wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

RAT FILIPINO 8 ACACIA

Total questions: 50

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging matulungin sa mga nangangailangan ________ sa kabila ng kaniya-kaniyang pagsubok na hinaharap ay nangingibabaw pa rin ang kabutihan ng puso. Anong hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari ang angkop na gamitin sa pangungusap?

a)

A. dahil sa

b)

B. kaya naman

c)

C. palibhasa

d)

D. sapagkat

2.

Nanalo si Rona sa patimpalak ng kanilang baranggay ______ biniyayaan siya ng talento sa pag-awit. Anong hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari ang angkop na gamitin sa pangungusap?

a)

A. bunga nito

b)

B. kaya naman

c)

C. palibhasa

d)

D. tuloy

3.

Masayang-masaya si Rodwin sa narating ng kanyang kabungguang balikat dahil batid niyang labis ang pagsisikap nito sa pag-aaral. Ano ang kahulugan ng matalinhagang pahayag na kabungguang balikat?

a)

A. kaibigan

b)

B. kaklase

c)

C. kasintahan

d)

D. katrabaho

4.

Bahag ang buntot ni Jory dahil wala siyang isang salita at hindi niya kayang harapin ang mga taong pinagsasabihan niya ng masasama. Ano ang kahulugan ng matalinhagang pahayag na bahag ang buntot?

a)

A. duwag

b)

B. kinakabahan

c)

C. mayabang

d)

D. sinungaling

5.

Pinalipad ang mga puting lobo sa kalangitan na tila ba’y naghahanap ng katarungan sa kawalan. Ang puting lobo sa pangungusap ay nangangahulugang ________.

a)

A. kaguluhan

b)

B. kapayapaan

c)

C. kasarinlan

d)

D. kasiyahan

6.

Nakakaawa naman si Jia dahil siya ay natatalian sa leeg at hindi magawang magdesisyon sa kanyang buhay. Ano ang konotasyong pagpapakahulugan ang maibibigay sa paririralang may salungguhit?

a)

A. natatakot

b)

B. pinagbabantaan

c)

C. sunod-sunuran

d)

D. walang kalayaan

7.

Mas mahalaga ba talaga ang salapi kaysa sa karunungan? Anong uri ito ng pagtatanong? A. tanong na bakit B. tanong na humihingi ng opinyon C. tanong na ang sagot ay may dalawang pagpipilian D. tanong tungkol sa mga tao, bagay, lunan o pangyayari

a)

A. tanong na bakit

b)

B. tanong na humihingi ng opinyon

c)

C. tanong na ang sagot ay may dalawang pagpipilian

d)

D. tanong tungkol sa mga tao, bagay, lunan o pangyayari

8.

Dahil sa labis na pagtapon ng basura sa dagat at ilog mas lumalala ang polusyon sa tubig. Ano ang ginamit na paraan ng pagpapahayag sa pangungusap? A. Pagsusuri B. Sanhi at Bunga C. Pagbibigay ng Halimbawa D. Paghahambing at Pagsasalungat

a)

A. Pagsusuri

b)

B. Sanhi at Bunga

c)

C. Pagbibigay ng Halimbawa

d)

D. Paghahambing at Pagsasalungat

9.

Mga napapanahong isyung malawakang nababanggit o napag-uusapan sa internet partikular na sa mga social media website.

a)

A. blogger

b)

B. netizens

c)

C. social media

d)

D. trending

10.

Isang uri ng pagkatuto at pagtuturo sa pamamagitan ng elektronikong paraan.

a)

A. blogger

b)

B. netizens

c)

C. techie

d)

D. e-learning

11.

Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at diyalogo ng mga tauhan at artista.

a)

A. iskrip

b)

B. prodyuser

c)

C. direktor

d)

D. editing

12.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan?

a)

A. Para sa akin, si Aira ang pinakamagaling sa klase.

b)

B. Huwag kang mawawalan ng pag-asa sa buhay, patuloy ka lang na magtiwala sa Diyos.

c)

C. Maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga out-of-school youth kung patuloy ang kahirapan sa ating bansa.

d)

D. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa

13.

