wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q2 M3 - ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT PAGTATAGUYOD NG DIGNI

Total questions: 20

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.
Gumagawa ang tao upang mabigyan ng kabuluhan ang kanyang pag-iral.
a)
TAMA
b)
MALI
2.
Kailangang ituon lamang ng tao ang kanyang sarili sa Pagtatrabaho upang kumita ng pera para sa kanyang pangangailangan.
a)
MALI
b)
TAMA
3.
Ang paggawa ay may panlipunang aspektong unit maaaring ihiwalay ng tao ang kanyang personal na mga hangarin dito.
a)
TAMA
b)
MALI
4.
Ang paggawa ay isang obligasyon.
a)
TAMA
b)
MALI
5.
May mga tao na ang paggawa na lamang ang saysay ng kanilang pag-iral.
a)
MALI
b)
TAMA
6.
Mahalagang parang iisang taong kumikilos ang lahat.
a)
MALI
b)
TAMA
7.
Ang pakikipagkapwa ang tunay na panlipunang layunin ng paggawa.
a)
TAMA
b)
MALI
8.
Ang paggawa ay para sa sariling kapakinabangan.
a)
MALI
b)
TAMA
9.
Ang gawain ng tao ay likas na nakaugnay sa kapwa.
a)
TAMA
b)
MALI
10.
Hindi magbubunga ang pagsisikap ng tao kung wala ang kanyang kapwa.
a)
TAMA
b)
MALI
11.
Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa:
a)
Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
b)
Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa.
c)
Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain.
d)
Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapuwa.
12.
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa isa:
a)
Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay kaniyang inilalaan sa loob ng isang silid para sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.
b)
Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa lamang siya sa kaunting barya na ibibigay ng kaniyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos.
c)
Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan na siya ng kaniyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroon siyang naiwang utang at hindi nabayaran. Bilang kapalit, si Anthony ay magtatrabaho rito ng ilang taon.
d)
Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kanilang komunidad dahil sa kaniyang pulidong trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas mapatitibay at mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bagay.
13.
Ang mga tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
a)
Hindi nararapat na pera ang layunin sa paggawa.
b)
Likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
c)
Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
d)
Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapuwa bago ang sarili.
14.
Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
a)
Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahahawakan ng tao.
b)
Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
c)
Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain.
15.
Sino sasumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?
a)
Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa.
b)
Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong desinyo.
c)
Si Sheila na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyong panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.
d)
Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa material na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga.
16.
Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
a)
Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapuwa.
b)
Kailangang kasamasa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapuwa.
c)
Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
d)
Lahat ng nabanggit.
17.
Ano ang obheto ng paggawa?
a)
Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha.
b)
Tunay na layunin ng tao sa paglikha ng mga produkto.
c)
Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto.
d)
Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
18.
Saan nakikita ang tunay nahalaga ng paggawa?
a)
Sa kalidad ng produkto na nilikha.
b)
Sa katotohanan na ang gumagawa o lumikha ng produkto ay tao.
c)
Sa proseso na pinagdadaanan bago malikha ang isang produkto.
d)
Sa haba ng panahon na ginugugol upang malikha ang isang produkto.
19.
Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
a)
Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan ang paggawa upang makamit ang kaniyang kaganapan.
b)
Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangans iya upang mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.
c)
Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit hindi dapat iasa lamang niya ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapuwa.
d)
Kapuwa tao rin niya ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos niya ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.
20.
Alin sasumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng paggawa?
a)
Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
b)
Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapuwa.
c)
Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa.
d)
Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapuwa.