NEW
Font size
WorksheetsRegional 4th Quarter Assessment-MAPEH
Total questions: 55
Worksheet time: 28mins
Ang 2-dimensional ay mga karaniwang hugis na mayroong haba
at lapad lamang. Alin sa mga sumusunod na larawan ang
nagpapakita ng hugis na 2-dimensional?
Alin sa mga sumusunod na larawan ang may magkaugnay na
2-D at 3-D na hugis?
Ang paper mache ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay
“nginuyang papel” na gawa mula sa piraso o durog na papel na
idinidikit sa pamamagitan ng glue o pandikit. Alin sa mga
sumusunod ang halimbawa ng paper mache?
Sa paggawa ng likhang sining na 3D, may mga mahalagang
dapat na isaalang-alang natin. Alin sa mga sumusunod ang mga ito?
balanse, hugis at proporsiyon
mamahaling materyales
kakaibang disenyo
sukat
Pag-aralang mabuti ang larawan. Anong 3-Dimensional na bagay
ito?
paso
pencil holder
plastic container
plorera
Sa paggawa ng human figure, ano ang dapat mong gawin?
1. Humanap ng mga recyclable materials gaya ng karton at pandikit
2. Gupit-gupitin ang mga karton sa maliliit na piraso.
3. Pagdikit-dikit ang mga karton upang makabuo ng hugis tao
4. Tunawin ang karton at lagyan ng pandikit
1 at 2
1 at 3
2 at 3
2 at 4
Araw ng Sabado, namasyal sa Marikit Park ang mag-anak na
Cruz. Naglaro ang magkakapatid na sina Allan, Andrew at Amy ng
taguan. Subalit napahiwalay ang isa sa kanila at hindi na niya
mahanap ang kanyang mga kapatid. Ano ang dapat niyang gawin?
Iiyak siya upang mapansin ng guwardiya.
Makiusap sa guwardiya na tulungan siyang hanapin ang
mga kapatid.
Sasama siya sa mga taong dumadaan sa parke.
Tatawagin ang ate upang kausapin ang panauhin.
Oras na ng uwian subalit hindi ka nasundo ng tatay mo dahil
may biglaan siyang miting. Ikaw ay maaaring humingi ng tulong sa
________.
barangay tanod
guwardiya ng paaralan
iyong kaibigan
mga magulang
Unang araw ng pagpasok sa paaralan, pumasok si Sean sa
banyo ngunit hindi niya mabuksan ang zipper ng kanyang
pantalon. Ano ang dapat niyang gawin?
Hihingi ng tulong sa kanyang guro.
Iiyak siya nang malakas para mapansin siya ng ibang mag-
aaral.
Magtatago siya sa loob ng banyo.
Tatawagin ang nanay upang tulungan siya.
Laging ipinapaalala ng mga guro at mga magulang na ugaliing
maghugas ng kamay at magsuot ng facemask kapag lalabas ng
bahay. Inutasan kang bumili ng itlog sa tindahan. Ano ang dapat
mong gawin?
Bibili sa tindahan kahit walang suot na facemask.
Magkukunwaring hindi narinig ang utos ng nanay.
Magsuot ng facemask kapag bibili sa tindahan at maghugas
ng kamay pagbalik ng bahay.
Tatawagin ang kapatid para siya ang bibili ng itlog.
Malakas ang lindol at nasa ikalawang palapag ka ng inyong
bahay. Ano ang dapat mong gawin?
Aalis ka sa iyong kinaroroonan.
Gagawin ang duck, cover and hold.
Iiyak nang malakas.
Tatakbo kaagad pababa ng bahay.
Habang naglalakad ka pauwi sa inyong bahay ay may nakita
kang ahas sa gilid ng daan. Ano ang dapat mong gawin?
Babantayan mo ang ahas.
Hahabulin mo ang ahas.
Iiwasan mo ang kinaroroonan ng ahas.
Sisigaw ka nang malakas.
Naghahabulan sa loob ng bahay sina Kyle at Kim. Sa kanilang
paghahabulan ay naitulak nila ang vase sa tabi ng upuan at ito ay
nabasag. Ano ang maaaring mangyari sa kanila?
Madadapa at masusugatan.
Matutuwa ang kanilang mga magulang.
Mapapagod sila sa paglilinis ng bahay.
Sasakit ang kanilang katawan.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabuting
pakikitungo sa kapwa?
Binubugbog ng isang bata ang kanyang kalaro.
Hinahawakan ng isang lalaki ang balakang ng kaibigan niya.
Niyayakap ng tiyuhin mo ang iyong kapatid na babae.