“May mahahagilap kayang natititik Liban kay Selyang namugad sa dibdib.” Ano ang kahulugan ng matalinhagang ekspresyon na namugad sa dibdib?

a)

A. nagmula sa dibdib

b)

B. nanatili sa isipan

c)

C. masakit sa dibdib

d)

D. tapat sa pag-ibig

14.

Walang nagnanais na mamuhay sa lugar na lipos-linggatong. Ang salitang nakasalungguhit ay nangangahulugang ________.

a)

A. mapayapa

b)

B. maraming tao

c)

C. puno ng problema

d)

D. maraming trabaho

15.

Kanino inialay ni Francisco Balatas ang tulang “Kay Selya?”

a)

A. Para sa kanyang pinakamamahal na ina na si Juana dela Cruz.

b)

B. Para kay Juana Tiambeng ang babaeng naging kabiyak ng kanyang puso.

c)

C. Kay Maria Asuncion Rivera na kanyang naging unang kabiguan sa pag-ibig.

d)

D. Para kay Magdalena Ana Ramos ang unang babaeng nagpatibok ng kanyang puso.

16.

Sa anong panahon naisulat ang “Florante at Laura?”

a)

A. Panahon ng Amerikano

b)

B. Panahon ng Espanyol

c)

C. Panahon ng Hapones

d)

D. Panahon ng Katutubo

17.

Pati ang nagdusa’t sampung kamatayan wari ay masarap kung dahil sa bayan, at lalong maghirap, oh, himalang bagay, lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay. -Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio.

Ano ang kahulugan ng matalinhagang pahayag na nagdusa’t sampung kamatayan wari ay masarap kung dahil sa bayan?

a)

A. Ang pagdurusa at kamatayan ay iaalay para sa bayan.

b)

B. Handang ilaan ang buhay para sa minamahal na bayan

c)

C. Handang magdusa at magbuwis ng buhay para sa pagtatanggol sa bayan. .

d)

D. Isang karangalan ang maipatanggol ang bayan laban sa mga mananakop o mapang-api.

18.

“Ang magalang na sagot ay nakapapawi ng poot.” Anong pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan ang maiuugnay sa mahalagang kaisipang nakapaloob sa karunungang-bayan?

a)

A. Mahinahong sumagot si Rhea kapag tinatanong siya ng kanyang mga magulang.

b)

B. Nawawala ang galit ng mga magulang ni Rhea kapag mahinahon siyang nagsasalita.

c)

C. Malimit sundin ni Rhea ang utos ng kanyang mga magulang kaya masaya siya para sa anak.

d)

D. Napapawi ang poot ng ina ni Rhea kung gumagamit siya ng po at opo sa pakikipag-usap sa matatanda.

19.

“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.” Anong pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan ang maiuugnay sa mahalagang kaisipang nakapaloob sa karunungang bayan?

a)

A. Dinalaw ni Rica ang dating tirahan at nagbigay ng kaunting tulong sa mga nakatira roon.

b)

B. Patuloy na nagsusumikap si Rica upang matulungan ang mga mahihirap sa kanilang lugar.

c)

C. May busilak na puso si Rica dahil handa siyang tumulong anumang oras sa mga nangangailangan.

d)

D. Nagmula si Rica sa mahirap na pamilya kaya naman malapit sa kanyang puso ang mga taong kapos sa pera.

20.

Panganay si Gerry sa tatlong magkakapatid. Maaga silang naulila kaya kailangan niyang magbanat ng buto sa araw-araw. Mahilig siyang maglako ng kung ano-anong kakanin sa kanilang mga kapitbahay. Si Gerry ay _______.

a)

A. Magaling siya sa pagtitinda kaya maaari siyang magtayo ng negosyo balang araw.

b)

B. Madiskarte sa buhay si Gerry kaya nagkaroon siya ng puhunan sa pagtitinda.

c)

C. Kailangan niyang magtinda upang may makain ang kanyang mga nakababatang kapatid.

d)

D. Mahusay siya sa paghawak ng pera kaya nakapagtinda siya ng mga kakanin sa kapitbahay.

21.

Basahin at paghambingin ang dalawang tula. Tula Blg.

1 Ang hindi magmahal sa kanyang salita

Mahigit sa hayop at malansang isda,

Kaya ang marapat pagyamaning kusa

Na tulad sa inang tunay na nagpala. Halaw mula “Sa Aking Mga Kababata” ni Dr. Jose Rizal

Tula Blg. 2

Ang kaligayahan naming mag-anak

ay wala sa rangya na handog ng pilak

maligaya pala ang taong mahirap

pag walang alitan sa sariling pugad. Halaw mula sa “Aming Tahanan” ni B.V.21.

Ilan ang sukat ng dalawang tula?

a)

A. pipituhing pantig

b)

B. lalabing animing pantig

c)

C. lalabindalawahing pantig

d)

D. wawaluhing pantig

22.

Kung ang sinisimbolo ng salitang pugad sa tulang “Aming Tahanan” ay ang mismong tahanan, sino naman ang sinisimbolo ng pahayag na “ang hindi marunong magmahal sa kanyang salita, mahigit sa hayop at malansang isda sa tula ni Rizal?

a)

A. Banyaga na gumagamit ng wikang Filipino

b)

B. Pilipinong ikinakahiya at hindi ginagamit ang sariling wika

c)

C. Pilipinong nangibang-bayan na ginagamit pa rin ang sariling wika

d)

D. Pilipinong nag-aral ng banyagang wika, ginagamit pa rin ang sariling wika

23.

Matalinong mag-aaral si Lea. Mataas ang mga nakukuha niyang iskor sa mga pagsusulit at matataas lagi ang kaniyang mga marka sa lahat ng asignatura. Mahilig siyang sumali sa mga patimpalak sa kanilang paaralan at malimit na nananalo. Ibinabahagi niya rin ang kanyang kaalaman sa iba niyang mga kaklase. Sa pagtatapos ng taon, nasa pinakaharap na hanay ang kaniyang mga magulang. Labis ang tuwang kanilang nararamdaman.Ano ang magiging wakas ng salaysay?

a)

A. Nakakuha siya ng parangal sa patimpalak.

b)

B. Hindi nakadalo si Lea sa kaniyang pagtatapos

c)

C. Nanguna si Lea sa lahat ng mag-aaral na magtatapos.

d)

D. Hinandugan niya ng talumpati ang kanyang magulang

24.

Karapatan ng isang bata na maisilang at magkaroon ng pangalan. Karapatan din niyang magkaroon ng pamilya na magaaruga sa kanya. Mabigyan ng oportunidad na makapag-aral at mabigyan ng magandang edukasyon. Ang bawat batang Pilipino ay may mga karapatan sa buhay.

Ang sumusunod ay mga pantulong na kaisipan, maliban sa isa.

a)

A. Ang bawat batang Pilipino ay may mga karapatan sa buhay.

b)

B. Karapatan din niyang magkaroon ng pamilya na mag-aaruga sa kanya.

c)

C. Karapatan ng isang bata na maisilang at magkaroon ng pangalan.

d)

D. Mabigyan ng oportunidad na makapag-aral at mabigyan ng magandang edukasyon.

25.

Madalas pag-usapan si Osang ng kanyang mga kapitbahay, kaya _______ na lang siya upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at pag-aaway. Tukuyin ang balbal na salita na angkop sa pangungusap.

a)

A. dedma

b)

B. lodi

c)

C. sakalam

d)

D. shala

26.

26.Dala ng kahirapan lumuwas ng Maynila ang tatay ni Francis upang maghanap ng trabaho. Anong ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal ang ginamit sa pangungusap?

a)

A. Paraan at Resulta

b)

B. Paraan at Layunin

c)

C. Kondisyon at Resulta

d)

D. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili

27.

Nais mong malaman ang bagong plataporma ng inyong alkalde at kung paano ito makatutulong sa pag-unlad ng turismo sa inyong lugar. Humingi ka ng pagkakataon na maka-usap ng personal ang alkalde. Anong estratehiya ang iyong ginamit?

