Font size
WorksheetsPagtataya sa Filipino
Total questions: 100
Worksheet time: 56mins
Anong anyong pampanitikan ang naglalahad ng kabayanihan at katapangan ng isang tauhan?
elehiya
epiko
nobela
parabula
Anong anyong pampanitikan ang nagbibigay-aral, moral at kadalasang hango sa banal na kasulatan?
elehiya
epiko
nobela
parabula
3. Sa anong akda naging mga tauhan ang isang pulis, isang Cadi at isang Vizier?
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya
Hindi Ako Magiging Adik
Isang Libo't Isang Gabi
Rama at Sita
4. Ang naging suhol ng bawat manggagawa sa ubasan batay sa “Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan” ay isang:
libong piso
salaping pilak
ginto
dinaryo
Saan hinango sa banal na aklat ang parabulang “Ubasan “
Juan
Lukas
Mateo
Marcus
Sino ang tauhan sa epiko na takot makipaglaban kina Rama at Sita?
Ravana
Maritsa
Surpanaka
Higante
SIPAG
Magsikhay ng mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Mag bubuhay na hari
Ano ang kahulugan ng salitang
magsikhay?
magsikap
maglakbay
mag-aral
magsanay
SIPAG
Magsikhay ng mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Mag bubuhay na hari
1. Ang ibig sabihin ng mamumulubi ay….
manghingi
mamigay
maghirap
palaasa
Pangungulila
Gabing malamig
Puso’y nangungulila
Irog nasan ka?
Ano ang ibig sabihin ng mangungulila?
nag-iisa
nagpapaalam
naghihirap
nalulungkot
Tukuyin ang pahayag na may wastong antala/hinto gamit ang kuwit batay sa kahulugang ipinapahiwatig.
Kinakausap si Tita o kaya’y isang tiyahin
at ipinakikilala si Jean Anne.
Tita Jean Anne ang pangalan niya.
Tita, Jean Anne ang pangalan niya.
Tita Jean, Anne ang pangalan niya.
Tita, Jean, Anne ang pangalan niya.
Paano mo aantasin ang mga salita hinggil sa pag-ibig?
gusto—liyag—mahal
gusto—mahal—liyag
liyag—gusto—mahal
mahal—liyag—gusto
Suriin ang mga kaisipan, layunin, paksa at
pagkakabuo ng sanaysay.
Alam mo ba yaong bagay na ginawa
noong tao, ay siyang higit na matibay kaysa yari sa tekniko?
Ang magagawa ng teknolohiya’y maaari ring gawin ng tao
Higit na mahusay pa rin ang gawang tao kaysa sa mga imbensyon
Pawang kabutihan ang idinudulot ng modernisasyon
Huwag masyadong umasa sa modernong imbensyon
Kung dumami ang makina, ang polusyon
ay sumapit; naagawan ng gawain ang maraming anak-pawis. Maingay na pambulahaw sa pagtulog ay ligalig, mabuti pa noong una ay masagana at tahimik.
Hindi na mapipigilan ang hamon ng modernisasyon.
Dahil sa paglaganap ng polusyon nawalan ng trabaho ang maraming mga Pilipino
Ang polusyon ay maaaring maiwasan kung magiging responsible ang lahat upang ito ay labanan.
Iba’t ibang uri ng problemang pangkapaligiran ang lumaganap nang umunlad ang teknolohiya at modernisasyon
Nawawakawak ang bansa, pag ang agham
ay umurong, Bayan tayong aping-api at malayo sa pagsulong, at sa lakas nitong agham, pati mina’y natutunon, iyong ginto’t mga langis sa pagdami ay patuloy.
Siyensiya at teknolohiya ang kailangan upang kahirapan ay maiwasan
Dahil sa siyensiya, patuloy na nagiging api ang mga Pilipino
Ang pagpapahalaga sa agham at makabagong teknolohiya’y kailangan upang higit na sumulong ang ating bansa
Inaabuso ng mga dayuhan ang ating mga likas na yaman gamit ang teknolohiya.
Suriin ang damdamin ng mga tauhan batay sa pabulang binasa.
Ano ang ipinahihiwatig ng hatol nina Pino
at Baka na dapat kainin ng Tigre ang tao?
