wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 6 - Pagsasanay para sa Mga Pang-ugnay

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

A. Piliin ang angkop na pang-ukol na bubuo sa diwa ng pangungusap.

Noong Marso 2022, ipinagdiwang ng ating paaralan ang STEM Week ________ temang “STEM up your game”.

a)

ayon kay

b)

hinggil sa

c)

mula sa

d)

laban sa

2.

A. Piliin ang angkop na pang-ukol na bubuo sa diwa ng pangungusap.

Iba’t ibang gawain ang inihanda ng STEM Team ________ programang ito.

a)

laban sa

b)

ayon sa

c)

para sa

d)

mula sa

3.

A. Piliin ang angkop na pang-ukol na bubuo sa diwa ng pangungusap.

Bawat araw ay may gawaing itinalaga ang STEM Team __________ Gng. Montalvo, Gng. Cabatuando, at Gng. Lumbre.

a)

ayon kay

b)

ayon kina

c)

para kay

d)

para kina

4.

A. Piliin ang angkop na pang-ukol na bubuo sa diwa ng pangungusap.

____________ panuntunan ng STEM Team, dapat magpasa ang mga mag-aaral ng Baitang 6 ng screenshot ng kanilang marka sa mga laro na nasa BTS website.

a)

alinsunod sa

b)

tungkol sa

c)

para sa

d)

laban sa

5.

A. Piliin ang angkop na pang-ukol na bubuo sa diwa ng pangungusap.

Layunin ng mga laro ________ BTS website ay magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan ang klase sa pagkamit ng iisang layunin – ang matuto.

a)

ayon sa

b)

hinggil sa

c)

laban sa

d)

mula sa

6.

B. Piliin ang angkop na pangatnig na bubuo sa diwa ng pangungusap.

Bilang bahagi ng programa ng STEM Week, dumalo sa iba’t ibang sesyon ang mga mag-aaral ______ oras ng Genius Hour noong Marso 9.

a)

habang

b)

kaya

c)

pero

d)

samakatwid

7.

B. Piliin ang angkop na pangatnig na bubuo sa diwa ng pangungusap.

Ang mga sesyong ito ay tungkol sa paksang Visual Art, Marine Biology, Genetic Counseling, _____ Health and Wellness.

a)

at

b)

o

c)

sapagkat

d)

subalit

8.

B. Piliin ang angkop na pangatnig na bubuo sa diwa ng pangungusap.

Ang mga mag-aaral ay binigyan ng pagkakataong pumili ng kanilang nais daluhan ________ pinili nila ang paksang may kaugnayan sa kanilang talento.

a)

habang

b)

ngunit

c)

kapag

d)

kaya

9.

B. Piliin ang angkop na pangatnig na bubuo sa diwa ng pangungusap.

Ipinakita ng iba’t ibang sesyon na magagamit ang mga kasanayan sa STEM sa iba’t ibang larangan ______ mahalaga ang mga kasanayang itinuturo para linangin ang buong pagkatao ng isang mag-aaral.

a)

kapag

b)

pati

c)

pero

d)

samakatwid

10.

B. Piliin ang angkop na pangatnig na bubuo sa diwa ng pangungusap.

Maiksi man ang oras na ibinigay para sa sesyong ito _______ maraming kaalaman at karanasan naman ang natutunan ng mga mag-aaral.

a)

at

b)

subalit

c)

sapagkat

d)

habang