Tinapik sa balikat si Lea ng kanyang guro dahil sa ginawa
niyang kabutihan sa kamag-aral.
Nakita mong nakikipag-away ang iyong kaibigan na si Rico. Ano
ang dapat mong gawin?
Aawayin ang kaaway ng iyong kaibigan.
Sasali sa away ng dalawa.
Hahayaan mo lang sila.
Tatawagin ang nanay upang awatin sila.
Ano ang tawag sa elemento ng musika na tumutukoy sa bilis
o bagal ng awit, galaw o sayaw?
Tempo
Timbre
tekstrura
Ano sa mga sumusunod na sasakyan ang pinakamabilis?
Bisekleta
kotse
tren
Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng
mabagal na galaw ng hayop?
Lakad ng pagong
Gumagapang na uod
Tumatakbong kabayo
Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng
mabilis na kilos?
Paggapang ng sanggol
Pag-akyat ng matanda sa hagdan
Pagtakbo ng atleta
Kaarawan ng iyong kaibigan. Ano ang akmang kilos habang
inaawit ang “ Maligayang Bati”?
Pagpadyak ng mabagal
Pagmamartsa ng mabilis na mabilis
Pagpalakpak ng mabilis at masigla.
Nagpapatulog ang iyong ina ng nakababata mong kapatid.
Ano ang angkop na kilos habang inaawit niya ang “Twinkle
Twinkle Little Star”?
Pagmamartsa ng mabilis
Pagpalakpak ng mahina at mabagal
Pag-ikot ng baywang.
Alin sa mga sumusunod na galaw ang nagpapakita ng
tugmang kilos sa isang awit?
Nagkukumintang habang umaawit ng Manang Biday
Nagmamartsa ng mabagal habang umaawit ng
Magtanim Ay Di Biro
Tumatalon habang inaawit ang Sa Ugoy ng Duyan
Alin sa mga sumusunod na galaw ang nagpapakita ng Hindi
Tugmang Kilos sa isang awit?
Mabagal na pagtapik habang inaawit ang Sa Ugoy ng
Duyan
Nagmamartsa habang inaawit ang Magtanim ay Di Biro
Mabagal habang inaawit ang Maligayang Bati
Alin sa mga sumusunod na awit ang inaawit ng mabagal?
Pilipinas Kong Mahal
Lupang Hinirang
DepEd Region III Hymn
Alin sa mga sumusunod na awit ang inaawit ng Mabilis?
Pilipinas Kong Mahal
Lupang Hinirang
Bayan Ko
Anong tunog ang nalilikha pag-ihip sa dahon?
Manipis na Tunog
Makapal na Tunog
Makapal at Manipis na Tunog
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA?
Ang tunog ng huni ng ibon ay manipis.
Ang tunog ng baka ay manipis.
Ang tunog ng kambing ay makapal
Ano sa mga sumusunod na hayop ang may manipis na
tunog?
Baka
Kalabaw
Kambing
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang MALI?
Ang tunog ng tambol ay manipis
Ang tunog ng piano ay maaaring makapal o manipis
Ang tunog ng triangle ay manipis.
Anong tunog ang maririnig kapag may pangkatang pag-
awit?
Isang tiyak na linyang musikal
May higit sa isang linyang musikal
Magulo ang pangkatang pag-awit
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang tunog
ay may isang tiyak na linyang musikal lamang?
Pag-awit ng apat na batang mat ibat’ ibang boses
Pag-awit sa mikropono
Pag-awit habang tumutugtog ng gitara
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng dalawang
linyang tunog na sabay na inaawit?
Pag-awit ng isang bata ng Row, Row Your Boat
Pag-awit ng Row Row Your Boat ng dalawang grupo ng bata.
Pag-awit ng Row, Row Your Boat ng Sampung pangkat ng
bata
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA?
Ang pag-awit ng round song ay nakalilibang
Kinakailangan ang mga batang may magagandang tinig
lamang ang umaawit ng round song.
Ang pag-awit ng round song ay hindi nakakatuwa
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang MALI patungkol
sa pag awit ng round song?
Bawat pangkat ay mag-uunahan at magsisigawan habang
umaawit.
Kinakailangan na may akmang tempo at pitch ang bawat
pangkat na umaawit.
Masaya ang pag-awit ng round song
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang mali
patungkol sa pag-awit ng two-part round song?
Ang awit ay nahahati sa dalawang bahagi.
Nauuna ang A(Unang pangkat) ang pag-awit at sinusundan
ng B (pangalawang pangkat) ang pag-awit.
Hindi mahalaga na magkapareho ang tempo at pitch ng
dalawang pangkat.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kilos locomotor?
