NEW
Font size
WorksheetsReviewer #1-4th Quarter-Ekon
Total questions: 25
Worksheet time: 18mins
Itinuturing ang agrikultura bilang primaryang sektor ng ekonomiya samantalang ang
industriya naman ang tinatawag na sekondaryang sektor. Mahalaga ang papel na
ginagampanan ng dalawang sektor na ito sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epektibong ugnayan o interaksiyong dalawang sektor?
Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang agrikultura ay nanatili sa tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka.
Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura samantalang ang industriya ay sa mga bahay-kalakal.
Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor industriya upang gawing panibagong uri ng produkto.
Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga entreprenyur naman ang kapitan ng industriya.
Ang Pilipinas ang isa sa pinakamayayamang bansa kung ang pag-uusapan ay likas na yaman. Mataba ang mga lupain at hitik ang ating mga anyong-tubig sa iba’t ibang yamang-dagat. Ngunit kapansin-pansin na ang sektor ng agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa ekonomiya ng bansa mula 2005- 2010. Ano ang nais ipahiwatig nito?
Kulang ang mga pasilidad at imprastruktura na tutulong sa agrikultura.
Mas prayoridad ng pamahalaan ang sektor ng industriya at serbisyo.
Kulang ang suporta na tinatanggap ng mga kababayan nating nasa sektor ng agrikultura.
Lahat ng nabanggit
Isang uri ng pangingisda na kung saan gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tolenada para sa gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo.
Munisipal
Komersiyal
Aqua Culture
Pangingisda
Alin sa mga sumusunod ang ginagamit na panukat ng pambansang kaunlaran na nakabatay sa kalagayan ng pamumuhay ng tao gaya ng edukasyon, kalusugan, at antas ng pamumuhay.
Gross National Income
Gross National Product
Human Development Report
Human Development Index
Malaki ang pakinabang na makukuha ng isang bansa sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa. Ano ang maaaring maging pakinabang natin dito?
Maaaring maiwasan na masarili ng isang kompanya ang pagtitinda ng produkto.
Magiging makapangyarihan ang mga mauunlad na bansa.
Maaaring magdulot ng paghina ang mga lokal na produkto.
Maaaring magdulot ng pagsandal sa ekonomiya ng ibang bansa.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang naapektuhan ng globalisasyon?
Ang pagbabago sa kabuuang pamumuhay ng mamamayan.
Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa.
Ang pagkakaroon ng mga surplus sa mga pamilihan.
Ang patuloy na paglawak ng mga korporasyong transnasyonal.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng impormal na sektor?
May permiso sa pamahalaang lokal
Hindi nagbabayad ng buwis
Binubuo ng may-ari at kanyang mga kamag-anak o kakilala.
Hindi nagbabayad ng buwis
Ano ang naging masamang epekto ng pandemya sa sektor ng paglilingkod?
Sumigla ang turismo sa ating bansa.
Maraming negosyo ang nagbawas ng trabahador at tuluyang nagsara.
Maraming kumpanya ang nagtaas ng sahod sa mga manggagawa.
Lumaki ang kita ng Business Process Outsourcing (BPO).
Paano nakatutulong sa ekonomiya ng bansa ang pagkakaroon espesyalisasyon ng mga manggagawa sa isang pagawaan?
Napapabilis ang produksyon ng kalakal.
Nagiging tamad ang mga manggagawa.
Napapataas ang bilang ng tao sa bansa.
Nababawasan ang may trabaho sa bansa.
Noong Hunyo 2014, natapos na ang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension
with Reforms (CARPER). Kaya ang iba’t ibang samahan at ang simbahang Katolika ay
nagkapit-bisig upang hilingin sa pamahalaan na dagdagan pa ng dalawang taon ang
implementasyon nito. Gaano ba kahalaga ang repormang agraryo ng pamahalaan para sa mga magsasaka?
Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng sektor ng agrikultura.
Nagkakaroon ng sariling lupa ang mga magsasaka.
Nabibigyang-pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng maayos na sistema ng pautang, mga proyektong pang-imprastruktura, redistribusyon ng lupa, at iba pa.
Lahat ng nabanggit
Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito?
Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan
Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-market road).
Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mamamayan?
Nagkakaroon ng pag-unlad sa sarili, pamilya at sa lipunan.
Nagkakaroon ng iisang layunin para sa pangkalahatang pag-unlad.
Napadadali nito ang gawain at nagkakaroon ng magandang resulta.
