Font size
WorksheetsFilipino Ikaapat na Markahan Long Quiz
Total questions: 31
Worksheet time: 16mins
Pakilagay ang iyong Apelyido, Pangalan at Seksyon
(a)
Ito ay nanggaling sa salitang Correr na ibig sabihin ay Dumadaloy.
Awit
Korido
tula
salaysay
Ano ang tawag sa himig o bigkas na mabilis ng isang korido?
A. Allegro
B. Andante
C. Soprano
D. Alto
Ano ang tawag sa mga karaniwang tauhan ng korido?
A. Mga dugong bughaw
B. Mga dukha
C. Mga ordinaryong tao
D. Mga taong may kapangyarihan
Ilang pantig mayroon ang bawat taludtod ?
Anim
Walo
Lima
Apat
Ilang taludtod ang binubuo ng isang saknong ng korido
Lima
Pito
Apat
dalawa
Sa anong anyo ng panitikan nahahanay ang korido?
Pasayaw
Paawit
Patula
Tuluyan
Anong karaniwang pangyayari sa isang korido na naiiba sa ibang akdang pampanitikan ?
Pagpapakita ng kababalaghan
Pagkakaroon ng kasiyahan
Pagpaparamdam ng kalungkutan
Pagtatamasa ng tagumpay
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng korido sa Pilipinas ?
A. Florante at Laura
B. El Filibusterismo
C. Noli Me Tangere
D. Ibong Adarna
Ang isang korido ay sinisimulan sa pamamagitan ng isang _____________.
Panalangin
Pakikipaglaban ng tauhan
Panunuyo ng lalaking tauhan
Pagtataksil
Sino ang nag-ayos ng kabuuang pagkakasulat ng akdang Ibong Adarna?
Jose Villa Panganiban
Marcelo P. Garcia
Jose Corazon de Jesus
Francisco Balagtas
Alin sa mga sumusunod na paksa ang tumatalakay sa pagmamahalan ng dalawang tauhan ?
Kawalang-hustisya
Pananampalataya
Pakikipagsapalaran
Pag-iibigan
Ano ang motibo ng makata sa pagsulat ng kanyang obra?
Maihatid sa mga mambabasa ang mga magagandang asal sa obra.
Tangkilikin ang sariling obra.
Maituwid ang maling nagawa.
Makilala ang sumulat.
Sa mga sumusunod na paksa ,ano ang nagpapakita ng matagumpay na pakikipaglaban ng mga tauhan sa korido ?
Pananampalataya
Pakikipagsapalaran
Pag-iibigan
Kawalang-hustiya
Nabatid sa kuwento na sa tulong ng Diyos ay nakakuha ng manggagamot na siyang makatatalos sa sakit ng hari.
Ang motibo ng may akda sa bahaging ito ay:
Ang mga manggagamot ay sadyang marunong tumingin sa mga taong may sakit.
Ang manggagamot ay magaling manghula ng sakit.
Ang Diyos ay mabuti sapagkat nagdala siya ng tao na makakabatid sa sakit ng hari.
Masipag ang mga anak ng hari sa paghahanap ng lunas sa sakit ng kanilang ama.
Alin sa mga sumusunod ang motibo ng may-akda sa paggamit ng karakter na mata?
A. Upang mas maging kakaiba ang akda.
B. Upang ipabatid sa mambabasa na mas magandang karakter ang matatanda
C. Upang ipabatid na kinakailangang igalang at pakinggan natin ang nakatatanda sa atin.
D. Upang ipabatid sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matandang karakter sa isang kuwento.
Sa bahagi ng akdang nabanggit na “Diumano’y si Don Juang bunso niyang minamahal ay nililo at pinatay ng
dalawang tampalasan”. Ipinapakita dito na ___________.
A. Maging mapagmahal tayo sa ating kapwa.
B. Hindi maganda ang labis na pagmamahal sa anak.
C. Magpakita ng kabutihan sa ating kapwa upang hindi tayo saktan nito.
D. May mga taong maaaring gumawa ng masama laban sa atin kaya naman dapat ay mag-ingat tayo.
Piliin ang diwang ipinahahayag ng bawat saknong.
O, Birheng kaibig-ibig,
Ina naming nasa langit,
Liwanagin yaring isip,
Nang sa layo’y di malihis
Paghingi ng gabay sa gagawing paglalakbay
Pakikipag-usap ng mahinahon
Pagpupuri sa mahal na birhen
Pagsusumamo na maging maliwanag ang lahat
Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa akda na nagpapakita ng suliraning panlipunan?
Ang pagpapahalaga ni Don Juan sa buhay ng ama kaya hinuli niya nang mag-isa ang Ibong Adarna.
Ang pagtulong ng ermitanyo kay Don Juan kung paano mahuli ang Ibong Adarna.
Ang kawalan ng sariling paninindigan at pagiging sunud-sunuran lamang ni Don Diego sa mga masamang impluwensiya
ni Don Pedro.
Ang masayang pagkikita ng tatlong magkakapatid sa bundok Tabor.
Piliin ang diwang ipinahahayag ng bawat saknong.
”Sa akin po ay ano na
Sinadlak man nga sa dusa
Kung may daan pang magkita
Pag-ibig ko’y kanila pa.