Naiinis sina Pino at Baka kaya ito ang kanilang hatol
Malupit ang tao sa kalikasan kaya nais nilang mamatay ang tao
Walang silbi ang tao sa puno at baka kaya wala silang pakialam kung kainin ng tigre ang tao.
Hindi makatotohanan ang kuwento sapagkat walang nagsasalitang puno at baka sa tunay na buhay
Mayaman ang batang binusog sa pabula.
Ano ang nais ipahiwatig nito?
Matalino ang bata kasi nagbabasa siya
ng pabula
Mayaman ang bata sa kaalaman tungkol sa mga hayop
Matalino at may mabuting asal ang batang natuto sa mga pabula
Maraming maibabahagi sa iba ang batang maraming nabasang kuwento
Ano ang ipinahihiwatig ng hatol ng
kunehong sinabi niyang, “Dapat magpatuloy sa paglalakbay ang tao at manatili ang tigre sa hukay.
Ang tigre ay mamatay
Ang ay makararating sa kanyang paroroonan
Ang tigre ay makaahon sa hukay
Ang tigre ay hindi tumanaw ng utang na
loob sa kabutihang ipinakita ng tao.
Paano nagapi ng mga tutubi ang mga
matsing sa labanan sa pabulang “Nagkamali ng Utos"?
Pinukpok ng mga tutubi ang mga matsing
Nagpataasan ng lundag ang mga tutubi at matsing
Nilinlang ng mga tutubi ang mga matsing
Dumapo ang mga tutubi sa ulo ng mga
matsing at kung may nakaambang panganib ay dagli silang lumilipad.
SANAYSAY
Nakasalalay sa kamay ng Maykapal ang buhay ng tao. Siya lamang ang may kapangyarihang bawiin ito. Maaaring buhay na buhay ka ngayon, maligayang nakikipagsaya sa kapwa mo, ngunit di mo inaasahang sa isang iglap ay binawi ng Panginoon ang ipinahiram Niyang buhay sa iyo kaya kailangang maging handa sa lahat ng sandali. Kung kaya mong magpaligaya sa kapwa mo, gawin mo habang ikaw ay nabubuhay. Maging bukas ang puso’t damdamin mo sa mga taong nangangailangan. Ang bawat araw, buwan, at taong nagdaan ay gawing mahalaga.
Halaw sa Sinag III (Wika at Panitikan
Ano ang kahulugan ng salitang bawiin na ginamit sa ikalawang pangungusap?
kunin
hiramin
gamitin
tanggalin
Nakasalalay sa kamay ng Maykapal ang buhay ng tao. Siya lamang ang may kapangyarihang bawiin ito. Maaaring buhay na buhay ka ngayon, maligayang nakikipagsaya sa kapwa mo, ngunit di mo inaasahang sa isang iglap ay binawi ng Panginoon ang ipinahiram Niyang buhay sa iyo kaya kailangang maging handa sa lahat ng sandali. Kung kaya mong magpaligaya sa kapwa mo, gawin mo habang ikaw ay nabubuhay. Maging bukas ang puso’t damdamin mo sa mga taong nangangailangan. Ang bawat araw, buwan, at taong nagdaan ay gawing mahalaga.
Halaw sa Sinag III (Wika at Panitikan)
Ano ang akmang paksa ng binasang akda?
kapaki-pakinabang ang buhay
mahalaga ang buhay ng tao
masaya ang buhay ng tao
pahiram ng Diyos ang buhay ng tao
Nakasalalay sa kamay ng Maykapal ang buhay ng tao. Siya lamang ang may kapangyarihang bawiin ito. Maaaring buhay na buhay ka ngayon, maligayang nakikipagsaya sa kapwa mo, ngunit di mo inaasahang sa isang iglap ay binawi ng Panginoon ang ipinahiram Niyang buhay sa iyo kaya kailangang maging handa sa lahat ng sandali. Kung kaya mong magpaligaya sa kapwa mo, gawin mo habang ikaw ay nabubuhay. Maging bukas ang puso’t damdamin mo sa mga taong nangangailangan. Ang bawat araw, buwan, at taong nagdaan ay gawing mahalaga.
Halaw sa Sinag III (Wika at Panitikan)
Ano ang tonong ipinahihiwatig ng may-akda?
nagagalit
nangangaral
naghihinakit
nang-uuyam
Tukuyin ang metaporikal na kahulugan ng salitang italisado.