Lahat ng nabanggit
Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa din ito sa may pinakamalaking daungan ng mga huling sida. Anong uri ng sub-sektor ng agrikultura ito?
Paghahayupan
Pangingisda
Paggugubat
Paghahalaman
Ang mga magsasaka ay binigyan ng pagkakataong magmay-ari ng limang ektarya ng lupain kung walang patubig at tatlong ektaryang lupa naman kapag may patubig. Alin sa mga sumusunod nakatadhana ito?
P.D No. 27
Agricultural Land Reform Code
P.D No. 1972
Land Registration Act ng 1902
Isa sa napakamahalagang salik ng pagsulong ng isang bansa ang yamang-tao, paano ito nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa?
Nakabatay sa laki ng populasyon ang dami ng manggagawa na nagdudulot ng pag-unlad ng bansa.
Ang tao ay itinuturing na pasanin ng gobyerno kung patuloy ang paglaki ng populasyon nito.
Ang kasanayan ng tao ang gumaganap ng mahalagang papel upang makalikha ng mas
maraming output.
Ang tao ay walang direktang kontribusyon sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng ugnayang panlabas?
Upang maalis ang mga hadlang sa pakikipagkala-
kalan
Upang maiwasan ang sigalot o alitan ng mga bansa ukol sa kalakalan
Upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa
Lahat ng nabanggit
Ang tao ang itinuturing na pinakamahalagang salik ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ano ang angkop na paliwanag ukol dito?
Dahil sa kanilang kasanayan, abilidad at kakayahan sa paglinang ng pinagkukunang
yaman.
Dahil ang tao ang nakikinabang sa pag-angat ng ekonomiya.
Dahil ang tao ang namamahagi ng mga pinagkukunang –yaman
Dahil sa kanilang pamumuhunan sa ating bansa, nagdudulot ito ng empleyo sa bansa.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
Pagtulong sa kapwa na nangangailangan
pangangalaga sa kalikasan
pag-aaral ng mabuti
Lahat ng nabanggit
Bakit mahalaga para sa mga magsasaka ang pagkakaroon ng sariling lupaing sakahan?
Maiiwasan ang pagrarali ng mga magsasaka laban sa pamahalaan.
Mapapataas nito ang kita ng mga magsasaka.
Nagbibigay ng kalayaan sa mga magsasaka na mamili ng mga tanim at pamamaraan
ng pagsasaka.
Mapapataas nito ang suplay ng pagkain sa bansa.
Ano ang maaaring dahilan ng paglaki ng agrikultural na utang sa sektor ng agrikultura?
Kakulangan ng access sa pampuhunan at kredito.
Mababang kita mula sa pagsasaka.
Pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan.
Lahat ng nabanggit
Alin ang HINDI kabilang sa mga dahilan bakit mahalaga ang kagubatan sa ekonomiya bansa?
Taguan ito ng mga masasamang loob na tinutugis ng pamahalaan.
Pinipigilan nito ang pagguho ng lupa sa mga kabundukan.
Pinagkukunan ito ng iba’t ibang hilaw na sangkap.
Nagsisilbi itong natural na imbakan ng tubig.
Maraming bansa sa kasalukuyan ang sinasabing progresibo. Alin sa mga sumusunod na
pahayag ang HINDI naglalarawan nito?
may sapat na edukasyon at mataas na antas ng kalusugan.
maraming modernong gusali ang naitatayo.
malaking bilang ng mga mamamayan ang walang trabaho.
maraming korporasyon ang kumikita ng malaki.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tradisyunal na pananaw ng kaunlaran?
Ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan.
Dapat na ituon ang pansin sa iba’t ibang pangangailangan at nagbabagong hangarin ng mga tao.
Ang kaunlaran ay matatamo lamang kung mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao
kaysa sa yaman ng ekonomiya nito.
Binigyang-diin ang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng income per capita
(pagtaas ng kita).
Alin sa mga sumusunod na salik ang HINDI maaring makatulong upang umangat ang ekonomiya ng bansa?
yamang-tao
likas na yaman
karahasan
teknolohiya
Ano ang pinakamahalagang layunin ng patakarang panlabas na naglalayong mapalakas ang export sektor ng Pilipinas?
Mapataas ang kita mula sa pag-aangkat ng mga produkto.
Mapababa ang presyo ng mga lokal na produkto.
Mapalawak ang merkado ng mga lokal na mamimili.
Mapababa ang presyo ng mga inaangkat na produkto.