Galit at poot
Paghihiganti
Pagpapatawad
Pagtataksil
Sa paglalakbay ni Don Juan para hanapin ang Ibong Adarna, nakasalubong niya ang matandang leproso at kanyang nilimusan
ng tinapay. Anong suliraning panlipunan ang ipinababatid at bakit hanggang sa kasalukuyan ito ay nararanasan?
Kasamaan, sapagkat ito ay likas sa atin.
Kahirapan, sapagkat likas na ito sa tao.
Kahirapan, sapagkat magpapatuloy ito kung hindi natututo ang tao
Kasamaan, sapagkat may inggit na nararamdaman ang tao.
Bakit mahalagang pag-aralan ang akdang Ibong Adarna?
Dahil naglalaman ito ng mga gintong aral na magagamit sa pang-araw-araw na buhay.
Dahil isa itong akdang pampanitikan.
Dahil ang pagbabasa ng akdang ay mabisang gawing libangan.
Dahil inilalarawan nito ang pakikipagsapalaran ng mga sinaunang tao.
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng akdang Ibong Adarna maliban sa:
. Pagmamahal sa bayan.
Pagtulong sa mga nangangailangan.
Pagrespeto ng mga anak sa kanilang magulang.
Pagkakaroon ng matinding pananampalataya sa Diyos.
”Ugali ko pagkabata,
na maglimos sa kawawa,
ang naipagkawanggawa,
bawiin pa’y di na magawa.”
Ang kaisipang nakapaloob sa saknong na ito ng Ibong Adarna ay ________ .
Taong mapagmalasakit na hindi naghihintay ng anomang tulong.
Taong mapagkumbabang hindi nagtatanim ng galit sa kapwa.
Taong mapagbigay sa kapwang hindi naghihintay ng anomang kapalit.
Taong mapagkawanggawang hindi nag-iisip ng karangyaan.
“Salungahing matatarik
inaakyat niyang pilit,
ang landas man ay matinik
inaari ring malinis.”
Anong kaisipan ang malinaw na nasasalamin sa saknong na ito?
Walang daang matinik sa kaniyang landas.
Walang problemang hindi malalampasan.
Walang daang malinis na kanyang dinaanan.
Walang matarik na daan na hindi kayang daanan.
“Napawi ang pag-aantok
dahil sa tindi ng kirot;
si Don Juan ay lumuhod,
nagpasalamat sa Diyos.”
Ang katangiang taglay ni Don Juan sa saknong sa itaas ay pagiging ……………….
Makatao
Matiyaga
Matiisin
Maka-Diyos
“Di ba tunay, aking giliw
pangako mo walang maliw
ako’y iyong mamahalin,
ano ngayo’t di mo tupdin?
Batay sa saknong, anong kaisipan ang mahihiwatig dito?
kapag ikaw ay magmamahal,dapat kang mangako
Kapag ikaw ay tunay, mangangako ka nang tapat.
kapag ikaw ay mangangako,dapat mo itong tuparin
Kapag ikaw ay magmamahal, dapat ay tunay.
“Kaya sa bawat kamalian
na sa kanya’y ipinaratang
bago bigyang kahatula’y
tinitimbang ang katwiran.”
Alin sa mga sumusunod ang kaisipang kaugnay sa saknong sa itaas?
Ang magulang ay walang inaatupag kundi bisyo.
Ang magulang ay pantay at makatarungan sa pagdisiplina sa anak.
Ang magulang ay may pinapaborang anak.
Ang magulang ay mapagmahal sa anak.
Piliin sa mga sumusunod na mga suliraning panlipunan ang may pagkakatulad sa Ibong Adarna.
Ang paggawa nang masama para lang mapagtakpan ang isang kabiguan o kahihiyan.
Ang pagsasamantala ng isang pinuno o lider sa kanyang nasasakupan.
Ang pagtulong sa kapwa na walang hinhinging kapalit.
.Ang labis na pagpapahalaga sa kayamanan o salapi.
Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna sa paghubog ng pag-uugali ng kabataan?
Naglalaman ng pakikipagsapalaran ng mga tauhan.
Naglalaman ng kahusayan ng tatlong prinsipe (Don Pedro, Don Diego, Don Juan).
Naglalaman ng paalala tungkol sa magagandang pag-uugali.
Naglalaman ng kultura ng lugar na pinagmulan nito.
Si Prinsesa Leonora ay naiwan sa kaharian ng Berbanya, malungkot at naghihinagpis dahil wala pa ang kanyang irog na si Don Juan. Kung ikaw si Prinsesa Leonora, hihintayin mo pa ba ang iyong minamahal na si Don Juan?
Hihintayin ko pa si Don Juan kahit abutin pa ng mahabang panahon.
Hihintayin ko si Don Juan dahil dito ko maipapakita kung gaano ko siya kamahal.
Hindi ko na hihintayin si Don Juan, marahil ay nakalimutan na ako nito.
Magbibigay ako ng takdang panahon sa paghintay at kapag hindi ito sumipot ay pakakawalan ko ang aking nararamdaman, hindi ko hahayaan na maubos ang aking oras sa isang taong walang kasiguraduhan na pupunta.
