NEW
Font size
WorksheetsQ4 ESP5 PERIODIC TEST
Total questions: 50
Worksheet time: 3hrs 30mins
1. Nakasalubong mo ang iyong kaibigan na tahimik at naiyak. Ano ang gagawin mo?
A. Kausapin siya
B. Huwag magtanong
C. Huwag pansinin
D. Pabayaan nalang
2. Paano mo ipapakita ang pagmamahal sa iyong lolo at lola?
A. Hayaan na magutom
B. Sisigawan sila
C. Bibigyan ng pagkain
D. Pababayaan sila
3. Nakita mo ang iyong nanay na nahihirapan sa pag-aasikaso sa mga kapatid mo. Ano ang gagawin mo?
A. Aalis ako ng bahay
B. Di ko siya papansinin
C. Sisigawan ko siya
D. Tutulungan ko ang aking nanay
4. Nagkaroon ng sakuna sa inyong lugar. Nasugatan ang iyong kapitbahay. Paano mo maipakita ang pagtulong sa kanila?
A. Iiwasan ko siya
B. Gagamutin ang nasugatan
C. Hindi ako makikialam
D. Pababayaan ko kasi malaki na sila
5. Ang kapitbahay mo ay nawalan ng trabaho ngunit naghahanap naman siya. Anong tulong ang iyong maibibigay sa kaniya?
A. Bibigyan ng pagkain habang wala pa siyang trabaho
B. Pabayaan nalang siya
C. Huwag pansinin
D. Hintayin mo na lang kung siya ay kakatok
6. Alam mong nag-iisa na sa bahay si Lola Idang. Paano mo maipapakita ang pagmamahal kay Lola Idang?
A. Murahin nalang siya
B. Alagaan ko siya
C. Dalhin sa tahanan ng matatanda
D. Hahayaan na lang
7. Ang iyong nakababatang kapatid ay iyak nang iyak. Paano mo siya patahanin sa pag-iyak?
A. Papaluin siyang tumigil
B. Sisigawan dahil ang ingay
C. Pabayaan siyang umiyak
D. Aamuin para tumigil umiyak
8. Ang iyong nanay ay may karamdaman. Ano ang iyong gagawin upang maipakita mo ang iyong pagmamahal?
A. Bibigyan ko siya ng malamig na pagkain
B. Wala akong gagawin
C. Hindi ko papansinin
D. Paiinumin ng gamut
9. Ang iyong kapatid ay nangangailangan ng tulong pinansyal. Ano ang dapat mong gawin?
A. Bigyan ng pera kung kailangan
B. Huwag bigyan ng pera
C. Alamin kung kailangan talaga
D. Huwag pansinin
10. May nakasakay kang may kapansanan na matandang babae. Ano ang iyong gagawin?
A. Sipain ko siya
B. Hindi ko siya papansinin
C. Alalayan sa pagbaba
D. Wala akong pakiaalam sa kanya
11. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kabutihan ng lahat?
A. Itapon ang basura sa kung saan-saan.
B. Huwag tumulong sa mga magulang sa mga gawaing-bahay.
C. Palaging magdasal upang patnubayan ng Diyos ang bawat isa sa atin.
D. Huwag isipin ang kapakanan ng iba bagkus ay isipin lamang ang sariling kapakanan.
12. Dumating ang inyong kamag-anak na nasalanta ng baha. Wala silang matutuluyan dahil naanod ng baha ang kanilang bahay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi sila papansinin.
B. Papaalisin sila kapag umalis sina nanay.
C. Tatanggapin sila nang maayos.
D. Sasabihin ko na masikip ang aming bahay.
13. Mayroon kayong kaklase na dinapuan ng malubhang sakit. Bilang isang batang katulad mo, ano ang gagawin mo?
A. Sasabihan ko ang mga kaklase ko na sila na lang ang tumulong.
B. Ipagdadasal ko ang kaligtasan at kagalingan ng aking kaklase.
C. Hindi ko pagtutuunan ng atensyon ang aking kaklase.
D. Wala akong gagawin.
14. Mayroon kayong kapitbahay na palaging nakasilip sa bintana ng inyong bahay tuwing nanonood kayo ng telebisyon dahil wala silang kuryente. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
A. “Umalis kayo duyan”
B. “Umuwi kayo sa bahay niyo”
C. “Bawal makipanood dito”
D. “Dito na kayo sa loob manood”
15. Bago ka sa paaralan ninyo. Napansin mong may isang batang naka-wheelchair ang hindi makaalis dahil sumabit ang gulong nito sa bakod. Ano ang gagawin mo?
