WorksheetsReviewer for Pagbasa at Pagsusuri
Total questions: 61
Worksheet time: 1hrs 1mins
Name
Class
Date
1.
Pangalan ng Guro sa Asignatura
a)
Gng. Mariziel Anabelle A. Ibanez
b)
Gng. Eleonor J. Villaflor
c)
G. Ronald D. Diaz
d)
G. Marlon B. Pantaleon
2.
Nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar, at bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano.
a)
Argumentatib
b)
Deskriptib
c)
Impormatib
d)
Persuweysib
3.
Isang pamamaraan ang photo essay o paggamit ng larawan o litrato sa pagsasalaysay o paglalahad ng anomang bagay at pangyayari. Anong uri ng teksto ang photo essay?
a)
Argumentatib
b)
Deskriptib
c)
Impormatib
d)
Persuweysib
4.
Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari na maaaring nakita, hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o dipiksyon, maaari ding likhang-isip lamang ng manunulat o piksyon.
a)
Argumentatib
b)
Deskriptib
c)
Naratib
d)
Persuweysib
5.
Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
a)
Argumentatib
b)
Deskriptib
c)
Naratib
d)
Prosidyural
6.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto hinggil sa tekstong impormatib?
a)
Iisa lamang ang sinusunod na estruktura ng mga tekstong impormatib
b)
Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa komprehensiyon ng mga tekstong impormatib
c)
Hindi sinasagot ng tekstong impormatib ang tanong na bakit
d)
Lahat ng nabanggit
7.
Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.
a)
A. Pambansa
b)
Pampanitikan
c)
Lalawigan
d)
Kolokyal
8.
Pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maaari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang titik sa salita.
a)
A. Pambansa
b)
Pampanitikan
c)
Lalawigan
d)
Kolokyal
9.
Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalalim, makulay, at masining.
a)
A. Pambansa
b)
Pampanitikan
c)
Lalawigan
d)
Kolokyal
10.
Anong katangian ng tekstong impormatibo ang pagkuha ng makatotohanang datos o impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang batayan?
a)
Obhetibo
b)
Subhetibo
c)
Impormatibo
d)
Deskriptibo
11.
Anong uri ng paglalarawan ang nakabatay sa mayamang imahinasyon ng manunulat at hindi sa katotohanan?
a)
Obhetibo
b)
Subhetibo
c)
Impormatibo
d)
Deskriptibo
12.
Anong uri ng tauhan ang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy?
a)
Tauhang Bilog
b)
Tauhang Lapad
c)
Obhetibo
d)
Subhetibo
13.
Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng elemento, ano ang tawag sa elemento kung saan may maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa teksto upang mabigyang linaw ang temang taglay ng akda?
a)
banghay
b)
tagpuan
c)
Tauhang Bilog
d)
Tauhang Lapad
14.
Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng iba’t ibang pananaw, saan nabibilang ang pagsasalaysay ng pangunahing tauhan sa mga bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o naririnig sa kuwento?
a)
unang panauhan
b)
pangalawang panauhan
c)
tauhang bilog
d)
tauhang lapad
15.
Tumutukoy sa kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.
a)
Inaasahan na target na awtput
b)
Mga Kagamitan
c)
ebalwasyon
d)
metodo
16.
Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa.
a)
Inaasahan na target na awtput
b)
Mga Kagamitan
c)
ebalwasyon
d)
metodo
17.
Ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na buhay na larawan. Dito ay ibinibigay ng manunulat ang isang buhay na larawan ayon sa kanyang namalas at nadama.
a)
kakaibang paglalarawan
b)
madulang paglalarawan
c)
masining na paglalarawan
d)
pangkaraniwang paglalarawan
18.
Ito ay nakatutulong upang maging malinaw at maayos ang kaisipan ng isang teksto?
a)
cohesive devices
b)
istruktura
c)
talasalitaan
d)
talata
19.
