NEW
Font size
WorksheetsQ3 Module 3 Summative
Total questions: 15
Worksheet time: 30mins
. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa damdaming makabayan ng mga mamamayan ng isang bansa?
Ideolohiya
Imperyalismo
Kolonyalismo
Nasyonalismo
Naghangad ang China ng paglaya laban sa imperyalistang bansa, alin sa sumusunod na pangyayari ang nagsusulong ng makabayang paglaban sa dinastiyang Manchu?
Digmaang Manchu
Rebelyong Boxer
Digmaang Opyo
Rebelyong Taiping
Nagsimula ang kasaysayan ng Japan sa isang paniniwala na maalamat napinagmulan at isa rito ay ang paniniwala na ang kanilang emperador ay may “Banal na Pinagmulan”. Alin sa sumusunod ang ginamit ng kanilang emperador upang maisulong ang nasyonalismo sa bansa?
Sinikap ng emperador na dumistansya sa usaping nasyonalismo ng bansa.
Pagyakap sa impluwensiya ng mga Kanluranin upang mapaunlad ang bansa.
Nakipag-alyansa ang Japan sa China upang malabanan ang mga Kanluranin.
Ipinakita ng emperador ang mahusay na pakikisama ng mga Hapones sa kanila.
Ang sumusunod na pinuno ay nakilala sa China dahil sila ang nagsulong ng mga ideolohiya na lalong nagpaigting sa damdaming nasyonalismo maliban sa isa. Sino ito?
Chiang Kai Shek
Mao Zedong
Mutsuhito
Sun Yat Sen
Ang sumusunod ay kaganapan sa nasyonalismong Tsino na lalong pinaigting ng ideolohiya. Alin sa sumusunod na pangyayari ang hindi kabilang sa usaping ito?
Isinulong ni Emperador Mutsuhito ang mabuting pakikipag-ugnay sa mga kanluranin.
Isinulong ng mga Tsino ang tatlong prinsipyo; nasyonalismo, demokrasya, at kabuhayang pantao.
Tagumpay na mapatalsik ang mga Manchu sa pamamahala sa China sa tulong ni Dr. Sun Yat Sen.
Isinulong ni Mao Zedong ang prinsipyo ng komunismo at tunggalian ng uring manggagawa laban sa kapitalista.
Siya ang nagsulong ng ideolohiyang demokrasya sa china. At mula sa ideolohiyang ito ay itinatag ang Reoublika sa China kapalit ng pamumuno ng mga dinastiya sa mahabang panahon. Dahil dito kinilala siya bilang “Ama ng Republikang Tsino”. Sino ang tinutukoy ng pahayag?
Chiang Kai Shek
Mao Zedong
Mutsuhito
Sun Yat Sen
Sinong pinuno ang pangunahing tagapagtaguyod ng komunismo sa China?
Chiang Kai Shek
Mao Zedong
Mutsuhito
Sun Yat Sen
Ang sumusunod na pangyayari ay pawang nagsusulong ng damdaming nasyonalismo maliban sa isa. Ano ito?
Nakilala si Sun Yat Sen sa panahon ng kaguluhang politikal sa China.
Itinatag ni Sun Yat Sen ang Partido Kuomintang bilang Partido Nasyonalista sa China.
Naganap ang Double Ten kung saan napatalsik ang mga Manchu at itinatag ang Republikang China.
Naganap ang mga Rebelyong Taiping at Rebelyong Boxer laban sa mga imperyalistang Kanluranin at Manchu.
Naganap ang Meiji Restoration sa panahon ng pamumuno ni Emperador Mutsuhito kung saan niyakap niya ang impluwensiyang Kanluranin. Alin sa sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa mga kanluraning pinagbatayan ng
kanilang pagbabago?
Germany
Great Britain
Russia
United States
Alin sa sumusunod na pangyayari ang tumutukoy sa tunggalian ng demokrasya at komunismo bilang ideolohiya sa China?
Si Mao Zedong ay naging tagapagsulong ng komunismo.
Pinamunuan ni Mao Zedong ang pagtakas ng mga komunista.
Inilunsad ni Chiang Kai Shek ang kampanyang militar laban sa mga komunista.
Nang mamatay si Sun Yat Sen ay pinalitan siya ni Chiang Kai-shek bilang tagapagtaguyod ng demokrasya.
Ano ang kaugnayan ng ideolohiya sa pagsulong ng diwang nasyonalismo sa Silangang Asya?
Magkasinhulugan ang salitang ideolohiya at salitang nasyonalismo.
Ang Nasyonalismo ay isang mabuting epekto ng iba't ibang nagtutunggaliang ideolohiya.
Ang nasyonalismo ay isang Ideolohiya tungkol sa damdamin ng mga mamamayan bilang kabilang sa isang lahi na may sariling pagkakakilanlan.
Lahat ng nabanggit
Ano-ano ang pagkakaiba ng mga niyakap na ideolohiya ng mga Tsino?
D. Lahat ng nabanggit
Ang demokrasya ay hindi naniniwala sa tunggalian ng mga uri ng tao sa lipunan. Ang Komunismo ay sumusuporta sa uring manggagawa.
Ang demokrasya ay sumusuporta sa pribadong pagmamay-ari. Ang Komunismo ay ang estado ang kumokontrol sa mga salik ng produksyon
Ang demokrasya ay nakatuon sa kapangyarihang magdesisyon ng mamamayan. Ang komunismo ay nakatuon sa kapangyarihan ng proletariat / manggagawa na patakbuhin ang pamahalaan.
Lahat ng nabanggit.
Siya ang nagsulong ng modernisayon sa Japan na naging daan upang umunlad ang bansa.
Chiang Kai Shek
Mao Zedong
Mutsuhito
Sun Yat Sen
Sa naganap na Meiji Restoration sa Japan, paano ito nakatulong upang labanan ang mga Kanluranin?
Naging mananakop na bansa ang Japan at nagsimulang magpalawak ng teritoryo sa Asy
Naging maunlad bansa ang Japan dulot ng mga kaisipang Kanluranin na niyakap nito.
Naging malakas na bansa ang Japan
Lahat ng nabanggit.
Ang pagsasanib pwersa ng partidong Kuomintang at partidong komunista laban sa Japan noong Ikalawang Digmaang pandaidig ay isang halimbawa sa pagpapakita ng matinding nasyonalismo sa China. Ano ang mahihinuha sa pangyayaring ito?
Pinatunayan ng mga tsino na ang kanilang pakikipaglaban sa kanilang pinaniniwalaang ideolohiya ay may malaking papel sa pagwawakas ng imperyalistang pananakop ng mga Hapon.
Magkaiba man ang paniniwala ng dalawang partido sa China ay may iisa isang hangarin na mapalaya ang China sa pananakop.
Ipinakita ng mga tsino ang mas makabubuting ideolohiya para sa China.
Ang pagkapanalo ng mga tsino laban sa mga hapon noong Ikalawang digmaang pandaigdig ay hindi nagdulot ng mabuti dahil nahati ang tsina sa dalawa.
