wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q4 FILIPINO5 PERIODIC TEST

Total questions: 50

Worksheet time: 4hrs 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang Pamilya Cruz

Ang pamilya Cruz ay isang huwarang pamilya. Si Mang Dante na padre de pamilya ay masipag at masikap. Si Aling Conching naman ang nag-aasikaso sa mga gawain sa bahay at minsan ay nananahi upang makatulong sa mga pangangailangan ng pamilya. Ang kanilang panganay na anak na si Aleli ay nakapagtapos na ng kolehiyo at nagtatrabaho na sa isang Accounting Office. Tumutulong na siya sa pangangailangan ng pamilya. Si Alyzza naman ay nagsisikap din sa pag-aaral ng pagkadentista. Ang kanilang anak na lalaki na si Albert naman ay magtatapos na rin ng sekondarya. Sila ay nagtutulungan sa lahat ng mga gawain sa bahay at tumutulong din sila sa mga nangangailangan.

1.       Sino ang masipag at masikap?

a)

A.       si Mang Dante                                 

b)

B. Si Mang Jose 

c)

C. Si Mang Juan

d)

D. Si MangTasyo

2.

2.        Ano naman ang pinagkakaabalahan ni Aling Conching maliban sa mga gawain sa bahay?

a)

A.       pag-aalaga ng baboy                                   

b)

B.       pag-aalaga ng manok 

c)

     C. pananahi

d)

    D. pagtitinda

3.

3.        Saan nagtatrabaho ang kanilang panganay na anak na si Aleli?

a)

A.       sa barangay                             

b)

B.       sa isang Accounting Office 

c)

      C. sa munisipyo

d)

        D. sa palengke

4.

4.        Bakit sila isang huwarang pamilya?

a)

A.       Sila ay umaasa sa bigay ng pamahalaan.                          

b)

B.       Sila ay hindi naglilinis ng kanilang bakuran.

c)

  C.       Sila ay sumusuway sa mga patakaran na ipinatutupad ng kanilang barangay.

d)

     D.       Sila ay nagtutulungan sa lahat ng mga gawain sa bahay at tumutulong din sila sa mga nangangailangan.

5.

Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang angkop na bunga sa sanhing nakalahad.

5.       Nag-aral nang Mabuti si Carla kaya                                               .

a)

A.       mababa ang nakuha niyang marka sa pagsusulit                        

b)

B.       mataas ang nakuha niyang marka sa pagsusulit

c)

C.       pinagalitan siya ng kanyang guro

d)

   D.       lumiban siya sa klase

6.

6.       Nagtampisaw sa ulan si Darren kagabi kaya                                     .

A.       siya ay sinipon                         C. siya ay maagang pumasok

B.       siya ay masigla                        D. siya ay nanguna sa klase

a)

A.       siya ay sinipon                            

b)

B.       siya ay masigla   

c)

C. siya ay maagang pumasok

d)

        D. siya ay nanguna sa klase

7.

7.       Masipag si Mang Dante kaya                                                        .

a)

A.       kapos sa pera ang kanyang pamilya

                 

b)

B.       hindi nakapag-aral ang kanyang mga anak 

c)

C.       namamalimos ang kanyang mga anak sa kalye

d)

     D.       naibibigay niya ang pangangailangan ng kanyang mga anak

8.

Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang angkop na sanhi sa mga nakalahad na bunga.

8.       Marangya ang buhay ng mag-anak na Cruz dahil sa                         .

a)

A.       tamad ang kanilang padre de pamilya

                 

b)

masipag ang buong pamilya nila

c)

C. nagsusugal ang kanilang nanay

d)

   D.maaksaya silang mag-anak

9.

Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang angkop na sanhi sa mga nakalahad na bunga.

9.       Kapos man sa pera sina Sonia pero nakapagtapos siya sa pag-aaral dahil siya ay                                      .

a)

A.       tamad   

                 

b)

B.       humihingi siya ng suporta  

c)

      C. masipag at matiyaga

d)

 D. kumokopya sa kaklase

10.

