wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 6 4TH QUARTER EXAM

Total questions: 76

Worksheet time: 38mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay bahagi ng pangungusap na walang buong diwa.

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

2.

Ito ay lipon ng mga salita na maaaring may buong diwa, maaaring wala.

a)

pangungusap

b)

parirala

c)

sugnay

3.

Ito ay lipon or grupo ng mga salita na may buong diwa o kaisipan.

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

4.

Tukuyin kung ang salita o lipon ng salita ay parirala, sugnay o pangungusap.

kung magmamahalan ang mga tao sa mundo

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

5.

Tukuyin kung ang salita o lipon ng salita ay parirala, sugnay o pangungusap.

Malungkot na umuwi sa bahay si Carla.

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

6.

Tukuyin kung ang salita o lipon ng salita ay parirala, sugnay o pangungusap.

nagmamadaling magmamahal

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

7.

Tukuyin kung ang salita o lipon ng salita ay parirala, sugnay o pangungusap.

nang dahil sa pag-ibig

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

8.

Tukuyin kung ang salita o lipon ng salita ay parirala, sugnay o pangungusap.

Binigyan si Carla ng bulaklak at tsokolate ng kanyang minamahal.

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

9.

Tukuyin kung ang salita o lipon ng salita ay parirala, sugnay o pangungusap.

Ang mga tanawin ay magaganda.

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

10.

Tukuyin kung ang salita o lipon ng salita ay parirala, sugnay o pangungusap.

upang ang mag-aaral ay sumaya

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

11.

Tukuyin kung ang salita o lipon ng salita ay parirala, sugnay o pangungusap.

sa maliit na bahay

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

12.

Upang sumaya ang mga magulang mo, magpakabait ka palagi.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

13.

Matalino si Greta kaya iskolar siya sa pag-aaral.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

14.

Ang mga bata ay tuwang tuwa kasi dumating na ang kanilang tatay.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

15.

Kapag dumaan ang nagtitinda ng gulay, ibili mo ako ng mga sitaw at kalabasa.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

16.

Dahil matulungin kang bata, may ibibigay ako sa iyong regalo.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

17.

Masayang masaya ang mga magulang niya dahil mabait siyang anak.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

18.

Nalungkot kaming lahat nang lumipat ng paaraan si Nilda.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

19.

Para matuwa si nanay, pinagbubuti ko ang aking pag-aaral.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

20.

Ilang araw na siyang hindi nakakapasok sapagkat may sakit siya ngayon.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

21.

Masaya na siya ngayon dahil natanggap na siya sa bago niyang trabaho.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

22.

Huwag kang magpapagabi ng uwi dahil delikado na sa daan ngayon.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

23.

Nanalo siya sa paligsahan ng pagsayaw dahil masipag siyang mag-ensayo.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

24.

Nang matapos ang sayaw ng pangkat, tumayo at pumalakpak ang mga manonood.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

25.

Naglista siya ng mga dapat tandaan habang ibinibigay ang pamantayan sa gawain.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di-makapag-iisa

26.

Magkaibigang matalik sina Anne at Amanda

a)

Simuno

b)

Panaguri

27.

Halos magkapatid ang turingan nila sa isa't isa.

a)

Simuno

b)

Panaguri

28.

Nahikayat nila si Amanda na sumama sa kanilang barkada.

a)

Simuno

b)

Panaguri

29.

Nag-usap-usap ang mga bago niyang kaibigan.

a)

Simuno

b)

Panaguri

30.

Nagtatawanan ang aking mga kaklase.

a)

Simuno

b)

Panaguri

31.

Kinuha niya ang lapis sa lamesa.

a)

Simuno

b)

Panaguri

32.

Ang mga bata ay naglalaro ng piko sa parke.

a)

Simuno

b)

Panaguri

33.

Ako ay handa ng bumoto sa nalalapit na eleksyon.

a)

Simuno

b)

Panaguri

34.

Laging mabango ang aking uniporme.

a)

Simuno

b)

Panaguri

35.

Sina Erick at Franz ay naghahanda na sa kanilang Online Distance Learning.

a)

Simuno

b)

Panaguri

36.

Naku! Nahulog ang mga itlog.

a)

Pasalaysay

b)

Padamdam

c)

Pautos

d)

Pakiusap

e)

Patanong

37.

Pakisara ng pinto.

a)

pasalaysay

b)

pautos

c)

pakiusap

d)

padamdam

e)

patanong

38.

