wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4th PT FIL

Total questions: 76

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Ang pelikula ay isang makabagong anyo ng panitikan.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

Ang mga natatanging akdang Pilipino ay nabibigyan ng panibagong kulay at buhay sa pamamagitan ng pelikula.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Ang pelikulang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay itinuturo sa mga paaralan upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng panitikan at kultura.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

Ang pelikula ay isang uri ng media na may malaking impluwensya at tungkulin  sa paghubog ng iba't ibang pagpapahalaga  na maaaring makaapekto sa pag-iisip at pag-uugali ng mga manonood.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

Anong  A ang uri ng pelikula  na binibigyang-buhay ang mga bagay na walang buhay.

a)

Aksiyon

b)

Animasyon

6.

Anong D ang nag-uulat ng mahahalagang balita, isyu at usapin tungkol sa kasaysayan, politika at lipunan.

a)

Dokumentaryo

b)

Drama

7.

Anong K ang uri ng pelikula na tumutukoy sa mga kababalaghan at nakasisindak na pangyayari.

a)

Katatawanan

b)

Katatakutan

8.

Anong K naman ang uri ng pelikula na nagbibigay ng kasiyahan sa mga manonood  dahil sa masayang tema o paksa o kilos ng mga tauhan.

a)

Katatawanan

b)

Katatakutan

9.

Anong M ang uri ng pelikula  na puno ng awitan, sayawan at musika.

a)

Musikal

b)

Musika

10.

Anong P ang uri ng pelikula  na nagdadala sa mga manonood sa isang mundong gawa ng imahinasyon.

a)

Pantasya

b)

Pagganap

11.

Anong D ang uri ng pelikula  na tumatalakay sa personal na suliranin at tunggalian;may paksang pinaghalong malungkot at masaya; at ang damdamin ay pinipiga  upang lalong madala ang manonood.

a)

Drama

b)

Dokumentaryo

12.

Anong A ang uri ng pelikula  ang nagpapakita ng labanang pisikal , barilan, bakbakan at sukatan ng lakas ng mga tauhan.

a)

Aksiyon

b)

Animasyon.

13.

Anong H ang uri ng pelikula  na nakatuon sa mga tunay na pangyayari sa buhay at kasaysayan.

a)

Historikal

b)

Hakbang

14.

Anong E ang  sangkap ng pelikula na malikhaing pagpapakitid o pagpapalawak ng oras, kalawakan, at galaw.

a)

Editing

b)

Encoding

15.

Anong S ang sangkap ng pelikula na paglalarawan ng nilalaman sa pamamagitan ng pag-iilaw , komposisyon, galaw, at ibang kaugnay na teknik ng kamera.

a)

Sinema

b)

Sinematograpiya

16.

Anong DP ang sangkap ng pelikula na pagbabalangkas sa paraang orihinal.

a)

Dulang Pampelikula (Screenplay)

b)

Disenyong Pamproduksiyon

17.

pabula

a)

kathang-isip

b)

di kathang-isip

18.

sanaysay

a)

kathang-isip

b)

di kathang-isip

19.

balita

a)

kathang-isip

b)

di kathang-isip

20.

talambuhay

a)

kathang-isip

b)

di kathang-isip

21.

“ Ang Kasaysayan ng Pilipinas”

a)

piksyon

b)

di- piksyon

22.

“ Bakit Tumitilaok ang Manok?”

a)

piksyon

b)

di- piksyon

23.

“ EDSA 1986- Tagumpay ng mga Pilipino”

a)

piksyon

b)

di- piksyon

24.

“ Bakit Nangangagat ang Putakti?”

a)

piksyon

b)

di- piksyon

25.

“ Abril 9,1942- Pagbagsak ng Bataan”

a)

piksyon

b)

di- piksyon

26.

Hindi nagkakalayo ang kanilang kapalaran.

a)

Isang kahig, isang tuka

b)

Laylayan ng lipunan

c)

Iba't ibang mukha ng kahirapan

d)

Naghahabulan lamang ang guhit ng kanilang palad

27.

Iba't ibang uri ng pagiging mahirap.

a)

Isang kahig, isang tuka

b)

Laylayan ng lipunan

c)

Iba't ibang mukha ng kahirapan

d)

Naghahabulan lamang ang guhit ng kanilang palad

28.

Kung may trabaho may pagkain, kung walang makakain.

a)

Isang kahig, isang tuka

b)

Laylayan ng lipunan

c)

Iba't ibang mukha ng kahirapan

d)

Naghahabulan lamang ang guhit ng kanilang palad

29.

Mga taong hindi nagbibigay ng sapat na pansin ng gobyerno.

a)

Isang kahig, isang tuka

b)

Laylayan ng lipunan

c)

Iba't ibang mukha ng kahirapan

d)

Naghahabulan lamang ang guhit ng kanilang palad

30.