10.       Nais pumunta ni Alyzza sa palikuran. Ngunit, nag-uusap ang kanyang nanay at kanyang tiya sa dadaanan niya. Ano ang sasabihin ni Alyzza?

a)

A.       Dadaan po ako.   

                 

b)

B.       Pupunta ako sa palikuran.   

c)

      C. Maaari po ba akong makiraan?

d)

D. Alis po muna kayo riyan at pupunta ako sa palikuran.

11.

11.       May pinapabasa ang guro nila Nika sa kanilang aklat sa Filipino. Naiwan ni Nika ang kanyang aklat sa bahay. Nakita niyang may sobrang aklat ang kanyang guro. Ano ang kanyang sasabihin sa kanyang guro upang makahiram siya ng aklat?

a)

A.       Pahiram ako ng aklat.                   

b)

B.       Akin na lang ang aklat na iyan.   

c)

    C. Sa iyo ba iyan mam, hiramin ko sana?

d)

D. Maari ko bang mahiram ang aklat po Ninyo mam?

12.

12.       Naatasan si Carlos na mag-ulat ng balita gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap. “Uulan sa Metro Manila bukas bandang alas singko ng hapon”, ani Carlos. Anong uri ng pangungusap ito?

a)

A.       padamdam              

b)

B.       pasalaysay   

c)

      C. patanong

d)

D. pautos o pakiusap

13.

13.       “Sa mga papasok sa trabaho, magdala ng payong o kapote na panangga sa ulan”, dagdag pa niya. Anong uri ng pangungusap ito?

a)

A.       padamdam              

b)

B.       patanong

c)

      C. pasalaysay

d)

D. pautos o pakiusap

14.

14.       Marami ang banyaga ng nagnanais makapamasyal sa ating bansa. Ano ang ibig sabihin ng banyaga?

a)

A.       likas na mamamayan         

b)

B.       makabayan  

c)

       C. mahilig makipagsapalaran

d)

       D. dayuhan

15.

15.       Kalunus-lunos ang kalagayan ng mga maysakit na COVID-19 sa India. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

A.       nakakahanga         

b)

B.       kahabag-habag   

c)

      C. kaiga-igaya

d)

   D. nakakatuwa

16.

16.       Isang dambuhalang alon ang humampas sa aming bangka at kami ay tumaob.Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

A.       mahina          

b)

B.       malakas     

c)

      C. maliit

d)

D. malaki

17.

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap na ginamit ng mga mag-aaral sa kanilang performance task na ibinigay ng guro upang makipanayam sa isang opisyales ng barangay tungkol sa COVID-19.

17.       Andami na po pala ang nagkakasakit sa COVID dito sa ating barangay!

a)

A.                   padamdam       

b)

B.                   patanong      

c)

C. pasalaysay

d)

D. pautos

18.

18.       Ano-ano po ang ginagawa ng ating barangay upang mabawasan ang bilang ng mga nagkakasakit sa COVID-19?

a)

A.                   padamdam       

b)

B.                   patanong      

c)

C. pasalaysay

d)

D. pautos

19.

19.       Ang pamunuan ng ating barangay ay laging nagpapaalala sa mga mamamayan na maghugas ng kamay, maglinis ng kapaligiran at huwag kalimutang magsuot ng face mask.

a)

A.                   padamdam       

b)

B.                   patanong      

c)

C. pasalaysay

d)

D. pautos

20.

Mga Taong Kinakailangan ng Karagdagang Pag-iingat

Ang pinakamahalagang pag-iingat sa kaligtasan na maaaring gawin ng sinoman laban sa COVID-19 ay ang ganap na magpabakuna. Hinihimok ng opisyal ng pangkalusugan ng bansa ang lahat na ganap na magpabakuna sa lalong madaling panahon, at para sa mga taong hindi pa nabakunahan na magpatuloy na gumawa ng naaangkop na mga pamamaraan sa kaligtasan.