Ito ay isang uri ng kohesyong gramatikal na ang paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
a)
Leksikal
b)
Pang-ugnay
c)
Reperensiya
d)
Substitusyon
20.
Ang paggamit ng cohesive devices ay upang maiwasan ang pag-uulit ng:
a)
pang-abay
b)
pangdiwa
c)
panghalip
d)
pangngalan
21.
.“Dalhin natin siya sa ospital dali!” ang sigaw ng maliksing si Doris habang pangko ang matandang lupaypay at tila wala ng buhay. Isinakay siya sa huling bahagi ng kotse at saka mabilis nitong pinaandar ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na ospital. Subalit hindi na umabot nang buhay si Lolo Jose sa pagamutan.
a)
anapora
b)
katapora
c)
elipsis
d)
pang-ugnay
22.
Ito ay tumutukoy sa mensaheng nais ipabatid ng awtor.
a)
kaisipan
b)
pananaw
c)
saloobin
d)
tema
23.
Ito ay tumutukoy sa kung tungkol saan ang teksto.
a)
detalye
b)
ideya
c)
opinyon
d)
paksa
24.
Mensahe na nakapaloob sa isang larawan o teksto. Ito ang nais ipaunawa ng manunulat sa kaniyang mambabasa
a)
pangunahing kaisipan
b)
pantulong na kaisipan
c)
paunang salita
d)
sumusuportang detalye
25.
Bakit mahalaga ang pagtukoy sa mga kaisipang nakapaloob sa isang teksto?
a)
upang lumawak ang ating kaalaman
b)
upang makapulot ng magagandang aral
c)
upang mabatid ang kahalagahan ng akdang binasa
d)
upang malaman ang nais iparating na mensahe ng teksto
26.
Ang Sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19, Coronavirus Disease 2019) ay isang sakit sa paghinga sa mga tao na sanhi ng bagong virus. Maaari itong kumalat mula sa bawat tao. Dahil ito ay bagong virus, mayroon pang hindi natin alam, ngunit natututo pa tayo tungkol sa COVID19 bawat araw. Ang pampublikong kalusugan sa komunidad ng Minnesota ay nagsisikap upang mapabagal ang pagkalat ng COVID19 sa ating estado, at umaasa kami sa tulong ng bawat isa. Iwasan ang mga pagpapalagay tungkol sa kung sino sa tingin mo ang may sakit. Hindi namimili ang virus.
a)
paglalahad
b)
paglalarawan
c)
pangangatwiran
d)
pagsasalaysay
27.
Ito ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng katwiran o rason. Ang pangangatwiran ay kasingkahulugan ng pagbiibigay-palagay, paghuhulo, pag-aakala, pagsasapantaha o paghihinuha.
a)
paglalahad
b)
paglalarawan
c)
pangangatwiran
d)
pagsasalaysay
28.
Nakatulala na lamang ang mga tao, nagbubulungang tila hindi malaman ang mainam na gagawin maliban sa mandilat, umismid at manuro kay Isang.
a)
paglalahad
b)
paglalarawan
c)
pangangatwiran
d)
pagsasalaysay
29.
Ito ay bahagi ng reaksyong papel na pumupukaw sa interes ng mga mambabasa.
a)
Introduksyon
b)
Katawan
c)
Kongklusyon
d)
Wakas
30.
Ito ay bahagi ng reaksyong papel kung saan nakasaad ang iyong sariling kaisipan ukol sa pangunahing ideya.
a)
Introduksyon
b)
Katawan
c)
Kongklusyon
d)
Wakas
31.
Ang reaksyon na ipinahihiwatig ng manunulat sa tekstong, “Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang “nabansot”. Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit itoý tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa.
a)
matinding galit
b)
panghihinayan
c)
kalungkutan
d)
kasiyahan
32.
Ito ay isinasagawa upang tumuklas ng mga bágong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao.
a)
Layunin
b)
Gamit
c)
Metodo
d)
Etika
33.