Nagkasugat ang kanyang puso nang magkahiwalay silang magkasintahan.
labis na nasaktan
laging hinihintay
binabalewala
nagdurugo
Si Mang Lando ay binansagang taong mahangin.
Ano ang kahulugan ng salitang nakahilig?
maabilidad
matapang
malikot
mayabang
Inahas ng kanyang matalik na kaibigan ang kanyang kasintahan.
Tukuyin ang metaporikal na kahulugan ng salitang italisado
inakit
inaruga
inagaw
inaway
Tinik sa dibdib ang turing niya sa kanyang kaklase.
Ano ang khulugan ng salitang/pariralang nakahilig?
bilanggo
punyal
karamdaman
suliranin
Ipahayag ang sariling damdamin kapag ang sarili ay nakita sa katauhan o katayuan ng may-akda. Bigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan.
“Hindi ako magiging adik” isang mabigat na pahayag ng isang manunulat ng isang sanaysay. Kung ang pahayag na ito ay hindi mapanindigan ng tao, ano ang maaaring mangyari sa kanya? Magiging….
makilala siya sa lipunan
mapag-iiwanan sa lipunan
miserable ang kanyang pamumuhay
maginhawa ang kanyang buhay
Ang pinakamabisang paraan para makaiwas sa droga ang isang tao ay ang paglayo sa mga taong…
naninigarilyo
nagdodroga
nagsusugal
naglalasing
Batay sa nobelang “Isang Libo’t Isang gabi” kung hinayaan ng “babae” na may “mangyari” sa kaniya kasama ang iba’t ibang lalaki, ano ang naging kinahihinatnan niya?
nagpalipat-lipat siya ng tirahan
napariwara ang kanyang buhay
nagkaroon siya ng maraming anak
nawalan ng lalaking seseryoso sa kanya
Batay sa nobela, alin sa mga kaganapang ito ang di-makatotohanan?
pagdampot sa batang lalaki dahil sa maling bintang
panloloko o panlilinlang ng babae sa pulis, cadi at vizier
pag-aasawa ng babae sa lalaking mas bata pa sa kanya
pagkakakulong ng pulis, cadi, hari at vizier sa loob ng cabinet
Batay sa Rama at Sita, anong bahagi ng akda ang nagpapakita ng makatotohanang pangyayari?
pagligtas ni Rama kay Sita
paglipad ng isang kabayo
pagsalita ng agila
paglitaw ng isang gintong usa
Kung Tuyo na ang Luha mo, Aking Bayan
ni: Amado v. Hernandez
Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod.
Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop. Ano ang kahulugan ng salitang nakaitalisado?
aahon
kalaban
nadatnan
sagupaan
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot.
Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw ng magdaluyong
Kung ang araw sa langit, ay lagi nang dapithapon. Ano ang kahulugan ng salitang nakaitalisado?
bago dumilim
hatinggabi
madaling-araw
umaga
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot.
Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw ng magdaluyong
Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon. Ano ang kahulugan ng salitang nakaitalisado?
naibsan
nakulang
naglaho
napunan
May araw ring ang luha mo’y masasaid, matutuyo
May araw ring di na luha sa mat among namumugto,
Ang dadaloy, kundi apoy at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo,
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo.
May araw ring ang luha mo’y masasaid, matutuyo. Ano ang kahulugan ng salitang nakaitalisado?
maanod
mailuha
mapatid
mauubos
Buuin ang balangkas ng pangyayari sa mga sumusunod na talata upang mabuo ang kaisipang nais nitong ipahiwatig.
