NEW
Font size
WorksheetsAP EVALUATION JUNE 20 2023
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sektor bilang isa sa mga disadvantaged sector ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa pamahalaan sa aspektong panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala, at maging ekolohikal.
A. REPUBLIC ACT 7875
B. REPUBLIC ACT 8282
C. REPUBLIC ACT 7796
D. REPUBLIC ACT 8425
2. Ang batas na ito ay kinikilala rin bilang Magna Carta of Women.
A. REPUBLIC ACT 7875
B. REPUBLIC ACT 8282
C. REPUBLIC ACT 7796
D. REPUBLIC ACT 9710
3. Itinuturing ito bilang pangunahing batas ng bansa para sa mga manggagawa.
A. REPUBLIC ACT 7875
B. REPUBLIC ACT 8282
C. REPUBLIC ACT 7796
D. PRESIDENTIAL DECREE 442
4. Layunin ng batas na ito na hikayatin ang kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng iba't ibang sektor ng lipunan gaya ng industriya, paggawa, lokal na pamahalaan, teknikal, at bokasyonal na mga institusyon upang mapaghusay ang mga kasanayan para sa pagpapataas o pagpapaibayo ng kalidad ng yamang tao ng ating bansa.
A. REPUBLIC ACT 7875
B. REPUBLIC ACT 8282
C. REPUBLIC ACT 7796
D. PRESIDENTIAL DECREE 442
5. Itinatadhana ng batas na ito na tungkulin ng estado na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod ang kagalingang panlipunan at seguridad ng mga manggagawa.
A. REPUBLIC ACT 7875
B. REPUBLIC ACT 8282
C. REPUBLIC ACT 7796
D. PRESIDENTIAL DECREE 442
6. Nakapaloob sa programang ito na ang pamahalaan ay magkakaloob ng subsidy sa mga mamamayan na walang sapat na kakayahang pinansiyal sa oras na sila ay magkaroon ng pangangailangang medikal at pangkalusugan gaya na lamang ng operasyon at hospitalization program.
A. REPUBLIC ACT 7875
B. REPUBLIC ACT 8282
C. REPUBLIC ACT 7796
D. PRESIDENTIAL DECREE 442
7. Ang programang ito ay ipinatutupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nauukol sa pangkabuhayang pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga pagsasanay ng mga mamamayan partikular na para sa mga self-employed at mga walang sapat na hanapbuhay.
A . DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)
B. SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K)
C. INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE FISHERFOLKS (ISLA)
D. CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP)
8. Isa sa mga pangkabuhayang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng mga gawain at pagsasanay upang mapaunlad ng mga mahihirap na pamilya ang kanilang mga kasanayan at makapagsimula ng sariling negosyong pangkabuhayan at pagtatayo ng mga samahang panlipunan na maaaring magpautang sa mga kasapi gaya ng Self-Employment Kaunlaran Associations (SKA's).
A . DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)
B. SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K)
C. INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE FISHERFOLKS (ISLA)
D. CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP)
9. Ang proyektong ito ay para sa mga munisipalidad o bayan na ang pangunahing ikinabubuhay ay pangingisda.
A . DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)
B. SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K)
C. INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE FISHERFOLKS (ISLA)
D. CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP)
10. Ito ay programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na kung saan sa ilalim nito, ang mga biktima ng kalamidad o mga evacuee ay bibigyan ng kabayaran kapalit ng serbisyong kanilang isasagawa o pagtulong sa panahon ng rehabilitasyon at rekonstruksiyon ng mga nasalantang lugar.
A . DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)
B. SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K)
C. INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE FISHERFOLKS (ISLA)
D. CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP)
