NEW
Font size
S
M
L
XL
WorksheetsQ3 M1 - KATARUNGANG PANLIPUNAN
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Name
Class
Date
1.
Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
a)
Kumakain nang sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
b)
Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kaniyang gawaing bahay.
c)
May “Feeding Program” ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
d)
May bumibili sa lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.
2.
Alin sa sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?
a)
Tinawagan ng guro ang mag-aaral na gusto ng huminto sa pag-aaral upang kausapin siya at ang kaniyang magulang na ipagpatuloy nito ang pag-aaral.
b)
Nagkita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang baranggay tuwing Sabado ng hapon upang maglaro ng basketball.
c)
Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal ng bansa.
d)
Inaalam ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan.
3.
Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
a)
Paggalang sa karapatan ng bawat isa.
b)
Palaging nakasasalamuha ang kapwa.
c)
May ugnayan na namamagitan sa dalawang tao.
d)
Tutulong ang mga mayayaman sa mga mahihirap.
4.
Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
a)
Natututong tumayo sa sarili at hindi na umasa ng tulong mula sa pamilya.
b)
Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
c)
Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi nanisi ng iba pa.
d)
Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba.
5.
Bakit mahalaga sa katarungan na ibinabatay sa moral na batas ang legal na batas?
a)
Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
b)
Ang moral at legal na batas ay nagdudulot ng kabutihan sa tao.
c)
Ang pagpapakatao ay napapatingkad kung legal na batas ay alinsunod sa moral na batas.
d)
Hindi maaaring paghihiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungan sa lipunan.
6.
“Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
a)
Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay nabubuhay.
b)
Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin lahat ng mga ito.
c)
Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay kung susuwayin niya ang mga itinakda na batas.
d)
Itinakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang kaniyang buhay.
7.
Alin ang makabuuang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?
a)
Igalang ang karapatan ng kapwa.
b)
Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng batas.
c)
Sundin ang batas trapiko at mga alituntunin ng paaralan.
d)
Pag-aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan, paaralan, lipunan, at simbahan.
8.
Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang at dignidad ng tao?
a)
Binubuo ng tao ang lipunan.
b)
Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao.
c)
Mahalaga ang pakikipagkapwa sa lipunang kinabibilangan.
d)
May halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao.
9.
Ang sumusunod ay mabisang pagsasanay sa pagiging makatarungan MALIBAN sa:
a)
Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.
b)
Pag-unawa sa kamag-aral na nangongopya tuwing pasulit.
c)
Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.
d)
Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapwa araw-araw.
10.
Bakit mahalagang mauunawaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng katarungang panlipunan?
a)
Mapagnilayan mo kung ano sa mga sitwasyong makatotohanan.
b)
Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan.
c)
Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo para sa iyong sarili.
d)
Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na pagpakatao at sa pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan sa kapwa.
Reset
