WorksheetsPOST TEST REVIEW
Total questions: 26
Worksheet time: 13mins
Basahin at unawain ang piling mga bahagi ng akda sa bawat bilang at tukuyin kung anong uring akda Piliin ang tamang sagot.
1. Ginawa nga ng ibon at lumabas ang isang lalaki. Siya raw si Malakas. Muli siyang nakiusap sa ibon na tuktukin pa ang isa pang kawayan upang makalabas ang kasama niya sa loob. Ginawang muli ng ibon at lumabas ang isang dilag na ang ngalan ay Maganda.
A. Mito
B. Alamat
C. Kuwentong -bayan
D. Maikling kuwento
Basahin at unawain ang piling mga bahagi ng akda sa bawat bilang at tukuyin kung anong uring akda Piliin ang wastong sagot.
2. Sophia ang pangalan ng bunsong kapatid ni Mitch. Sa tuwing igagawa siya ng sapatos ng kanyang tatay, napapatingin ito sa bunso at napapabuntong-hininga. Isang araw, ikinuwento ni Sophia na napanaginipan niyang may suot siyang sapatos. Inilarawan pa niya ito.
A. Mito
B. Alamat
C. Kuwentong-bayan
D. Maikling kuwento
Basahin at unawain ang piling mga bahagi ng akda sa bawat bilang at tukuyin kung anong uring akda Piliin wastong sagot.
3. Ngunit gayon na lamang ang pagkagulat nito ng manalamin siya. "Kalbo ako! Kalbo na ako!" sigaw ng Datu. Nakalbo ang Datu sa pagmamahal ng dalawang asawa.
A. Mito
B. Alamat
C. Kuwentong-bayan
D. Maikling kuwento
Basahin at unawain ang piling mga bahagi ng akda sa bawat bilang at tukuyin kung anong uring akda Piliin ang wastong sagot.
4. Noong unang panahon, may isang matandang mangingisda na may pitong anak na dalaga. Naninirahan sila sa tahanang nakaharap sa baybayin ng Daga-Bisaya.
A. Mito
B. Alamat
C. Kuwentong-bayan
D. Maikling kuwento
Basahin at suriin ang elemento ng dulang pantelebisyon at sosyo-historikal ayon sa konteksto nito.
5. “Hindi ako magpapasuhol sa pera mo…” pasigaw na sabi ni Mario.
A. Banghay
B. Diyalogo
C. Tagpuan
D. Tauhan
Basahin at suriin ang elemento ng dulang pantelebisyon at sosyo-historikal ayon sa konteksto nito.
6. Pinalabas noong 1984, ang pelikulang Sister Stella L. Ito ay itinuturing na isa sa mga esensyal na palabas para sa mga kabataan at aktibista na nais mahanap at mailarawan ang kanilang espasyo tungo sa pambansang demokrasya bilang isang Kristyano.
A. Banghay
B. Diyalogo
C. Tagpuan
D. Tauhan
Basahin at suriin ang elemento ng dulang pantelebisyon at sosyo-historikal ayon sa konteksto nito.
7. Sa isang maliit na barangay sa gawing kanluran ay nakaluklok ang tahanan ng namumuno, na sa tuwina’y nagpapakita ng tamang pakikipagkapwa-tao. At mula sa silangan ang mga nasasakupan na sadyang nagpapakita ng pakikiisa.
A. Banghay
B. Diyalogo
C. Tagpuan
D. Tauhan
Suriin ang pagkakabuo ng mga kaalamang-bayan batay sa pamantayang itinakda.
8. Alin sa mga tula/awiting panudyo ang sumunod sa pamantayang itinakda?
A. Dagang Malaki, dagang maliit
Heto ang ngipin kong sira at pangit
Bigyan mo ng bagong kapalit.
B. Ale, aleng namamangka,
Bilisan mo ang pagsagwan.
C. Batang makulit,
Palaging nanunungkit
D. Si Maria kong Dende
Nagtinda sa gabi
Suriin ang pagkakabuo ng mga kaalamang-bayan batay sa pamantayang itinakda.
9. Alin sa mga sumusunod na tugmang de-gulong ang HINDI batay sa itinakdang pamantayan?
A. Huwag dumekwatro sapagkat ang dyip ko ay di mo kwarto.
B. Barya lang po sa umaga, sa hapon ay pwede na.
C. Aanhin pa ang gasolina kung ang tao ay sira na.
D. Pasaherong masaya, tiyak na may pera.
Suriin ang pagkakabuo ng mga kaalamang-bayan batay sa pamantayang itinakda.
