wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q4-AP QUIZ #2

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng paniniwala ng mga Muslim?

a)

Tinalikuran nila ang kanilang relihiyon at tinanggap ang relihiyong     Katoliko

b)

Ang relihiyong Islam ay ang paraan din ng kanilang pamumuhay

c)

Naniniwala ang mga Muslim sa iba’t- ibang relihiyon

d)

Gustong – gusto ng mga Muslim ang relihiyong Katoliko

2.

Alin sa sumusunod ang katangian ng pamahalaang Sultanato?

a)

Ito ay pamahalaan ng mga Tagalog at Bisaya

b)

Higit itong malaki kaysa pamahalaang barangay

c)

Hindi ito organisado

d)

Ang pamahalaang Sultanato ay pinamunuan ng isang kapitan

3.

Bakit nakipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo?

a)

Upang mahinto ang labanan

b)

Upang malinlang nila ang mga Muslim

c)

Upang mahikayat ang mga Muslim sa relihiyong Katoliko

d)

Upang kilalanin ng Muslim ang kapangyarihan ng Espanya

4.

Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao?

a)

Malawak ang lugar na ito

b)

Hindi interesado ang mga Espanyol dito

c)

Walang sasakyan ang mga Espanyol patungo rito

d)

Nagkaisa ang mga Muslim sa mga Espanyol

5.

Bakit pinayagan ng mga Espanyol na magkaroon ng kalayaan ang mga

Muslim?

a)

Dahil masunurin ang mga ito

b)

Dahil mayayaman ang mga ito

c)

Dahil hindi nila inabot ang mga ito

d)

Dahil hindi nila matalo ang mga ito

6.

Paano isinagawa ng mga Itneg ang kanilang pag-aalsa?

a)

Malinis na paraan

b)

Hindi pagbayad ng buwis

c)

Pagpugot sa ulo ng mga pari

d)

Pinatay ang Heneral

7.

Ang mga sumusunod ay parte ng Pilipinas na nasakop ng mga Espanyol

MALIBAN sa_____.         

a)

CORDILLERA

b)

MINDANAO

c)

LAGUNA

d)

CEBU

8.

Ang mga sumusunod ay dahilan ng pag-aalsa MALIBAN sa ___.

a)

Hindi makatarungang Polo Y Servicio

b)

Tributo       

c)

Pamimigay ng mga lupain  

d)

Pagpatay

9.

Ang pagkamatay ni Diego Silang ay hindi naging sagabal upang matigil ang

layunin na masugpo ang pagmamalabis ng Espanyol. Ito ay pinagpatuloy ng kanyang asawa na si _____.         

a)

Gregoria Silang

b)

Teresa Magbanua

c)

Marcela Agoncillo

d)

Gabriela Silang

10.

Ang pag-aalsa ni Dagohoy ang tinaguriang pinakamahabang pag-aalsa. Bakit kaya nagtagal ito?

 

a)

Marami siyang tauhan

b)

Marami syang armas

c)

Nahirapan ang mga Espanyol na tugisin

d)

Hindi siya nawalan ng loob at pag-asa sa pakikipaglaban

11.

Ano ang partisipasyon ng mga kababaihan sa panahon ng rebolusyon ng Pilipinas?

a)

Nakagawa lamang sila ng simpleng gawain sa loob ng bahay

b)

Nakipaglaban sila kasama ng mga lalaki sa pagpapalaya ng Pilipinas

c)

Hindi sila naging malaking tulong sa panahon ng rebolusyon

d)

Walang naging partisipasyon ang mga kababaihan

12.

Pinagtatrabaho ng mga Espanyol ang mga katutubo tulad ng paggawa sa sasakyang pantubig, walang pahinga at ipinadadala sa malayong lugar. Kumukolekta silang buwis sa mga bata, matatanda at sa mga alipin. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

pang-aabuso sa mga katutubo

b)

pagpatupad ng tuntunin

c)

pagbibigay laya sa mga katutubo

d)

pagdidisiplina sa mga katutubo

13.

Ano ang ginawa ng mga kababaihan upang makatulong sa rebolusyon?

a)

Nagluto ng pagkain para sa mga sundalo

b)

Tagapagbigay saya sa pamamagitan ng pag-awit at pagtula

c)

Namamahala sa pananalapi at pinapamahalaan ang pagpapadala ng tulong     sa mga rebolusyonaryo

d)

Naglingkod bilang mga nars at nag-alaga ng mga nasugatan sa labanan

14.

Ano ang ginawa ni Gabriela Silang para sa pakikibaka ng kababaihan sa Pilipinas?

a)

Pinamunuan ang mga pag-aalsa laban sa mga Espanyol

b)

Itinatag ang Liga ng mga Kababaihan

c)

Sumulat ng mga aklat tungkol sa kababaihan

d)

Ginamot ang mga sugatang Katipunero

15.

Paano ipinamalas ni Teresa Magbanua ang kaniyang katapangan sa pagtatanggol sa ating bansa?           

a)

Pakikipaglaban gamit ang husay sa taktikang militar

b)

Nanggamot ng mga sugatang katipunero

c)

Naging katuwang ni Gregoria de Jesus sa Katipunan

d)

Pang-aliw sa mga katipunero sa pamamagitan ng pag-awit at pagbigkas ng     tula