A. Inihagis nito ang dalang bag sa iyong paanan
B. Ikaw ang hinuli ng pulis sa pag-aakalang kasabwat ka
C. Nakita mong may lalaking mabilis na tumatakbo palapit sa iyo.
D. Naglalakad ka sa kahabaan ng lansangan nang marinig mo ang silbato ng pulis.
ACDB
BDAC
DCAB
a. CBDA
A. Isang pangkaraniwang araw sa paliparan.
B. Abala ang mga taong magbibiyahe kung saan-saang bahagi ng bansa at mundo.
C. Nang, biglang may malakas na pagsabog at nagkagulo ang mga tao.
D. Maraming nakabulagtang duguan, kalunos-lunos na pangyayari.
ADCB
ABCD
CABD
a. DCAB
A. Akalain ko bang malilibang ako.
B. Kailangan kasing magsaliksik kami tungkol sa artifacts ng iba’t ibang dinastiya.
C. Kahapon ay namasyal ako sa Luneta at pumasok sa Pambansang Museo.
D. Malaki ang sakop ng Luneta at ng Museo kaya nakapaglibot ako at nagbasa ukol sa mga impormasyong karamihan ay ngayon ko lang nalaman
ACDB
BACD
CDBA
DACB
Ano ang natutuhan ni Crisostomo sa Alemanya na ginawa niya sa Pilipinas?
dumalo sa pagtitipon
gumagalang sa matatanda
magpakilala sa mga tao kapag walang nagpapakilala
sarilinin ang kaalamang natutunan sa pag-aaral
Bakit hindi maituturing na makapangyarihan si Don Rafael Ibarra?
hindi siya marunong makisama
hindi siya marunong magsalita ng kastila
hindi siya mapagbigay sa kapwa
hindi siya marunong mamulitika
Bakit hindi pinauwi agad ang magkapatid na Basilio at Crispin?
nagkamali sila sa kanilang trabaho
napagbintangan silang nagnakaw ng onsa
naghihintay sila na mabigyan ng sahod
napagbintangan silang natutulog sa oras ng misa
Saang bansa nagpunta si Crisostomo nang lisanin niya ang Pilipinas?
Amerika
Europa
Japan
Roma
Sino ang binatang nag-aral ng pitong taon sa Europa at nangarap makapagtayo ng paaralan para sa mga kabataan?
Crisostomo
Linares
Albino
Elias
Ang paring may lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
Salvi
Martin
Damaso
Sibyla
Siya ang pinuno ng mga guwardiya sibil
Lucas
Filipo
Alperes
Kapitan Heneral
Ano ang unang palimbagan na unang naglathala ng Noli Me Tangere?
Imprenta Berlin
Impreta Lette
Imprenta Local
Imprenta Madrid
Ang mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra na anak ni Donya Pia Alba kay Padre Damaso?
Andeng
Sinang
Salome
Maria Clara
Ano ang bayan na matatagpuan sa baybay-lawa na may malawak na bukirin at masagana sa pananim tulad ng palay?
Anloage
Binondo
San Diego
Fronda de Lala
Bigyang kahulugan ang mga malalalim at matatalinghagang salita/pahayag na ginamit sa nobela.
Sa simula pa lamang ng kanilang pagsasama, nilustay nang asawa ang mga pera ni Sisa. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
pinahiram
inubos
ginamit
nilaan
Nakalugmok si Sisa sa sulok na gusot ang buhok. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
napadapa
napahandusay
napaluha
napatihaya
Ang pangungutya ni Padre Damaso ay malimit makasakit sa mga mamamayan ng San Diego. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
panlilibak
pang- uusig
pagmamalabis
pangmamaliit
“Ang malinis na budhi ang pinakamabisang gamot” Pangibabawin ang pagiging…
mabait
masunurin
matapat
maaasahan
“Kung ang isasalubong sa iyong pagdating ay ngiti at pakitang-giliw, pakaingatang pilit at ito’y kaaway na lihim” mag-iingat sa mga taong…
mapag-alinlangan
mapang-alipusta
matapobre
mapagkunwari
Tukuyin ang katangian at damdaming isinasaad ng mga tauhan sa bawat pahayag.
Anong pag-uugali ang ipinamalas ni Don Rafael doon sa mga batang sinaktan ng artilyero?
pagkamatiisin
pagkamakabayan
maawain
masinop
" Diyos ko, ako po ng inyong parusahan, huwag ang aking anak"--Padre Damaso
Anong pag-uugali/katangian ang ipinamalas ni Padre Damaso?
