wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Dignidad

Total questions: 1

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Time Allotment: (4 minutes)


Panuto: Ang guro ay magpapakita ng iba’t ibang mga sitwasyon kung saan ang mga bata ay kinakailangang magbigay ng kanilang mga gagawin at opinyon tungkol dito. 

Dilemma: 

Si Alvin ay isang mabait at masipag na estudyante. Siya ay nagmula sa simpleng pamilya, kung saan ang kanyang ama ay nagtatrabaho bilang kolektor ng basura sa kanilang maliit na bayan. Kahit na may mga hamong pang pinansyal, lagi pa rin ibinibigay ni Alvin ang kanyang buong husay sa paaralan at pangarap niyang makapagtapos para mapabuti ang kalagayan ng kanilang pamilya. Ngunit ang mga kamag-aral ni Alvin, na pinangungunahan ng grupo ni Bogart, ay madalas siyang pagtawanan at asarin dahil sa trabaho ng kanyang ama. 

Pinagdidiskitahan nila siya dahil sa pagiging "anak ng basurero" at binabalewala ang kanyang mga pangarap sa kanyang pag-aaral;. Palagi siyang nakakaramdam nang matinding kalungkutan dahil sa mga sinasabi ng kanyang mga kamag-aral sa kanya at nawawalan siya ng gana mag-aral dahil dito. Isang araw ay lumapit si Alvin sa kanyang guro at sinabi ang mga ginagawa sa kanya ni Bogart. Pinatawag ng guro si Bogart at nagkaroon sila ng mataimtim na usapan, dito sinabi ni Alvin na sobrang nasasaktan na sya sa mga ginagawa ni Bogart at hindi na ito isang biro para sa kanya. Noong malaman ito ni Bogart ay humingi siya ng tawad kay Alvint at napagtanto na mali ang kanyang ginagawa nangako siyang hindi na uulitin pa ang pang-aasar nito sa kanya. Ngunit para kay Alvin ay hindi ganun kadali na lamang tanggapin ang kanyang karanasan kay Bogart kung kaya't hindi nya alam kung patatawarin niya si Bogart upang hindi na siya makatanggap ng mababang grado sa kanyang conduct o hayaan na lamang ni Alvin ay makakuha ng mababang marka sa conduct dahil sa pang-aasar sa kanya.

4 lines