A. Panonoorin ko lang siya.
B. Pagtatawanan ko lang siya.
C. Tutulungan ko siya.
D. Pababayaan ko na lamang siya.
16. Ang pagtulong ay
A. Para sa mga gusto lamang tulungan
B. Para sa lahat ng nangangailangan
C. Para sa kaibigan lamang.
D. Naghahanap ng kapalit
17. Kapag may sakuna, sunog, aksidente, o naganap na krimen tulad ng nakawan. Ano ang iyong gagawin?
A. Magtago para hindi madamay.
B. Pagtatawanan at kukutyain ang mga biktima.
C. Tumulong kaagad sa mga nangangailangan
D. Isasawalang bahala na lamang
18. Pinabayaan na lamang ni Sandy ang nakitang nakahandusay sa kalsadang lalaking naaksidente sa daan na parang walang napansin. Dapat ba siyang tularan?
A. Opo, kasi marami naman ang tutulong sa kaniya.
B. Hindi po kasi hindi siya gumawa ng paraan upang matulungan ito..
C. Hindi ko alam kung ano ang dapat.
D. Opo kasi hindi naman nya alam ang gagawin.
19. Madalas nakikipag-unahan ang mga kalalakihan sa mga pilahan kaysa sa mga kababaihan. Nagpapakita ba ito ng pagkalinga sa kapwa?
A. Opo kasi wala ng pakialam ngayon ang mga kalalakihan sa kababaihan.
B. Opo kasi kailangan din nilang mauna.
C. Hindi po kasi mas mabuti kung laging isaisip ng mga kalakihan na mas marapat na pagbigyan at paunahin ang kababaihan kaysa sa kanila..
D. Wala sa nabanggit.
20. May nakita kang mag-inang kalung-kalong ang anak sa pagtawid ng kalsada. Ano ang iyong gagawin
A. Tutulungan sila sa pagtawid
B. Hindi papansinin ang mag-ina.
C. Magsawalang kibo na lamang.
D. Walang pakialam kung ano ang mangyari sa mag-ina.
21. Napansin mong mabilis magpatakbo ng sasakyan ang iyong kapatid. Ano ang iyong gagawin?
A. Pagsasabihan ko siya na mas mabuting mag-ingat para makaiwas sa aksidente.
B. Pababayaan na lamang ang kapatid.
C. Matutuwa sa kapatid dahil hilig mo din makipagkarerahan
D. Magsasawalang kibo na lamang dahil mag-aaway lang kayo.
22. Nagkataong nasaksihan mo ang naganap na krimen sa inyong kapitbahay. Ano ang iyong gagawin?
A. Mananatiling tahimik para hindi mapahamak at madamay.
B. Magsasawalang kibo na lamang.
C. Hihingi ng tulong at isusumbong ang naganap na pangyayari.n
D. Magpapakalayu-layo para hindi madamay.
23. Napansin mong naglayas ang iyong pinsan dahil napagalitan ng kaniyang ina. Ano ang iyong gagawin?
A. Hihikayatin pa siyang huwag ng bumalik para hindi na marinig ang sermon ng magulang.
B. Isusumbong sa ina ang pinsan para lalong mapagalitan.
C. Hahayaan na lamang siya.
D. Pagsasabihan ko siya ng mahinanahon na masama ang paglalayas at ipapaliwanag na walang magulang ang gustong mapahamak ang anak.
