wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IM - KABIHASNANG KLASIKO NG GREECE - JENNIE BARRO

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

1. Ano ang tawag sa lungsod-estado kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika at politiko?

a)

Tyrant

b)

Spartans

c)

Helots

d)

Polis

2.

2. Dito matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo kung kaya’t ito ang naging sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek.

a)

Acropolis

b)

Monopolis

c)

Phalanx

d)

Ephorates

3.

3. Ito ay ang tawag sa pamilihang bayan ng mga lungsod-estado ng Greece.

a)

Acropolis

b)

Agora

c)

Tyrant

d)

Mamamayan

4.

4. Anong imperyo ang naghangad na masakop ang kabuuang Greece?

a)

Spartan Empire

b)

Akkadian Empire

c)

Persian Empire

d)

Wala sa nabanggit

5.

5. Sila ang mga nabihag ng mga Spartan sa digmaan na dinala sa kanilang lugar para gawing tagasaka ng kanilang malalawak na lupain.

a)

Helot

b)

Spartans

c)

Tyrants

d)

Spartiate

6.

6. Ano ang gagawin ng mga sundalong Spartan sa mga bagong silang na sanggol na may malulusog na pangangatawan?

a)

Itatapon sa gilid ng bundok at hahayaang mamatay

b)

Dadalhin sa kampo Militar para doon gagawin agad ang kanilang pagsasanay

c)

Mananatili sa pangangalaga ng magulang hanggang sa pitong taong gulang

d)

Lahat ng nabanggit.

7.

7. Siya ang pinuno ng Athens na namahagi ng malalaking lupang sakahan sa mga magsasakang walang sariling lupa at namigay siya ng pautang at nagbukas ng malawakang trabaho sa malalaking proyektong pampubliko.

a)

Pisistratus

b)

Draco

c)

Solon

d)

Cleisthenes

8.

8. Isang arkeologong German ang nakatuklas ng guho ng isang lungsod na tinatayang nagmula noong panahon ng troy. Mula sa tuklas na ito, napatunayang batay sa totoong pangyayari ang sanaysay ng Trojan War.

a)

Xerxes

b)

Leonidas

c)

Manfred Korfmann

d)

Heinrich Schliemann

9.

9. Lahat ng nabanggit ay tama tungkol sa Athens, Maliban sa;

a)

Ang sumunod na pagbabago sa Athens aybnaganap noong 594 BCE sa pangunguna ni Solon na mula sa mga pangkat ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan.

b)

Maraming Athenian ang nagpaalipin upang makabayad ng malaking pagkakautang.

c)

Noong 510 BCE, naganap muli ang pagbabago sa sistemang politikal ng Athens sa pamumuno ng mga Asembleya.

d)

500 BCE Sumilang ang pinakamahalagang naganap sa Athens at ito ay ang Demokrasya.

10.

10. Alin sa mga sumusunod ang tama tungkol sa Sparta:

a)

Tinawag itong kabihasnang Sparta batay sa pangalan ni Pinunong Spartiate.

b)

Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan.

c)

Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng Kalalakihan at mga batang walang kinakatakutan at may malalakas na pangangatawan.

d)

Wala sa nabanggit.