Paano mo mailalarawan ang kilos ng bata sa larawan?
Mabagal
Mataas
Mabilis
Naglalakad
Batay sa ipinapakita ng larawan, saan nakapuwesto ang bola na
hawak ng bata?
sa harapan
sa likod
sa tagiliran
sa ibabaw
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama?
ang paglukso katulad ng kuneho ay halimbawa ng kilos
locomotor.
hindi maaaring lumukso ng patagilid.
lumukso ng mabilis na hindi nag-iingat.
ang paglalakad ay halimbawa ng paglukso
Kung ikaw ay nakikipaglaro sa mga kaibigan mo, ano ang
dapat gawin?
Makipagaway sa kalaro
Mandaya
manggulo
sumunod sa alituntunin ng laro
Ito ay nilalaro ng dalawang pangkat na may magkaparehong
bilang ng manlalaro. Kailangan ng isang pangkat na
makalampas sa mga guhit na binabantayan ng kanilang
kalaro upang manalo. Kung hindi, matataya sila at sila naman
ang magbabantay sa kanilang kalaban.
patintero
piko
batuhang bola
luksong tinik
Ito ay nilalaro ng dalawang pangkat. Layunin nito na
makalundag ang bawat manlalaro sa pinagpatong-patong na
mga paa at kamay ng kalaban na nagsisilbing “tinik”.
luksong tinik
piko
batuhang bola
patintero
Ano ba ang mga kabutihang naidudulot ng mga larong
pangkalusugan at pangkasayahan?
Nakakapayat
Nakakadagdag kasiyahan
Nakakawalang ganang kumain
Nakababawas ng oras sa pagtulog
Nakita mo ang isa sa mga kaibigan mo na ayaw sumali sa
kasayahang palaro at nakaupo lang ito habang naglalaro ng
kantang tablet. Anu ang sasabihin mo sa kanya?
Bahala ka na kung ayaw mo
Isusumbong kita sa guro
Sasabihin ang magagandang maidudulot sa pagsali
Hahayaan mo na lamang siya.
Mga dapat tandan sa paglalaro.
Maging tapat sa paglalaro
Hindi maging isport sa kalaro
Hindi pagsunod sa mga alituntunin ng laro
Huwag isaalang-alang ang kalusugan
Tukuyin sa mga larawang nasa ibaba ang nagpapakita ng
larong Luksong Tinik
Kapag natapakan ng manlalaro ang guhit ay hindi na siya
maaaring magpatuloy. Ipagpapatuloy na ito ng kanyang
kakampi.Anung larong pinoy ito?
piko
batuhang bola
patintero
hilahang lubid
Pipili ang mga kasali ng dalawang taya na pupwesto,
magbabantay sa magkabilang dulo. Ihahagis ang bola ng nasa
kabilang panig habang ang ibang manlalaro ay dapat na iwasan
ang bolang hinahagis upang hindi sila tamaan at
mataya.Anung larong pangkalusugan ito?
sawsaw suka
tumbang preso
batuhang bola
luksong baka
Laging pinaalala ng iyong guro ang pagsunod sa mga
alituntunin sa larong pinoy. Nakita mo ang iyong ka klase na
hindi sumunod sa alituntunin. Anu ang iyong gagawin?
Hahayaan mo nalang siya
Lalapitan mo siya at ipaalala ang kahalagahan ng pagsunod
Pagagalitan mo siya
Isusumbong sa guro
Sa pakikilahok mo sa mga larong pangkalusugan, ang katawan
mo ay mas higit pang nagiging ___________.
mahina
pagod
malusog
sakitin
Sa larong luksong tinik, tatakbo ka at tatalon ng____________.
patagilid sa kaliwa
patalikod
patagilid sa kanan
paharap
Ang larong patintero ay nilalaro ng ______________ pangkat na
may magkaparehong bilang ng manlalaro.
apat
dalawa
tatlo
isa
Ang pagtalon ay isang kilos na lokomotor na kung saan ito ay
ginagamitan ng_____________.
Paa o Binti
Ulo
braso
kamay
Sa larong piko, inihahagis ng manlalaro ang ____________sa loob
ng guhit at lulukso papunta sa kung saan bumagsak ang
kanyang pamato upang kunin ito at babalik sa pinanggalingan.
tsinelas
lata
hula hoop
pamato
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kahalagan sa
pagsali ng larong pangkalusugan?
Nagpapalakas ng katawan at resistensiya
Nagiging sanhi ng pagka pilay
Nababawasan ang oras sa panunuod ng telebisyon o gadget
Nawawalan ng oras sa pamamasyal
