NEW
Font size
WorksheetsSektor ng Industriya at Paglilingkod
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Anong sektor ng ekonomiya ang nagpoproseso ng mga hilaw na sangkap para gawaing mga produkto?
pananalapi
agrikultura
industriya
Anong sub-sektor ng industriya ang tumutukoy sa pagpoproseso ng mga hilaw na produkto gamit ang iba't ibang makina?
utilities
pagmamanupaktura
pagmimina
Anong sub-sektor ng industriya ang tumutukoy sa pagtatayo ng mga impraestraktura?
pangkabuhayan
konstruksyon
pagmimina
Alin sa sumusunod ang hindi bahagi ng gawain ng sektor ng industriya?
paggawa ng sasakyan
paggamit ng elektrisidad
pag-aani ng produkto
Bakit mahalaga ang sektor ng industriya?
Gumagawa ito ng mga bagong produkto na maipagbibili sa mga pamilihan.
Malaki ang kinikita ng sektor kumpara sa iba.
Nagpapalakas ito sa halaga ng piso.
Anong uri ng industriya ang tinutukoy?
Kahit maliit ang kinikita, masigasig pa rin ang pamilya Mercado sa pag-aasikaso ng kanilang industriya. Maayos ang pagtrato nila sa 15 nilang manggagawa.
farm industry
cottage industry
family industry
Suriin ang sumusunod na pahayag:
A. Ang mga industriyang mula sa agrikultura, paggugubat, at pagmimina ay itinuturing na mga pangunahing industriya.
B. Ang mga sekondaryang industriya ay tumutukoy ito sa mas kompIikadong gawain mula sa pagpoproseso ng mga pangunahing produktong agrikultural patungo sa mas malaking produksiyon.
Parehong tama ang A at B.
Parehong mali ang A at B.
Tama ang A; mali ang B.
Bakit ipinalalagay na ang sektor ng industriya ang pinakadinamiko sa lahat ng sektor ng ekonomiya?
A. Lumilikha ito ng magkakaugnay na gawain.
B. Nagkakaroon ng karagdagang trabaho para sa mga manggagawa.
Mali ang A. Tama ang B
Tama ang A at B.
Tama ang A. Mali ang B.
Suriin ang dalawang pahayag. Alin ang pinakawastong kongklusyon?
A. Ang isang industriyalisadong bansa ay mayroong modernong impraestruktura.
B. Ang isang industriyalisadong bansa ay hindi na umaangkat ng mga produkto sa ibang bansa.
Mali ang A. Tama ang B.
Tama ang A. Mali ang B.
Tama ang A at B.
Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng industriya sa patuloy na pagpapayabong ng ekonomiya ng Pilipinas?
A. Napakahalaga, ito ang tagapagtustos ng mga yaring produkto na kailangan ng mga tao sa araw-araw na pamumuhay.
B. Napakahalaga, ito ang tagaproseso ng mga hilaw na sangkap mula sa sektor ng agrikultura.
Mali ang A at B.
Tama ang A at B.
Tama ang A. Mali ang B.
Anong sektor ang pinagmumulan ng mga hilaw na sangkap bago ito maiproseso ng sektor ng industriya?
pagmimina
agrikultura
pangkabuhayan
Saan ginagamit ang malalawak na lupaing agrikultural na nagdudulot ng suliranin sa sektor na ito?
sakahan
residensiyal
pangisdaan
Alin sa sumusunod ang isang gamit na mahalaga at palasak na ginagamit sa sektor ng industriya?
makina
sasakyan
traktora
Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa ugnayan ng sektor ng industriya at sektor ng agrikultura?
Ang industriyalisasyon ay nagdudulot ng pagdating ng mga makabagong kagamitan sa pagsasaka.
Ang kita sa industriya ay ginagamit sa pagbili ng mga bagong makinarya na makapagpabibilis sa produksyon.
Ang agrikultura ang nagsusuplay ng hilaw na sangkap sa industriya.
Alin ang totoo tungkol sa mga sektor ng industriya at agrikultura?
Malaya at walang kinalaman ang bawat sektor sa isa’t isa.
