wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 5

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Upang magtagumpay sa buhay kailangang _______________.

a)

mag-aral nang mabuti

b)

matulog sa klase.

c)

lumiban sa klase.

d)

mangopya sa kaklase.

2.

Malimit siyang magdahilan kaya _______________.

a)

marami ang nagkakagusto sa kanya.

b)

maraming naniniwala sa kanya.

c)

walang naniniwala sa kanya.

d)

iniiwan siya.

3.

Upang maging malusog ang katawan kailangang _______________.

a)

palaging magpuyat.

b)

hindi maliligo araw-araw.

c)

palaging uminum ng softdrinks.

d)

kumain ng masustansiyang pagkain.

4.

Si Ana ay laging kumakain ng tocino, fried chicken, at hotdog. Ano kaya ang

maaaring mangyari sa kanyang kalusugan?

a)

magiging masigla

b)

magiging maliksi

c)

magiging mahina

d)

magiging maganda

5.

Niyaya ka ng iyong tatay na sumama sa paghingi ng binhing itatanim ngunit sumama ka sa iyong kaklase na maglaro sa plasa. Ano kaya ang maaring maging reaksiyon ng iyong tatay?

a)

Magagalit

b)

Matutuwa

c)

Maiiyak

d)

Walang imik

6.

Tulog ang sanggol kaya _______________.

a)

magtawanan kayo.

b)

maglaro kayo sa loob.

c)

magtatalon kayo.

d)

huwag kayong maingay.

7.

Pumutok ang gulong ng bisekleta ni Justin _______________.

a)

kasi naiwan na nakabukas ang bintana.

b)

kaya napatigil siya sa daan.

c)

kasi nagtawanan sila.

d)

kaya nakatulog siya

8.

Dahil basa ang sahig, _______________.

a)

nawalan ng kuryente

b)

pinunasan ito ni Carlo

c)

naglaro ang mga mag-aaral

d)

nadulas at nasaktan ang isang mag-aaral

9.

Tahimik at madilim na ang bahay dahil _______________.

a)

naglalaro pa sila

b)

nag-aaral pa ang mga bata

c)

kumakain sila

d)

tulog na ang lahat

10.

Pumunta sila sa hapag-kainan _______________.

a)

kasi uminom siya ng maraming tubig.

b)

kasi nakahain na ang pagkain.

c)

kasi magkuwentuhan sila.

d)

kasi magtawanan sila.

11.

Basahin nang may pag-uunawa ang mga pahayag sa ibaba.

Napakinggan mo mula sa radyo na may paparating na napakalakas

na bagyo sa ating bansa. Isa ang inyong lugar na matatamaan sa mata

ng bagyo. Pinagsabihan ang lahat na mamamayan na maghanda para

maging ligtas sa panahon ng sakuna.

Sinulat ni: Daisy N. Ragay

Batay sa binasa, alin sa sumusunod na pangungusap ang maari mong sabihin

upang maisalaysay mo nang wasto ang balita?

a)

Alam niyo na ba na may paparating na bagyo sa ating bansa?

b)

Magsilikas na tayong lahat dahil may paparating na bagyo sa atin.

c)

Huwag tayong maniwala sa mga balita dahil walang katotohanan iyon.

d)

Ayon sa balita na narinig ko mula sa radyo, may paparating na napakalakas na bagyo sa ating bansa.

12.

Kung ikaw ay magtatanong ukol sa balita, aling pangungusap ang gagamitin

mo?

a)

Hala! Paparating na ang napakalakas na bagyo.

b)

Matulog kayo nang maaga para maaga kayong gumising.

c)

Kailan dumating sa ating bansa ang napakalakas na bagyo?

d)

Magsipaghanda tayong lahat dahil paparating na ang napalakas na bagyo.

13.

Paano mo uutusan ang iyong kapatid na maghanda para sa paparating na

bagyo?

a)

Hoy! Matulog ka na.

b)

Maghanda ka dahil may paparating na napakalakas na bagyo.

c)

Bakit maghahanda tayong lahat para sa paparating na bagyo sa atin?

d)

Pumunta ka na sa paaralan para maging ligtas ka sa paparating na bagyo.

14.

Ano ang karaniwang reaksiyon ng isang indibidwal kapag nakarinig ng balita tungkol sa bagyo?

a)

Naku! Nakakatakot ang paparating na bagyo.

b)

Mga kapitbahay alam niyo na ba ang balita ukol sa bagyo?

c)

Gumising kayong lahat may darating na mga pulis sa ating barangay.

d)

Aray! Biglang sumakit ang aking ulo nang makita ko ang mga itim na ulap.

15.

Paano mo pakiusapan ang iyong kaibigan na ayaw lisanin ang kanilang bahay?

a)

Lumikas na tayo dahil nasa panganib na ang ating mga buhay.

b)

Lilisanin mo na ang iyong bahay dahil napakalakas na ng bagyo!

c)

Maari bang maglinis muna tayo ng bahay dahil wala pang bagyo?

d)

Maari bang lisanin mo ang iyong bahay para ligtas ka sa paparating na bagyo?