wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

LTO Tagalog Reviewer 2023

Total questions: 76

Worksheet time: 38mins

Name
Class
Date
1.

Ayon sa R.A. 4136, ang Student-driver's Permit ay dapat hindi bababa sa edad na ______.

a)

16 na taong gulang

b)

18 na taong gulang

c)

20 na taong gulang

2.

Sa anong pagkakataon hindi maaaring mag-overtake?

a)

Tuwing gabi

b)

Kung umuulan

c)

Sa blind curve

3.

Ang pagkakaroon ng lisensya ay isang _____.

a)

Karapatan

b)

Pribilehiyo

c)

Karangalan

4.

Matapos kang lumampas (mag-overtake) at nais mong bumalik sa pinanggalingang linya nang ligtas, kailangan mong ______.

a)

Huminto

b)

Lumingon sa nilagpasan

c)

Tingin sa rear view "mirror" ang iyong nilagpasan.

5.

Bago umalis sa paradahan, dapat mong _______.

a)

Magpatakbo kaagad.

b)

Bumusina

c)

Suriin ang paligid bago magpatakbo.

6.

Ang lisensyang Non-Professional (NPDL) ay para lamang sa ______.

a)

Anumang uri ng sasakyan.

b)

Pampasaherong sasakyan.

c)

Mga pribadong sasakyan.

7.

Ang tamang gulang sa pagkuha ng lisensyang Non-Professional ay _____.

a)

17 taong gulang.

b)

16 taong gulang.

c)

15 taong gulang.

8.

Habang nagmamaneho, dapat kang tumingin sa side at rear view nang _____.

a)

Mabilis/Madalian

b)

Hanggang gusto mo.

c)

Hindi kukulangin sa isang minuto.

9.

Ano ang dapat mong ihanda kung malayo ang biyahe?

a)

Maghanda ng kagamitang pangkumpuni ng sasakyan para handa kung masiraan ng sasakyan.

b)

Planuhin ang ruta at ikondisyon muna ang sasakyan.

c)

Tama lahat ng sagot.

10.

Ang mahuhuling lasing sa alak at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay may parusang _______.

a)

Pagkasuspinde ng lisensya.

b)

Multa at pagkabilanggo.

c)

Tama lahat ng sagot.

11.

Sa isang interseksyon na may STOP sign, dapat kang ______.

a)

Magmarahan at magpatuloy kung walang panganib.

b)

Magbigay daan sa mga sasakyan mula sa kanan at kaliwa at magpatuloy kung walang panganib.

c)

Huminto at magpatuloy kung walang panganib.

12.

Kung paparada ng paaahon sa may bangketa, dapat mong ipihit ang gulong ______.

a)

Papalayo sa bangketa

b)

Papuntang bangketa

c)

Kahit anong direksyon.

13.

Ayon sa batas, hindi ka maaaring magmaneho nang matulin, maliban kung _______.

a)

Tama lahat ng sagot.

b)

Naaayon sa takdang bilis o tuling ang pagpapatakbo.

c)

Walang panganib.

14.

Ang sasakyan ay nakaparada (parked) kung _____.

a)

Nakatigil nang matagal at nagbababa ng pasahero.

b)

Nakatigil ng matagal at nagsasakay ng pasahero.

c)

Nakatigil ng matagal at patay ang makina.

15.

Sa rotunda, alin ang may karapatan sa daan?

a)

Ang sasakyang papasok pa lamang sa rotunda.

b)

Ang sasakyang nasa paligid ng rotunda.

c)

Ang sasakyang nakaharap sa berdeng ilaw.

16.
a)

Two Way Road Ahead

b)

Narrow Road Ahead

c)

Narrow Bridge Ahead

d)

End of Two Way Road

e)

Yield Ahead

17.
a)

Two Way Road Ahead

b)

Narrow Road Ahead

c)

Narrow Bridge Ahead

d)

End of Two Way Road

e)

Yield Ahead

18.
a)

Two Way Road Ahead

b)

Narrow Road Ahead

c)

Narrow Bridge Ahead

d)

End of Two Way Road

e)

Yield Ahead

19.
a)

Two Way Road Ahead

b)

Narrow Road Ahead

c)

Narrow Bridge Ahead

d)

End of Two Way Road

e)

Yield Ahead

20.
a)

Two Way Road Ahead

b)

Yield Ahead

c)

Narrow Bridge Ahead

d)

End of Two Way Road

e)

Stop Ahead

21.

Yield Ahead

a)
b)
c)
d)
e)
22.

Narrow Bridge Ahead

a)
b)
c)
d)
e)
23.

End of Two Way Road

a)

b)
c)
d)
e)
24.