Parehong nakikinabang ang dalawang sektor sa isa’t isa
Hinahatak pababa ng parehong sektor ang ekonomiya.
Anong sektor ng ekonomiya ang tinutukoy?
Nais ng mga nasa sektor na ito na mapabuti ang kalagayan nila at mapaunlad ang antas ng kanilang gawain, kaya, lalo nilang pinag-iibayo ang kanilang paggawa.
kabuhayan
industriya
agrikultura
Anong sektor ng ekonomiya ang inilalarawan?
Ang mga planta at pabrika ay patuloy na nagkakaisa upang makalikha ng mas marami pang hanapbuhay at nagkakaloob ng karagdagang trabaho at kita sa mga mamamayan.
paglilingkod
industriya
kalakalan
Paano nagiging magkaugnay ang sektor ng industriya at sektor ng agrikultura?
Nagtutulungan sa paggawa ng produkto ang dalawang sektor.
Nagpapalitan ng produkto o kalakal ang dalawang sektor.
Nagpapalakihan ng kita o tubo ang dalawang sektor.
Ano ang isang halimbawa na nagpapatunay na magkaugnay ang mga sektor ng industriya at agrikultura?
A. Ang sektor ng industriya ang nagsusuplay ng mga hilaw na sangkap sa sektor ng agrikultura para iproseso, upang makagawa ng mga bagong produkto para sa mga konsyumer at sa pagsulong ng bansa.
B. Tinatanggap ng sektor ng industriya ang mga manggagawa mula sa sektor ng agrikultura, nakipagsapalaran bilang manggagawa sa pabrika.
Tama ang A at B.
Tama ang A. Mali ang B.
Mali ang A. Tama ang B.
Ano ang mabuting epekto sa patuloy na pagpapaunlad ng Pilipinas ng maayos na ugnayan ng sektor ng industriya at sektor ng agrikultura?
A. Pagsulong ng ekonomiya
B. Pag-unlad ng kabuhayan ng mga tao
Tama ang A. Mali ang B
Tama ang A at B.
Mali ang A. Tama ang B.
Ano ang itinalaga ng pamahalaan upang mapaunlad ang mga piling lugar na nagsisilbing sentro ng industriya sa iba’t ibang bahagi ng bansa?
Industrial Guarantee and Loan Fund
Regional Industrial Development Center
Agro-Industrial Technology Transfer Program
Anong programa ang inilunsad ng pamahalaan para matulungan ng mahihirap na negosyante?
“Negosyo Mo, Sagot Ko”
“Tulong Pangnegosyo”
"Tulong sa Tao"
Anong samahan ang nilalahukan ng pamahalaan para makilala ang mga produktong Pilipino sa buong mundo?
International Trade Center
World Trade Organization
Multinational Corporation
Anong patakarang pang-ekonomiya na nagsusulong sa pag-unlad ng sektor ng industriya ang tinutukoy?
Dahil sa kasunduang ito, madaling nakikipagkasundo at nakapapasok ang Pilipinas sa pandaigdigang samahan.
Industrial Guarantee and Loan Fund
Magna Carta for Small and Medium-Scale Enterprises
General Agreement on Tariff and Trade
Anong batas sa pagpapaunlad ng sektro ng industriya ang tinutukoy?
Sumang-ayon ang pamahalaan sa operasyon ng mga foreign investor sa ilang sektor ng ekonomiya, kapalit ng pagkakaloob ng mga kagamitan at estruktura nito sa Pilipinas pagkatapos ng takadang panahon.
Batas sa Pagpapalawak ng Kompetisyon
Build-Operate-Transfer Law
Executive order No. 182
Anong sangay pang-ekonomiya na tumutuwang sa pag-unlad ng sektor ng industriya ang tinutukoy?
Masusing pinag-aaralan at binabantayan ng sangay na ito ang kalidad ng mga produkto upang matiyak na kapaki-pakinabang para sa mga tao.