Ito ay tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa. Ang pangangalap ng datos ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng sarbey, interbiyu, paggamit ng talatanungan, obserbasyon, at iba pa. Iba't ibang paraan naman ang maaaring gamitin sa pagsusuri ng datos na gaya ng empirikal, komparatib, at iba pa
a)
Layunin
b)
Gamit
c)
Metodo
d)
Etika
34.
Ito ay isinasaad ang mga dahilan ng pananaliksik o kung ano ang ibig matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa. Maaaring panlahat at tiyak ang mga layunin. Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o nais matamo sa pananaliksik. Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na pakay sa pananaliksik sa paksa
a)
Layunin
b)
Gamit
c)
Metodo
d)
Etika
35.
. Ito ay nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba't ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik. May tinukoy na mahahalagang prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American Psychological Association (2003) at ang Center for Social Research Methods (2006) na maaaring maging gabay ng mga nagsisimulang mananaliksik sa anumang larangan
a)
Layunin
b)
Gamit
c)
Metodo
d)
Etika
36.
Ang iskeleton ng anumang sulatin, hinahati-hati ang mga kaisipan na isasama ang pagsulat mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakapangunahing kaisipan na dapat isulat.
a)
Pagpili at paglilimita ng paksa
b)
Pagbuo ng konseptong papel
c)
Pagbuo ng balangkas
d)
Pagsulat ng burador
37.
Kailangan kumpidensiyal at kinukubli ang pagkakakilanlan ng Kalahok.
a)
Tutugon sa layunin
b)
Sanayan sa gamit
c)
Maging sanay sa metodo
d)
Tugon sa Etika
38.
Paghikayat sa mga guro na ugaliin o sanayin ang pagdalo sa mga webinar upang maging dalubhasa sa kakayahan sa pagtuturo.
a)
Gamit
b)
Etika
c)
Layunin
d)
Metodo
39.
Ang boluntaryong pakikilahok ng mga respondent.
a)
Gamit
b)
Etika
c)
Layunin
d)
Metodo
40.
Ibalik at gamitin ang resulta ng pananaliksik.
a)
Nakasaad sa layunin
b)
Mithiin ng gamit
c)
Paliwanag ng metodo
d)
Tandaan ng etika
41.
Sa mga mamamayan, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng mahalagang impormasyon sa kanilang pagpapasiyang nauukol sa paggamit ng halamang gamot.
a)
metodo
b)
Layunin
c)
Gamit
d)
Etika
42.
Ito ang unang gawain ng mga mananaliksik sa kanilang gawain
a)
Paghahanda
b)
Proseso
c)
Resulta
d)
Feedback
43.
Ito ang pamamaraan ng pananaliksik
a)
Paghahanda
b)
Proseso
c)
Resulta
d)
Feedback
44.
Ito ang paraan upang balikan at malaman ang pagkakamali sa mga ginawa sa pananaliksik.
a)
Paghahanda
b)
Proseso
c)
Resulta
d)
Feedback
45.
Ito ang kinalabasan ng pananaliksik at pag-aaral ng mga mananaliksik.
a)
Paghahanda
b)
Proseso
c)
Resulta
d)
Feedback
46.
Ipinapahayag sa bahagi ng metodolohiya ang iba’t ibang isinasagawang hakbang ng mananaliksik sa paghahanap ng datos.
a)
Paraan ng pangangalap ng datos
b)
Pagpapayaman ng datos
c)
Pangongopya ng datos
d)
Pagsusuri ng datos
47.
Inilalarawan sa bahaging ito ng metodolohiya ang bawat hakbang sa pag aanalisa ng mga datos na nakalap.
a)
Pagsusuri ng Datos
b)
Pagrerebisa ng datos
c)
Pangangalap ng datos
d)
Pagpaparami ng datos
48.
Ito ay ginagamit sa ikalawang bahagi ng sulating pananalisik na latutunghayan ng pamamaraan at paraan, gayundin ng mga bilang ng responte na gagamitin o ginagamit sa pag-aaral.
a)
Introduksyon
b)
Diskusyon
c)
Metodolohiya
d)
Result
49.
