NEW
Font size
S
M
L
XL
WorksheetsQ4 M2 - PAGHAHANDA UPANG MAKAMIT ANG MINIMITHING URI NG PAMUMUHA
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Name
Class
Date
1.
Ano ang kalipunan ng kakayahang tumutukoy sa mga pagpapahalagang kaugnay ng paggawa gaya ng entegridad sa tungkulin, inisyatibo o pagkukusa, pamamahala sa oras, pagiging bukas sa mga bagong kaalaman, at kalidad sa paggawa?
a)
Komunikasyon
b)
Pagbabasa
c)
Pagmamasid
d)
Personal na kakayahan
2.
Ano ang tumutukoy sa mga pagsasanay, pag-aaral, posisyon o iba’t ibang trabaho, at mga paghahanda na ating pinagdaraanan upang matamo ang ating nais na uri ng pamumuhay o career goal?
a)
Career Path
b)
Komunikasyon
c)
Propesyonalismo
d)
Transferable Skills
3.
Ang sumusunod na mga pahayag ay tama maliban sa _______.
a)
Bawat kakayahan ang makakatulong upang magtagumpay sa hinaharap.
b)
Ang mga pundasyong kakayahan ay kailangan sa lahat ng hanapbuhay.
c)
May mga angkop na kakayahan na kailangan sa bawat hanapbuhay.
d)
Nagkakatulad ang mga kakayahang kailangan sa iba’t ibang hanapbuhay.
4.
Ito ay abilidad na isagawa ang isang gawain na maaring bunga ng kaalaman, pagsasanay o natural na talento.
a)
Kakayahan
b)
Kilos
c)
Interest
d)
Paggawa
5.
Mahalaga ang matalinong pagpili sa kurso at trabaho sapagkat _________.
a)
Sa pamamagitan nito magiging madali ang trabaho.
b)
Nakasalalay dito ang laki ng makukuhang sahod sa hinaharap.
c)
Higit na nakikilala ang sariling potensiyal sa pamamagitan nito.
d)
Nakasalalay dito ang kasiyahan at tagumpay sa mapipiling trabaho.
6.
Alin sa mga sumusunod na suliranin ang dapat bigyan pansin ng pamahalaan na maaaring maging susi sa pag-unlad ng ekonomiya nito?
a)
Ang dumaraming bilang ng manggagawang Pilipino na inaabuso sa ibang bansa,
b)
Ang patuloy na pagdami ng Pilipinong walang trabahong mapapasukan,
c)
Ang mga batas na hindi naipapatupad upang makalikom ng buwis sa kita ng mga manggagawa,
d)
Ang kawalan ng sapat na impormasyon sa mga trabahong lokal o maging sa ibang bansa na angkop sa hilig, talento at kakayahan na ayon sa kursong natapos.
7.
Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat isaalang-alang upang maging matagumpay ang isang tao bilang kabahagi sa mundo ng paggawa maliban sa:
a)
Ang kanyang hilig, talento at kakayahan.
b)
Ayon sa demand na kailangan sa paggawa.
c)
Ang kursong kukunin na ayon sa kasanayan mayroon siya.
d)
Ang benepisyong makukuha para sa sarili, pamilya at lipunan.
8.
Isinasabuhay ng pamahalaan ang kanyang tungkulin sa kanyang mamamayan sa pamamagitan ng _______________
a)
paglikha ng maraming trabaho para sa kanyang mamamayan.
b)
pagbibigay ng sapat na impormasyon sa mga batas na nilikha para pangalagaan ang kanyang karapatan.
c)
pagsasaayos sa sistema ng pamamahala upang mawakasan ang kurapsyon at maling pagsasabuhay ng tungkulin.
d)
paglulunsad ng mga programang pampagkatuto na magagamit ng kanyang mamamayan sa paggawa at mithiin ng lipunan ang kabutihang panlahat.
9.
Kung isasabuhay mo ang iyong mga pangarap, alin sa mga sumusunod ang maaaring makatulong sa iyo?
a)
Mga kasanayan ayon sa lipunang kinabibilangan.
b)
Pagpili ng kurso ayon sa talento, hilig, at kakayahan.
c)
Pagsasabuhay ng mga kaalamang ibinahagi ng magulang, guro, at kaibigan.
d)
Mga karanasang pampagkatuto na gagamitin sa pagtatayo ng negosyo.
10.
Ang pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at palakasan, negosyo o hanapbuhay na angkop sa sariling talento, kakayahan at hilig ay makakatulong sa pag unlad ng ekonomiya ng bansa. Ang pangungusap ay:
a)
Tama, ang maling pagpili ng kurso na ayon sa iyong sariling talento, kakayahan at hilig ay nangangahulugang karagdagang problema sa isyu ng job mismatch.
b)
Mali, ang pag-unlad ng bansa ay responsibilidad ng pamahalaan at hindi ng kanyang mamamayan.
c)
Tama, ang pagpili ng tamang kurso ayon sariling talento, kakayahan at hilig ay hakbang sa minimithing trabaho at buhay sa hinaharap para sa sarili, pamilya, kapwa at bansa.
d)
Mali, ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa mga batas na gagawin at ipatutupad nang mga naihalal na ng taong bayan
Reset
