wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Aralin 2 & 3: Ang Buod & Mga Tauhan ng Noli Me Tangere

Total questions: 20

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

May lihim na pagtingin kay Maria Clara. Payat, maputla, tahimik at mukhang sakitin na maituturing na tuso, mapagpanggap at hayok sa pagnanasa. Nagawa niyang malaman ang lihim ng maraming tao sa bayan ng San Diego kabilang na ang kurang kanyang pinalitan sa bayan ng San Diego na si Padre Damaso.

a)

Padre Sibyla

b)

Padre Damaso

c)

Kapitan Tiago

d)

Padre Salvi

2.

Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento. Siya ay mapagmahal na anak at kapatid, matapang, puno ng pangarap, masipag, malakas ang loob, matalino

a)

Basilio

b)

Crispin

c)

Linares

d)

Leon

3.

Siya ang kaaway ni Don Rafael, ang ama ni Crisostomo. Madaling mauto at marupok ang kalooban sa mga papuring hindi sadyang nagmumula sa puso ng nagpaparangal. Siya ay tunay na ama ni Maria Clara na naging mortal na kalaban ni Crisostomo sa buong nobela.

a)

Padre Sibyla

b)

Padre Damaso

c)

Kapitan Tiago

d)

Padre Salvi

4.

Siya ay matulungin at tunay na kaibigan ni Padre Damaso sapagkat tinutulungan niya ito sa kinakaharap nitong anomalya. Siya rin ay Paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra at may lihim na pagtingin sa kasintahan ng binata.

a)

Padre Sibyla

b)

Padre Damaso

c)

Kapitan Tiago

d)

Padre Salvi

5.

Bangkerong may modernong kaisipan at magsasaka na maginoo, hindi mapaghiganti, iniisip ang kapakanan ng nakararami, may pambihirang tibay ng loob.

a)

Pilosopo Tasyo

b)

Elias

c)

Kapitan Tiago

d)

Padre Salvi

6.

Maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, mapagpakasakit ngunit may matatag na kalooban na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento. Siya ay larawan din ng isang mayuming Pilipina na nagtataglay ng mabubuting kaasalan at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon

a)

Maria Clara

b)

Sisa

c)

Pia Alva

d)

Donya Victorina

7.

Martir at mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Mahalaga siya sapagkat sa kanyang katauhan itunuro sa kababaihan na hindi dapat umuoo nang umuoo sa lahat ng sasabihin ng kalalakihan dahil mayroon din silang karapatan

a)

Maria Clara

b)

Sisa

c)

Pia Alva

d)

Donya Victorina

8.

Dating labandera malaswa kung magsalita at asawa ng alperes. Kumakatawan sa mga palabang puta o mga kalapating mababa ang lipad.

a)

Maria Clara

b)

Sisa

c)

Pia Alva

d)

Donya Victorina

9.

Babaeng punumpuno ng kolorete sa mukha, nagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol pero Pilipinang-pilipina. Hango sa katauhan ni Donya Agustina, isang mayamang panginoong may lupa. Sinisimbolo niya ang mga taong magaling magbalat-kayo upang maturingan na perpekto sa harap ng paningin ng mga tao.

a)

Donya Consolacion

b)

Sisa

c)

Pia Alva

d)

Donya Victorina

10.

Ina ni Maria Clara na maganda, matalino, masipag, madasalin, mahinhin at may bahay ni Kapitan Tiyago na hindi madaling makuntento sa estado ng pamumuhay kaya hinangad niya na magpayaman at nagtagumpay naman siya sa tulong na rin ng kanyang kabiyak

a)

Donya Consolacion

b)

Sisa

c)

Pia Alva

d)

Dona Victorina

11.

Masipag at matulunging bunsong kapatid ni Basilio na sa murang edad nagtrabaho sa simbahan bilang sakristan at kasama rin niyang tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego para makatulong sa kanilang ina. Sinisimbolo rin niya ang walang malay at inosente sa lipunan.

a)

Piladre Sibyla

b)

Crispin

c)

Kapitan Tiago

d)

Basillo

12.

Malayong pamangkin ni Don Tiburcio na napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara. Nagtapos ng abogasya sa Espanya at itinuturing na pinakamatalino sa angkan ng mga De Espadana

a)

Alfonso Linares

b)

Crispin

c)

Kapitan Tiago

d)

Basillo

13.

Taglay ang katangian ni Dr. Jose P. Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid, tagapayo ng marurunong sa San Diego at may kaisipang una kaysa sa kanyang panahon kaya hindi maunawaan ng nakararami. Mahalaga siya dahil siya’y naging simbolo ng karunungan sa akda at kumakatawan kay Paciano na kapatid ni Rizal

a)

Padre Sibyla

b)

Pilosopo Tasyo

c)

Kapitan Tiago

d)

Padri Salvi

14.

Pinuno ng mga guwardiya sibil na mapagbalat-kayo, mapanlait, laging nagmumura, maanakit at mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego. Sinisimbolo niya ang kalupitan ng mga opisyal na kolonyal na siyang naranasan ni Rizal sa kanyang kabataan

a)

Kapitan Heneral

b)

Alperes

c)

Tenyente Guevarra

d)

Kapitan Basilio

15.

Pilay at bungal na Kastilang nakarating sa Pilipinas upang maghanap ng magandang kapalaran at naging asawa ni Donya Victorina. Sinasagisag niya ang taong walang paninindigan.

a)

Don Tiburcio

b)

Alfonso Linares

c)

Kapitan Tiago

d)

Pilosopo Tasyo

16.

Pinakamakapangyarihang opisyal may makataong pamumuno sapagkat minarapat niyang magkaroon ng pantay na katarungan para sa lahat. Kinakatawan niya ang Hari ng Espanya sa Pilipinas at tumulong kay Crisostomo Ibarra para maalis ang pagka-ekskumulgado nito.

a)

Padre Damaso

b)

Alperes

c)

Kapitan Heneral

d)

Don Rafael Ibarra

17.

Kakaiba siya sa mga guwardiya sibil dahil siya ay mabait, may mababang-loob, matapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra na tanging tumulong sa kanya para malinis ang kanyang pagkatao at mapalaya sa piitan. Siya ang nagkuwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng ama nito.

a)

Crisostomo Ibarra

b)

Kapitan Heneral

c)

Tenyente Guevarra

d)

Kapitan Basilio

18.

Mapagpanggap at sunod-sunuran sa nakatataas sa kanya. Sinisimbolo niya ang mga mayayamang Pilipino at ang pagiging malapit sa Diyos.

a)

Kapitan Tiyago

b)

Don Tiburcio

c)

Sisa

d)

Maria Clara

19.

Sa kanyang karakter din ipinaunawa kung ano ang gagawin upang tuluyang lumaya ang mga Pilipino sa kamay ng mga mapang-abuso. Sinisimbolo niya ang pagmamahal ni Teodora na ina ni Rizal

a)

Tiya Isabel

b)

Maria Clara

c)

Sisa

d)

Donya Victorina

20.

Naging mabuting kaibigan nina Padre Damaso at Don Rafael Ibarra. Hindi nagkaanak sa loob ng anim na taong pagsasama nila ni Kapitan Tiyago at namatay pagkatapos maisilang si Maria Clara. Kumakatawan sa mga Pilipinang inaabuso ng mga prayle ngunit hindi lumalaban dahil sa kahihiyang sinapit nito.

a)

Pia Alba

b)

Tiya Isabel

c)

Sinang

d)

Salome