya nakaligtas ang mga Dutch sa paninisi ng mga katutubo sa hirap ng trabaho.
Pinilit ang mga katutubo na magtanim ng mga produktong panluwas kaysa sa mga pananim na pinagkukunan ng kanilang pagkain.
Malupit ang parusang ipinapataw sa mga magsasakang tumutol sa patakaran.
Nagkaroon ng malawang taggutom kung saan 300,00 ang namatay na katutubo.
Ang bansang France ay nagtatag ng kanilang kolonya sa Timog Silangang Asya na tinawag nilang “French Indochina”. Ang mga sumusunod ay mga bansang bumubuo sa teritoryong ito maliban sa isa, ano ito?
Thailand
Cambodia
Laos
Vietnam
Nagtayo ng mga Strait Settlements ang mga Ingles sa Malay Peninsula na malapit sa Strait of Malacca. Ang mga sumusunod ay ang mga daungang kanbilang sa Strait Settlements maliban sa isa, ano ito?
Penang
Moluccas
Malacca
Singapore
Ang Burma ay isang Buffer State sa pagitan ng mga teritoryong sakop ng Great Britain at France. Ngunit tuluyan itong sinakop ng Great Britain dahil sa ________________?
Nagsilbi itong proteksyon ng India laban sa pag-atake ng France.
Nagsilbi itong tagpuan ng France at Great Britain tuwing may kasunduang pangkapayapaan.
Nagsilbi itong tagatustos ng pangangailangang military ng Great Britain sa Timog Silangang Asya.
Lahat ng nabanggit
Ang Indochina ay napasailalim bilang Protectorate ng France. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapaliwanag sa patakarang ito?
Kasunduan sa mga katutubong pinuno na magbibigay ng proteksyon ang mga French kapalit ng pagpayag ng mga katutubo na manatili ang mga dayuhang resident sa bansa.
Kasunduan sa mga katutubong pinuno na magbibigay ng proteksyon ang mga French kapalit ng kanilang pagkontrol sa likas na yaman ng bansa.
Kasunduan sa mga katutubong pinuno na magbibigay ng proteksyon ang mga French kapalit ng pagpayag ng mga lokal na pinuno na sabay na mamumuno ang mga French sa bansa.
Wala sa nabanggit
Ang Singapore ay sentro ng kalakalan sa Timog Silangang Asya na dinadayo ng mga mangangalakal kagaya ng mga Chinese, Indian at arab. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang nag-uudyok sa mga mangangalakal na pumunta sa Singapore?
Mayroon itong magandang daungan.
May malayang kalakalan.
May proteksyon ito mula sa Great Britain
Lahat ng nabanggit
. Isa sa pagbabagong naidulot ng pananakop ng mga kanluranin sa Timog Silangang Asya ay ang pagbubukas ng rehiyon sa pandaigdigang kalakalan. Ang sumusunod ay makatulong sa kalagayan ng pamumuhay ng mga katutubo maliban sa isa, ano ito?
Pagpasok ng mga kaisipang Kanluranin kagaya ng liberalismo na nagtataguyod ng Kalayaan, pagkapantay-pantay at Karapatan.
Pagpasok ng mga makabagong teknolohiya na ginamit sa transportasyon at komunikasyon.
Pagbuo ng ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya sa mga ibang bansa sa mundo.
Pagkatali ng lokal na ekonomiya ng mga bansa sa Timog silangang Asya sa mga produktong panluwas.
Ang Great Britain ay nais na tapatan ang impluwensya ng mga Dutch sa kalakalan sa Timog Silangang Asya. Dahil dito ay nagtatag sila ng iba’t ibang kolonya sa Rehiyon. Alin sa sumusunod ay HINDI kabilang sa kolonya ng Great Britain sa Timog Silangang Asya?
Malaysia
Myanmar
Pilipinas
Singapore
Ang patakarang ito ay tutumutuko sa pagpapasailalim ng Pilipinas sa pamamahala ng Estados Unidos. Gayundin, hangad ng pamahalaang militar ng Estados Unidos na makuha ang kumpiyansa at respeto ng mga Filipino sa pamamagitan ng pagsiguro sa kanilang mga karapatan. Ang mga sumusunod ay mga proyektong nagsabuhay sa patakarang ito maliban sa isa, ano ito?
Pagpapatayo ng mga pampublikong paaralan at unibersidad kagaya ng University of the Philippines.
Pagkakaroon ng Pamahalaang Commonwealth na pinamumunuan mga Pilipino.
Nangibabaw ang kontrol ng USA sa usaping Politakal at Militar na kalagayan ng Pilipinas.
Nagkaroon ng mga pampublikong ospital at iba pang pampublikong gusali.
Sa kasalukuyang panahon ay maaari pa rin nating matukoy ang mga naidulot na pagbabago dulot ng pananakop sa Timog Silangang Asya. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng mga pagbabagong naidulot ng pananakop na nakabuti hanggang sa kasalukuyan?
Ang mga katutubo ang namuno sa sarili nilang bansa.
Nagkaroon ng mga permanenteng hangganan ang bawat bansa.
Lumikas ang mga Asyano sa kanilang bansa at nagtungo sa Europe.
Umunlad ang pamumuhay ng mga Asyano lalong lao na ang mga manggagawa.
Kagaya ng kanlurang Asya, hindi rin direktang nakontrol ang Spain ang buong Mindanao. Alin sa sumusunod ang naging dahilan nito?
Ang Mindanao ay sakop ng Ottoman Empire.
Laganap ang relihiyong Islam sa Mindanao.
Matatapang ang mga katutubong naninirahan sa Mindanao.
Lahat ng nabanggit
