wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Digmaang Pandaigdig

Total questions: 20

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Aling dalawang bansa ang nagpasimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Austria at Hungary

b)

Austria at Serbia

c)

Serbia at Montenegro

d)

Serbia at Alemanya

2.

Dito naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig.

a)

France

b)

Russia

c)

Europe

3.

Naging kaalyado ng Imperyong Ottoman kasama ang Germany at Austria-Hungary.

a)

ALLIED POWERS

b)

CENTRAL POWERS

c)

FATHERLAND AND FREEDOM

4.

1. Ito ay grupo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kinabibilangan ng Germany, Italy at Japan.

a)

Triple Entente

b)

Allied Forces

c)

Triple Alliance

d)

Axis Powers

5.

Bakit higit na lumala ang relasyon ng Austria at Serbia pagkatapos ng mga Digmaang Balkan?

a)

Hindi gustong tulungan ng Austria ang Serbia kahit humingi ito ng tulong sa digmaan.

b)

Pinigilan ng Austria ang Serbia sa pagkuha ng teritoryo ng Albania.

c)

Lihim na tinulungan ng Austria ang mga kalaban ng Serbia sa digmaan.

d)

Sinalakay ng Austria ang Serbia habang nasa gitna ito ng digmaan.

6.

2. Ang kasunduang ito ang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig.

a)

Treaty of Versailles

b)

Treaty of Paris

c)

Treaty of Tordesillas

d)

Treaty of Brest-litovsk

7.

Isang lihim na kasunduang nabuo sa pagitan ng Germany at Austria-Hungary kasama ang Italy.

a)

TRIPLE ALLIANCE

b)

TRIPLE ENTENTE

c)

ALLIED POWERS

8.

Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga epekto ng Unang Pandaigdigang Digmaan sa lipunan?

a)

Kakaunti lamang ang nasirang ari-arian.

b)

Mahigit 40 bilyong tao ang namatay at nasugatan.

c)

Nakuha ng mga kababaihan ang karapatang bumoto.

d)

Wala sa nabanggit

9.

Aling bansa ang nanguna sa pandaigdigang pulitika pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Britanya

b)

Alemanya

c)

Estados Unidos

d)

Bansang Hapon

10.

Ano ang tawag sa alyansa sa pagitan ng Pransya, Britanya, at Russia?

a)

Pra-Bri-Ru Alliance

b)

European Alliance

c)

Triple Alliance

d)

Triple Entente

11.

Bakit naghanda ng mga hukbo ang Russia nang magdeklara ng digmaan ang Austria laban sa Serbia?

a)

Natakot ang Russia na baka umabot sa teritoryo nito ang digmaan.

b)

Nais ng Russia na makidigma sa panig ng Austria.

c)

Nais ng Russia gamitin ang pagkakataon upang sakupin ang mga bansang ito at ang buong Europa.

d)

Ang Russia ang naghikayat sa dalawang bansa na makidigma, kung kaya handa itong sumali.

12.

Paano nagkaroon ng pagtiwalag ng ilang bansa sa League of Nations?

a)

dahil sa pagiging diktador ni Woodrow Wilson

b)

dahil sa pagtaliwas ng Germany sa pagbabawas ng mga armas

c)

dahil sa pagbihag at pagpatay sa mga kabataang Serbian-Bosnian

d)

dahil sa panghahamon ng digmaan ng Britanya at Pransya sa Russia

13.

Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan ng pagtiwalag ng Germany sa League of Nations?

a)

Binawasan ang mga sundalo at armas sa sandatahan ng Germany.

b)

Pinagbayad ang Germany ng bilyong halaga para sa mga pinsala sa mga estruktura

c)

Binawi ang mga teritoryo na kanilang naging protektorado at isuko ito sa alyansa

d)

Naging banta (threat) ang pagtatag ng mga malalakas na bansa na tinawag na The Big 4.

14.

Bakit pinigilan ng imperyong Austria-Hungary ang paglakas ng nasyonalismo sa teritoryo nito?

a)

Kapag nag-alsa ang mga pangkat etniko sa loob ng teritoryo nito dulot ng nasyonalismo, maaaring bumagsak ang imperyo.

b)

Hindi naniniwala ang Austria-Hungary sa halaga ng nasyonalismo sa pagpapaunlad ng bansa.

c)

Hindi gusto ng Austria-Hungary na makiuso sa ibang mga bansa sa Europa na dumaan sa rebolusyon dulot ng nasyonalismo.

d)

Likas na walang nasyonalismo sa mga pinamumunuan ng Austria-Hungary, kung kaya hindi ito mahalaga sa teritoryo nila.

15.

Sino ang pinapaslang na tagapagmana ng trono ng Austria na naging dahilan ng simula ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Franz Phillip

b)

Franz Michael

c)

Franz Ferdinand

d)

Franz Joseph

16.

Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga epekto ng Unang Pandaigdigang Digmaan sa ekonomiya?

a)

Umunlad ang ekonomiya ng Estados Unidos.

b)

Umunlad ang ekonomiya ng Alemanya.

c)

Nagkaroon ng malaking utang ang karamihan sa mga bansang lumahok sa digmaan.

d)

Maraming manggagawa ang namatay sa digmaan.

17.

Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga bansang nabuo mula sa pagbagsak ng imperyong Austria-Hungary?

I - Austria

II - Hungary

III - Poland

IV - Turkey

a)

I, II, III, at IV

b)

I at II lamang

c)

I, II, III

d)

III at IV lamang

18.

Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga epekto ng Unang Pandaigdigang Digmaan sa lipunan?

a)

Nakuha ng mga kababaihan ang karapatang bumoto.

b)

Nagkaroon ng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa.

c)

Mahigit 40 bilyong tao ang namatay at nasugatan.

d)

Kakaunti lamang ang nasirang ari-arian.

19.

Bukod sa mahigit 9.7 milyong taong namatay dahil sa pagsisilbi sa mga hukbo, nadamay din ang mahigit 10 milyong sibilyan. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Kasalanan ng mga sibilyan ang kanilang pagkamatay kasi hindi sila lumikas.

b)

Mahalagang iwasan ang mga digmaan dahil nadadamay din ang mga inosenteng tao.

c)

Napakalaking perwisyo ang idinulot ng Unang Digmaang Pandaigdig.

d)

Karaniwan lamang na maraming mamatay sa isang digmaan, at hindi tayo dapat magulat.

20.

Alin sa mga sumusunod na pangyayari o batayan ang nakapagbigay daan sa digmaan?

a)

pagkabigo ng League of Nations

b)

pagkabigo ng Treaty of Versailles

c)

pagpapalawak ng militarismo

d)

ang lahat ng nabanggit ay tama