Stop Ahead

a)
b)
c)
d)
e)

25.

Two Way Road Ahead

a)
b)
c)
d)
e)
26.

Kailan ka maaaring huminto sa yellow box?

a)

Kung ang daloy ng trapiko ay umabot sa yellow box

b)

Kung magsasakay o magbababa ng mga pasahero

c)

Hind kailanman pinapayagan ang paghinto sa yello box

d)

Wala sa mga nabanggit.

27.

Aling larawan ang nagpapakita ng ipinagbabawal na pag-overtake?

a)

b)

c)

28.

Legal ba na magkaroon ng bukas na tambutso ang mga motorsiklo o tricyle?

a)

Oo, sa mga lugar na nangangailangan ng palusong at paahon napagmamaneho.

b)

Oo, kung ang sasakyan ay nakakaranas ng mababang lakas.

c)

Hindi, hindi ito maaaring legal.

d)

Wala sa mga nabanggit.

29.

Sino ang mga gumagamit ng daan?

a)

Mga motorista at taong naglalakad, siklista at mga pasahero.

b)

Mga motorista, sasakyan at siklista.

c)

Mga sasakyan (gumagalaw at hindi gumagalaw)

30.

Kung sa tingin mo na ang sasakyan na iyong naabutan ay hindi nagbibigay sa iyo ng tamang paraan, dapat ______.

a)

Huwag lampasan.

b)

Gamitin ang busina.

c)

Magmaneho ng mabilis.

31.

Ano ang ibig sabihin ng senyas trapiko na ito?

a)

Bawal bumusina.

b)

Bawal gumamit ng de-hangin na busina.

c)

Bawal pumasok ang mga sasakyan na walang busina.

32.

Ang isang driver na natutulog nang maaga para sa trabaho sa susunod na araw ay isang simbolo ng ______.

a)

Isang matulungin na driver.

b)

Isang magalang na driver.

c)

Isang propesyonal na driver.

33.

Para sa mga motorsiklo, kapag paparating sa palusong, ang driver ay dapat na _____.

a)

Lumipat sa neutral.

b)

Lumipat sa mas mataas na gear.

c)

Lumipat sa mas mababang gear.

34.

Ano ang isa sa mga kinakailangan sa paggamit ng standard protective helmet?

a)

Kinakailangan na nakalagay sa sticker ang bansang pinagmulan at tatak o brand ng helmet.

b)

Ang ICC o PS Sticker ay kinakailangan na nakikita at nakalagay sa likod ng helmet.

c)

Kinakailangang masakop ng helmet ang buong mukha o ulo para sa kaligtasan.

35.

Nasa rotunda kana at malapit nang lumabas. Kailan ka dapat magsenyas?

a)

Magdahan-dahan sa ligtas na takbo at magsenyas pakanan bago ka lumabas.

b)

Magsenyas pakanan habang papasok at magsenyas pakaliwa para lumabas sa rotunda.

c)

Magsenyas pakaliwa habang papasok at panatilihin ang senyas hanggang makalabas.

36.

Ang paghahatid ng mga pagkain gaya ng pizza, burger, at iba pang gamit ng motorsiklo ay isang trabaho na kinakailangan ng bilis. Gayunpaman, ang driver ay upang makahabol lamang sa oras ay ___________.

a)

Maaaring gumamit sa bangketa o gutter ng kalsada.

b)

Hindi maaaring dumaan sa bangketa.

c)

Maaaring laktawan ang daanan na pangmotorsiklo.

37.

Mapanganib ang palikong kaliwa kaysa sa kanan sapagkat _____________.

a)

Mabilis ang sasakyang galing kaliwa.

b)

Kailangang maging listo sa mga sasakyang nagmumula sa kaliwa o kanan.

c)

Maraming linya.

38.

Ano ang kahulugan ng patay-sinding kulay pulang ilaw trapiko?

a)

Bagalan ang takbo at tumuloy nang maingat.

b)

Maghintay ng berdeng ilaw.

c)

Huminto at magpatuloy kung ligtas.

39.

Ang pinakaligtas sa ultimatum kahit may karapatan sa daan ay ______.

a)

Huwag ipilit ang karapatan.

b)

Bumusina.

c)

Laging ipilit ang karapatan.

40.

Ang top box sa likod ng upuan ay dapat aprubado ng DTI, nakakabit ng husto, na may kapasidad na hindi lalagpas sa _________.

a)

Isang (1) full-faced helmet.

b)

Dalawang (2) full-faced helmet.

c)

Tatlong (3) full-faced helmet.

41.

Ano ang tamang senyas kung liliko pakanan?

a)

b)

c)

42.