Napakaraming taglay na impormasyon ang internet at kung magiging mapanuri ka bakâ nandiyan lang at naghihintay ang isang kakaiba at bágong paksang maaari mong gamitin para sa iyong pananaliksik
a)
Diyaryo at Magasin
b)
Internet at Social Media
c)
Telebisyon
d)
Sarili
50.
Ang mga ito’y pag-uukulan ng pansin ang mga nangungunang balita, maging ang mga opinyon, editoryal, at mga artikulo. Suriin at bakâ naririto lang ang paksang aakit sa iyo ng atensiyon
a)
Diyaryo at Magasin
b)
Internet at Social Media
c)
Telebisyon
d)
Sarili
51.
Ang mga ito ay nagmula sa bagay na interesado ang mananaliksik ay karaniwang humahantong sa isang matagumpay na sulating pananaliksik sapagkat nalalagay niya hindi lámang ang kaniyang isipan kundi ang buong puso at damdamin para sa gawaing sa una pa lang ay gusto niya o interesado siya.
a)
Diyaryo at Magasin
b)
Internet at Social Media
c)
Telebisyon
d)
Sarili
52.
Sa bahaging ito, inilalahad ng mananaliksik ang mga detalye sa paraan ng pangongolekta ng datos na kinakailangan o ginagamit upang matugunan ang mga suliraning ipinahayag sa pag-aaral. Maaaring gumamit ng sarbey, talatanungan(questionnaire-checklist), at pakikipanayam
a)
Paraan ng Paglikom ng Datos
b)
Paraan sa Pagsusuri ng Datos
c)
. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
d)
. Kasangkapan sa Pagsusuri ng Datos
53.
Ito ay paglilipat ng idea mula sa isang wika tungo sa iba pang wika. Kinakailangang maging maingat ang mananaliksik sa gawaing ito.
a)
Kopya
b)
Paraphrase
c)
Buod ng tala
d)
Sarilin Salin
54.
Ang gawain na nabanggit ang nagpapakita ng plagiarism
a)
Hindi man kilala ang awtor ng pinagkunan ay binibigyan pa rin ito ng pagkilala
b)
Hindi paglalagay nang maayos na panipi sa mga siniping pahayag.
c)
Humihingi ng pahintulot sa may-akda ng mga gagamiting talâ
d)
Pagbanggit sa awtor ng mga pinagkunang sanggunian
55.
Ang sumusunod ay mga paraang ginagamit sa pananaliksik upang makakalap ng impormasyon maliban sa______
a)
Debate
b)
Eksperemento
c)
Interbiyu
d)
Sarbey
56.
Ito ay isang paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga particular na katanungan ng tao tunkol sa kaniyang lipunang ginagalawan.
a)
karanasan
b)
komunikasyon
c)
pagpapaunlad
d)
pananaliksik
57.
Nakasaad dito ang lawak at limitasyon ng pinag-aaralan.
a)
disenyo
b)
Instrumento
c)
saklaw at limitasyon
d)
tritment ng mga datos
58.
Ipinapaliwanag dito ang pansariling implikasyon at resulta ng pananaliksik
a)
interpretasyon
b)
kahulugan ng katawagan
c)
pagsusuri
d)
tritment ng datos
59.
Inilalahad dito ang eksaktong bílang ng mga sumagot sa inihandang kuwestiyonaryo-sarbey.
a)
instrumento
b)
interpretasyon
c)
rasyonal
d)
respondent
60.
Sa bahaging ito inilalahad nang malinaw ang naging kasagutan sa bawat suliranin, tanong, o layunin na ibinigay sa simula ng pananaliksik
a)
kabanata I
b)
kabanata II
c)
kabanata III
d)
kabanata IV
61.
Ang kategorya ng questionnaire ang hindi kabilang.
a)
Disenyo
b)
Kaangkupan
c)
Kalinawan
d)
Kasanayan
100 %