Umuulan ba sa labas?

a)

pautos

b)

pakiusap

c)

padamdam

d)

patanong

e)

pasalaysay

39.

Malapit ang simbahan sa bahay namin.

a)

pakiusap

b)

padamdam

c)

pasalaysay

d)

patanong

e)

pautos

40.

Kunin mo ang salamin ko sa kwarto.

a)

padamdam

b)

pasalaysay

c)

pakiusap

d)

pautos

e)

patanong

41.

Marami ang manonood ng pelikula.

a)

pasalaysay

b)

pautos

c)

pakiusap

d)

padamdam

e)

patanong

42.

Ito ay naglalarawan o nagku-kwento tungkol sa isa o mga pangngalan.

a)

pasalaysay

b)

pautos

c)

pakiusap

d)

padamdam

e)

patanong

43.

Ito ay may tinatanong tungkol sa isang bagay.

a)

pasalaysay

b)

patanong

c)

pautos

d)

pakiusap

e)

padamdam

44.

Ito ay nakikiusap o nagbibigay ng utos sa isang tao upang gawin ang isang bagay.

a)

pasalaysay

b)

pautos/pakiusap

c)

padamdam

d)

patanong

45.

Ito ay nagpapahayag ng matinding emosyon o nagpapakita ng damdamin.

a)

padamdam

b)

patanong

c)

pasalaysay

d)

pakiusap

e)

pautos

46.

Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang iba't ibang uri nito.

(PADAMDAM)

4 lines
47.

Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang iba't ibang uri nito.

(PAKIUSAP)

4 lines
48.

Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang iba't ibang uri nito.

(PAUTOS)

4 lines
49.

Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang iba't ibang uri nito.

(PATANONG)

4 lines
50.

Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang iba't ibang uri nito.

(PASALAYSAY)

4 lines
51.

Noong lockdown ay nag-aral siyang magluto at magpinta upang manatiling produktibo.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

52.

Malaki ang sakripisyo ng ating mga frontliner at ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang iligtas ang buhay ng maraming tao.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

53.

Suportahan natin ang mga online business ng ating mga kababayan.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

54.

Palagi kang manood ng balita at suriin mo nang mabuti ang mga impormasyong inilalahad.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

55.

Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil nagsara ang mga kompanyang kanilang pinagtrabahuhan.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

56.

Umuwi sa Pilipinas ang maraming OFW na nawalan ng trabaho.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

57.

Nagluluto siya ng mga pagkain at ibinebenta niya ang mga ito online sapagkat gusto niyang makatulong.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

58.

Hahayaan ba nating lumala pa ang mga nangyayari o makikiisa tayo sa paglaban sa pandemyang ito?

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

59.

Maraming biyayang bigay ang kalikasan.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

60.

Ang biyaya ay kusang loob na ibinibigay at ito ay kaloob na walang bayad.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

61.

Mamamasyal kami sa plaza pagkatapos namin magsimba.

a)

Langkapan

b)

Hugnayan

c)

Payak

d)

Tambalan

62.

Natatapos kaagad ang mahirap na gawain kapag ginagamitan ng makabagong makinarya.

a)

Tambalan

b)

Hugnayan

c)

Payak

d)

Langkapan

63.

Napagkukunan ng lakas ang tubig at nakakukuha rin tayo rito ng pagkain.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

64.

Nahuli ng mga pulis ang lalaki na napaghihinalaang nagnakaw ng mga alahas.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

65.

Papaliguan namin ang mga aso o didiligan namin ang mga halaman?

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

66.

Pag-aralan natin ang mga talambuhay nina Jose Rizal at Andres Bonifacio.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

67.

Magaling tumugtog ng piyano si Jaya at magaling naman kumanta ang ate niya.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

68.

Ang galing-galing!

a)

Walang Paksa

b)

May Paksa

69.

Salamat.

a)

Walang Paksa

b)

May Paksa

70.

Si Allan ay mabait na bata.

a)

Walang Paksa

b)

May Paksa

71.

Ay!

a)

Walang Paksa

b)

May Paksa

72.

May pagsusulit bukas.

a)

Walang Paksa

b)

May Paksa

73.

Tag-ulan na.

a)

Walang Paksa

b)

May Paksa

74.

Nagawa mo na ba ang iyong takdang-aralin?

a)

Walang Paksa

b)

May Paksa

75.

Alas-tres ng hapon.

a)

Walang Paksa

b)

May Paksa

76.

Talaga naman!

a)

Walang Paksa

b)

May Paksa