24. Nanghihingi ang inyong simbahan ng mga donasyon para sa mga nasalanta ng sunog. Ano ang iyong gagawin?
A. Babaliwalain na lamang ito.
B. Magpapanggap na walang narinig.
C. Mangangalap ng mga sobrang damit at pagkain na maaring maiambag sa mga biktima ng sunog.
D. Magkukunwaring walang napansin.
25. Mahilig mag-online games ang kapatid ni Justin kaya pinababayaan niya na lamang ang kaniyang inang maysakit.
Dapat ba siyang tularan?
A. Hindi ko po alam.
B. Opo, dahil mas maganda mag-online games kaysa mag-alaga ng inang maysakit.
C. Hindi po, kasi mas makabubuting ilaan ang kaniyang oras sa pagtulong at pag-alaga sa kaniyang inang may sakit.
D. Opo, kasi mas nakakalibang ang paglalaro ng online games kaysa magbantay ng inang maysakit.
II.PANUTO: Basahin maigi ang mga pangungusap isulat ang TAMA kung nagpapakita ng positibong pananaw at isulat ang MALI
kung nagpapakita ng negatibong pananaw.
26. Mababang marka lang ang iyong nakuha sa unang markahan kaya pinili mo nalang na huwag ipagpatuloy ang pag-aaral.
A. Tama
B. Mali
27. Nagsusumikap ka na mag-aral kahit mahirap lang ang iyong pamilya dahil alam mong ito ang magiging susi sa iyong tagumpay
A. Tama
B. Mali
28. Kahit walang kuryente dahil sa bagyo, nagsusumikap ako na gumawa ng takdang-aralin ng maaga upang hindi maabutan ng dilim.
A. Tama
B. Mali
29. Gusto mong sumuko sa pag-aaral dahil nahihirapan na ang iyong pamilya sa mga gastusin.
A. Tama
B. Mali
30. Kahit magsasaka ang tatay ni Lorna nagsusumikap siya na tulungan ito sa pamamagitan ng pagtitinda ng kakanin upang matustusan ang kaniyang pag-aaral.
A. Tama
B. Mali
31. Makikinig sa mga negatibong sinasabi ng ibang mga tao at kakaawaan ang sarili dahil sa mga problemang iyong kinakaharap.
A. Tama
B. Mali
32. Susunod ako sa payo ng aking mga magulang at tutulong sa kanila.
A. Tama
B. Mali
33. Maraming suliranin ang inyong pamilya kaya pinili mong gumala at sumama sa mga barkada at ituon ang sarili sa pagkokompyuter upang takasan ang iyong problema.
A. Tama
B. Mali
34. Hahayaan mo ang iyong sarili na pangibabawan ng takot at lungkot hanggang mawalan na ng gana sa buhay.
A. Tama
B. Mali
35. Pagbubutihin ko ang aking pag pag-aaral anuman ang mangyari ng may tatag at buong pag-asa.
A. Tama
B. Mali
36. Ang mga sumusunod ay ang mga iba’t ibang paraan ng pagsasamba sa Diyos, maliban sa isa.
a. Pumunta sa simbahan tuwing araw ng pagsamba.
b. Pagdarasal na may gamot na sa COVID-19 virus.
c. Pagkukwentuhan sa katabi sa panahon ng pagsisimba.
d. Pagtulong sa mga nangangailangan, lalong-lalo na sa panahon ng pandemya.
37. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng batang may malalim na pananampalataya sa Diyos?
A. Igalang ang kapwa kahit saanman magpunta.
B. Magsabi ng totoo sa lahat ng oras.
C. Pagdarasal na may bagong gadget
D. Alalayan ang matandang tumatawid sa kalsada.
38. Namasyal ka kasama si nanay. Nakita mong may tumatawid na matanda. Ano ang gagawin mo?
A. Huwag mo na lamang pansinin
B. Pagtatawanan mo siya.
C. Sasabihin mo na lamang na mag-iingat siya.
D. Magpaalam sa nanay at ihahatid ang matanda sa tawiran.
39. Paano maaaring maipakita at maipadarama ang pananalig at pagmamahal sa Diyos ng bawat isa sa atin?
A. Pagsasawalang-bahala sa mga kakailanganin ng kapwa na kaya mong tugunan.
B. Pagtangging lumahok sa mga programang makatutulong sa kapwa dahil sa walang gana.
C. Pagmamalasakit sa kalagayan ng kapuwa at pagbibigay pag-asa sa kanila.
D. Pag-iwas sa mga taong nangangailan ng tulong.
40. Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan kung bakit ang pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa Diyos ay nagpapakita ng pasasalamat sa kaniya, maliban sa isa.