Ano ang ibig sabihin ng patay-sinding dilaw na trapiko?

a)

Magmarahan at magpatuloy kung walang panganib.

b)

Huminto at hintayin magbago ang ilaw.

c)

Hintayin ang berdeng ilaw.

43.

Anong dapat gawin bago lumiko sa kanan o kaliwa?

a)

Magbigay ng hudyat o senyas na hindi kukulangin sa 30 metro ang layo.

b)

Biglang lumiko at bumusina.

c)

Ipagwalang bahala ang hudyat.

44.

Hindi dapat lumusot (mag-overtake) sa paanan ng tulay sapagkat _____.

a)

May tumatawid.

b)

Hindi nakikita ang kasalubong na sasakyan.

c)

Makipot ang daan.

45.

Sa paglipat-lipat ng linya, dapat kang sumenyas, tingnan ang rear view mirror at ____.

a)

Tingnan kung may paparating na sasakyan.

b)

Bumusina.

c)

Sindihan ang headlight.

46.

Sa highway na may dalawang guhit, maaari kang lumusot (mag-overtake) kung sa iyong panig ay ______.

a)

Tuloy-tuloy na puting guhit.

b)

Putol-putol na dilaw na guhit.

c)

Tuloy-tuloy na dilaw na guhit.

47.

Ang hindi pagsunod sa ilaw trapiko ay ____.

a)

Nagpapatunay na mahusay kang drayber.

b)

Maaaring ikaw ay masangkot sa aksidente.

c)

Nakakatipid sa gasolina.

48.

Ang isang may lisensya ay maaaring magmaneho ng _______.

a)

Pampasaherong sasakyan lamang.

b)

Kahit anong uri ng sasakyan.

c)

Sasakyang nakasaad sa lisensya.

49.

Ano ang kahulugan ng tuloy-tuloy na guhit na kulay dilaw?

a)

Tama lahat ang sagot.

b)

Maaaring lumusot (mag-overake).

c)

Bawal lumusot.

50.

Ano ang kahulugan ng senyas tapiko na kulay asul at puti na parihaba o parisukat ang hugis?

a)

Nag-uutos ng direksyon.

b)

Nagbibigay babala.

c)

Nagbibigay impormasyon o kaalaman.

51.

Kung ang nakasalubong mo ay may nakasisilaw na ilaw, ano ang dapat mong gawin?

a)

Titigan ang may nakasisilaw na ilaw.

b)

Silawin din ang may nakasalubong upang magbaba ng ilaw.

c)

Tumingin ng bahagya sa gawing kanan ng kalsad.

52.

Ang dilaw na linyang putol-putol ay palatandaan na ________.

a)

Pinapayagan ang paglusot sa kanan.

b)

Ipinagbabawal ang paglusot sa kanan o kaliwa.

c)

Pinapayagan ang paglusot sa kaliwa.

53.

Kailan dapat magdesisyon ang isang drayber?

a)

Kung buhol-buhol na ang trapiko.

b)

Kung mahusay siyang magmaneho.

c)

Habang siya ay nagmamaneho.

54.

Ano ang kahulugan ng berdeng ilaw trapiko?

a)

Senyas upang patakbuhin ang sasakyan.

b)

Huminto sa nakatakdang linya.

c)

Maaari kang tumuloy, bagalan lamang ang takbo.

55.

Ano ang ibig sabihin ng berdeng palaso na signal trapiko?

a)

Nagpapahintulot sa pagtawid ng mga taong tatawid.

b)

Nagpapahintulot sa sasakyan na kumaliwa o kumanan.

c)

Hindi pinapayan ang pagpasok sa interseksyon na itinuturo ng palaso.

56.

Ano ang ibig sabihin ng puting linya sa daan?

a)

Palatandaan na maaaring lumusot ng pakanan o pakaliwa.

b)

Naghihiwalay sa trapiko na tumakbo sa isang direksyon.

c)

Naghahati sa mga "lanes" na tumakbo sa isang direksyon.

57.

Ano ang kahulugan ng senyas trapikong kulay pula na tatsulok ang hugis.

a)

Nagbibigay impormayon/kaalaman.

b)

Nagbibigay babala.

c)

Nagtatakda.

58.

Ano ang kahulugan ng patay-sinding ilaw na pulang ilaw trapiko?

a)

Huminto sa nakatakdang linya.

b)

Huminto sandali at ituloy ang pagpapatakbo kung walang panganib.

c)

Bilisan ang pagpapatakbo.

59.

Ano ang kahulugan ng senyas trapikong kulay pula na pabilog, octagon o baligtad na tatsulok?

a)

Nagbibigay impormayon/kaalaman.

b)

Nagbibigay babala.

c)

Nagtatakda o nagbabawal.