Sa mga taong hindi pa nabakunahan, ang ilang mga tao ay nasa mas mataas na panganib para sa malubhang sakit ng COVID-19 kaysa sa iba. Sa partikular, ang mga matatandang hindi pa nabakunahan at ang mga taong hindi pa nabakunahan na may mga malubhang kondisyon sa kalusugan ay mas malamang na magkakaroon ng mas malubhang sintomas at mangangailangan ng mas masinsinang pangangalagang medikal.

20.       Ano ang pinakamahalagang pag-iingat sa kaligtasan na maaaring gawin ng sinoman laban sa COVID- 19 ayun sa paliwanag?

a)

A.    paghuhugas ng kamay                      

b)

B.  pagpapabakuna         

c)

C. pagsuot ng face shield

d)

  D. paggamit ng facemask  

21.

21.     Sino ang nasa mas mataas na panganib para sa malubhang sakit ng COVID-19?

a)

A.      mga bata      

b)

B.      mga nabakunahan na         

c)

      C. mga mag-aaral

d)

         D. mga hindi pa nabakunahan 

22.

22.     Si Albert ay masipag gumawa ng kanyang takdang -aralin. Tuwing hapon bago siya maglaro ay ginagawa na muna niya ang kanyang takdang-aralin. Tumutulong din siya sa mga gawaing bahay kaya naman tuwang-tuwa ang kanyang mga magulang. Ipinagmamalaki siya sapagkat siya ay mabait at masunuring anak. Si Albert ay mapagmahal na anak.

a)

A.      Ang magagandang ugali ni Albert

      

b)

B.      Ang pag-aaral ni Albert     

c)

      C.      Ang paglalaro ni Albert

d)

         D.     Ang takdang-aralin ni Albert 

23.

23.     Tuwing hapon pagkatapos gumawa ng takdang-aralin ni Alyzza ay pumupunta siya sa palaruan. Nakikipagkita siya sa kanyang mga kaibigan. Doon ay marami na silang nakikitang naglalaro at iba’t iba ang mga ginagawa. Abala ang lahat halos walang maupuan. Libangan na niyang pumunta sa palaruan.

a)

A.      Ang pinupuntahan ni Alyzza         

b)

B.      Ang paglalaro ni Alyzza     

c)

   C. Ang takdang-aralin ni Alyzza

d)

          D. Tuwing hapon pagkatapos gumawa ng takdang-aralin

24.

24.       Saang direksyon naroon ang istasyon ng bumbero?

a)

A.      hilaga       

b)

kanluran

c)

C. silangan

d)

          D.timog

25.

25.     Nagtanong ang iyong kaibigan kung paano siya makapupunta sa sakayan ng dyip mula sa inyong bahay. Ano ang ibibigay mong panuto?

a)

     A.      Lumakad ka papuntang timog tungo sa silangan.

b)

B.      Lumakad ka papuntang hilaga tungo silangan

c)

C.      Lumakad ka papuntang hilaga tungo sa kanluran

d)

       D.     Lumakad ka papuntang timog tungo sa kanluran

26.

Kilalanin ang mga bahagi ng pahayagan.

26.     Anong bahagi ng pahayagan makikita sa larawan?

a)

A.      Anunsyo Klasipikado   

b)

B.      Editoryal      

c)

  C. Libangan

d)

 D. Mga Balitang Artista

27.

27.       Ito ay mga lathalain tungkol sa mga paboritong artista, pelikula, palabas sa telebisyon, o teatro.

a)

A.               Anunsyo Klasipikado    

b)

B.      Editoryal      

c)

  C. Libangan

d)

 D. Mga Balitang Artista

28.