A. Brainstorming

B. Imersiyon

C. Pag-eksperimento

D. Pakikipanayam/Interbyu

a)

A. Brainstorming

b)

B. Imersiyon

c)

C. Pag-eksperimento

d)

D. Pakikipanayam/Interbyu

28.

Saknong 394 Yaong ehersitong mula sa Etolya Ang unang nawika sa gayong ligaya, “Viva si Floranteng hari ng Albanya! Mabuhay, mabuhay ang Prinsesa Laura!

Batay sa saknong, anong damdamin ang nangibabaw sa tauhan?

a)

A. pagkagalit

b)

B. pagpapasalamat

c)

C. pagpupugay

d)

D. pagsamba

29.

Saknong 5 “Ngayong namamanglaw sa pangungulila, Ang ginagawa kong pag-aliw sa dusa Nagdaang panaho’y inaalala, Sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.”Ano ang mahalagang pangyayaring inilahad sa Saknong Blg. 5?

a)

A. Labis na kalungkutan ang dinulot ng pangungulila ni Balagtas kay Selya.

b)

B. Kailangang kalimutan ang nakaraan upang hindi na patuloy na masaktan.

c)

C. Ang pangungulila ay siyang daan upang mabalikan ang matatamis na alala ng nakaraan.

d)

D. Mga alaala na lamang ang tanging naiwan kay Balagtas at ang nagbibigay kasiyahan sa kanya.

30.

30. Nagsama nang matagal sa kagubatan ang isang Moro at ang isang Kristiyano sa kabila ng kanilang magkaibang lahi at pananampalataya. Ano ang inyong pansariling paniniwala gamit ang mga salitang sumasang-ayon at sumasalungat batay sa pangyayari sa akdang Florante at Laura?

a)

A. Tunay na kahit magkaiba ang paniniwala at pananampalataya ng isang tao ay maaari maging magkaibigan.

b)

B. Huwag kang maniniwala na naging magkaibigan ang Moro at Kristiyano dahil sa maaaring dala lamang ito ng sitwasyon.

c)

C. Lubos akong nananalig na pinagkatiwalaan ng Moro at Kristiyano ang isa’t isa dahil sa mata ng Diyos ay magkakapatid pa rin tayo.

d)

D. Hindi tayo magkasundo sa paniniwalang naging palagay ang loob nila sa isa’t isa dahil kailanman ay hindi magiging magkaibigan ang dalawang taong may magkaibang paniniwala

31.

31.Maagang naulila ang apat na magkakapatid. Nasa ikawalong baitang pa lamang ang kanilang panganay. Napansin nilang palaging malungkot ang kanilang bunsong kapatid. Kadalasan ay nakikita nilang tulala ito habang pinagmamasdan ang ang mga nagdaraang kumpleto at masayang pamilya. Paano mo bibigyan ng paghihinuha ang ipinakikitang pag-uugali ng nakababatang kapatid?

a)

A. May binabalak siyang masama sa nagdaraang pamilya.

b)

B. Hindi siya natutuwa na makakita ng masayang pamilya.

c)

C. Naaalala niya ang masasayang samahan ng kanilang pamilya.

d)

D. Natutuwa ang bunsong kapatid sa nagdaraang kumpletong pamilya

32.

32.Paano mo gagamitin sa pagsulat ng isang sanaysay ang mga teknik sa pagpapalawak ng paksa tulad ng pagsusuri?

a)

A. Ang COVID-19 ay isang sakit na sanhi ng coronavirus SARS-CoV-2. Naaapektuhan ng sakit na ito ang baga, daanan ng hangin at iba pang mga bahagi ng katawan na maaaring maging dahilan ng kamatayan.

b)

B. Ang Covid-19 ay maaaring maihalintulad sa sakit na flu. Halos magkapareho ang mga sintomas na ipinakikita nito.

c)

C. Isa sa mga dahilan kung bakit kumakalat ang COVID19 mula sa isang tao papunta sa ibang tao sa pamamagitan ng malapit na pakikisalamuha sa isang nahawahang tao.

d)

D. Ayon sa mga pag-aaral ang pagpapabakuna laban sa Covid-19 ay isang mabisang paraan upang malabanan ang sakit na ito. Hindi ito dapat katakutan dahil wala itong masamang dulot sa ating pangangatawan.

33.

33. Alin sa mga pangungusap ang gumamit ng wastong hudyat ng pagsang-ayon sa paghahayag ng opinyon.

A. Maling-mali talaga na agad tayong naniniwala sa mga sabi-sabi ng ibang tao.

B. Hindi ako naniniwala na nakaaapekto sa kalusugan ang labis na paggamit ng gadyet tulad ng selpon.

C. Ayaw ko ang pahayag na hindi natin kailangan ng mahusay na pinuno na siyang magpapalakad sa ating organisasyon.

D. Sang-ayon ako sa iyong mungkahi na magkaroon ng programa na tutulong sa mga magsasaka upang mas lalong mapataas ang ani ng palay.

a)

A. Maling-mali talaga na agad tayong naniniwala sa mga sabi-sabi ng ibang tao

b)

B. Hindi ako naniniwala na nakaaapekto sa kalusugan ang labis na paggamit ng gadyet tulad ng selpon.

c)

C. Ayaw ko ang pahayag na hindi natin kailangan ng mahusay na pinuno na siyang magpapalakad sa ating organisasyon.

d)

D. Sang-ayon ako sa iyong mungkahi na magkaroon ng programa na tutulong sa mga magsasaka upang mas lalong mapataas ang ani ng palay.

34.

Naroong lahat ang kanyang naikuwento. Totoo’t naroroon ang sinasabi niyang rosas na damit na pandalo sa pagtitipon. Naroroon din ang drowing ng kanyang pantulog, ang kanyang pansimba, ang mga sinasabi niyang pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kanya’y nakatago’t iniingatan niya sa bahay.

Ang sandaang damit na tinutukoy ng bata sa bahagi ng kuwentong nasa kahon ay ________.

a)

A. magaganda at makukulay

b)

B. punumpuno ng mga palamuti

c)

C. may iba’t ibang uri at disenyo

d)

D. iginuhit lamang ang mga damit

35.

35.Namamasyal kayo ng lola mong galing sa Amerika at may gusto kang ipabili sa kanya. Paano mo ito sasabihin sa kaniya sa salitang banyaga?

a)

A. Lola, bumili tayo ng mga kakanin.

b)

B. Lola, kumain tayo ng puto at pansit.

c)

C. Lola, bilhan ninyo ako ng spaghetti at hamburger

d)

D. Lola, kain muna tayo ng kanin at inihaw na manok.

36.

36.Suriin sa mga pangungusap ang gumamit nang wastong ekspresyon ng pagpapahayag tungkol sa tamang paggamit ng social media ng mga mag-aaral.

a)

A. Sa akala ko, nagsisilbi itong libangan ng mga mag-aaral.

b)

B. Sa pananaw ko, napadadali ang pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral sa kanilang guro.

c)

C. Sa aking palagay, napabibilis ang pagkalap ng impormasyon na kailangan sa pag-aaral.

d)

D. Para sa akin, kapag mahilig gumamit ng social media ang mga mag-aaral ay nawawalan sila ng pokus sa kanilang pag-aaral

37.

37.Bilang makabagong kabataan, ano ang gagawin mo kung sakaling malaman mo na umiiral ang kawalang katarungan nang dahil sa pagkakaiba ng kalagayan sa buhay?

a)

A. Hindi mangingialam at magpopokus na lang sa aking buhay.

b)

B. Ipahahayag ko ang aking opinyon tungkol sa paksa gamit ang social media.

c)

C. Ipaaalam ko sa madla ang kawalang katarungang ginagawa ng mga pinuno ng ating bayan.

d)

D. Gagamitin ko ang aking kaalaman upang matulungan ang mga taong nakararanas ng ganitong pang-aapi.

38.

39.Tukuyin sa sumusunod na karunungang-bayan ang gumamit ng paghahambing.

a)

A. Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha.

b)

B. Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran.

c)

C. Tag-ulan o tag-araw, hanggang tuhod ang salawal.

d)

D. Ang mamamayang nagtutulungan at nagkakaisa ay sintibay ng piling abaka

39.

