WorksheetsFIL reviewer
Total questions: 41
Worksheet time: 21mins
Si Leslie ay masipag gumawa ng kanyang takdang-aralin. Tuwing hapon bago siya maglaro ay gingawa na muna niya ang kangyang takdang aralin. Tumutulongdin siya sa ga waing bahay kaya naman tuwang tuwa ang kanyang magulang. Ipinagmamalaki siya sapagkat siya ay mabait at masunuring anak. Si Leslie rin ay mapagmahal na anak.
Ang magagandang ugali ni Leslie.
Ang pag- aaral ni Leslie
Ang paglalro ni Leslie
Ang takdang aralin ni Leslie
Pinakaaabangan ng mga tao sa Pilipinas ay ang kapistahan sa bawat lugar. Iba't ibang tradisyon ang iyong makikita. Hindi mawawala ang paghahanda ng masasarap na pagkain. Ang iba ay dumarayo pa upang makikain at makipiyesta. May mga palaro at palabas na inihahanda upang maging masaya ang Kapistahan.
Pinakaaabangan ng mga Pilipino
Handaan tuwing Pista
Mga palaro tuwing Pista
Iba’t ibang Tradisyon Tuwing Pista
Sila ang gumagabay sa mga bata. Marami silang sakripisyong ginagawa upang matuto at makapagtapos ang mga bata. Gumagawa sila ng paraan na matuto sa aralin at matutunan din ang magandang ugali mula sa paaralan. Sila rin ang gumagabay at umaalalay sa mga bata. Sila ang mga guro na pangalawang ina ng mga mag-aaral.
Tungkulin ng mga guro sa mga mag-aaral
Pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral
Paggabay ng mga guro sa mga mag-aaral
Pangalawang ina ang guro ng mga mag-aaral
Bumili ako ng bagong damit. Isusuot ko _____ sa party.
iyan
iyon
roon
ito
Pumunta sa palengke si Ate Joy. _______ siya bibili ng mga gulay at karne.
diyan
iyan
doon
dito
Malapit na ang aming pagsusulit. _______ nalang ako mag-aaral sa bahay namin.
rito
riyan
dito
ito
Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.
.Tradisyon ng mga Pilipino
Kapistahan ng mga Pilipino
Ang Bayanihan
Napakahalaga ng bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang lalong luminaw ang ating mata. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ng paglabo ng paningin. Ang mga pagkain na mayaman sa bitamina A ay atay (manok o baka) itlog, gatas, keso, mga luntian at dilaw na gulay at prutas.
Ang mga Pagkaing may Bitamina A
Ang Pagkalabo ng Mata
Ang Kahalagahan ng Bitamina
_________ ko lamang kani-kanina.
kakain
kumakain
kumain
kakakain
Mag-aawitan tayo sa langit pagdating ng araw.
magaganap o kontemplatibo
naganap o perpektibo
nagaganap o imperpektibo
per[ektibong katatapos
Ako ay naglaba kahapon.
naganap o perpektibo
magaganap o kontemplatibo
nagaganap o imperpektibo
per[ektibong katatapos
_______ ko ang aking kama kagabi.
Inayos
Inaayos
Aayusin
Ayusin
Mula nang mamatay ang kanyang ama, pikit-matang nailipat ang pamumuno sa kanya.
Walang kabuluhan
Sapilitan
Kagustuhan
Maraming Pilipino ang isang kahig isang tuka.
mayaman
nagtatrabaho
mahirap
Hmmmp, sukal sa ilong itong pugad ninyong amoy estero.
Marumi
Mabango
Mabaho
Malinaw at malinis ang tubig sa lawa.
panlarawan
pamilang
pantangi
Nagkayayaang maligo ang dalawang batang paslit
panlarawan
pamilang
pantangi
Ang kanyang lapis ay mahaba at matulis.
panlarawan
pamilang
pantangi
Kailangan natin ng kalahating kilo ng asukal.
panlarawan
pamilang
pantangi
Ano ang kasarian ng pangngalang nakasalungguhit?
tandang na manok
Panlalaki
Pambabae
Di-tiyak
Walang kasarian
Ibigay ang kailanan ng pangngalang nakasalungguhit.
mag-ina
(a)
Ibigay ang kailanan ng pangngalang nakasalungguhit.
magkakabarkada
(a)
Ano ang kasarian ng pangngalang nakasalungguhit?
reyna
Panlalaki
Pambabae
Di-tiyak
Walang kasarian
Naging Pangulo ng Pilipinas sina Corazon Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Arroyo.
opinyon
katotohanan
May pananagutan sa batas ang nasabing pulis kaya siya nagtatago.
opinyon
katotohanan
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Covid 19 ay nagsimula sa Wuhan China.
Katotohanan
Opinyon
Siya ay nakatawag pansin sa kanyang galing sa pagtuturo, kakaibang kulay, at paika-ikang lakad.
Simuno
Panaguri
Ang mga tao ay nagtatakbuhan.
Simuno
Panaguri
Nagbayad ng buwis si Gng. Legada.
Simuno
Panaguri
Nagsusulat sa pisara si Binibining Rivera.
Simuno
Panaguri
Binibigyang turing ng pang-abay sa pangungusap?
Tunay na magaling si Jose larong basketbol noong nakaraang taon.
Pang-abay
Panghalip
Pandiwa
Pang-uri
Piliin ang pang-abay na ginamit sa pangungusap.
Talagang nakakainis ang mga taong makukulit.
Talagang
tao
nakakainis
makukulit
Balak magkita ni Hart Jed at Jelliane sa tapat ng simbahan
pamaraan
panlunan
pamanahon
pang-agam
Bihira lang akong lumiban sa klase.
pamaraan
panlunan
pamanahon
pang-agam
Masama sa katawan ang paninigarilyo.
Karaniwan
Di-Karaniwan
Kilalanin ang uri ng pangungusap. Piliin ang tamang sagot.
*Pinatunayan ni Loraine na karapat-dapat siyang maging pinuno ng kanilang miyembro
Payak
Tambalan
Hugnayan
Kilalanin ang uri ng pangungusap. Piliin ang tamang sagot.
*Ako ang susundo sa iyo sa paaralan kapag may pupuntahan si Nanay.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Bakit kailangang pamahalaan mo muna ang iyong sarili bago ang iba?
pasalaysay
patanong
pautos/ pakiusap
padamdam
Gayahin mo ang mga mabubuting tao na modelo sa paggawa nang tama.
pasalaysay
patanong
pautos/ pakiusap
padamdam
Kailangang maging mabuti akong halimbawa sa pagiging maayos, disiplinado, at may kusa.
pasalaysay
patanong
pautos/ pakiusap
padamdam
Aba! Napakaayos ng gamit mo.
pasalaysay
patanong
pautos/ pakiusap
padamdam
