WorksheetsREVIEW QUIZ AP6 (KORAPSYON)
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ito ang paghirang sa mga kamag-anak sa mga posisyon sa pamahalaan at pribadong sektor na hindi kuwalipikado.
Bribery
Fraud
Nepotism
Cronyism
Ang sistemang ito ay ginagawa ng ibang mamamayan na naglalagay o nagbibigay ng pera o kahit ano mang bagay sa mga opisyal ng pamahalaan upang mapunta sa kanila ang kontrata o proyekto ng pamahalaan.
Bribery
Fraud
Nepotism
Cronyism
Ang pandaraya sa pamamagitan ng pamemeke ay panlilinlang lalo na sa usaping pkaperahan o anu pa mang serbisyo sa kahit saang ahensya. Ang paggamit ng mga palsipikadong(falsified) dokumento o paglikha ng scam.
Bribery
Fraud
Nepotism
Cronyism
Pagtatalaga o pagbibigay pabor sa malalapit na kaibigan o pagkakaroon ng utang na loob.
Bribery
Fraud
Nepotism
Cronyism
Ito ang tawag sa pagnanakaw ng higit sa 50 milyong piso sa kaban sa bayan.
Extortion
Embezzlement
Plunder
Kickback
Ito yung pagtanggap ng “commission” o “percentage amount” sa anumang proyektong ipinatupad ng isang opisyal ng pamahalaan.
Extortion
Embezzlement
Plunder
Kickback
Ito ay ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan laban sa mga kliyente sa pamamagitan ng paghingi ng pera, mahahalagang bagay o mga serbisyo mula sa ordinaryong mamamayan na nakikipagtransaksiyon sa kanila o kanilang tanggapan.
Extortion
Embezzlement
Plunder
Kickback
Ito ang paglulustay ng pera o paggamit sa pundo ng gobyerno sa maling paraan.
Extortion
Embezzlement
Plunder
Kickback
Korapsyong kalimitang ginagamit ang mga huwad(fake) na NGOs (Non-government Organizations) upang makapaglabas ng pondo.
Ghost Employees
Red Tag
Ghost Project
Reward System
Ang Graft ay isang uri ng korapsyon kung saan ginagamit ng isang politiko ang kanyang awtoridad upang isulong ang kanyang sariling interes.
TAMA
MALI
Ang korapsyon ay isang napapanahong balita o current news lamang.
TAMA
MALI
Ang korapsyon ay tinuturing na kontemporaryong isyu o isang isyu na kasalukuyang nakakaapekto sa mga tao o lugar at hindi nareresolba
TAMA
MALI
Ang tax evasion o hindi pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan ay itinuturing ding korapsiyon.
TAMA
MALI
Residente sa Vienna Austria si Leslie at ang buo nitong pamilya. Bilang tulong sa kanyang pinsan na si Jaylord na nasa Pilipinas, binalak nitong ipetisyon at palabasin na ito ay kanyang fiancé. Pinaghanda niya ito ng mga dokumento at binago ang mga detalye na mag-uugnay sa kanila bilang magpinsan. Anong uri ng korapsyon ang ipinapakita dito?
Extortion
Embezzlement
Fraud
Bribery
Nagtatrabaho bilang immigration officer si Ivana. Dahil sa pagputok ng Covid mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagpasok ng turistang Tsino sa bansa. Isang araw may turistang tsino na nag-abot ng pasaporte sa kanya at kalakip nito ang isang daang dolyar ($100). Anong uri ng korapsyon ang ipinapakita dito?
Extortion
Embezzlement
Fraud
Bribery