A. Kung ano ang ginawa natin sa kapwa ay ito rin ang ginawa natin sa Diyos.
B. Iisa lamang ang hiling niya na dapat pagmamahal ang mangingibabaw sa buong mundo.
C. Sapat na sa kaniya na tayo ay magmahalan bilang tanda ng pasasalamat sa kaniya.
D. Kinakailangan upang tayo ay bigyan ng maraming pera at maging mayaman sa mundong ibabaw.
41. Ang iyong kaibigan ay nagyaya sayo na sa kanilang pook-sambahan ikaw ay sumama. Nagkataon namang may ritwal sila na nagaganap dito nang kayo ay pumasok. Bilang pagtanaw ng respeto ng kanilang ritwal, ano ang iyong gagawin?
A. Pagtatawanan ko sila
B. Magmamasid ako sa kanilang ginagawa
C. Lalabas na lang ako
D. Hindi ko papansinin
42. Ikaw ay magaling umawit, niyaya kang sumali sa choir sa simbahan. Ikaw ba ay sasali? Paano mo ipapakita na mahal mo ang Diyos?
A. Oo, upang maipagmayabang ko ang aking kakayahan.
B. Hindi, dahil nahihiya akong kumanta sa harap ng maraming tao.
C. Hindi, dahil maraming oras ang magagamit.
D. Oo, upang makapagpasalamat sa biyayang bigay ng Diyos.
43. Ang ating katawan ay regalo ng Diyos, papaano natin maipapakita na nagpapasalamat tayo sa kaniya?
A. kumain ng masasarap na pagkain
B. alagaan, mahalin at ingatan natin ito
C. pabayaan natin ito
D. maglaro tayo
44. Bakit kailangan magpasalamat tayo sa Diyos?
A. Upang maging mayaman tayo.
B. Upang hindi maganda ang buong araw natin.
C. Upang hindi niya tayo kalimutan.
D. Upang patnubayan tayo sa araw-araw.
45. Piliin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pag-ibig sa ating kapwa? “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili”
A. Kapag maraming gawain sa loob ng bahay, hindi na ako tutulong dahil may katulong naman si nanay
B. Kapag nakakita ako ng mga batang mahirap at walang makain, ibabahagi ko ang aking pagkain.
C. Kapag nakasama ako sa pangkatan o grupong gawain, hindi ko na ibabahagi ang gamit ko dahil marami naman kami
D. Kapag marami akong baon na hindi ko naubos, itatapon ko ito.
46. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa utos ng Diyos?
A. Ibigin mo ang Diyos ng higit sa lahat.
B. Huwag mong igalang ang nanay at tatay mo.
C. Magnakaw ka.
D. Nararapat na ikaw ay magsinungaling.
47. Bakit kailangan igalang ang kapuwa?
A. Para walang magalit sa iyo.
B. Para masaya ang lahat.
C. Para manatiliangkatahimikan.
D. Para igalang ka rin ng kapuwa mo
48. Alin sa mga sumusunod ang hindi tama?
A. Igalang ang iyong ama at ina.
B. Huwag kang magbintang.
C. Huwag kang magnakaw.
D. Manakit ng kapwa.
49. Ano ang pinakamagandang regalong kaloob ng Diyos?
A. Magkaroon ng maraming pera.
B. Magkaroon ng masasarap na pagkain.
C. Ang magkaroon ng buhay.
D. Magkaroon ng bahay at lupa.
50. Isang umaga, naghihintay ka ng dyip sa may kanto patungo sa paaralan. May nakasabay kang isang batang pilay na naghihintay din ng sasakyan. Ano ang gagawin mo?
A. Uunahan ko siyang sumakay sa dyip.
B. Aalalayan ko siya sa kaniyang pagsakay.
C. Titingnan ko siya kung paano siya sumakay.
D. Hindi ko siya papansinin.