28.     Sa pahinang ito matatagpuan ang paninindigan ng pahayagan tungkol sa mga isyung pangkasalukuyan. Kasama rin dito ang mga tudling o kolum ng mga manunulat ng pahayagan.

a)

A.   Anunsyo Klasipikado  

b)

B.      Editoryal      

c)

  C. Libangan

d)

 D. Mga Balitang Artista

29.

29.     Ito ay pahinang iniukol upang makapaglibang ang  mambabasa . Napapaloob dito ang mga komiks, palaisipan, horoscope, at iba pa.

a)

A.               Anunsyo Klasipikado

b)

B.      Editoryal      

c)

  C. Libangan

d)

 D. Mga Balitang Artista

30.

30.     Ito ay pahina kung saan makikita ang mga larawan at balita tungkol sa mga laro at palakasan.

a)

A.               Anunsyo Klasipikado

b)

B.      Editoryal      

c)

  C. Libangan

d)

 D. Isports

31.

Basahin ang usapan sa ibaba at tukuyin ang uri ng pangungusap ang ginamit dito.

Carla: Nay, ang sarap naman po ng luto mo! Aling Luz: Talaga ba anak?

Carla: Oo naman po inay.

Manong Tonyo: Kumusta naman ang pag-aaral mo? Carla: Ayos naman po, itay.

Aling Luz: Magsasabi ka sa amin pag may kailangan ka anak ah. Carla: Opo, inay!

31.     “Nay, ang sarap naman po ng luto mo!”Anong uri ng pangungusap ito?

a)

A.      padamdam  

b)

B.      pasalaysay      

c)

    C. patanong

d)

D. pautos o pakiusap

32.

32.     “Kumusta naman ang pag-aaral mo?”

a)

A.      padamdam  

b)

B.      pasalaysay      

c)

    C. patanong

d)

D. pautos o pakiusap

33.

33.  “Magsasabi ka sa amin pag may kailangan ka anak ha.”

a)

A.      padamdam  

b)

B.      pasalaysay      

c)

    C. patanong

d)

D. pautos o pakiusap

34.

Piliin ang letra ng tamang pagsunod sa nakasulat na panuto.

34. Gumuhit ng apat na parisukat. Pagdugtung-dugtungin mo sila sa pamamagitan ng mga guhit na parihaba.

a)

  

b)

   

c)

d)

35.

Piliin ang letra ng tamang pagsunod sa nakasulat na panuto.

35.     Gumuhit ng puso. Isulat ang pangalan ng ating bansa sa gitna nito.

a)
b)
c)
d)
36.

Piliin ang letra ng tamang pagsunod sa nakasulat na panuto.

36.     Salungguhitan ang lahat ng katinig sa ngalan ng ating lungsod.

a)

PASAY

b)

PASAY

c)

 PASAY

d)

 PASAY

37.

Piliin ang paksang pangungusap nito.

37.     Ang aklat ay nagbibigay ng iba`t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala sa atin sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nagbabago rin. Ang lahat ng bagay ay matututuhan natin sa aklat. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.

a)

A.      Ito rin ang nagdadala sa atin sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa.

b)

B.      Ang lahat ng bagay ay matututunan natin sa aklat.

c)

C.      Ang aklat ay nagbibigay ng iba`t ibang impormasyon. 

d)

D.     Ito ang mga kahalagahan ng aklat.

38.

38.     Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng halos sa karamihan ay ang kapaskuhan.Ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito. Mga bagong damit at sapatos naman ang kinasasabikan ng mga paslit. Ang pagpunta at pagbibigay-galang nila sa kanilang ninong at ninang ay kinakikiligan din. At higit ay ang pagpapasalamat sa Diyos para sa araw na ito.

a)

A.      Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng halos sa karamihan ay ang kapaskuhan.

b)

B.      Ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito.

c)

C.      Mga bagong damit at sapatos naman ang kinasasabikan ng mga paslit.

d)

D.     At higit ay ang pagpapasalamat sa Diyos para sa araw na ito.

39.

