wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino Term Exam

Total questions: 60

Worksheet time: 3600secs

Name
Class
Date
1.

Ito ang pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa pangungusap.

a)

Simuno

b)

Panaguri

2.

Ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi tungkol sa simuno o pinag-uusapan.

a)

Simuno

b)

Panaguri

3.

Si Ester ay nagluto ng almusal

a)

Payak na simuno

b)

Buong simuno

4.

Tinawag niya ang kaniyang kapatid para kumain.

a)

Payak na simuno

b)

Buong simuno

5.

Nagulat kaya umiyak ang sanggol.

a)

Payak na panaguri

b)

Buong panaguri

6.

Tuwang-tuwa sila sa panonood ng magic show.

a)

Payak na panaguri

b)

Buong panaguri

7.

Isulat ang payak na simuno sa pangungusap…

Aalis kami sa susunod na linggo.

4 lines
8.

Isulat ang buong simuno sa pangungusap…

Si Gng. de Mesa ay nagbebenta ng iba’t ibang produkto.

4 lines
9.

Isulat ang payak na panaguri sa pangungusap..

Namamasyal ang mag-anak tuwing bakasyon.

4 lines
10.

Isulat ang buong panaguri sa pangungusap..

Namalengke at nagluto si Nanay Fely.

4 lines
11.

Magalang na bata si Dominique.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos/Pakiusap

d)

Padamdam

12.

Pakidilig ang mga halaman dito.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos/Pakiusap

d)

Padamdam

13.

Ay! Nabasag ang bote.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos/Pakiusap

d)

Padamdam

14.

Natapos mo bang basahin ang aklat?

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos/Pakiusap

d)

Padamdam

15.

Isulat kung anong uri ng pangungusap.

Lumapit ka at kunin mo ang iyong baon

(a)  

16.

Isulat ang uri ng pangungusap.

Saan mo tinago ang mga dokumento?

(a)  

17.

Isulat ang uri ng pangungusap.

Takbo! Palapit na ang galit na aso.

(a)  

18.

Ito ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay at pangungusap.

a)

Pangatnig

b)

Pang-angkop

19.

nagdurugtong ng dalawang salita, parirala o pangungusap na magkaugnay

a)

at

b)

ngunit, subalit, pero, datapwat

c)

o

20.

nag-uugnay ng dalawang kaisipang magkakontra o magkasalungat

a)

at

b)

ngunit, subalit, pero, datapwat

c)

o

21.

nagdurugtong ng dalawang salita o kaisipang pinagpipilian

a)

at

b)

ngunit, subalit, pero, datapwat

c)

o

22.

Mag-aaral ka ba ____ manonood ng telebisyon?

a)

at

b)

o

c)

pero

23.

Gustong gusto kong bumili ____ ayaw naman akong bigyan ng pera ni Nanay.

a)

ngunit

b)

o

c)

at

24.

Araw-araw siyang naghahanap ng trabaho ____ wala namang nangyayari sa lakad niya.

a)

pero

b)

o

c)

at

25.

Ang trabaho mo ay mag-alaga ng mga aso ___ magdilig ng mga halaman.

a)

o

b)

at

c)

ngunit

26.

Pangarap kong makatapos ng kolehiyo ____ gusto ni Tatay na magtrabaho na ako pagkatapos ng hayskul.

a)

at

b)

ngunit

c)

pero

27.

Huwag kang sumabit sa dyip at baka ka madisgrasya.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos/Pakiusap

d)

Padamdam

28.

mga kataga na nag-uugnay sa dalawang magkasunod na salita na kadalasan ay naglalarawan o inilalarawan

a)

Pangatnig

b)

Pang-angkop

29.

Ginagamit ang na kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa titik na n.

Halimbawa: malamig na inumin, malinis na paligid

a)

Tama

b)

Mali

30.

Ginagamit ang -ng kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig (a, e, i, o, u)

Halimbawa: damong makakapal, gurong masiyahin

a)

Tama

b)

Mali

31.

Hanapin at punan ang pariralang nangangailangan ng pang-angkop.

Maayos niligpit ng mga bata ang kanilang gamit.

