wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 6 AT2 PART 1

Total questions: 35

Worksheet time: 35mins

Name
Class
Date
1.

PANUTO: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

Anong bahagi ng pangungusap ang tumutukoy sa paksa?

a)

simuno

b)

karaniwan

c)

panaguri

d)

pang-uri

2.

Anong tawag sa ayos ng pangungusap kung nauuna ang simuno kaysa panaguri?

a)

di-karaniwan

b)

pasalaysay

c)

patanong

d)

karaniwan

3.

Ang ____ ay isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap. 

a)

pang-angkop

b)

pangatnig

c)

pang-ukol

d)

pang-ugnay

4.

Anong pang-angkop ang ginagamit upang pag-ugnayin ang dalawang salita?

a)

-ng, -g, na

b)

-mag, -nag, -pag

c)

at, ngunit, subalit

d)

-um, -in, -an

5.

Anong pang-angkop ang wastong gamitin kung ang huling letra ng salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa N?

a)

-ng

b)

-g

c)

na

d)

b at c

6.

Ang ____ ay isang uri ng talinghaga na nagbibigay ng mga pahiwatig upang hulaan ang isang misteryosong tanong

a)

Salawikain

b)

Bugtong

c)

Maikling kwento

d)

Tula

7.

Anong tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap?

a)

pangatnig

b)

pang-angkop

c)

pang-ukol

d)

pang-ugnay

8.

Anong anyo ng pangungusap binubuo ng dalawa o higit pang malayang sugnay o sugnay na makapag-iisa?

a)

payak

b)

tambalan

c)

hugnayan

d)

langkapan

9.

Maglalaba ka sa umaga at maglilinis ng bahay sa hapon upang maihanda ito para sa mga bisita. Ang pangungusap ay nasa anong anyo ng pangungusap?

a)

hugnayan

b)

payak

c)

tambalan

d)

langkapan

10.

Anong uri ng pangungusap ang nagsasalaysay o nagkukuwento. Ginagamitan ito ng tuldok sa hulihan ng pangungusap.

a)

patanong

b)

pasalaysay

c)

pakiusap

d)

padamdam

11.

Maagang gumising si Andrea upang maghanda ng kanyang agahan bago pumasok sa paaralan. Ang pangungusap ay nasa anong ayos ng pangungusap?

a)

karaniwan

b)

di-karaniwan

c)

payak

d)

tambalan

12.

Si Lisa ay nagplantsa ng mga damit at nagpahinga sa bakuran. Ang pangungusap ay nasa anong anyo?

a)

tambalan

b)

payak

c)

hugnayan

d)

karaniwan

13.

Isang kahig isang tuka ang pamilya ni Mang Tomas. Ano ang kahulugan ng matalinghagang pahayag na may salungguhit?

a)

duwag

b)

mayaman

c)

mahirap

d)

masaya

14.

Kapayapaan at kaayusan ang nais ng mga taga-Mindanao. Anong anyo ito ng pangungusap?

a)

hugnayan

b)

di-karaniwan

c)

tambalan

d)

payak

15.

Ang kutis ni Maybeline ay kasing-kinis ng labanos. Anong uri ng tayutay ang pangungusap?

a)

metapora

b)

simili

c)

personipikasyon

d)

hayperbole

16.

II. Panuto: Tukuyin kung anong anyo ng pangungusap ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang P kung ito payak, T kung tambalan at H kung hugnayan.

Ang pangulo ay umakyat sa entablado at nagbigay ng talumpati.

(a)  

17.

II. Panuto: Tukuyin kung anong anyo ng pangungusap ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang P kung ito payak, T kung tambalan at H kung hugnayan.

Mamamasyal kami sa plaza pagkatapos namin magsimba.

(a)  

18.

II. Panuto: Tukuyin kung anong anyo ng pangungusap ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang P kung ito payak, T kung tambalan at H kung hugnayan.

Malalaki ang mga silid-tulugan at malinis ang malaking bakuran.