pagkadismaya
pag-aalala
pagkahabag
pagkagulat
“Malalim ang hinaharap ngunit gusto kung malaman mo na minsan lamang akong umibig at hindi na ito maangkin nino man.”--Crisostomo
matinding pagmamahal
pagnanasa
pagkalungkot
matinding kasiyahan
"Mamamatay akong hindi man lamang nasilayan ang ningning ng bukang liwayway ng aking inang bayan. Kayong mapapalad na makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga nalugmok at nasuri sa dilim ng gabi."--- Elias
kawalang-pag-asa
pagkalungot
pagkabahala
pag-iimbot
"Hindi ko inaasahan na ganyan kalaos ang pagtingin ninyo sa bayan at pamahalaan, isang bayang sumusunod sa pandaraya at isang pamahalaang nakapag-utos dahil sa pandaraya."
pagkalungkot
pagkahabag
pagkadismaya
pagkahalina
"Diyos Ko! Bakit mo iwawalay sa akin ang isang tao sa ganitong paraan? Bakit kailangang ipagkait sa kanya ang pagmamahal ng kanyang kapwa.”
Anong damdamin ang masasalamin sa pahayag na ito?
pagkatakot
pagkabahala
pagdadalamhati
pag-aalinlangan
“Kung ang lahat ng aking lingkod ay tulad ni Reberensya Padre Damaso, nanaisin kong ako na ang maglilingkod ng aking kamahalan."
pagtitiwala
pang-iinsulto
pagkainis
pagkabigla
“Tingnan ninyo mga kaibigan, ito ang modelong paaralang itatayo tiro, Isang huwarang paaralang makikita sa Alemanya.”
pagmamalaki
pagdadalamhati
panggagagad
panghihinayang
“Naloloko ka na ba Santiago, ang bumanggit ng kasal kay Maria Clara sa iba sa ganitong pagkakataon? Ipinapalagay mo bang ang pagpapalit ng katipan ay para lamang pagpapalit ng kasuotan?"
pagkainis
pagmamalaki
pagkatakot
pang-iinsulto
“Sobra namang napakalaking halaga ng misang ito. Hindi nalalayo sa ibinabayad sa komedya na may tatlong araw na itinatanghal."
pagmamalaki
pagdadalamhati
pagkatuwa
panghihinayang
Sa ibabaw ng lahat ay kailangang ihasik sa puso ng mga kabataan ang pagtitiwala, kapanatagan at pagpapahalaga sa sarili. Ano ang pahiwatig ng tauhan sa pahayag na ito?
ukol sa di pagpapahalaga
pagiging responsable
pagtitiwala sa sarili
pagtanggap sa sarili
" Ngayon ay nakikita ko na ang kalagim-lagim na kanser ng lipunan, kumakapit sa ating mga laman at humihingi ng isang biglaang pagsugpo."
Ano ang pahiwatig ng tauhan sa pahayag na ito?
pag-aalaga ng bayan
ang katiwalian sa lipunan
marubrub na damdamin para sa pagbabago
ang panghahamak
"Ang bayan ay di dumaraing sapagkat siya’y piping tagasunod, hindi kumikilos sapagkat nahihimlay."
Ano ang pahiwatig ng tauhan sa pahayag na ito?
Ang pagsusumamo ng mamamayan
Ang paggising ng damdaming makabayan
Ang pagsulong tungo sa pag-unlad
Ang di pagdaing ng bayan
Nalungkot si Ibarra sa kanyang nadatnan, baku-bakong daan, maalikabok kung tag-init at maputik naman kung tag-ulan. Ang talata at tumutukoy sa…
bahay
kalsada
ilog
simbahan
Sila’y pinagtatrabaho sa mga karsada sa gitna ng tirik na araw, hinahampas pa kung minsan ng mga gwardiya sibil at pagnagkamali ay sipa, tadyak at mura ang kanilang inaabot sa mga tagabantay. Ito’y nasaksihan mismo ni Crisostomo noong kanyang kabataan. Ang talata ay tumukoy sa mga…
mangangalakal
bilanggo
mangingisda
bayani
Si Mui-Mui ay uhugin, iyakin at sakiting bata na ang hilig ay magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
peklat sa binti
sugatang mga binti
kinagisnang marka sa balat
tumigas na balat mula sa gumagaling sa sugat
Natatandaan ng mga bata na sinorpresa sila ng ama ng mga kaluwagang-palad nito. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
mapagbigay
maalalahanin
mapagmahal
mapagmalasakit
Ang amo ng ama ay kilala bilang taong may matigas na loob ngunit mabait at mapagmalasakit. Ito ay tumutukoy sa taong hindi madaling…
maakit
maawa
magpatawad
makonsensya
Ang halinghing ni Mui-mui ang nagpapagalit sa ama na nakabubulahaw na sisigaw at lalapit sa bata na hahampasin nito nang buong lakas. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
bahaw na hiyaw
garalgal na boses
malakas na malakas
gumagambala sa katahimikan
Matuto ka munang gumalang sa iyong sarili____ ibig mong igalang ka ng iba. Ano ang wastong pangatnig na bubuo sa pangungusap?
at
kung
subalit
ngunit
Talagang walang maidudulot na kabutihan sa katawan ang ipinagbabawal na gamot___unti-unting sisirain nito ang ating katinuan. Anong pangatnig ang bubuo sa pangungusap?
sina
kung gayon
samantala
sapagkat
______ nasaktan kaya ayaw na niyang maniwala sa isang tunay na pag-ibig.
Anong pangatnig ang nawawala sa pangungusap?
Kung
Ngunit
Subalit
Palibhasa
Tahimik nang nakahimlay si Rebo sa kabaong _______ kaming mga naiwan ay pag-aaralang tanggapin ang kirot ng kanyang paglisan. Anong pangatnig ang bubuo sa pangungusap?
dahil
ngunit
sapagkat
samantala
Siya ang pinakabata sa pitong anak na kinnaree nina haring Prathum at Reyna Jantakinnaree.
Manrah
Manorah
Maja
Majora
Binatang napadako at naglalakbay sa kagubatan ng Himmapan.
Artityawong
Prahnbun
Ermitanyo
Suton
“Bakit ka nagdala ng mia-noi? Ito’y isang pang-aalipusta!”
Sino ang nagwika nito?
mangingisda
asawa ng mangingisda
anak
lolo
Ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton. Ano ang kahulugan ng matalinghagang salita?
pagsunod
pag-aalay
pag-aalinlangan
paglalakbay
Kulturang may lambing ng panunuyo at tangis ng pamamaalam. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
pagluksa
pagluha
pagka-inis
pagkatakot
Sinambilat ko ang liham na kanyang binabasa. Napilas ito nang hablutin ko sa kanya. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
liham
napilas
binabasa
hablutin
Hindi na maantala ang pagtaas ng dolyar sa palitan ng piso dahil sa di-mapipigilang pag-unlad ng ekonomiya ng Estados Unidos. Ano ang kasingkahulgan ng salitang may salungguhit?
pagtaas
pag-unlad
ekonomiya
di-mapipigilang
Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalala ng batang banga ang pangaral ng kanyang ina. Anong aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang
Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak
Habang may buhay, magpakasaya ka
Umiwas sa kaway ng tukso sa paligid
Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang huling dumating, samatanlang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho niyo ang aming upa?" Kung ikaw ang isa sa mga huling dumating na isang oras gumawa, ano ang gagawin mo?
Tatanggapin ang ibinigay na upa
Ibibigay ang sobrang upa sa nagrereklamo
Hindi pakikinggan ang reklamo ng ibang kasama
Pababayaran lang ang nararapat na oras ng paggawa
Ano ang mangyayari kung laging sumusunod sa payo ng magulang?
Mapapabuti ang buhay
Magiging sikat sa pamayanan
Bibigyan ng medalya ng pagkilala
Hindi masasangkot sa kapahamakan
“Ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.” Ano ang nais ipahiwatig nito?
Huwag makialam sa iba
Huwag magtiwala sa iba
Huwag sasama sa hindi kauri
Iwasan ang pakikipagkaibigan
Babahagya ko nang nooy nahagkan,
Sa mata ko’y luha ang nanga- unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan.
Anong damdamin ang nangingibabaw sa tula?
kasiyahan
kalungkutan
katapangan
katatagan
“Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas,
Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad,”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!”
pagmamalaki
pangungulila
pagtatampo
paghihintay
Sinimulan ko na ang dapat kong gawin:
Ako’y nag-aararo, naglinang, nagtanim;
Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.
Anong damdamin ang nangibabaw sa tula?
pag-asa
pagsisikap
pagmamalaki
paghihintay
Mula sa kuwentong "Ang Ama". Anong pangyayari sa kanilang pamilya ang nakapagpabago sa ugali ng kanilang ama?