Ano ang naging pangarap ng ama ni Luisa para sa kanya noong siya ay bata pa?

a)

Maging isang guro.

b)

Maging isang nars.

31.

Saang barangay nakatira si Luisa?

a)

Sa Barangay Z

b)

Sa Barangay M

32.

Talambuhay

a)

Kathang-isip

b)

Di kathang-isip

33.

Talumpati

a)

Kathang-isip

b)

Di kathang-isip

34.

Pabula

a)

Kathang-isip

b)

Di kathang-isip

35.

Alamat

a)

Kathang-isip

b)

Di kathang-isip

36.

"Bakit Tumitilaok ang Manok?"

a)

Di-piksyon

b)

Piksyon

37.

"EDSA 1986- Tagumpay ng mga Pilipino"

a)

Di-piksyon

b)

Piksyon

38.

"Bakit Nangangagat ang Putakti?"

a)

Di-piksyon

b)

Piksyon

39.

Anong D ang nag-uulat ng mahahalagang balita, isyu at usapin tungkol sa kasaysayan, politika at lipunan?

(a)  

40.

Anong P ang uri ng pelikula na nagdadala sa mga manonood sa isang mundong gawa ng imahinasyon?

(a)  

41.

I-type ang bahagi ng pananalitang kinabibilangan ng mga sumusunod.

(a)  

Si (1) Anna at (2) ako ay (3) magtatanim ng gulay sa aming (4) malawak na lupain.

42.

Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang salitang may salungguhit.


Ang cellphone niya ay bago.

a)

Pangngalan

b)

Pang-uri

43.

Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang salitang may salungguhit.


Malambot ang buhok ni Gracelyn.

a)

Pangngalan

b)

Pang-uri

44.

Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang salitang may salungguhit.


Masiglang sumasayaw si Pamela Jane.

a)

Panghalip

b)

Pandiwa

45.

Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang salitang may salungguhit.


Siya ay kumakanta habang naglalalba..

a)

Panghalip

b)

Pandiwa

46.

Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang salitang may salungguhit.


Masarap at matamis ang kanyang ginawang buko salad.

a)

Pang-uri

b)

Pandiwa

47.

Suriin kung ito ay piksyon o di-piksyon.

1. Ang globo ay nahahati sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig. Ang mapa ay walang mga bahagi tulad ng nakikita sa globo. Ang ordinaryong mapa ay nagpapakita ng isang bahagi lamang ng daigdig samantalang ang globo ay nagpapakita ng lahat ng bansa ng daigdig.

a)

piksyon

b)

di-piksyon

48.

2. Isang umaga tumawag ng pulong ang pinuno ng mga hayop na si Kapitan Leon. Magtatagpu-tagpo ang mga hayop-gubat, mga ibon at maging ang mga hayop sa kapatagan sa sapa na nasa may bundok. May mahalaga silang pagpupulong.

a)

piksyon

b)

di-piksyon

49.

3. Sa kahahanap ng pagkain, nahulog ang lobo (uri ng hayop na nabibilang sa angkan ng mababangis na aso) sa balong walang tubig. Nakita niya ang kambing na nakatingin sa kanya. “Ano ang ginagawa mo diyan kaibigang Lobo?” tanong ng kambing. Sagot ng lobo, “Hindi mo ba alam na nagagalit si Tigre at ako ay nagtatago dito?” Lumundag sa balon si Kambing dahil sa takot. Biglang sumampa sa likod ng kambing ang lobo at nakalabas siya sa balon.

a)

piksyon

b)

di-piksyon

50.

Ang pagtatanim ng punungkahoy ay makatutulong sa lumalaking suliranin sa tubig sa kalakhang Maynila. Sinabi ng DENR (Department of Environment & Natural Resources) na ito ang sagot sa matagal nang suliraning ito.

a)

piksyon

b)

di-piksyon

51.

Si Pangulong Ramon Magsaysay ang pangatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Bilang Pangulo, siya ay ilang ulit nang pinarangalan sa ibang bansa dahil sa mga nagawa niya sa ating bansa. Tinagurian siyang Idolo ng Karaniwang Tao dahil sa kanyang katapatan at pagmamalasakit sa kapakanan ng mahihirap

a)

piksyon

b)

di-piksyon

52.

Ang kalayaan ng isang bansa ay nararapat na ipaglaban. Ito ay ipinaglaban ng ating mga sinaunang mga bayani kaya't hindi dapat basta-basta ito pababayaan.

a)

panghalip

b)

pangngalan

c)

pandiwa

d)

pang-uri

53.

Ang kalayaan ng isang bansa ay nararapat na ipaglaban. Ito ay ipinaglaban ng ating mga sinaunang mga bayani kaya't hindi dapat basta-basta ito pababayaan.

a)

panghalip

b)

pangngalan

c)

pandiwa

d)

pang-uri

54.