10. “Anong meron sa aso na mayroon din sa pusa, na wala sa ibon ngunit mayroon sa manok, na dalawa sa buwaya at kabayo at tatlo sa palaka?” Sa palaisipang ito, masasalamin na _____.
A. Tama, dahil sumunod sa pamantayang
itinakda.
B. Tunay, sapagkat ito ay isang maayos na tanong.
C. Tumpak, dahil mapapaisip ang tao.
D. Totoo, dahil ito’y isang katanungan.
Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakasulat sa malaking letra ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
11. Hindi lingid sa kaalaman ng MADLA na ang lahat ay apekto ng pandemya.
A. gobyerno
B. guro
C. pangulo
D. publiko
Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakasulat sa malaking letra ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
12. Huwag nating kalilimutan na pagkatapos ng KARIMLAN ay may darating na liwanag.
A. kadiliman
B. katuwaan
C. tag-init
D. trabaho
Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakasulat sa malaking letra ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
13. Hindi natin MAITATATWA na ang Diyos ang tanging makapagliligtas sa atin laban sa anumang sakit at kapahamakan.
A. maikukubli
B. maitatanggi
C. masasabi
D. mababanggit
Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakasulat sa malaking letra ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
14. Lagi nating tatandaan na ang mga SULIRANIN ay bahagi ng buhay ng tao.
A. kasiyahan
B. pag-ibig
C. pangarap
D. problema
Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakasulat sa malaking letra ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
15. Maraming mamamayan ang nawalan ng HANAPBUHAY dahil sa Covid-19.
A. buhay
B. pagkain
C. trabaho
D. suweldo
Suriin ang kasingkahulugan o kasalungat ng mga salitang nakadiin sa bawat pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat bilang.
16. Sa halip na kumibo ay nanahimik na lamang siya.
Ano ang kasingkahulugan ng salita?
A. humuni
B. kumilos
C. magsalita
D. umawit
Suriin ang kasingkahulugan o kasalungat ng mga salitang nakadiin sa bawat pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat bilang.
17. Tumingala siya at nakita ang nakasabit na matabang usa.
Ano ang kasalungat ng salita?
A. mabuti
B. natutuwa
C. patpatin
D. yumuko
Suriin ang kasingkahulugan o kasalungat ng mga salitang nakadiin sa bawat pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat bilang.
18. Kitang-kita sa kanya ang pagiging tuso. Ano ang kasalungat ng salita?
A. mabuti
B. natutuwa
C. patpatin
D. yumuko
Suriin ang kasingkahulugan o kasalungat ng mga salitang nakadiin sa bawat pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat bilang.
19. Gumagamit sila ng bitag upang makaakit ng mga hayop.
Ano ang kasingkahulugan ng salita?
A. kampilan
B. pagkain
C. pana
D. patibong
Suriin ang kasingkahulugan o kasalungat ng mga salitang nakadiin sa bawat pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat bilang.
20. Isang matabang usa ang kanyang nadale.
Ano ang kasingkahulugan ng salita?
A. nadaanan
B. nahuli
C. naisama
D. Nakita
Suriin ang kasingkahulugan o kasalungat ng mga salitang nakadiin sa bawat pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat bilang.
21. Matabang usa ang nahuli ng bitag. Ano ang kasalungat ng salita?
A. mabuti
B. natutuwa
C. patpatin
D. yumuko
Tukuyin kung wasto o hindi wasto ang isinasaad ng mga pahayag hinggil sa Korido.
22. May walong pantig sa bawat taludtod ng isang korido.
A. Wasto
B. Hindi wasto
Tukuyin kung wasto o hindi wasto ang isinasaad ng mga pahayag hinggil sa Korido.
23. Ang himig ng akdang ito ay mabagal na tinatawag na andante.
A. Wasto
B. Hindi wasto
Tukuyin kung wasto o hindi wasto ang isinasaad ng mga pahayag hinggil
sa Korido.
24. Isa sa mga halimbawa ng korido ay ang obra maestrang Ibong Adarna
A. Wasto
B. Hindi wasto
Tukuyin kung wasto o hindi wasto ang isinasaad ng mga pahayag hinggil
sa Korido.
25. Ang mga tauhan ng korido ay hindi nagtataglay ng kapangyarihang supernatural.
A. Wasto
B. Hindi wasto
Tukuyin kung wasto o hindi wasto ang isinasaad ng mga pahayag hinggil
sa Korido.
26. Ang karaniwang paksa ng korido ay pag-ibig.
A. Awit
B. Hindi wasto