Ang pag-iyak ng kanilang ina
Ang pagkamatay ni Mui-Mui
Ang pagkaalis niya sa pinagtatrabahuan
Ang pagmamakaawa ng kanilang mga kapatid
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tunggalian sa tao laban sa sarili?
Ang hindi niya gusto ay ang pakialaman ng iba.
Nagtatalo ang kanyang isip at damdamin kung ipagpatuloy ba niya ang kanyang bisyo.
Hindi lamang trabaho ang mahalaga sa tao
Paano kaya siya babangon ngayon sa kahirapan kung ang kanyang pananim ay nasira ng bagyo
Ang mga bata ay pinagsaluhan ang pagkain na animo’y may malaking piging. Ano ang denotasyon ng salitang may salungguhit?
usapan
handaan
pagawaan
sagupaan
Bakit nais ng prinsesa na mabago ang kaugaliang Javanese para sa kababaihan?
Upang makamit ang nais mangyari sa buhay
Upang matamasa ang di pantay na karapatan ng mga kababaihan
Upang mapanatili ang pagmamahal na ibinibigay sa mga kababaihan
Upang mapahalagan ang mga kababaihan at hayaan silang maging Malaya
Bakit kailangang bigyan ng halaga at pantay na karapatan ang mga babae?
Dahil ang bababe ay mahina
Dahil nangangailangan din sila ng respeto at pagmamahal
Dahil dapat lang na manatili sila sa bahay at mag-alaga ng mga anak
Dahil mas nahihirapan sila kapag gagawin nila ang gawain ng mga lalaki
Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng opinyon?
Sa totoo lang, maraming mga negosyo ang humina sa panahon ng pandemya.
Isa sa mga naapekttuhan ng pandemya ay ang mga mangangalakal.
Labis na nanghihinayang ang mga negosyante dahil sa matumal ang negosyo.
Mataas ang babayarin ng mga nogosyante dahil sa kanilang mga utang.
Isang basurero ang nakadampot ng mga alahas na nagkakahalaga ng P50,000 na naaksidenteng natapon ng may-ari. Bagamat labis siyang nangangailangan ng pera dahil sa anak na may sakit.
Kung ikaw ang nasa katayuan ngbasurero, ano ang iyong gagawin?
Itago mo ito sapagkat napulot mo ito at hindi ninakaw
Isipin mong sagot ito ng langit sa iyong mga dasal.
Ibalik mo ang mga alahas sa may-ari
Gamitin muna panggamot sa iyong anak, saka mo na lamang isauli.
My Titser, My Hero
Bagot na bago ang aking pakiramdam,
Nang pumasok ako sa paaralan
Minsan wala pang laman ang aming tiyan,
Ngunit “di sumuko sa anomang laban
Silang mga personalidad dumaan kay titser,
Sinagip at inalaagan upang maging better
Ordinaryong nilalang binigyang-kapangyarihan
Hindi matatawaran kanilang kadakilaan.
Batay sa tula sa itaas, bakit maituturing na dakila ang mga titser?
May angking kapangyarihan
Marunong mag-alaga ng mga bata
Hindi sumusuko kahit may sakit
Hangad nito ang pagkatuto ng mga kabataan
My Titser, My Hero
Bagot na bago ang aking pakiramdam,
Nang pumasok ako sa paaralan
Minsan wala pang laman ang aming tiyan,
Ngunit “di sumuko sa anomang laban
Silang mga personalidad dumaan kay titser,
Sinagip at inalaagan upang maging better
Ordinaryong nilalang binigyang-kapangyarihan
Hindi matatawaran kanilang kadakilaan
Ano ang mabubuong paghahatol mula sa tulang iyong nabasa?
Ang mga guro ay tinaguriang mayaman sa kaalaman.
Ang mga guro ang tagapaghulma ng mga mag-aaral
Ang mga guro ay may taglay na kapangyarihan
Ang mga guro ay hindi napapagod magturo.
Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat na “Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan” ay nagpapahiwatig na ang kultura ay_______.
nagbabago
naaalis
di nagpapalit
di itinuturo
Malinaw ang paalala ng IATF, ______ kailangang sundin ang minimum health protocols. Anong pangatnig ang maaaring idugtong sa pangungusap?
sa lahat ng ito
kung gayon
dahil
saka