Department of Trade and Industry
Securities and Exchange Commission
Philippine Economic Zone Authority
Bakit nais ng pamahalaan na mapaunlad ang sektor ng industriya?
dahil nagpapalawak ito ng sakahan
dahil nakasasagabal ito sa hanapbuhay
dahil nagpapaunlad ito ng ekonomiya
Mahalaga ba ang mga patakarang pang-ekonomiya na ipinatutupad ng pamahalaan para sa sektor ng industriya?
Hindi po, dahil dagdag lamang ang mga ito sa gastusin ng pamahalaan.
Opo, dahil higit na napauunlad ang sektor ng industriya sa tulong ng mga programang ito.
Opo, dahil sa pamamagitan nito ay nabibigyan ng trabaho ang maraming banyaga sa bansa.
Bakit kailangang magpatupad ang pamahalaan ng iba't ibang patakarang pang-ekonomiya kaugnay ng sektor ng industriya?
A. Upang suportahan at lalo pang mapaunlad ang panloob na kabuhayan
B. Upang mapatibay ang pakikipag-ugnayang panlabas
Mali ang A. Tama ang B.
Tama ang A. Mali ang B.
Tama ang A at B.
Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga patakaran, programa, at batas ng pamahalaan na nakatutulong nang malaki sa sektor ng industriya?
A. Tangkilikin ang mga lokal na produkto.
B. Suportahan ang mga programa ng pamahalaan.
Mali ang A. Tama ang B.
Tama ang A. Mali ang B.
Tama ang A at B
Ano ang isa pang tawag sa sektor ng paglilingkod?
secondary sector
tertiary sector
primary sector
Ano ang tawag sa proseso ng pag-aangat ng sektor ng paglilingkod bilang bahagi ng ekonomiya?
specialization
tertiarization
monetarization
Alin sa sumusunod ang bahagi ng sektor ng paglilingkod?
insurance
poultry
ginto
Paano naiiba ang service employees ng sektor ng paglilingkod mula sa empleyado ng mga manufacturing industries?
Sila ay kumikita base sa kalidad ng serbisyo.
Sila ay kumikita base sa dami ng produktong nagawa.
Sila ay kumikita base sa dami ng produktong naibenta.
Bakit mahalaga na bigyang pansin ang antas ng pagkonsumo sa pagpapaganda ng sektor ng paglilingkod?
Ang pagkonsumo ay ginagawa ng maraming tao.
Magkaugnay ang produksiyon at pagkonsumo.
Ang mga ekonomista ay nagpapayo na huwag nang kumonsumo ang mga tao.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tertiarization?
Nabawasan ang mga programang pangkalusugan ng mga lokal na pamahalaan sa bansa.
Nagbukas ng mas maraming BPO companies sa Pilipinas ang mga namumuhunan.
Nagkaroon ng matinding problema sa suplay ng tubig ang mga naninirahan sa rural areas ng bansa.
Alin sa sumusunod ang hindi totoong pahayag?
Magkapareho ang papel na ginagampanan ng mga manufacturer at service providers sa kani-kanilang industriya.
Mas napauunlad ang indibiduwal na kakayahan sa sektor ng paglilingkod.
Ang sektor ng paglilingkod ay kinabibilangan ng mga NGO.
Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?
A. Noong taong 2008, nasaksihan ng daigdig ang paglago ng industriya ng paglilingkod.
B. Dahil sa sektor ng paglilingkod, hindi natatamasa ng ekonomiya ng bansa ang full employment.
Tama ang B; mali ang A.
Tama ang A; mali ang B.
Parehong tama ang A at B.
Suriin ang dalawang pahayag. Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?
A. Ang lakas-paggawa ay pangunahing bahagi ng sektor ng industriya.
B. Ang sektor ng paglilingkod ay mayroong pulitikal, panlipunan, at ekonomikal na katangian.
Tama ang B; mali ang A.
Tama ang A; mali ang B.
Parehong tama ang A at B.
Anong konklusyon ang makukuha mula sa kasalukuyang estado ng sektor ng paglilingkod?
Sa mauunlad na bansa lamang makakukuha ng magagandang produkto at serbisyo.
Mas maraming serbisyo ang maaaring makamtan ng tao.
Humihina ang iba pang sektor sa ekonomiya ng bansa.
