NEW
Font size
WorksheetsIsyung Moral Tungkol sa Paggamit ng Kapangyarihan
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Si Mang Kanor ay isang kapitan ng kanilang barangay. Ang kanilang barangay ay may ilog. Maganda ang klase ng bato at buhangin dito. May isang tao na lumapit kay kapitan at inalok siya nito ng malaking halaga ng pera kapalit ang pagpasok ng kanilang quarry operation sa nasabing barangay. Ano ang ipinahihiwatig nito?
bribery
kolusyon
korapsyon
nepotismo
Isang makapangyarihang nilalang na likha ng Diyos at gawa sa Kanyang wangis. Tagapamahala sa lahat ng likha ng Diyos sa daigdig.
hayop
halaman
tao
kalupaan
Si Elias ay nakapasok sa isang departamento ng gobyerno. May mga kwalipikasyong isinasaalang-alang bago makapasok dito. Nakapasok si Elias sa departamentong iyon.Pagkaraang linggo ay nag apply ang kanyang kaibigang si Ronald. Napag-alaman ni Elias mula kay Ronald na hindi ito natanggap dahil hindi qualified. Laking gulat ni Elias ng mga sumunod na mga linggo nang makita nya si Ronald sa kanilang departamento. Ito pala ay natanggap. Napag alaman ni Elias sa kanyang mga katrabaho na malakas ang kapit ni Ronald dahil pamangkin umano ito ng puno ng kanilang departamento. Anong isyu ito nabibilang?
kickback
nepotismo
bribery
Kolosyon (pakikipagsabwatan)
Pumasok ang COVID19 sa ating bansa na ngayo’y naging pandemya. Namudmud ng tulong pinansyal ang gobyerno sa mga mahihirap at mga apektado ng pandemya. May ilang punong barangay na napabalita na di-umano ay hindi ibinigay ng buo ang tulong pinansiyal sa mga benepisyaryo nito. Mayroong kulang o kaya nama’y kalahati lamang ang natanggap. Ano ang tawag sa gawaing ito?
korapsyon
kickback
bribery
Pakikipagsabwatan (kolosyon)
Ito ay tumutukoy sa kakayahan na makaimpluwensya sa saloobin at pag-uugali ng iba, at lumilikha ng panukala na nakabubuti sa iba.
Katotohanan
Karunungan
Kapangyarihan
Kagalingan
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng maling paggamit ng kapangyarihan?
Korupsyon
Kolaborasyon
Ekwalidad
Paggalang
Ang maling paggamit ng kapangyarihan ay maaari ring makaapekto sa iba - mabuti man ito o masama.
Tama
Mali
Ito ay iligal na pandadaya o panloloko, halimbawa ay ang pagtatakda ng mga presyo, limitahan ang mga oportunidad, pagtatakda ng sahod, mga kickback, pandaraya sa halalan sa pamamagitan ng iligal na panghihimasok sa proseso ng isang halalan at sa pagbilang ng boto, pagsupil at pagpaslang ng mga katunggali, pagbili o panunuhol ng mga botante.
Bribery
Kolusyon
Korapsyon
Nepotismo
Ang bahaging napupunta sa isang opisyal mula sa mga pondong itinalaga sa kaniya.
Kickback
Kolusyon
Korapsyon
Nepotismo
Ito ay ang lahat ng paghirang o pagkiling ng kawani sa pamahalaan, na igagawad sa kamag-anak na hindi dumaraan sa tamang proseso.
Kickback
Kolusyon
Korapsyon
Nepotismo