Ang mga politiko ay mga lingkod-bayan na nararapat maglingkod sa taumbayan at hindi kinakatakutang hari na kailangang sambahin.

a)

panghalip

b)

pangngalan

c)

pandiwa

d)

pang-uri

55.

Hindi dapat kinakalbo ang mga kabundukan sapagkat ang mga ito ay nakatutulong upang maiwasan ang malubhang kalamidad gaya ng landslide at pagbaha.

a)

panghalip

b)

pangngalan

c)

pandiwa

d)

pang-uri

56.

Ang mabuting lider ay nararapat lamang na magsilbing ehemplo sa mga mamamayan sa salita, sa isip at sa gawa.

a)

panghalip

b)

pangngalan

c)

pandiwa

d)

pang-uri

57.

Ang pagtulong ay hindi kumpetisyon. Nararapat lamang na suporta ang ibigay sa tumutulong at hindi pang-aaway.

a)

pangngalan

b)

pang-ukol

c)

pang-abay

d)

pang-uri

58.

Ang pagbabato ng masasamang salita sa kapuwa ay gawain na hindi dapat pamarisan.

a)

pangngalan

b)

pang-ukol

c)

pang-abay

d)

pang-uri

59.

Ang kahanga-hangang lider ay isang lider na tumutulong sa mga tao nang taos-puso.

a)

pangngalan

b)

pang-ukol

c)

pang-abay

d)

pang-uri

60.

Ang taong naniniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili.

a)

pangngalan

b)

pang-ukol

c)

pang-abay

d)

pang-uri

61.

Tungkulin ng lider ng isang bansa na ipagtanggol ang teritoryo nito at hindi ang basta na lamang itong isuko at ipamigay sa mga makapangyarihang mananakop.

a)

pangngalan

b)

pang-ukol

c)

pang-abay

d)

pang-uri

62.

1. Si Maria ay mahilig mamasyal sa Sampaloc Lake. (Sampaloc Lake)

a)

A. Pangngalan

b)

B. Panghalip

c)

C. Pandiwa

d)

D. Pang-uri

63.

2. Tunay na kahanga-hanga ang pitong lawa ng San Pablo. ( Tunay)

a)

A. Pangngalan

b)

B. Panghalip

c)

C. Pang-uri

d)

D. Pang-abay

64.

3. Ipinagmamalaki kong nagmula ako sa lalawigan ng Laguna. (ako)

a)

A. Pangngalan

b)

B. Panghalip

c)

C. Pandiwa

d)

D. Pang-uri

65.

4. Ang mga tao sa San Pablo ay magigiliw. (magigiliw)

a)

a. Pangngalan

b)

b. Panghalip

c)

c. Pang-abay

d)

d. Pang-uri

66.

5. Maagang nag-eehersisyo ang mga San Pableño sa palibot ng Sampaloc Lake. (nag-eehersisyo)

a)

a. Panghalip

b)

b. Pandiwa

c)

c. Pang-uri

d)

d. Pang-abay

67.

Ito ay bahagi ng pananalitang humahalili o pumapalit sa pangngalan.

a)

PANDIWA

b)

PANG-ABAY

c)

PANGHALIP

d)

PANGNGALAN

68.

Ako ay nagbigay ng pagkain para sa mga frontliner.


Anong bahagi ng pananalita ang salitang nakasalungguhit?

a)

PANDIWA

b)

PANG-ABAY

c)

PANGNGALAN

d)

PANG-URI

69.

Ang mga salitang mabango, maganda, at makulay ay tumutukoy sa anong bahagi ng pananalita?

a)

PANG-ABAY

b)

PANGAWING

c)

PANGNGALAN

d)

PANG-URI

70.

Ito ay bahagi ng pananalitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari.

a)

PANDIWA

b)

PANG-ABAY

c)

PANGNGALAN

d)

PANG-URI

71.

Ang tungkol sa, para kay, ayon sa, hinggil kay ay mga halimbawa ng anong bahagi ng pananalita?

a)

PANG-ABAY

b)

PANGAWING

c)

PANGATNIG

d)

PANG-UKOL

72.

Ang na, ng, at g ay mga katagang tumutukoy sa anong bahagi ng pananalita?

a)

PANG-ABAY

b)

PANG-ANGKOP

c)

PANG-UKOL

d)

PANG-URI

73.

Ang at, ngunit, o, at dahil ay mga halimbawa ng anong bahagi ng pananalita?

a)

PANDIWA

b)

PANGATNIG

c)

PANGNGALAN

d)

PANG-URI

74.

Ang sumusunod na kataga ay mga Pantukoy maliban sa:

a)

ANG

b)

ANG MGA

c)

AY

d)

KINA

75.

Ito ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.

a)

PANG-ABAY

b)

PANG-ANGKOP

c)

PANG-UKOL

d)

PANG-URI

76.

Ang sumusunod ay mga halimbawa ng PANGHALIP PANAO, maliban sa:

a)

AKO

b)

DOON

c)

KAMI

d)

SILA