60.

Ano ang kahulugan ng dilaw na palasong signal trapiko?

a)

Naghuhudyat ng pakanan o pakaliwang direksyon.

b)

Nangangahulugan na ang pulang palaso na signal trapiko ay malapit ng sumindi.

c)

Nagpapahintulot sa mga sasakyan na kumanan, kumaliwa o dumiretso.

61.

Kung parating ka sa isang kurbada, ano ang dapat mong gawin?

a)

Magmarahan/bagalan ang takbo bago dumating sa kurbada.

b)

Bilisan ang takbo habang nasa kurbada.

c)

Magpreno nang bigla habang tumatakbo sa kurbada.

62.

Ano ang kahulugan ng dilaw na signal trapiko?

a)

Maaari kang tumuloy, bagalan lamang ang pagpapatkbo.

b)

Humanda sa paghinto at malapit nang sumindi ang ilaw trapiko na kulay pula.

c)

Huminto.

63.

Ang puting linyang puto-putol ay palatandaan na ________________.

a)

Maaaring lumusot pakaliwa o pakanan kung walang pelgro.

b)

Ipinagbabawal ang paglusot sa kanan.

c)

Ipinagbabawal ang paglusot sa kaliwa.

64.

Kung parating ka sa isang kurbada ano ang dapat mong gawin?

a)

Magmarahan/bagalan ang takbo bago dumating sa kurbada.

b)

Bilisan ang takbo habang nasa kurbada.

c)

Magpreno nang bigla habang tumatakbo sa kurbada.

65.

Ang dalawang dilaw na linya na tuloy-tuloy ay palatandaan na _____.

a)

Peligroso ang lumusot sa pakanan.

b)

Maaaring lumusot pakaliwa.

c)

Maaaring lumusot pakanan.

66.

Kung masangkot sa isang sakuna, dapat itong ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

a)

Kaagad-agad.

b)

Sa loob nang 72 hours.

c)

Sa loob ng 48 hours.

67.

Kung ang drayber ng sasakyan na nasa unahan mo ay naglabas ng kaliwang kamay at inunat ito paitaas, nakakatiyak ka na siya ay ______.

a)

kakaliwa

b)

Kakanan

c)

Hihinto

68.

Kung umilaw ang "brake lights" ng sasakyang nasa unahan mo, dapat kang ____.

a)

Lumiko sa kanan o kaliwa.

b)

Bumusina

c)

Humanda sa pagpreno.

69.

Kailangang magbigay ng senyas kung kakanan o kakaliwa ang drayber sa darating na intersekyon sa layong _______.

a)

15 metro

b)

60 metro

c)

30 metro

70.

Ano dapat gawin kung pinahihinto ng pulis?

a)

Huminto at makipagtalo sa pulis.

b)

Huwag pansinin ang pulis at bilisan ang pagpapatakbo.

c)

Huminto at ibigay ang lisensya at ibang papeles ng sasakyan kung hinihingi.

71.

Sa isang sangandaan/intersksyon na walang senyas trapiko, dalawang sasakyan ang dumating sa magkabilangang kalye, aling sasakyan ang dapat magbigay?

a)

Ang unang nagmarahan.

b)

Ang unang dumating.

c)

Ang huling dumating.

72.

Ang isang drayber ay itinuturing ng Professional kung ______.

a)

Kaya niyang magmaneho ng kahit anong uri ng sasakyan.

b)

Siya ay inuupahan o binabayaran sa pagmamaneho ng sasakyang pribado o pampasahero.

c)

Siya ay bihasa na sa pagmamaneho.

73.

Sa naka-motorsiklo na may balak lumiko pakanan, ang dapat gamitin na senyas ay ______.

a)

Kanang kamay na nakataas.

b)

Kaliwang kamay na nakataas.

c)

Kaliwang kamay na nakaunat pakaliwa.

74.

Ano ang dapat mong gawin upang malabanan ang pagod at antok sa mahabang byahe?

a)

Uminom ng gamot na pampigil ng antok.

b)

Huminto paminsan-minsan at magpahinga.

c)

Uminom ng alak bago magpahinga.

75.

Kung gusto mong magpalit ng lane sa highway, kailangang magsignal _____.

a)

Sampung segundo bago gawin ito.

b)

Isang minuto bago gawin ito.

c)

Limang mnuto bago gawin ito.

76.

Lang Transportation Office is also known as _______.

a)

R.A. 4136

b)

R.A. 8749

c)

R.A. 8750

d)

R.A. 10586

e)

R.A. 10054