WorksheetsSuriin ang katangian at tono ng mga saknong ng sumusunod.
Total questions: 5
Worksheet time: 3mins
"Gerero'y namangha nang ito'y marinig
Pinagbaling-baling sa gubat ang titig
Nang walang makita'y hinintay umulit,
Di naman naglao'y nagbangong humibik."
pagtataka
pagsasaya
pagkagalit
pagkaaliw
"Lumagi ka nawa sa kaligayahan
Sa harap ng di mo esposong katipan,
At huwag mong datnin yaring kinaratnan
Ng kasing nilimot at pinagliluhan"
pagkalungkot
pagseselos
pagkainis
pagkamangha
"Di ko na masabi't luha ko'y nanatak
Nauumid yaring dilang nangungusap
Puso'y nanlalambot sa malaking habag
Sa kaawa-awang kinubkob ng hirap."
panghihinayang
pagkaawa
pagkaapi
kawalang pag-asa
"Bayang walang loob,sintang alibugha,
Adolfong malupit, Laurang mandaraya
Magdiwang na ngayo't manulos sa tuwa
At masusunod na sa akin ang nasa"
pagtataka
pagkaawa
pagkalungkot
pagkagalit
"Gulong-gulong lubha ang kaniyang loob,
Ngunit napayapa nang anyong kumilos
Itong abang kandong na kalunos-lunos,
Nagising ang buhay na nakakatulog."
nasaktan ang kalooban
kawalang pag-asa
nabuhayan ng pag-asa
pagkakaroon ng pag-asa