Paano inilarawan ang mapanglaw na gubat sa akdang Florante at Laura?

a)

A. Gumamit si Balagtas ng alegorya at mga simbolismo sa akda.

b)

B. Gumamit siya ng mga bagay na magbibigay-kulay sa tagpuan.

c)

C. Gumamit si Balagtas ng mga tayutay upang mailarawan ang gubat.

d)

D. Gumamit siya ng mga matatalinghagang salita upang lumabas ang kagandahan ng tagpuan sa akda.

40.

Suriin kung alin sa mga salaysay ang maayos na ginamit ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos.

a)

. A. Una, igisa ang bawang at sibuyas. Sunod, ihalo ang manok at lagyan ng suka. Isa pa, hayaan itong kumulo para maalis ang langsa ng manok.

b)

B. Una, pumili ng magiging paksa at pamagat ng iyong tula. Pagkatapos, mangalap ng mga impormasyon na may kinalaman sa iyong paksa.

c)

C. Una, ihanda ang lupang pagtatamnan. Ikalawa, kumuha ng mga buto ng sitaw at itanim nang may isang pulgada ang lalim. Sunod, araw-araw itong diligin. Panghuli, paglipas ng tatlo o apat na buwan ay makakaani ka na ng sitaw.

d)

D. Una, pumili ng paksa na kawili-wili, makabuluhan at tiyak na may kapakinabangan sa komunidad. Isa pa, magsimulang mangalap ng datos batay sa iyong napiling pag-aaral. Pagkatapos, isulat ang pinal na kopya ng iyong pananaliksik.

41.

Sa mga uri ng pagtatanong, alin ang tanong na humihingi ng opinyon.

a)

A. Alin ang mas mahalaga ang kagandahan o karunungan?

b)

B. Sa iyong palagay, sino ang dapat managot sa pagkasira ng kagubatan?

c)

C. Bakit ganoon na lamang ang kanyang pang-aaping ginagawa sa mahihirap?

d)

D. Ano ang mangyayari kung sakaling hindi na bumalik ang kanyang ina?

42.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang gumamit ng paraan ng pagpapahayag na pag-iisa-isa.

a)

A. Ayon sa pag-aaral, mas tumataas ang depresyon ng mga babae dahil sa paggamit ng social media.

b)

B. Parehong maganda sa kalusugan ang pagkain ng prutas na pakwan at melon dahil panlaban ang mga ito sa sakit sa bato at pantog.

c)

C. Ang sumusunod ay mga katangian ng wika. (a) masistemang balangkas, (b) nakabatay sa kultura, at (c) dinamiko at nagbabago.

d)

D. Karamihan sa mga bata ay mahilig kumain ng kendi at tsokolate bunga nito maagang naisisira ang kanilang mga ngipin at nagkakasakit ng tonsillitis.

43.

Alin ang nagsasaad ng negatibong pahayag tungkol sa pag-unlad ng bansa?

a)

A. Paglago ng ekonomiya at pagdami ng mga proyektong imprastraktura.

b)

B.Pagtaas ng bilang ng mga OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa.

c)

C.Pagkakaroon ng maraming hanapbuhay o trabaho para sa mga mamamayan.

d)

D.Pagdami ng mga investor na pumapasok sa bansa para magtayo ng negosyo.

44.

Tukuyin kung aling pangungusap ang nagpapakita ng katotohanan tungkol sa Child Labor?

a)

A. pagdidisiplina sa kabataan

b)

B. pagbabantay at pag-aalaga sa kabataan

c)

C. pagkakaloob ng trabaho sa hustong gulang

d)

D. pagtratrabaho ng mga kabataang wala pa sa hustong gulang

45.

Nahumaling sa pagsusugal ang maraming Pilipino. Sa halip na magtrabaho ay nauubos ang kanilang oras sa pagpusta at pagtaya sa mga sabungan. Suriin kung anong himagsik ang ginamit sa pahayag sa itaas?

a)

A. Himagsik laban sa maling kaugalian

b)

B. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan

c)

C. Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya

d)

D. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan

46.