(a)  

32.

Ang guro ay masusi pinagmasdan ang kanyang mga mag-aaral.

(a)  

33.

Uhaw uhaw si Luke kaya uminom siya ng tubig.

(a)  

34.

Bumili si nanay ng lima ___ kahon ng facemask.

a)

na

b)

ng

35.

Kumain tayo ng masusustansiya at masasarap ___ pagkain upang tayo ay lumakas.

a)

na

b)

ng

36.

Kinain ng pusa ang prito bangus na nasa kawali.

(a)  

37.

Ang makapal usok sa pabrika ang nagiging sanhi ng polusyon sa lugar.

(a)  

38.

Tinuruan mabuti si Max ng kanyang mga magulang na magrebyu para sa kanyang pagsusulit.

(a)  

39.

Gusto ni Nathan na matutong lumangoy _____ natatakot siya sa malakas na alon ng dagat.

a)

o

b)

subalit

c)

samantala

40.

Tumigil ang sasakyan _____ tumatawid ang mga bata.

a)

ni

b)

o

c)

samantala

41.

Nagugutom na ako. ____ tinapay o inumin ay wala dito.

a)

Habang

b)

Ni

c)

Pero

42.

_____ nag-aaral si Kai, ay nakikinig din siya ng musika.

a)

Dahil

b)

Habang

c)

Kasi

43.

Kanina pa naghihintay si Von ______ hindi dumating si Kyna.

a)

samantala

b)

ngunit

c)

ni

44.

Anong gagawin natin? Tatakbo ba tayo ___ magtatago?

a)

pero

b)

ni

c)

o

45.

nag-uugnay ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari o ikinikilos

a)

kapag, kung

b)

dahil, sapagkat, kasi

c)

ngunit, subalit, pero

46.

nag-uugnay ng dalawang kaisipang may hinihinging kondisyon

a)

upang, para, kaya, nang

b)

kapag, ‘pag, kung

c)

habang, samantala

47.

nag-uugnay ng bunga o kinalabasan ng isang pangyayari

a)

dahil, sapagkat, kasi

b)

upang, para, kaya, nang

c)

ngunit, subalit, kasi

48.

nag-uugnay ng dalawang salita o kaisipang kapwa hindi gumaganap o ginagampanan

a)

o

b)

ni

c)

at

49.

nag-uugnay ng dalawang kilos o pangyayaring nagaganap sa magkasabay na panahon

a)

habang, samantala

b)

upang, para, kaya

c)

dahil, sapagkat

50.

Naghuhugas ng plato si Ate May _____ si Mary ay nagwawalis.

a)

habang

b)

ngunit

c)

pero

51.

____ hindi tayo magkakasakit, alagaan natin ang ating mga sarili.

a)

Kapag

b)

Upang

c)

Subalit

52.

Hindi kami pinayagan ni Tatay lumabas ng bahay ___ si Nanay dahil sa pandemya.

a)

o

b)

at

c)

ni

53.

Matutuwa sa iyo ang iyong mga magulang ____ sisikapin mong maging mabuting anak.

a)

kung

b)

ni

c)

at

54.

Ugali niyang magsuot ng face mask ____ malayong mahawaan siya ng sakit.

a)

kapag

b)

kaya

c)

samantala

55.

Maglingkod ka nang may katapatan ____ igalang ka nila.

a)

para

b)

dahil

c)

pero

56.

____ inalagaan mong mabuti ang iyong mga manok, mangingitlog sila nang marami.

a)

Kapag

b)

Upang

c)

Dahil

57.

Bibilhin ko ang magandang bag na iyon ___ naipon ko ang tamang halaga nito.

a)

‘pag

b)

at

c)

pero

58.

Masaya ang buong mag-anak ___ sama-sama sila sa hirap at ginhawa.

a)

kapag

b)

dahil

c)

para

59.

_____ mabuti siyang guro, marami ang nagmamahal sa kanya.

a)

Sapagkat

b)

Kapag

c)

Kaya

60.

Matutuwa sa iyo ang iyong mga magulang ___ sisikapin mong maging mabuting anak.

a)

pero

b)

kasi

c)

para