(a)  

19.

II. Panuto: Tukuyin kung anong anyo ng pangungusap ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang P kung ito payak, T kung tambalan at H kung hugnayan.

Pumasok ang mga bata nang marinig nila ang tunog ng kampanilya.

(a)  

20.

II. Panuto: Tukuyin kung anong anyo ng pangungusap ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang P kung ito payak, T kung tambalan at H kung hugnayan.

Ang blusa ay maganda ngunit hindi ito kasya sa akin.

(a)  

21.

II. Panuto: Tukuyin kung anong anyo ng pangungusap ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang P kung ito payak, T kung tambalan at H kung hugnayan.

Kung wala akong kasama, hindi ako papayagan na umalis ng bahay.

(a)  

22.

II. Panuto: Tukuyin kung anong anyo ng pangungusap ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang P kung ito payak, T kung tambalan at H kung hugnayan.

Nahuli sa klase si Tom dahil hinatid pa niya ang kanyang kapatid.

(a)  

23.

II. Panuto: Tukuyin kung anong anyo ng pangungusap ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang P kung ito payak, T kung tambalan at H kung hugnayan.

Kumakain ng almusal si Kuya Noel at nagbibihis si Ate Sonia sa kuwarto.

(a)  

24.

II. Panuto: Tukuyin kung anong anyo ng pangungusap ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang P kung ito payak, T kung tambalan at H kung hugnayan.

Nagpatahi ng bagong uniporme si Natalie sa kanyang tita na modista.

(a)  

25.

II. Panuto: Tukuyin kung anong anyo ng pangungusap ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang P kung ito payak, T kung tambalan at H kung hugnayan.

Alamin natin ang mga karapatan ng bawat batang Filipino.

(a)  

26.

III. Pantuo:  Basahin ang mga siniping bahagi mula sa mga iba’t ibang tula. Tukuyin  ang uri ng tayutay ng mga sumusunod. Hanguin sa loob ng panaklong ang sagot at isulat sa patlang. (oksimoron, metapora, similim, sinekdoke, hayperbole, apostrope, personipikasyon, onomatopeya)

Kung ano ang buhay,        

siyang kamatayan... Ang hirap ko’y alam ng iyong kariktan tapatin mo lamang yaring karaingan At bigyan ng buhay, ang pag-asang patay!

(a)  

27.

Siya ang berdugo

Na bahid ng dugo

Hawak ay gatilyo

Dugo’y kumukulo.

(a)  

28.

Palaman ko ay margarin

Kaya malinamnam ito

Para akong nasa bangin

Ng paglayang pangarap ko.

(a)  

29.

Ang pag-ibig ko sa iyo

ay lansones na malasa

Ganyan din ang pagsinta mong

may lamukot na ligaya.

(a)  

30.

Ngunit ang suyuang iyan kapag naging paglililo

Parang buto ng lansones

sa sinumpang paraiso!

(a)  

31.

Parang Buto ng Lansones Bawat hukay,

bawat libing Ay isa lang pintong bukas

Na patungo sa lupaing Maligaya't walang wakas.

(a)  

32.

May isang lupain sa dakong silangan

Na nag-aalaga ay sikat ng araw

kaya napatanyag ay sa kagandahan at

napabalita sa magandang asal.

(a)  

33.

Habang nagduruyan

ang buwang ninikat sa lundo ng kanyang sinutlang liwanag,

isakay mo ako gabing mapamihag

sa mga pakpak mong humahalimuyak.

(a)  

34.

Ang puso'y lumukso sa pagkakakita nitong

bahagharing pagkaganda-ganda.

(a)  

35.

Bayaan mong ako’y tingnan ng lamlam ng buwang-sinag, Bayaan mong ang liwayway ay dagliang magliwanag,

Bayaan mo ring humibik at umangil ang habagat;

At sa dipa kung dumapo’y isang libong mapanatag Bayaan mong huni niyang pamayapa ang igawad

(a)