Naisip ni Agyu na tapusin na ang laban, at makipag-usap kay Imbununga. Nagpunta siya sa dalampasigan, at hinarap niya nang mapayapa ang diyos ng hangin. Pumayag si Imbununga na wakasan na ang digmaan kung malalaman lang niya ang nagnakaw ng kaniyang taklubu at baklaw. Ikinuwento ni Agyu ang lahat, mula sa babalang natanggap niya hanggang sa ginawang pagnanakaw ni Matabagka. Ngumiti nang malaki si Imbununga, at nagpahayag ng paghanga sa katapangan ni Matabagka. Halaw mula sa buod ng epikong “Ang Paghahanap ni Matabagka sa Diyos ng Hangin."

Sa iyong palagay, ano ang dahilan ng kasiyahan ni Imbununga?

a)

A. Marahil dahil sa angking kagandahang taglay ni Matabagka.

b)

B. Sinugod ni Matabagka si Imbununga at sinubukan niya itong akitin.

c)

C. Binuhay ni Matabagka ang mga kawal na namatay at ginamot ang mga nasugatan.

d)

D. Sa ipinamalas na katapangan ni Matabagka nang lusubin niya si Imbinunga dahil sa balitang natanggap ng kaniyang kapatid.

47.

Binanggit sa akdang Saranggola ni Efren R. Abueg na ang pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Paano mo maiuugnay ang mahalagang kaisipan sa akda sa iyong sarili, sa lipunan at sa daigdig?

a)

A. Huwag maging mayabang dahil hindi ito makatutulong sa pag-angat sa buhay.

b)

B. Kailangan ang kahusayan at pagtitiyaga sa buhay upang ikaw ay magtagumpay.

c)

C. Ang tagumpay ay makakamit kung ginagamit mo ang iyong husay at tiyaga sa tamang paraan.

d)

D. Katulad ng tao, kailangan nating maging mapagpakumbaba sa lahat panahon upang makamit ang tagumpay.

48.

Tukuyin kung aling saknong ang nagbibigay-babala bilang motibo ng tauhan.

a)

A. “Kung ang isalubong sa iyong pagdating, ay masayang mukha’t may pakitang giliw, lalong pag-ingatan, kaaway na lihim, siyang isaisip na kakabakahin.

b)

B. “O pagsintang labis ng kapangyarihan, sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw! pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamaking lahat masunod ka lamang.”

c)

C. “Sa loob at labas ng bayan kong sawi kaliluha’y siyang nangyayaring hari, kagalinga’t bait ay nalulugami naamis sa hukay ng dusa’t pighati.

d)

D. Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad, sa bait at muni’t sa hatol ay salat; masaklap na bunga ng maling paglingap, habag ng magulang sa irog na anak.

49.

Kaya, mga kababayan, ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asang magtatagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayang tinubuan. Halaw mula sa Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog ni Andres Bonifacio

Sa iyong opinyon, bakit isinulat ni Andres Bonifacio ang sanaysay na ito?

a)

A. Matulungan ang bayan dahil lugmok ito sa kahirapan.

b)

B. Maidilat ng mga Pilipino ang kanilang bulag na isip sa totoong nangyayari sa bayan.

c)

C. Maging matagumpay sa hangarin na mapaglingkuran ang bayan at magising sa katotohanan.

d)

D. Magising ang mga Pilipino sa tunay na kalagayan ng lipunan at maggamit ang angking galing upang makamit ang kaginhawahan.

50.

Sa pagsasagawa ng radio broadcast, sa paanong pamamaraan maipakikita ang pagiging responsable sa iyong pananalita ?

1.Magsalita nang malumanay at malinaw para higit kang maunawaan. 2.Gumamit ng mga salitang kalye o balbal sa pormal na usapan.

3.Ngumiti habang nagsasalita dahil kapag narinig ka ng iba’y tila nakangiti rin ang boses na naririnig nila.

4.Sumigaw kapag naiinis o nagagalit

a)

A. 1 at 4

b)

B. 1 at 3

c)

C. 2 at 3

d)

D. 1, 2,3,aT 4