Matataba ang mga palay ni Mang Nario sa bukid dahil nilalagyan niya ng pataba ang mga ito.Hinog na ang mga palay. Nagtayo si Mang Nario ng bahay sa katabing palayan upang mabantayan ang mga palay. Yari ito sa kahoy at kawayan kaya masarap tumira rito. May mga puno ng mangga sa gilid ng bahay na nagsisilbing lilim nito.

39. Bakit nagtayo ng bahay sa katabing palayan si Mang Nario?

a)

A.      upang siya ay mag-ani ng mga palay

b)

B.      upang siya ay muling magtanim ng palay

c)

C.      upang mabantayan niya ang mga hinog ng palay

d)

D.     upang gawing tirahan ng kanyang mga kasamang magsasaka

40.

40.     Paano inaalagaan ni Mang Nario ang mga palay upang maging mataba?

a)

A.      Dinidiligan niya lagi ang mga palay.

b)

B.      Pinuputol ni Mang Nario ang mga palay.

c)

C.      Nilalagyan ni Mang Nario ng pataba ang mga palay.

d)

D.     Hinahayaan ni Mang Nario na matuyo ang mga palay.

41.

41.     Bakit masarap tumira sa bahay ni Mang Nario?

a)

A.      dahil yari ito sa semento  

b)

B.      dahil yari ito sa kahoy at kawayan   

c)

      C. dahil yari ito sa kahoy

d)

D. dahil yari ito sa yero

42.

42.     Paano nakatutulong ang mga puno ng mangga na nasa paligid ng bahay?

a)

A.      kinukuhanan ng mga bunga

b)

B.      nagsisilbing lilim ang mga ito

c)

    C.      nagsisilbing tirahan ng mga ibon

d)

D.     ginagawang pastulan ng mga kalabaw

43.

43.     Ang pamahalaan ay walang-puknat na nagpapaalala sa mga mamamayan na mag-ingat kontra sa COVID-19. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

A.      tuloy-tuloy   

b)

B.      walang-wala 

c)

  C. sama-sama

d)

          D. nakakatakot

44.

44.     Nagngangalit ang bagang ni Mang Nestor ng malaman niyang walang awang pinatay ang kanyang anak.

a)

A.      natutuwa    

b)

B.      nagngingitngit  

c)

C. masaya

d)

            D. nagagalak

45.

45.     Mag-aambag ako para sa kabutihan ng mamamayan.

a)

A.      mag-aaral  

b)

B.      magsusumikap    

c)

C. magpupursigi

d)

           D. magbibigay

46.

  Piliin ang kahulugan ng matalinhagang-salita?

46. hindi ito inalintana

a)

A. kabaitan 

b)

B. lumakas ang pagnanais 

c)

C. hindi pinansin

d)

         D. isiping bumabagabag

e)

E. taos sa pusong dasal

47.

  Piliin ang kahulugan ng matalinhagang-salita?

47. kabutihan ng loob

a)

A. kabaitan 

b)

B. lumakas ang pagnanais 

c)

C. hindi pinansin

d)

         D. isiping bumabagabag

e)

E. taos sa pusong dasal

48.

  Piliin ang kahulugan ng matalinhagang-salita?

48. mataimtim na panalangin

a)

A. kabaitan 

b)

B. lumakas ang pagnanais 

c)

C. hindi pinansin

d)

         D. isiping bumabagabag

e)

E. taos sa pusong dasal

49.

  Piliin ang kahulugan ng matalinhagang-salita?

  1. 49. nag-ibayo ang paghahangad

a)

A. kabaitan 

b)

B. lumakas ang pagnanais 

c)

C. hindi pinansin

d)

         D. isiping bumabagabag

e)

E. taos sa pusong dasal

50.

  Piliin ang kahulugan ng matalinhagang-salita?

  1. 50. suliraning bumabalisa

a)

A. kabaitan 

b)

B. lumakas ang pagnanais 

c)

C. hindi pinansin

d)

         D. isiping bumabagabag

e)

E. taos sa pusong dasal